Share

Kabanata 4

Kinabukasan, kasama kong tumambay ang tatlo sa gazebo malapit sa cafeteria dahil ayaw pa nilang umuwi. Ako ang bida ngayon dahil 'di ko mapigilang hindi kiligin sa nangyari kahapon. 

"Gusto pa nga niya akong i-piggyback, e, kaso nahiya naman ako. Tapos tumabi siya sa 'kin para sabayan ako sa paglalakad kasi akala niya masakit ang ulo ko. Tapos pinagbili niya ako ng tubig. Tapos binigyan niya ako ng gamot kasi sabi niya 'I don't think you're okay. You look pale'. Tapos, girl, siya ang nagbukas ng bottled water para sa akin." Nangingiti kong hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Halos gumulong ako sa kilig. Nakakakilig pala lalo kapag kinu-kwento. Nakangiti rin ang tatlo sa akin, si Steph ang sobrang natutuwa. 

"Tapos sinabihan niya akong magdala palagi ng payong para daw hindi ako magkasakit ulit. E, wala naman akong sakit no'n, e! Palusot lang 'yon ni Steph. 'Di ba, Steph?" Tanong ko, nakangiting tumango naman siya sa akin. 

"Naging cupid ka pala kahapon, Steph! Good job!" Nag-thumbs up pa si Ynna. 

"Masyadong mahina 'tong kaibigan natin, e! Babagal-bagal, kulang sa seminar," mayabang na sagot niya. 

Nakangiti akong umirap. "At least, 'di ba, kahit kahapon lang nakasama ko siya. Medyo awkward nga lang pero the best talaga kahapon. Hindi ko malilimutan 'yon," 

And it was all credit to Steph. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko makakasama kahapon 'yong crush ko na 'yon.

"E 'di nabigay mo na 'yong gusto mong ibigay?" Tanong ni Nam. 

Unti-unting nawala ang ngiti ko. "Oo, nabigay ko na." 

At dahil nabigay ko na 'yong panyo, wala na akong rason para hagilapin pa siya at makausap. Ayoko namang kausapin siya nang walang sasabihin dahil baka magmukha akong tanga sa harapan niya. 

"Gusto mo ng another moment with him, Amara? Sagot agad," nagmamadaling tanong ni Nam. Kumunot naman ang noo ko pero sumagot din. 

"Syempre! Tinatanong pa ba dapat 'yon?" 

Ngumisi siya at sa hindi ko inaasahan, sinigaw niya ang pangalan ni Calvin. Agad na nanlaki ang mata ko at kinabahan. Tumayo si Nam pero hindi ko tiningnan kung saan papunta dahil yumuko ako. Nandito pa pala 'yong baby ko na 'yon. 

Lalo lang akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni Nam na papalapit sa amin. Alam kong kasama niya si Calvin dahil mukhang may kausap siya. 

"Upo ka," masayang wika ni Nam.

Mariin akong pumikit nang nandito na sila sa pwesto namin. Pilit namang tinulak ni Nam si Calvin na umupo sa tabi ko, lumipat pa si Steph na katabi ko kanina kaya tatlo silang nasa harapan ko ngayon. Tanging si Calvin lang ang katabi ko kaya lihim ko silang pinandilatan ng mata. Ang mga bruha naman ay nakangisi lang. 

"Pauwi ka na ba sana, Calvin? Sorry, nahila ka, huh! May kailangan lang kasi kaming itanong, e! Matalino ka naman kaya ikaw ang nilapitan ko," panimula ni Nam. 

Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga. Kada malapit talaga siya sa akin ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nakaka-concious kasi! Hindi pa naman ako nag-ayos pagka-dismiss sa amin kanina kaya nakamessy bun lang ako. Hindi rin ako nag-spray ng perfume dahil makapit naman ang Chanel, pero sana ay mabango ako. 

"Pauwi na sana. Ano ba 'yong itatanong niyo?" 

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil kinikilig talaga ako sa boses niya. Normal lang naman siguro 'yon, 'no? 

"Ito kasing kaibigan ko nahihirapan sa programming nila. Since Electronics Engineering student ka naman at medyo related ang course niyong dalawa, puwede bang pakituruan naman siya? By the way, her name is Amara Lorraine Hermosa. BSIT student."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nam. Ano daw? Did she just commanding Calvin to teach me? Oo nahihirapan ako pero ayokong turuan ako ni Calvin. And I know he will reject it, anyway! Sino ba naman ako para turuan niya, 'di ba? We're not even close.

