Share

3 - Jack

The number you have dialed is unattended, please try again later. 

The number you have dialed is unattended, please try again later. 

. . .

Paulit ulit kong tinatawagan ang number ni mama pero walang sumasagot sa kabilang linya. Unti unti na akong nakaramdam ng kaba at inis. 

Kasalukuyan kaming nasa isang sikat na resort sa Cebu, ang napag-desisyunan naming puntahan pagkatapos ng graduation ko. 

Hindi na bago sa akin ang pag-bakasyon sa mga ganitong lugar. Mahilig rin kasi akong mag-out of town trips kasama ang mga barkada ko dati. 

Si mama lang ang hindi. Busy kasi siya lagi sa work. Lagi siyang may kailangang i-meet na client para makabenta ng properties. Being a real estate agent is really difficult. 

At dahil nga may pagka-workaholic si mama, nadala niya ang kanyang work hanggang dito. 

Kanina ay nasa pool kami at may lumapit sa kanyang lalaki na nagpakilalang Ryan at balak daw nitong bumili ng condo. 

"Sandali lang, Aki. Kumain ka lang dyan. I'll be back after ten minutes," sabi ni mama bago siya sumama kay Ryan. 

Halos mag-iisang oras na akong nakaupo dito at naghihintay kay mama. Hindi ako mainising tao pero unti unti na akong nakakaramdam ng pagkainis ngayon. 

"Jack?" 

Agad agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Akala ko si mama na, hindi pala.

Halos mapabuntong hininga ako sa pagkadismaya nang malaman kong si Clarisse lang ito, ang best friend ni Crista. 

"Clarisse? Anong ginagawa mo dito?"

Gaya ng inaasahan ko, ilang sandali lang ay dumating si Crista sa tabi ni Clarisse. 

"We're here with Troy and Dj, fun get away lang before mag work. Ikaw?" Sabi ni Clarisse in a friendly way when I politely invited them to my table. 

Si Crista naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang bawat kilos ko. 

I cleared my throat before responding, "Ah, vacation lang with family." 

Tumango si Clarisse sa sinabi ko at patuloy pa kaming nagkwentuhan saglit tungkol sa university at OJT experiences namin nang biglang inungkat ni Clarisse ang ayaw kong pag-usapang bagay. 

"So, bakit mo ba talaga ni-reject si Crista, Jack? Maganda siya, mabait, matalino, maayos ang pinanggalingan," pagpupuri ni Clarisse kay Crista nang minsang umalis ito upang magtungo sa banyo. "So, what's wrong? Ba't di mo na lang siya bigyan ng chance, hmm?"

Bakit nga ba hindi ko magustuhan si Crista? Tama lahat ng sinabi ni Clarisse. Lahat ng katangian ni Crista ay ka-aya aya. Marami ring lalaking nagkakagusto sa kanya dahil dito. Pero bakit hindi ko siya magustuhan? 

Biglang tumunog ang cellphone ko, indikasyon na may bagong text message. 

Agad agad ko itong binuksan at binasa ang nakasaad. 

"Sorry for making you wait, Aki. I'm now in a convenience store nearby. Anong gusto mong ice cream? I'll buy two for you!" - Mama

Napangiti ako sa nabasa. 

Kahit kailangan talaga, parang bata pa rin ang tingin ni mama sa akin. 

"Jack?" Tawag sa akin ni Clarisse. 

Ngunit nakatayo na ako at ready ng umalis. 

"Sorry, something came up. I need to go," agad agad kong sabi bago nagtungo sa pinakamalapit na convenience store. 

Habang patungo rito ay napagtanto ko kung bakit hindi ko magustuhan ang almost perfect na si Crista. 

Ito ay dahil kay mama. 

Dahil si mama lang ang gusto ko. Si mama lang ako hinahanap ko lagi. Si mama lang ang gusto kong makasama. 

Wala ng iba.

Ngunit lahat ng kasiyahan at excitement na nararamdaman ko ay nawala pagdating ko sa store. 

Papasok pa lamang ako nang makita kong may kausap si mama na lalaki. At hindi ito kung sinumang lalaki. 

Kilala ko siya. Hindi ako maaaring magkamali. 

Siya si Tito Benjie. Ang nakababatang kapatid ni Papa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status