Share

Chapter 1: Captain Sierra

Ezra's POV

It's been ten years simula noong mawala si Chase and today is supposedly our 24th birthday celebration but I don't want to celebrate it.

Simula nang mawala s'ya ay ayoko ng mag celebrate ng kahit na ano 'cause it remind me the day he never comes back. Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa table katabi ng laptop ko ng mag-ring ito.

It's my mom. 

Alam kong kukulitin na naman n'ya ako, pero mas maganda atang magtagal nalang ako dito sa office o kaya mag-reason out nalang?

Matapos kong i-send sa email ang report ko para sa mga natapos kong misyon ay pinanuod ko ang panibagong video na ipinadala sa akin ni Dia.

Kuha ito sa CCTV footage malapit sa mall tungkol sa pag dukot sa anim na taong gulang na bata at iba pang nawawalang kababaihan.  Mukhang, ito ang panibagong misyon ko.

       "Captain Sierra?"

Napaangat ako ng tingin ng makita si Justin na hawak ang isang mug. Tinanguan ko lang ito ng mailapag n'ya sa table ko ang kapeng dala at ibinalik ang tingin sa laptop at pinlay ulit ang video.  

Kung nag tataka kayo, kung bakit Sierra ang itinawag sa akin ni Justin dahil bawat miyembro ng Black Crystal Revolution ay may kaniya-kaniyang code name. Para na rin ito sa kaligtasan namin at hindi kami basta-basta makikilala ng mga kalaban. 

"Alam mo ang busy mo na this day. S***a besh, baka mag tampo na si mameh mo n'yan." Si Justin habang prenteng nakaupo sa harap ko.

Bakla si Justin at mismong ang tatay n'ya ang nagpasok sa kaniya sa organisasyon na 'to, para daw mapag-isipan n'ya pa ang gusto kahit na halata namang bumigay na ang isang 'to. 

"Madali lang mag-rason na busy ako." tamad kong saad at nag kibit-balikat lang s'ya.

Alam kong hindi lang sahod ang habol ni Justin kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin s'ya. Well, isa na rin sa mga rason ay marami ring lalaki dito na halos araw-araw n'yang nakikitang topless. Mas malala pa noon kapag s'ya ang nag ti-training sa mga ito.

Busog lagi ang mata ni bakla. 

Napatingin ulit ako sa cellphone ng mag-ring ito and this time si Cody na ang tumatawag. Walang gana kong pinindot ang answer button at tamad ko itong itinapat sa tainga ko para marinig ang sasabihin ng spoiled brat na 'to. 

"Oh?" Tamad kong saad habang nakatingin sa laptop.

"Wowwowwow! HAPPY BIRTHDAY TO THE MOST BEAUTIFUL-ay si mommy pala ang pinakamaganda, second ka lang Ezra! Pero dahil birthday mo sige ikaw muna ang pinakamaganda ngayon! HAHAHAHA! Happy birthday!! Nasaan ka raw sabi ni mommy."

Napairap nalang ako sa narinig. At mukhang nag kakagulo sila sa bahay dahil napaka-ingay sa kabilang linya. 

"Office." sagot ko at narinig ko pa ang pag sigaw ni mommy.

"HAPPY BIRTHDAY ANAKKK! umuwi ka na dito marami kaming hinan-, Mom wait!- ano ba Cody! Kausap ko pa ang maganda kong anak!" Napairap nalang ako dahil malamang nag aagawan na naman sila ng cellphone. 

Mas matanda ako kay Cody ng isang taon, pero dahil ipinanganak s'yang walang galang ay ayaw n'yang tawagin akong ate, sa anong kadahilanan? Mas mukha pa raw s'yang matanda kesa sa akin.

Abnormal diba? In-off ko nalang ang cellphone ko ng mai-hung up ko na ang tawag. 

"Let me guess? Hindi pa din nila alam na Captain ka na ng organisasyon." napatingin ako kay Justin na nakatayo habang hawak ang makapal na libro.

Pagod akong napasandal sa swivel chair na kinauupuan ko. 

"Wala akong planong ipaalam." malamig kong sambit.

Alam kong hindi nila matatanggap ang pagsali ko rito dahil ito ang dahilan kung bakit nawala si Chase pero sa tingin ko, ito rin ang daan para mahanap ko s'ya at maibalik sa pamilya ko. Hindi ako naniniwalang patay na s'ya. 