I heard him chuckled a bit. "Yeah, I know her. Pinakilala siya sa akin ng kaklase niya kahapon. It's you, right?" Nakita ko namang nakangiting tumango si Steph. Mga bruha na 'to, nakangiti silang tatlo habang ako ay maiihi na sa kaba. 

"Help her, please! I will pay for your service, promise! Just, please, help my friend. 1st year pa lang kasi siya kaya nahihirapan pa." Sabat ni Ynna. Wala na, binebenta na ako ng mga kaibigan ko. 

"Uhh... pag-iisipan ko, ha? May tinuturuan din kasi ako ngayon. Pero kung may oras naman ako, puwede ko siyang turuan," sagot niya. Napanguso tuloy ako dahil kilala ko kung sino 'yong tinuturuan niya. 

"Thank you! By the way, puwede bang makuha niya number mo? Para text-text na lang kung kailan ka puwedeng magturo." Masama kong tiningnan si Ynna. Walang hiyang 'to, nakakahiya!

"Hindi naman na kaila—"

"Oo naman," pagputol ni Calvin sa sasabihin ko kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.

Nagtama ang tingin namin ni Ynna. Pinandilatan ko siya ng mata pero nakangisi lang siya sa akin. "Akin na phone mo, Amara Lorraine Hermosa." 

Inirapan ko muna siya bago kinuha sa 'king bulsa ang phone ko. Inabot ko ito sa kaniya nang masama ang tingin pero hindi naman niya pinansin. Inabot niya kay Calvin ang phone ko at lumapad ang ngiti ni Ynna nang ibalik ito sa kaniya. May tinype pa siya na kung ano doon bago niya ibinalik ang phone ko sa 'kin.

"Ayan na-text na kita. I-save mo 'yong number, ha? Amara Lorraine ilagay mo." Masayang sabi ni Ynna. I stared at my phone for a second. Totoo bang nasa phone ko na 'to ang number niya? Kasi kung oo, kakabisaduhin ko agad. 

"Sige, mamaya. May kailangan pa ba kayo?" Tanong ni Calvin. 

"I have one last request. Puwede bang mag-shake hands kayo ni Amara Lorraine?" Sabi ni Steph. Sinamaan ko siya ng tingin pero kumindat lang siya.

Lord, ano ba 'tong mga kaibigan ko, nagiging abnormal na yata.

"Uh... Sige!" 

Sinamaan nila akong tatlo ng tingin na para bang sinasabi nilang gawin ko ang pinapagawa nila. I rolled my eyes and nervously wiped my right hand on my slacks. Humarap ako kaunti kay Calvin pero napaiwas din ako ng tingin nang makitang nakangiti siya. 

Nahihiya kong inabot sa kaniya ang kamay ko at siya na ang nag-shake ng mga kamay namin pagkadikit. Uminit bigla ang pisngi ko dahil for the first time, nahawakan ko ang kamay niya. It wasn't that soft but the hell I care.

"Nice meeting you, Amara Lorraine!" sambit niya at ngumiti. 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nahihiyang ngumiti. "Likewise!" 

Siya ang unang bumitaw at humarap sa mga kaibigan ko. Nakatitig lang ako sa kamay kong hinawakan niya. Fuck, parang ayoko nang basain ang kamay ko. 

"Paano, mauuna na ako, ha?" paalam niya sa tatlo. "Itetext na lang kita, Amara, kung kailan ako puwede." 

Wala sa sarili akong tumango. Nagpasalamat ang tatlo kong kaibigan sa kaniya bago siya umalis. Hindi rin nagtagal ay sabay-sabay silang tumili at kinikilig na lumapit sa 'kin. 

"My gosh, Amara, oras mo na 'to. Hindi mo na kailangang pumila," kinikilig na sabi ni Steph. 

"You should thank me. Kung hindi ko siya hinila dito ay hindi mo makukuha ang number niya," si Nam. 

"True! Tapos tuturuan ka pa niya. O, 'di ba? Ang galing ng ginawa ni Nam. The best ka talaga, girl." Masayang nag-palakpakan naman si Ynna at Nam. 

Bumuntong-hininga ako at binuksan ang phone. Sa contact list kaagad ako pumunta para hanapin kung totoo bang na-save talaga ang number niya. Mayro'n akong nakitang unfamiliar sa contact list. 

Baby

"Bakit naman ganito ang pinangalan mo? Baby? Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. 

