Share

6 - Marianne

Hindi ko makausap ng maayos ang anak ko. Sa loob ng napakahabang panahon na magkasama kami, ngayon lang siya naging ganito sa akin. 

Noong huling gabi namin sa resort ay bigla na lang siyang nawala. Kausap ko noon sa telepono ang isang client ko na bibili ng condo. After the call, wala na si Jack.

Akala ko may binili lang ito o nakipag-meet sa friend niya. Jack is a very outgoing and friendly person. Simula pagkabata, marami na siyang naging best friends. Isa na doon si Crista. 

I actually like Crista for my son. Mabait na bata siya and I can see that she really loves my son. Pero nung lumabas ako that night, para sana hanapin si Jack… Nakita ko siyang kaakbay si Crista. 

Di ko ma-explain ang naramdaman ko. Dapat maging masaya ako diba? Kasi sa wakas, nakahanap na ang anak ko ng babaeng para sa kanya. Dapat maging masaya ako... pero bakit ganun? Parang may tinik sa lalamunan ko nung makita kong tumungo sila sa isang silid na magkasama. Dikit ang katawan. 

Hinayaan ko sila at bumalik akong mag-isa sa kwarto namin ng anak ko. Normal lang sa mag-kasintahan to spend the night together. Open-minded din naman akong tao. Sabi ni Jack wala siyang girlfriend, pero magkasama sila. Nahihiya lang siguro siya magsabi sa akin?

I'm his mom though. Dapat magsabi siya.

Napatawa ako sa pag-iisip. Bakit ba naiirita ako sa nakita ko? Jack's happiness should also be my happiness.

Sa sobrang pag-iisip, nakatulog ako. Paggising ko, wala pa rin ang kaisa-isa kong anak. Medyo kinabahan ako kaya naman minabuti ko ng tawagan siya. 

Luckily, he answered the phone. "Ma?"

"Saan ka? Bumalik ka na dito," hindi ko na napigilan ang sarili ko at nabanggit ito sa anak ko. 

"Yes, sorry sorry," tugon ni Jack kaagad, gamit ang sobrang guilty nyang tono. 

Bakit parang may kasalanan pa ang anak ko? Come on, Marianne. Malaki na anak mo! Sambit ko sa aking sarili. 

Ilang minuto pa ay dumating na si Jack. Kapansin pansin na di na ito nag-ayos o anoman at dali daling umuwi. 

"Aki," pagtawag ko sa anak ko. 

"Ma, I'm sorry," mabilis na tugon ni Jack nang makita ako ito. 

"No, wala kang kasalanan, I mean-"

"No, I fucked up. Ma, hindi ko sinasadya. I was too drunk," pag-eexplain ng anak ko. Tila malapit na ito maiyak. 

Napa-sigh na lang ako at tinignan siya ng may pag-iintindi, "It's okay. Nag-worry lang ako sayo. But I hope you and Crista had a fun night." 

Napansin kong kumunot ang noo ni Jack, ngunit tumahimik lamang ito at nag-tungo na sa banyo. Buong byahe pauwi sa manila ay tahimik lamang si Jack. Paminsan minsan ay sumasagot ito sa mga tanong ko ngunit halatang malalim ang iniisip nito at ayaw akong makausap.

At ngayon nga ay halos mag-dadalawang linggo na simula nang makauwi kami. 

Nakahanap kaagad ng work si Jack sa isang automobile company at kasalukuyang nag-uundergo ng training. 

Masaya ako para sa kanya pero nababahala lang ako sa pag-uwi niya ng sobrang late. Medyo lumalayo na rin ang loob niya sa akin. Sa tuwing kakausapin ko siya, ang tanging tugon niya lang ay busy siya sa trabaho. 

Hanggang isang araw... 

"Aki," pagtawag ko sa kanya habang nag-aayos ito before pumasok sa work. 

Lumingon lang ito sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. 

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Do you want to live alone?" 

Hindi ko alam na dahil sa mga sinabi ko, mas lalo ko lang pala pinalala ang sitwasyon. Dahil isang iglap lang, tumugon ang anak ko. Punong-puno ng galit ang boses niya. 

"Yan ba talaga gusto mo ma? Mawala ako?" 

Nabigla ako sa sinabi ng anak ko. "Huh? Anong sinasabi-" 

"Fine. I'll just leave if that's what you want. I'll do it," sambit lang nito na parang bata sabay labas ng pinto at tuluyan ng umalis na hindi man lang hinintay ang sasabihin ko. 

Hindi ko inaakala ang reaksyon ni Jack. Bakit siya galit? Ano bang nangyayari sa anak ko? Ngayon pa lang nya ako napag-taasan ng boses. 

Sa sobrang gulo ng utak ko, di ako nakapag-concentrate sa trabaho. Kaya naman nang matapos ako ay tinawagan ko agad ang bestfriend kong si Jonah upang makipagkita dito. 

"Mars, sabi ko naman sayo. Mahihirapan ka talaga kasi lalaki yang anak mo," pag-eexplain ni Jonah sa akin habang umiinom ng milktea. "Ganyan na ganyan yung pangalawa ko. Remember Gio? Tinaasan din ako ng boses niyan one time." 

"Anong rason? Bakit nagkaganun bigla?" curious kong tanong.

"Ano pa ba? Frustrated yan. Either about work life, love life, sex life..." sagot ni Jonah sa akin.

Naisip kong kakaumpisa lang naman ni Jack sa trabaho niya kaya hindi iyon ang problema. Love life? Sinabi niyang wala siyang girlfriend ngayon at ayaw muna nyang mag-commit. Sex life...? Posible nga bang iyon ang dahilan ng pagbabago ng pakikitungo niya sa akin?

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Aljon Binsing
Pa unlock po
goodnovel comment avatar
Aljon Binsing
Inlock please
goodnovel comment avatar
Gina Guadez Endaya
ang iisipin ng mga ina dito pwede gawin yon sa mga anak lalake at pati ang mga ganon din pwede pala,hunghang ang ang author ng nobela na ito,dapat di pumasa ito hindi maganda at puro spg pa,wlang storya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status