Share

40 - Jack

Dahil hindi ko pa kayang maglakad ng dalawang oras ayon kanila mama, napilitan akong magstay na rin muna sa lugar na ito. Sa totoo lang, namimiss ko na si Amy. At pansin ko rin ito kay mama.

"Kaya ko na," sambit ko rito nang minsang mapag-isa kami habang nanghuhuli ng isda malapit sa talon. 

Kasama namin ang ilan pang mga kalalakihan ngunit nagtungo ang mga ito upang mangaso naman. 

"Aki, sabi ng manggagamot kailangan mo pa ng dalawang araw," banggit ni mama sabay haplos sa braso ko. "Huwag mong pilitin, okay?" 

Napabuntong hininga ako. "Ma, hindi na ako bata. Tsaka, alam ko miss mo na rin si Amy. Sila Tita Jonah." 

Tinitigan ako nito at tumango, "Oo, miss ko na nga sila. Lalo na si Amy... Pero Aki, anak rin kita. Ayokong may mangyaring masama na naman sayo sa daan." 

Tumahimik ako at napapagkalalakig na lang kay mama. Kahit kailan ta

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status