Inismiran ako ni Ynna. "Tangi, okay na 'yan. Tayo-tayo lang naman ang nakakaalam kung sino 'yang baby na 'yan. 'Di ba, girls?" Tumingin siya sa dalawa at nakangiti silang tumango. 

I sighed and smiled to them. "Alam niyo, bwisit kayo! Pero thank you! Kinabahan ako sa ginawa niyo." 

"Walang mangyayari kung hindi ka kikilos. Kaya kami na ang magpu-push para sa 'yo." Sagot ni Nam. Bumaling ulit ako sa aking phone at pinakatitigan ang numero niya. Nakakatuwa lang dahil nakabisado ko ito kaagad. 

How dare my brain memorized his number that fast but not the formulas in Math?

Isang oras pa kaming tumambay doon bago namin naisipang umuwi. Wala nang masyadong tao sa bus station kaya naman nakasakay ako kaagad. Hindi ko man siya nakasabay ngayon sa bus, winner pa rin ako dahil naka-save na ang number niya sa akin. 

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang nasa byahe. Nakakabaliw pala si Calvin. 

"Ma, nakauwi na ako," sigaw ko nang makapasok ng bahay. 

"Nandito ako sa kusina," sigaw niya. Pumunta kaagad ako doon dahil nauuhaw na rin ako. 

"Ang tagal mong umuwi. Saan na naman kayo gumala?" tanong niya habang naghihiwa ng apple. 

"Tumambay lang po sa school," sagot ko. Kinuha ko ang pitsel sa ref at sinalinan ang aking baso. "Ma, guess what? Grabe ang nangyari sa akin bago nakauwi," nakangiting sambit ko bago uminom. Umupo ako sa harapan niya at siya naman ay natigil sa ginagawa. 

"Bakit? May nangyari ba sa 'yong masama?" nag-aalalang tanong niya. 

Umiling ako. "Hindi. Good news 'to. Mayro'n na akong phone number ng crush ko," kinikilig na banggit ko. 

Bumuntong-hininga si Mama. "Jusko akala ko naman kung ano. Lumandi ka ba bago umuwi? Ikaw talaga," 

"Hindi ah," depensa ko. "Si Ynna ang kumuha ng number niya. 'Yong mga baliw na 'yon malaki ang naitulong sa akin ngayong araw." Kinagat ko ang aking ibabang labi pero napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko. Kahit saglit ko lang siyang nakasama ay binuo niya pa rin ang araw ko.

Nakangiting tumingin sa akin si Mama. "Alam kong gustong-gusto mo 'yon, pero ang pag-aaral 'wag papabayaan, ha? Maawa ka sa Ate mong nagpapaaral sa 'yo," 

I smiled and held her hand. "Alam ko naman po 'yon, Ma! Huwag kang mag-alala, kaya kong pagsabayin ang landi sa pag-aaral. Talent ko 'yon." 

Bahagya siyang tumawa at inabutan ako ng apple. Masaya naming pinagsaluhan iyon dahil good mood ako. 

---

Lumipas ang dalawang araw nang wala pa ring text sa akin si Calvin. Halos minu-minuto kong chine-check phone ko, umaasa na magtetext siya... pero wala. Two days na akong naghihintay.

"Baka busy pa. Sabi naman niya na magtetext siya kapag free siya, 'di ba?" Sabi ni Steph nang mai-kwento ko sa kaniya.

"Ewan ko. Baka naman sinabi niya lang 'yon para hindi na siya kulitin ni Nam at Ynna? Baka palusot lang niya 'yon. Walang oras 'yon magturo sa akin dahil may tinuturuan din siya," sagot ko. 

Bahagya siyang tumawa at hinaplos ang buhok ko. "Napaka-nega mo. Busy lang 'yon, okay? Maghintay tayo ng isang linggo. Kapag wala pa rin, susugurin namin siya." 

Nanlaki ang mata ko. "Baliw, huwag! Hayaan na lang natin. Huwag pilitin ang taong ayaw." 

Though, I'm silently praying na sana ay magtext na siya kahit 'Hi' lang. Sayang naman ang pag-save niya ng number sa phone ko kung hindi naman magno-notif na nagtext siya. 

Umayos ako ng upo nang dumating ang prof namin sa Oral Communication. Palagi kaming tahimik sa subject na 'to dahil bawal magsalita ng Tagalog. Puwedeng magdaldalan pero dapat ay English speaking. Sakit sa ilong kaya nananahimik na lang kami.

