Share

Kabanata 5

"Ano'ng dapat kong gawin? Kinakabahan ako."

Kanina pa ako hindi mapakali. Silang tatlo naman ay busy sa akin. Si Ynna ay nasa likod ko, inaayos ang mahaba kong buhok. Si Nam naman ay siyang nagre-retouch sa mukha ko. At si Steph, wala nakaupo lang sa harapan ko habang kumakain ng cheese cake.

Nandito kami sa gazebo malapit sa College of Engineering para hintayin si Calvin. Sinabi ko kasing puwede akong turuan ngayong araw. Of course, I should grab the opportunity. Kaya naman nang mag-reply siyang 30 minutes pa bago sila i-dismiss ay agad akong inayusan ng mga kaibigan ko.

"Akitin. Lakasan mo loob mo para maakit mo siya," walang kwentang sagot ni Steph.

"Parang tanga naman," sagot ko at umirap.

"Makinig ka lang sa ituturo niya sa 'yo mamaya para kapag may tanong siya, masasagot mo kaagad. Plus points 'yon kasi alam niyang nakikinig ka sa tinuturo niya." si Nam.

"True! Tapos syempre ilibre mo rin. Saan ba kayo mamaya?" Tanong ni Ynna.

"Library," maikling sagot ko.

Nilagyan muna ako ni Nam nang kaunting blush-on bago tumigil sa pag-aayos sa make-up ko. "Ayan, you look fresh ulit. Hintayin na lang natin si baby Calvin,"

Masama ko siyang tinignan. "Anong baby Calvin? Ako lang ang puwedeng tumawag sa kanya no'n," Tumawa sila dahil sa reaction ko. Anong nakakatawa do'n?

"Selosa." natatawang sambit ni Ynna.

Umirap lang ako. Tumingin ako sa 'king wristwatch, 5 minutes na lang. "Matagal pa ba 'yan, Ynna? Malapit na silang lumabas."

Sinuklay niya ang buhok ko bago humarap sa akin para tingnan ang gawa niya. Inayos rin niya ang bangs ko at ngumiti. "Mukha ka nang diyosa. Siguro naman ay mai-inlove sa 'yo si Calvin niyan."

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Naka-braid siya na pa-hairband style habang nakalaylay ang aking mahabang buhok. Bumagay sa akin ang ginawa niya dahil sa bangs ko. Napangiti tuloy ako.

"Gaga, umayos ka na lumabas na siya," saad ni Nam na ikinakaba ko. Dali-dali ko namang nilagay sa bag ang mga gamit ko at hinanda ang sarili. Pakiramdam ko tuloy ay makikipag-date ako.

"Hi! Sorry natagalan," nakangiting bati sa amin ni Calvin nang makalapit sa amin. Ngumiti rin ako pabalik. Napalingon ako sa likuran niya dahil nakatingin sa amin ang dalawa niyang kaibigan.

"Okay lang 'yon hindi naman kami naghintay ng matagal," sabi ni Ynna habang nakangiti.

"Oo nga! So, paano? Aalis na kami, ha? Turuan mo nang maayos itong kaibigan namin." Umakbay sa akin si Steph at palihim na bumulong. "You better do good today, honey!"

Ngumiti si Calvin at binasa ang ibabang labi. "Sure!"

Ngumiti ang tatlo sa kaniya bago nagpaalam na umalis. Umalis na rin 'yong dalawa niyang kasama kaya ngayon ay dalawa na lang kami. Ang awkward!

"Tara na?" Aya niya, kinakabahan akong tumango. Nauna siyang maglakad kaya sumunod ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay naputulan ako ng dila dahil 'di ako makapagsalita.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa library. Walang masyadong estudyante ngayon dahil nagsipag-uwian na.

"So, anong topic ang gusto mong pag-aralan?" tanong niya pagka-upo namin.

Napabaling tuloy ang tingin ko sa kaniya at tipid na ngumiti. "Sa programming. Nabubuhol kasi sa utak ko 'yong mga codes."

Bahagya siyang tumawa na ikinatuwa ng puso ko. Pati pagtawa niya ay ang gwapo ng dating sa akin. Bagay rin sa kaniya ang specs niya kaya lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Nanunuot rin sa ilong ko ang pabango niya na gustong-gusto ko ang amoy. Nakakabaliw ang ma-in love.

