"Sabi ko sa 'yo gano'n 'yon, e! Nalito ka lang siguro sa formula. Dapat talaga iniintindi mo kung paano siya iso-solve."
Napakamot ako sa aking ulo at gusto nang ihagis itong ballpen ko sa white board dahil sa inis. Nandito ako sa room ngayon katabi si Jackson dahil nagpaturo ako sa Math. Kanina pa niya ako tinuturuan pero wala pa rin talaga akong maintindihan, sumasakit lang lalo ulo ko.
Isa sa mga dahilan kung bakit ko kinuha itong course na 'to ay dahil akala ko walang Math, scam pala 'yon.
"Tuturuan kita ulit tapos bibigyan kita ng equation para masagutan mo," aniya. Tinuruan niya ulit ako sa pagkakasunod ng formula. Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang tinuturo niya kaya sana ay maalala ko kapag nagsagot na.
Ikakagalit ba ni Einstein at Newton kapag nag-imbento ako ng sarili kong formula?
"Sumasakit ang ulo ko, Jackson! Ilayo mo sa akin 'yang libro na 'yan," reklamo ko, bahagya naman siyang tumawa.
"Mage-gets mo rin 'to, Amara! Aralin m
"Hoy, Amara! Nakita ko 'yong kahapon sa bus station, ah!"Kakarating lang ni Steph sa room ay ganito kaagad ang ibinungad niya sa akin bago umupo sa tabi ko. Sinulyapan ko siya saglit habang nakakunot ang noo."Ang alin? Ang aga-aga mo mag-ingay," inaantok na sambit ko. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaaral kagabi."Kitang-kita ng dalawa kong mata, Amara! Akala ko ba si Jackson ang kasabay mong umuwi kahapon? Bakit nakita kong kasama niyo si Calvin? Lalapit nga sana ako kaso biglang umalis si Jackson," paliwanag niya.Humikab ako at idinuko ang ulo sa desk. "Nag-text si Calvin kung nasaan ako, e! E, 'di sinabi kong nasa bus station, kaya ayun. Bakit ba?"Nakakaloko naman siyang ngumisi sa 'kin at inilapit ang mukha sa tainga ko. "Haba ng buhok mo, ah? Tinext ka para lang tanungin kung nasaan ka? Iba na 'yan, girl,""Baliw! Pinapunta ko rin siya kasi naiilang ako kay Jackson, buti na lang sumunod sa 'kin,""Sus! Hindi naman m
"A confession? I'll go for yes. Remember, you only live once. Why don't you just ask him out? Who cares if he'll say no? At least you have the confidence to ask and that's hot, honey!"Lalo lang gumulo ang isip ko dahil sa sinabi ni Ynna. Napanguso ako at nilaro-laro ang aking daliri habang nakasandal sa couch para pakalmahin ang sarili. Nalilito na ako. Hindi ko naman dapat ito nararamdaman."Yes! Tsaka sa panahon ngayon, uso na ang babae ang nanliligaw. Try mo na hangga't single pa siya," pagkumbinsi ni Steph.Napabuntong-hininga ako at inis na ininom ang soju na nasa baso. Hindi naman ganito ang plano ko dati, e! Okay na ako sa sulyap lang. Hindi ko naman kasi akalain na magiging malapit kami sa isa't-isa at doon ako lalong mahuhulog sa kaniya."Ganito kasi 'yan, e! The more you hide your feelings to someone, the more you fall for them. Make some moves. Hindi naman siguro siya manhid para hindi niya maramdamang you like him," sabat ni Nam."True
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ko.He leaned forward a little more. Naduduling tuloy ako sa sobrang lapit niya. Halos lumabas na rin ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba."Paano mo nasabing wala kang chance? Sino'ng nagsabi sa 'yo?" He uttered using his deep manly voice.I gulped and looked away. "A-Ano... B-Bakit? Totoo naman, h-hindi ba? Lahat naman ng nagkakagusto sa 'yo ay walang pag-asa,""What if I told you you're an exception?" He grinned."H-Ha?"Umayos na siya ng upo na ikinahinga ko nang maluwag. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na lalong ikinabog ng dibdib ko. Mataman naman siyang nakatingin sa akin habang nakangisi kaya hindi ko siya magawang tingnan. Nakakalunod ang mga tingin niya."I feel the same way, Raine!"Just by hearing those words, I knew what he is talking about. Is he confessing to me right now? As in ngayong araw talaga?"You heard me?" He added.Gulat a