Dumaan muna kami sa faculty ni Steph pagka-dismiss sa amin dahil kakausapin niya 'yong prof namin sa P.E. Nasira kasi ang P.E uniform niya at hindi pa makabili dahil wala pang stock sa size niya. 

Tahimik lang akong naghihintay sa labas ng faculty. Hindi naman mainit dahil may mga punong humaharang sa sinag ng araw. Chineck ko ulit ang phone ko. Napanguso ako nang wala pa rin text mula sa kaniya.

Umupo muna ako saglit dahil ang tagal lumabas ni Steph. Napako ang tingin ko sa building nila Calvin dahil kaharap lang ito ng faculty. Tinitigan ko ang room nila at maya-maya lang ay nagulat ako nang makita siyang lumabas ng room. Hinintay ko ang pagbaba niya pero nalungkot lang ako dahil sa nakita. Katabi niya 'yong babae habang nasa likuran ang dalawang lalaki. Nagtatawanan sila at mukhang nag-aasaran. 

I smiled bitterly. See? Paano siya makakapag-text kung busy siya sa mga kaibigan niya? Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Ang sakit naman no'n. 

"Sorry natagalan. Tara na!" Napabaling ang tingin ko kay Steph nang marinig ang boses niya. Tumayo na ako at pinulupot niya ang kaniyang braso sa akin bago naglakad. 

Nagpaalam na ako sa kaniya pagkalabas namin ng gate. Nakakunot pa ang noo niya sa akin dahil malungkot ang mukha ko at tahimik pero mabuti na lang ay hindi siya nagtanong pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa ilalim ng matirik na araw papuntang bus station. Tuwang-tuwa pa naman akong nilagay ang payong sa bag ko kanina dahil iyon ang gusto niya, pero tinatamad akong gamitin dahil sa nakita ko. 

Napahinto ako sa paglalakad nang makitang nandoon sila sa kiosk 'di kalayuan sa bus station. Silang dalawa na lang ang magkasama at masayang kumakain ng siomai. Lalo lang akong nasaktan. 

Ano kayang pangalan niya? Mabuti pa siya, nakakasama palagi si Calvin at mukhang close na close pa. Ang swerte niya dahil nakukuha niya ang atensyon ng taong gustong-gusto ko. Ang swerte niya dahil tinuturuan siya ng lalaking ilang taon ko nang gusto. At ang swerte niya dahil nakakausap niya si Calvin nang walang ka-effort-effort. 

Nakatayo lang ako 'di kalayuan sa kanila hanggang sa matapos silang kumain. Tsaka lang ako nagpatuloy sa paglalakad nang makasakay na sila ng bus. 

Crush ko lang naman siya pero bakit ganito ang impact sa akin? Normal lang bang masaktan sa crush lang? Siguro oo dahil may nararamdaman ako doon sa tao. 

Kinagabihan, maaga akong naghalf-bath dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw. 9 PM pa lang ay nakahiga na ako sa kama habang hawak ang phone ko, nag-iingay na naman sa GC namin 'yong tatlo. 

Ynna: Siraulo nga 'yon e. Panay ang punta sa studio para lang magpapansin. 

Steph: In denial pa halata namang kinikilig, para ka ring si Amara e. Sarap niyong pag-untugin. 

Nam: Okay lang yan. Lumandi lang kayo habang bata pa. Collect then select ganon. 

Steph: Berigud ka dyan, Nam. 

Amara: Iingay niyo magsi-tulog na kayo. 

Ynna: Himala online si hopeless romantic. Mukhang may ka-chat to. Pakilala mo naman. 

Amara: Baliw wala. Gege matutulog na ako. Night!! 

Pinatay ko na ang internet para hindi na tumunog ang Messenger ko dahil alam kong aasarin lang nila ako. Halos gabi-gabi silang maingay sa GC na akala mo ay ilang araw na hindi nagkikita. Hindi sila nauubusan ng topic. 

Inilapag ko na sa nightstand table ang phone ko. I was about to sleep when I heard my phone beeped. Inis kong kinuha ito ngunit agad ring napabangon sa gulat nang mabasa kung sino ang nagtext. Napatakip pa ako sa bibig dahil hindi ko ito inaasahan. 

From: Baby

Hi, Raine! Sorry it took me so long to text you. Btw, I can teach you tomorrow after class. Reach me out if you're available, too. Have a nice sleep!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status