"Naituro na ba sa inyo ang CSS?" tanong niya.

Umiling ako. "Next sem pa raw yata 'yon."

Ngumiti siya at nagpaalam na may kukunin lang siyang book. Nang makabalik ay dala na niya ang makapal na libro. Introduction to Programming ang book title.

"Mga basic codes lang muna ang ituturo ko sa 'yo, ha? First year ka pa lang naman kaya doon dapat tayo magsimula." Sabi niya.

Puwede na rin tayong magsimulang dalawa, Calvin. Ikaw na lang ang hinihintay ko para maging tayo.

Inusog niya ang kaniyang upuan hanggang sa tuluyan na kaming magkatabi. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya na nanuot na sa ilong ko. Tiningnan ko rin ang kaniyang kamay. Halatang-halata ang mga veins niya na nakadagdag attraction sa physical features niya.

"Na-gets mo ba?"

"Ha?" Gulat kong tanong at bahagyang lumaki ang mata. Hindi ko namalayan na wala na pala sa tinuturo niya ang attention ko.

He chuckled a bit. "Okay, I'll say it again. You better listen this time."

Tumango ako. Gusto kong saktan ang sarili dahil nakakahiya. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Nam. Kailangan kong makinig para masagot ko ang mga itatanong niya. Dagdag points daw 'yon kaya nakinig na ako nang maigi sa tinuturo niya kahit na nadi-distract ako sa kaniyang amoy.

Palihim kong sinilip ang wristwatch ko. 5 PM na. Lord, pwede po bang paki-habaan nang kaunti ang oras?

"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya. Three hours lang niya akong tinuruan. Hindi ko nga alam kung may naalala pa ako sa tinuro niya, nasa kamay kasi niya ang atensyon ko.

"M-Medyo. Ikaw ba?" tanong ko.

"Medyo rin,"

"Tara kain tayo? Libre ko,"

Napatingin siya sa akin saglit bago sumagot. "Mukhang sarado na yata ang cafeteria ngayon."

"E 'di sa mall. Jollibee? McDo? Chowking?"

He chuckled and licked his lower lip. Damn, ang sexy. "Okay lang? Mahihirapan tayong sumakay niyan mamaya kasi rush hour na,"

I mentally smirked. Okay nga 'yon, e, kasi mas matagal kitang makakasama.

"Huwag mong intindihin ang byahe. Ang intindihin mo 'yong tiyan mong gutom na. Nagrereklamo na mga bituka mo," biro ko, tumawa naman siya kaya natawa na rin ako. Pati pagtawa niya ang sexy rin, ano ba yan!

Sabay na kaming lumabas ng gate. Dinadaldal ko pa siya para hindi siya ma-bored. Talagang nilakasan ko ang loob ko para lang makausap siya. This is a once in a lifetime. I should seize the moment.

Nang makarating sa mall ay agad naming hinanap ang McDo. Doon niya gustong kumain dahil masarap daw ang chicken nila. Makikipagtalo pa nga sana ako na masarap din sa Jollibee kaso baka magalit.

"Hanap ka na ng upuan natin, ako na ang mag-oorder," sambit ko nang nakapila na kami sa counter para um-order.

"No, you find a seat for us. Ako na ang mag-oorder," saad niya. Tumango ako at kumuha ng 500 peso bill sa wallet. "Ito pambayad,"

Kunot-noo siyang nakatingin sa perang hawak ko. "Keep that, Raine! It's on me." Aniya. Lihim naman akong napangiti. "Go find a seat now, baka maubusan tayo."

I slightly bit my lower lip and nodded. Naghanap ako sa paligid nang mauupuan pero walang bakante. Lalapit na sana ako sa kaniya para magpaalam na sa taas ako pupunta pero nagulat ako nang nakatingin na pala siya sa akin.

"Sa taas na lang." I mouthed and gestured my hand upstairs. Ngumiti siya at tumango kaya umakyat na ako. Mabuti na lang ay marami pang bakante, tahimik nga lang kumpara sa ibaba.

It took him 10 minutes before he went upstairs with a tray on his hands. Itinaas ko ang aking kamay para makita niya ako.

"Ang dami naman niyan," sambit ko nang makita ang mga in-order niya.

