Share

Chapter 4: Pabio Mendivel

Ezra's POV

Nang makita kong isinakay na si Justin sa sasakyan ay agad ko itong sinundan hanggang sa makarating sila sa isang building o para bang isang hide out.

Ilang minuto pa akong naghintay pero bigla na lang may dumating na mga armadong kalalakihan at pinalibutan nila ang buong hide out. Sigurado akong kalaban nila ang mga 'to.

Nainip na ako sa kakahintay na baka pumasok sila sa loob ang kaso wala, mga nagbubulungan pa kung susugod pa ba sila o hindi.

Mga baliw diba? 

Ako na mismo ang sumugod sa kanila hanggang sa binaril ako ng isa pero imbes na ako ang tamaan 'yung kasamahan n'yang nasa likod ko ang nabaril.

Tsk, kailangan ko atang i-seminar ang mga 'to para naman mag-upgrade ang shooting skills. Nang maubos ko silang lahat tsaka na ako pumasok sa loob, marahas ko pang binuksan ang pinto at mukha pa silang gulat na gulat sa akin.

Nakita ko naman si Justin na nakaposas pa at para bang enjoy na enjoy dahil puro lalaki ang mga kasama. 

Mukhang hindi basta-basta ang mga 'to. Lalo na 'yung lalaking english speaking with accent pa, kung maka-mando akala mo kung sino. Kung wala dito itong si Justin baka nagpa-ulan na lang ako ng bala. Baka kasi iniisip nilang hindi ako marunong makipaglaban kapag walang baril? Tsk. 

Agad na sumugod sa akin ang lalaking halos salubong na ang kilay. Tsk, angas ng porma.

Sumulpot pa ang isang babae pero tumba naman at isang feeling doctor ang peg. Hanggang sa hindi ko alam ang nangyari dahil natanggal nila ang nakaharang sa mukha ko. Halo-halong emosyon at komento ang narinig ko, pero wala akong pakialam doon.

Ano bang malay ko kung plano nila akong lansihin diba? Marami ng may ganyang modus.

"Ezra..."

Napahinto ako at napakuyom ng kamao dahil kilala ko ang tumawag sa akin!

Damn. Bakit nandito s'ya!?

"Come on boys! Ang init naman ata ng nangyayari dito!"

Sa tono ng pananalita n'ya ay mukhang  kilalang-kilala n'ya ang mga nandito, pumunta s'ya sa harapan ko at ngumiti. Natahimik naman ang lahat at matamang nakatuon ang atensyon sa amin. 

"Samantha Ezra, akala ko ba ay nasa beach wedding ka ng isa sa mga prends mo? Hehehe." si tito Pabio at agad akong inakbayan, inalis ko ang pagkaka-akbay nito at agad s'yang hinarap. 

"Why are you here, tito?" Seryoso kong tanong at ngumisi naman ito ng mapang-asar. 

"Well, diba dapat ako ang nagtatanong n'yan? I didn't know that you're good at fighting and also holding guns hehehe.."

May mapanuyang tono sa boses nito pero binalewala ko 'yon at nilibot ng tingin ang bawat sulok ng building at tama nga ang nasa isip ko, malamang ay napanuod n'ya sa CCTV. 

"Wait Mr. Pabio, ibig-sabihin ay kamag-anak n'yo ang mga Mendivel?" Tanong ng isa sa kanila at nakuha pang tumawa ng magaling kong tiyuhin.

Siguro noong nasa loob palang s'ya ng tiyan masayahin na s'ya kaya tawa nang tawa. 

"Ang talino mo talaga, Drake!" Si tito at tumingin na naman sa akin.

I have a bad feeling about this, maybe he is planning to blackmail me after this.

Kilala si tito bilang Mr. Pabio Aristotle, ayaw n'yang makilala s'ya bilang Mendivel hindi ko alam kung bakit pero wala naman akong pakialam. 

"I'm sure matatagalan ka bago umalis. Why don't we just go inside at doon mag-usap?" Mapanuya nitong saad at naunang maglakad.

Napatingin naman ako sa iba at sa akin naman sila nakatingin ngayon kaya naman ay sumunod na ako kay tito sa loob.

Naupo ako sa sofa at ganoon din ang iba. Sinindihan pa ni tito ang tabako n'yang hawak at tsaka ito humarap sa akin.

"So, you're part of the Black Crystal Revolution?" Seryosong tanong nito pero mataman ko lang itong tiningnan. 

"She can help us!" Masiglang sambit naman noong babaeng tinawag nilang Calliope. 

"How long? How long you've been part of that organization?"