"Paano kung maging proud naman pala sila sayo? O kaya matuwa? Baka masyado ka lang nag o-overthink sa mga bagay." inosenteng sabi ni Justin na ngayon ay nakatingin na sa akin pero marahan lang akong umiling. 

"You don't know my family more than I do. Baka pag nalaman nilang kasapi ako sa organisasyong halos isumpa na nila noon ay maitakwil nila ako ng di-oras." seryosong saad ko. 

"Grabe dzai. Nakakapagod mag-reason out palagi. Umiwas sa kanila or kung ano pa man ang ginagawa mo. Mag-isa ka lang palagi, I must say na kahit papano mas maswerte ako sayo. Hindi man tanggap ng tatay ko ang pagiging binabae ko... pero at the end of the day nandiyan pa rin s'ya sa akin. Ginagamot ang sugat ko, sinasalubong at kinakamusta ako pati na ang organisasyon." may awa sa boses nito pero nakuha pa nitong ngumiti. 

Tama s'ya. Kahit papano maswerte s'ya dahil nandiyan ang tatay n'ya. Ako? Yes I have my family but not when I'm enduring the pain of gunshot. This is my deepest secret, being the Captain of Black Crystal Revolution. 

"Captain?"

"Oy! Ranz! What brings you here! Ako ba hanap mo? Hihihi," ang malanding si Justin ay nag uumpisa na naman.

Napakamot naman sa ulo si Ranz nang makita si Justin na nandirito sa opisina ko.

"Ah, actually birthday kasi ni Captain Sierra ngayon. I just want to greet her!" Masigla nitong sabi at inilahad pa sa akin ang box na ibinalot pa sa gift wrap, may kasama rin itong bouquet. 

Napa-O lang si Justin habang ako naman ay walang kahit na anong reaksyon. 

"Thanks, but no thanks. Hindi ako tumatanggap ng regalo." malamig kong saad at bagsak ang balikat nitong lumabas ng opisina dala-dala ang bulaklak at regalo na planong ibigay sa akin. 

"Ay, ang harsh beshie! Why naman gurl? Ang gwapo kaya ni fafa Ranz!" Nanghihinayang na sabi ni Justin pero hindi na ako umimik.

Wala akong panahon para sa mga ganiyan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mahanap ang kakambal ko.

"Ay shutaaa! Oo nga birthday mo pala talaga ngayon! Tara punta tayo sa inyo makikilamon ako!" Wika nito pero hindi ko s'ya pinansin at nag concentrate nalang sa kanina ko pang pinapanuod pero hindi ko pa man natatapos ay si Justin na mismo ang nag off at nag ligpit ng laptop ko at agad akong hinila patayo. 

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba ng kotse kasama si Justin na kasalukuyan pang nakanganga. 

"S***a besh!? Ang ganda dito, omg mansion na ata 'to!" Masaya nitong sabi habang nililibot ng tingin ang buong paligid.

       "Tara na nga.." tamad kong saad at nagpatiunang pumasok sa loob. 

       "Ezra, anak?" Yung reaksyon ni mommy na talagang hindi makapaniwalang nandito ako. 

       "Yay! Buti naman dumating kaaaa! Kanina pa kaya ako nagugutom!" Nakasimangot na sabi ni Cody habang napatingin kay Justin.

       "Who is this handsome young man?" Si daddy na tiningnan pa si Justin mula ulo hanggang paa, don't worry hindi naman judgemental ang daddy ko. 

       "Hello po Mr and Mrs Mendivel." pormal na bati ni Justin na walang mababakas na kabaklaan kaya naman ay naupo na ako sa couch habang si kuya Shan naman ay binigyan ako ng tingin na Who-is-that-guy-look. 

       "He's Jus---" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng sumabat na si mommy na may patakip takip pa ng bibig at para bang kinikilig. 

       "Omg!!! He's your boyfriend! I knew it! I knew it!" Napatingin naman silang lahat sa akin at maging ang mga katulong ay ganoon din. 

Tsk. Ma-issue si mom. 

       "He's not my boyfriend. Kaibigan ko si Justin and FYI lalaki rin ang hanap n'yan." walang gana kong sabi at laglag ang panga ni mommy dahil hindi s'ya makapaniwala sa narinig. 

"O-Okay, kainan na!" Awkward na anunsyo ni Cody at nauna ng kumuha ng pagkain. 

I don't know why pero atat na atat na si mommy na magka boyfriend ako ulit- pero I don't want to waste my time para sa ganiyang bagay, Chase needs me this time.  Nang matapos akong kumain ay pumunta muna ako sa garden, where we used to play here years ago. 