"Wait lang may kukunin pa ako sa baba." Mabilis siyang umalis at bumaba ulit. Inayos ko naman ang pagkaing in-order niya at inalis sa tray. Natakam ako sa amoy ng fries.

Pagbalik niya ay may dala siyang two sundae at two burgers. "Here, ubusin natin 'to, huh!" Nilapag niya ang dala niya sa table namin at inilagay ang tray sa katabing upuan niya.

Ngumiwi ako sa dami ng pagkain. "Kakayanin kaya nating maubos 'yan? Ang dami ng in-order mo,"

Ngumiti siya. "In-order ko 'yan para sa 'yo. Alam kong nahirapan ka sa itinuro ko sa 'yo kanina kaya ibawi mo na lang sa pagkain."

Hindi ko na napigilan at napangiti ako. Sa tingin ko talaga ay concern siya sa akin, e! Dapat na ba akong kiligin?

"Sorry sa mga kaibigan ko, ha? Okay lang naman kahit tumanggi ka na turuan ako, e! Na-istorbo pa tuloy kita," panimula ko.

"Nah, it's okay. Every free time lang naman kaya hindi ka istorbo. Don't worry!" He smiled and continued eating.

I took a deep breath. This is a once in a lifetime moment. Dapat ay lubusin ko dahil hindi ko alam kung mangyayari pa ba 'to ulit. Kumain muna ako bago siya inulanan ng tanong.

"Anong plano mo niyan after mong grumaduate? 4th year ka na, 'di ba? One year na lang makakapag-tapos ka na," tanong ko.

"Mag-eenroll ako sa isang review center para sa board exam. Sana pumasa," sagot niya.

I smiled. "I know you will pass, matalino ka kaya. Kaya nga kilala ka sa campus, e!"

Matalino ka na, gwapo ka pa. Akin ka na lang, please!

He chuckled. "Hindi naman. Nag-aaral lang kaya may alam ako kahit papaano."

"No offense, huh! Pero paano pala kapag hindi ka pumasa?" Tanong ko.

"E 'di mag-aayos na lang ako ng cellphone sa Recto." sagot niya. Tumawa siya kaya natawa na rin ako. I didn't know that he can crack a joke.

Matapos kumain ay halos hindi na ako makatayo sa bigat ng tiyan ko. Naubos nga namin lahat ng pagkaing in-order niya. Hindi ko naman namalayan dahil nag-enjoy akong kausapin siya the whole time. I told you, he's nice.

Tumingin siya sa relong nasa kaniyang bisig. "6:30 PM na. Mukhang kailangan nating makipag-siksikan sa bus nito mamaya," bahagya pa siyang tumawa.

"Wala tayong choice. Tara na?"

Umiling siya. "Maya-maya na, hindi rin naman tayo makakasakay kaagad. Pahinga muna tayo dito."

Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Para na rin niyang sinabi na gusto pa niya akong makasama kaya ayaw pa niyang umuwi. I cleared my throat and smiled at him. Kakausapin ko na lang siya kaysa mapanis ang laway namin dito.

"Palagi kita nakikitang may kasama na babae sa school. Girlfriend mo ba 'yon?" Dahan-dahan ko pang sinabi iyon dahil sa kaba. Gusto kong malaman dahil nabo-bother ako sa kanila.

"Sinong babae?" Kunot-noong tanong niya.

I pursed my lips. "'Yong... 'Yong palagi mong kasama, 'yong maputi na maiksi ang buhok,"

Bahagya pa niyang inisip kung sino iyon pero kalaunan ay ngumiti. "Ah, si Bea ba? Hindi ko siya girlfriend. Incest kapag nangyari 'yon,"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

He chuckled and licked his lower lip. "We're cousins, Raine! She's my first cousin. Close lang talaga kami kaya maraming nag-aakala na girlfriend ko siya. Why did you asked?"

Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib sa sinagot niyang 'yon. So, pinsan lang pala niya? Halos mamatay pa ako sa selos kapag nakikita silang magkasama tapos... mag-pinsan lang pala sila?

"Uh... W-Wala lang, curious lang ako," hilaw akong ngumiti. Parang ito na yata ang sign ni Lord na dapat ko na siyang i-pursue.

"Pero may nagugustuhan kang babae ngayon? I mean, sa dinami-rami ng admirers mo, wala ka man lang bang nagustuhan sa kanila?" tanong ko ulit.