Umupo si tito sa harapan at tahimik lang silang lahat na akala mo'y mga nanunuod ng isang movie. 

"Why do we need to talk about this? I am not reliable to answer all of your questions.." walang gana kong sabi at humalakhak pa ito sa narinig. 

"Come on Ezra, I know you're doing this on purpose. We both know that your family didn't knew about this." nakangising saad ni tito kaya naman ay napairap ako. 

"So now, you're blackmailing me? Tsk." walang gana akong tumingin kay Justin at tsaka ibinalik ang tingin sa tito kong harmless pero tuso. 

"Nah. I don't want you to think that way hija, pero- parang gano'n na nga!" wika nito at nakuha pang tumawa.

Kaya naman ay napangisi ako, don't worry tito. Hindi ako sumusugod sa giyera ng walang bala. 

"Alright. You leave me no choice but to tell tita Vangie that you spend your money in gambling. How is that?" Sambit ko at ang nakangisi nitong mukha ay napalitan ng inis. Pero hindi nagtagal ay ngumisi ulit. 

"Ay, GG lods!"

"S***a- go Cap!"

"Mautak!"

"Bet ko na lahat pati pato!"

Komento nila at natawa naman si tito

"Mga gago talaga. Hehehehe walang duda pamangkin nga kita!" 

Nang matanggal ko ang lock na nakakabit sa kamay noong nagpakilalang Odyssey ay pinakawalan na rin nila si Justin. Nagpa kilala din ang iba sa akin. 

"Oy, chat-chat nalang mga frenny!" Si Justin na walang ibang ginawa kundi ang dumadaldal. 

"Oh, Nexus beke nemen hahaha!"

Mapang-asar na sabi ni tito pero agad itong sumimangot sa matanda. So Nexus pala ang pangalan ng lalaking 'to? Tsk.

"Shut up, old man!" Si Nexus pero hindi ko na inintindi pa ang ibang pang aasar ni tito at pumunta nalang ako sa harap nila para makuha ang atensyon nilang lahat.

"Lahat ng narinig at napag-usapan ng lahat ng nandito ay hanggang dito lamang. Wala ng makakalabas sa kahit saan o kanino." saad ko at sumaludo sa akin ni tito Pabio at ngumiti naman ang iba. "Hoping that this is the first and last time that we'll see each other. Goodbye Gentlemen.," nauna na akong lumabas at sumakay sa kotse habang inihanda ko na ang sasakyan.

Wala na din ang mga nagkalat na mga katawan ng kalaban kanina lang, malamang ay may inutusan na silang ipaligpit 'yon.

"S***a Captain, namiss kitaaaa!" Si Justin kaya agad ko itong sinamaan ng tingin at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

This is just a tiring day. Dumiretso na ako sa bahay ng maihatid ko si Justin na nakatulog pa sa byahe habang naglalaway.

Nakapagpalit na rin ako ng damit at nakapag-ayos para naman hindi sila maghinala sa itsura ko, iniwan ko narin sa bahay nina Justin ang baril ko at ang iba pang gamit.

Nakuha pa akong ayain ng tatay n'yang kumain sa kanila pero tumanggi rin ako kaagad. Nadatnan ko sina mommy at daddy na nanunuod ng balita habang si Cody ay kumakain pa ng ice cream. 

"Oh anak? Ginabi kana ata? Kamusta ang beach wedding ng kaibigan mo?" Si mommy na agad akong dinaluhan.

It's true na may kaibigan akong ikakasal and I was really invited, kaya si Dia na ang nagpanggap bilang ako para pumunta doon.

She sent immediately the pictures kasi si mommy yung tipo na usasera at talagang ultimo pictures gustong makita.

The place and all of stuff. Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng makakain. 

"Gutom ka pa niyan?"

Well, no other than the pakialamero kong kapatid. 

"And so? Bawal na ba akong kumain dito?" Pagtataray ko dito at kumuha ulit ito ng ice cream sa refrigerator at tsaka sumandal sa sink habang kumakain.

Itong kapatid ko, malakas ang radar, pwede na ding maging police dog dahil laging tamang hinala. 

"Wala, it's just so weird na kakain ka pa dito galing ka naman sa kasalan.." nakanguso nitong saad at tsaka kinuha ako ng juice. 

"So, kailangan may dahilan everytime na kakain ako?" Napairap ako ng umupo siya sa tabi ko. 

"Alam mo Ezra? You're always mad or maybe you're just too cold 'no? Ganiyan ba talaga kayong mga babae? Masyadong moody? Kapag tinatanong galit, kapag naman hindi galit din? buti nga concern pa eh!" Nakasimangot pa ito at naiiling. 