      "Happy Birthday sissy."

Agad akong napatingin sa likuran then there, I saw my kuya Shan. The heartthrob and famous billionaire.

Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang nag papapansin kay kuya mapa-office man o hindi. He's perfect! Gentleman, matalino, gwapo at hindi babaero. 

"Thanks kuya." ngumiti ako ng makalapit s'ya sa akin at niyakap ako. 

"Our princess is getting old. May prince charming na ba?" Pang-aasar nito kaya mabilis ko s'yang hinampas. 

"I am not into any relationships.." saad ko at inilabas n'ya ang isang box na may diamond necklace.

Hindi ako materialistic na tao, I don't do shopping not unless kailangan na kailangan ko na talaga. But I do appreciate someone's effort. 

"You deserve to be happy." Saad nito at s'ya na mismo ang nag suot ng kwintas sa akin.

Mapait akong ngumiti at nag iwas ng tingin. 

Really? Pero bakit pakiramdam ko hindi? Why do I feel I shouldn't be happy kasi we are not complete. 

"Maybe, maybe not.." tugon ko lang at tumingala para tingnan ang mga butuin sa magandang langit.

Nakita ko rin sa peripheral vision ko na ganoon din ang ginawa n'ya. 

"Bad things meant to be happen, kahit ayaw nating mangyari 'yon we cannot change the fact na nangyari na. Tapos na, we should continue living. World won't stop dahil lang sa nawalan tayo." makahulugang saad ni kuya at kusa ng tumulo ang luha sa aking mga mata. 

I won't ever let go of Chase. Not this time. Nararamdaman kong buhay pa s'ya at kailangan n'ya ako, kami na pamilya n'ya. Kung nasaan man s'ya ngayon sana ay maayos s'ya, sana may nag mamahal rin sa kaniya.

My twin brother don't deserve to be hurt like this! I know he's tough, pero alam kung malambot ang puso n'ya. 

"If I was just able to convinced him that time, I'm pretty sure he's here now... celebrating our birthday." naisatinig ko at napatingin na sa akin si kuya Shan. 

"E-Ezra-"

"Bakit ba ina-allow niyang masaktan tayo? Chase don't deserve na malayo at hindi tayo makasama. He's good to be true, but look what happened?" Punong-puno ng hinanakit kong saad.

Niyakap naman ulit ako ni kuya.

"Come on, walang may gusto ng nangyari. Don't lose hope dahil nawala s'ya sa atin. Always remember na hindi mo kailangang i-stuck ang sarili mo sa nakaraan." pag aalo n'ya sa akin at tanging tango lang ang naitugon ko. 

Pinunasan ko ang mga luha ko ng makitang lumapit sa amin si Cody.

Ayokong asarin n'ya 'ko! 

"Happy birthday sis. I am so happy na nandito ka after almost a years na hindi mo ceni- celebrate ang birthday mo.." saad nito at iniabot ang flowers at regalo niya sa akin. 

Isa mang dakilang alaskador si Cody pero malambot naman ang puso n'ya. Favorite n'ya akong asarin pero alam kong hanggang doon lang 'yon. Cody is a good man, may pagka-babaero man pero maybe he's doing that on purpose. 

Before I became heartless I was the person who spread love to others. Before I became emotionless I was a bubbly and always happy, plastering my ear to ear smile to anybody. 

Maybe that will happen when you experience too much pain. Maybe, because I'm hurt. Kaya every person needs to be understood. May kaniya-kaniya silang rason kung bakit nga ba sila naging ganito. 

"You are the treasure of Mendivel's. Alagaan mo ang sarili mo dahil ma-pride ka pa naman. 'cause you don't want to be taking care of. " Seryosong saad ni Cody at saka umakbay sa akin. 

He's still my caring little brother but turns out na parang kuya ko pa. He's protective at talaga namang tinalo n'ya pa ang kapeng barako sa sobrang tapang kapag may mga planong umaligid sa akin.

Isa rin itong kinababaliwan ng kababaihan. Aba, madalas atang may mag punta dito at pinaghahanap s'ya. Hindi pa nga s'ya nag-aartista ang dami na n'yang fans! 

But I will be his number one basher. Number one basher kapag hindi n'ya pa inaayos ang buhay n'ya at habang buhay s'yang mang-bababae. Our baby Cody is getting older too, baka next time nito mauuna pa ata s'yang magpa-kasal. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you like it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status