"I have one, but she's not my admirer. We're blockmates," simpleng sagot niya.

Napawi ang ngiti sa labi ko. "Ah, gano'n? Bakit ayaw mong ligawan?" Pakiramdam ko ay sinasaktan ko ang sarili ko, pero gusto kong malaman kung bakit.

"Having a girlfriend is not my priority as of now. Gusto kong magkaroon ng lisensya muna bago manligaw sa isang babae para may maibubuga naman ako kahit papaano." He casually answered.

Napangiti ako sa sagot niya. Ang wholesome ng sagot na siyang dahilan kung bakit lalo akong nahulog. He's really one of a kind. Kaya maswerte ang babaeng magugustuhan niya. How I wish na sana ay ako 'yon.

"Ako palagi ang tinatanong, ah! Ako naman ang magtatanong sa 'yo," mahina siyang tumawa at umayos ng upo.

"Wala namang interesado sa buhay ko kaya 'wag ka nang magtanong," sagot ko.

Umiling siya. "No! You should be fair."

Bumuntong-hininga ako at ngumiti. Sige na nga, pasalamat ka malakas ka sa 'kin, Calvin. "Ano bang itatanong mo?"

"Same question. May nagugustuhan ka rin ba ngayon?"

Dumaloy ang kaba sa dibdib ko sa tanong niya. Seriously, bakit gusto niyang malaman? Interesado ba siya sa love life ko?

Tumikhim ako. "M-Mayro'n isa. Simula noong high school ako ay crush ko na siya," 

"Alam niya na gusto mo siya?" tanong niya ulit, nakangiti akong umiling. "Dapat sabihin mo na gusto mo siya. It's now or never gano'n. Kapag ni-reject ka, okay lang, at least nasabi mo. Makakapagmove-on ka kaagad. Marami kasing what if's kapag hindi ka umamin."

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko akalaing sa kaniya pa talaga manggagaling 'yon, na sa lalaking gusto ko pa iyon maririnig.

"T-Talaga? Ikaw ba, kapag may umamin sa 'yo, ire-reject mo?" Kinakabahang tanong ko.

He smiled a little. "Hindi ko alam. I told you, ayoko pa muna. Pero kung mahuhulog ako, e 'di susubukan ko. I'm willing to take the risk."

Napangiti ako. Iyon naman pala. Paano kaya kung subukan kong umamin sa kaniya, 'no? Ire-reject kaya niya ako o susubukan niya? Na-curious tuloy ako bigla, pero hindi pa ako handang umamin sa ngayon.

"Tara na, masyado nang napatagal ang kwentuhan natin," nakangiting sambit niya.

Tumango ako at tumayo na. Magkatabi kaming naglalakad palabas ng mall. Sa ganito pa lang ay kinikilig na ako.

Maraming tao na nag-aabang ng bus sa station pagkarating namin. Mukhang papagalitan pa ako nito ni Mama pagkauwi ko, hindi pa naman ako nakapag-paalam dahil sa sobrang excitement ko kanina.

30 minutes kaming naghintay hanggang sa makasakay kami. Mabuti na lang ay walang masyadong sakay kaya nakaupo kami kaagad sa bandang unahan.

"Sa Ayala ang baba ko. Ikaw ba?" tanong niya.

"Sa North Avenue pa,"

Tumango siya. "Ang layo pala ng bahay niyo. Buti hindi ka nahihirapan sa byahe from North to South tuwing umaga?"

Tipid akong ngumiti. "Minsan kapag rush hour. Dito ko kasi talaga gustong mag-aral. Mabuti nga pumasa ako sa entrance exam... kaya ayun."

Hindi na kami nag-usap ulit. Ang mga tao ay nagsisiksikang nakatayo sa gitna. Mabuti na lang talaga ay nakaupo pa kami ni Calvin kaya hindi hassle.

Nang papalapit na kami sa Ayala ay napanguso ako. Bababa na siya, tapos na ang momentum naming dalawa.

"Bababa na ako, Raine!" sambit niya.

"Ingat ka!" sabi ko nang nakangiti.

Tumango siya at ngumiti rin. "Ikaw rin. Text mo ako kapag nakauwi ka na, ha? Itetext na lang kita ulit kung kailan ulit kita tuturuan."

Tumango ako kaya tuluyan na siyang bumaba. Wala na, kinikilig na naman ako dahil sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status