"Tsk. Tinulad mo pa ako sa mga babae mo!" Asik ko dito at inilagay sa sink ang pinagkainan ko at ako na din mismo ang nag hugas. 

"Goodnight" saad ko dito at tumango lang ito dahil may kachat sa cellphone nya.

Naabutan ko pa sina mommy sa sala kaya naman ay naupo muna ako sa sofa kasama sila, bigla nalang nag flash report at nawala ang atensyon ni daddy sa paglalaro ng mobile legend ng marinig ang balita. 

[Ilang mga kababaihan na naman ang nailigtas ngayong gabi na dinukot ng mga sindikato para ibenta. Malaki ang kanilang pasasalamat at makakabalik narin sila sa kani-kanilang pamilya. Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang nangyari pero wala ng makuhang record sa CCTV kung ano nga ba ang kaganapan. Narito ang ilang kababaihan na nag bigay pahayag.

"Takot na takot kami ng mga oras na iyon dahil ibebenta na kami sa iba't ibang tao. May dumating na isang babae. Maganda siya, siya na ata ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. Magaling siyang makipag laban at iniligtas niya kami. Hulog siya ng langit!"

"Walang ideya ang kapulisan kung sino ang babaeng sinasabi nilang nagligtas raw sa kanila. Mala anghel daw ang mukha nito at napaka ganda. Iyon lamang ang impormasyong naibigay ng mga kababaihang nailigtas]

Natapos na ang flash report at tahimik lang akong nakikiramdam. 

"Kung sino man ang babaeng tinutukoy nila, baka kasali siya sa isang organisasyon or feel niya lang magpaka bayani. What do you think l, dad?" Si kuya Shan na ibinalik ang tingin sa cellphone dahil magka-duo sila ni daddy sa mobile legend. 

"Well, whoever is she. I won't allow each one of you na sumali sa isang organisasyon para lang iligtas ang iba. It's not easy and it's very dangerous, Lalo na para sayo Ezra.." sabi naman ni dad at agad na akong tumayo. 

"Goodnight mommy and daddy. Aakyat na ako. " paalam ko sa kanila.

May sinasabi pa si mommy pero hindi ko na pinakinggan at agad na pumasok sa kwarto ko. Iyon din ang gabing matagal akong dinalaw ng antok dahil sa daming mga bagay na naiisip ko.. 

Nagising ako sa lakas ng katok kung sino man ang nasa labas. Grabe, alas-tres palang naman ng madaling araw, pero kung makakatok akala mo kung ano ng nangyayari.

Tamad akong tumayo at tumungo sa pinto at binuksan ito, bumungad sa akin ang magaling at walang modo kong kapatid na wala atang orasan. 

"Good morning sis" ini-stretch pa nito ang magka bilang pisngi ko kaya naman agad kong tinabig ang kamay nito. 

"What the god-damned hell is good right now Cody? For pete's sake alas-tres palang kung makakatok ka sa pinto kulang na lang gibain mo na 'to" inis kong saad pero itong spoiled brat na 'to ay talagang nakangiti lang.

Tsk.

"Let's have a car trip! Come on! Napanuod ko sa YouTube yung mga ginagawa nilang katatakutan every 3:00am, kaya gusto ko ding i-try!" Masigla nitong sabi kaya mas lalo akong nainis.

Yun lang pala ang gagawin niya ang dami-daming guards na gising diyan sa labas hindi niya pa naisipang magpasama sa kanila.

Istorbo as always!

"Alam mo Cody ayain mo nalang yung mga kaibigan mo diyan sa kalokohan mo. Nasa kasagsagan na ako ng masarap na pagtulog tapos gigisingin mo lang ako dahil diyan!" kakamot-kamot pa ito sa ulo at mukhang nalugi.

Tsk, bakit daig pa ni DORA-THE-EXPLORER itong si kapatid ko. Sa aming lahat siya ang pinaka mahilig gumala tapos hindi naman importante ang gagawin! 

"Hintayin mo ako diyan! Mag bibihis lang ako" sambit ko at ngising panalo naman ang spoiled brat na 'to.

Kung hindi ko lang naiisip na masyado delikado sa labas bahala na siyang gumala ng ganitong oras, kung bakit ba kasi naimbento 'yang challenge na iyan!

Wala namang silbi, tapos nakiki-uso pa 'tong damuho kong kapatid na ipinanganak para lang asarin ako sa araw-araw na buhay namin.

Ewan ko ba!

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you like it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Reniel Alta
ang ganda! nakaka tuwa si Justin bebe hahahah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status