"Really ba? Oh my gosh! I'm so proud of you, nabihag mo 'yong nerd na 'yon," masayang sambit ni Ynna. Sinamaan ko naman siya nang tingin dahil ayan na naman siya, tinatawag na nerd si Calvin.She pursed her lips and slightly smiled. "Sorry!" She made a peace sign.I rolled my eyes and crossed my hands on my chest. "Tigil-tigilan niyo ang kakatawag ng nerd sa kaniya. Manliligaw ko na 'yon at soon to be husband. Ayokong tinatawag niyo siyang gano'n,""Landi mo," mahina akong hinampas ni Nam sa balikat kaya masama ko siyang tiningnan, siya naman ay nakangisi sa akin. "Masyado kang advance mag-isip. Soon to be husband amputa. Maghihiwalay din kayo niyan. Hindi na uso ang pang-matagalang relasyon ngayon. Karamihan ay puro laro na lang.""Napaka-bitter mo. Na-ghost ka rin ba kagaya ng kawawang 'yan?" Ngumuso si Ynna kay Steph kaya agad na sumama ang timpla niya."Gago," mahinang sambit ni Steph.Nam chuckled. "Hindi, 'no! Walang nang-goghost sa ak
Halos dalawang linggo na simula noong nanligaw sa akin si Calvin. At sa dalawang linggo na 'yon ay lalo ko siyang nagustuhan. I didn't know that he's much better than what I expected. Sa nakikita ko kasi sa iba, ang mga lalaking nanliligaw sa babae ay binibigyan sila ng bulaklak at chocolate.Calvin is different. Araw-araw, naghihintayan kami sa bench malapit sa field para sabay kaming kumain bago umuwi. Halos sakalin ko na nga siya dahil ayaw niya akong pagbayarin. Araw-araw din niya akong hinahatid sa amin kahit na mahirap ang byahe.At ngayon, nandito ako sa condo niya dahil may napanood daw siyang bagong recipe sa YouTube na mukhang masarap. Gusto niyang matikman namin pareho."Gawain mo bang manood ng ganiyan kapag bored ka? Akala ko pa naman subsob ka sa pag-aaral," sambit ko habang nakasandal sa counter at naka-krus ang dalawang kamay.Humarap siya sa akin saglit at ngumiti bago ibinaling ulit ang paningin sa niluluto. "Minsan. Nakita ko lang 'to s
"Tang ina, natapos din ang final exam," sigaw ni Nam at nag-inat-inat ng katawan. Kumpleto kaming apat ngayon na nakasilong dito sa ilalim ng puno malapit sa gymnasium para tumambay."True! Wala nang iisipin na review," sabat ni Ynna. "Magsaya naman tayo after this hell week. I feel like I don't have social life na. I was so focus on my acads this past few weeks," dugtong niya.Tumango si Nam. "I like that idea. Tara't magsunog tayo ng atay," masayang sambit niya."Ulol, mga lasinggera," biglang sabat ni Steph na ikinatawa ko."Feeling mabait ang gago. Sige na, 'di ka rin naman makakatiis, e! Marupok ka nga sa lalaki, sa alak pa kaya," nakangising usal ni Nam.Steph made a face. "Ha-ha ang funny mo,"Tumawa naman kami sa reaction niya. Kahit kailan talaga, napaka-iksi ng pasensya nitong babaeng 'to. Mabilis din mapikon kaya palaging inaasar ng dalawa. Nawala ang atensyon ko sa kuwentuhan namin nang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. I
Days passed by quickly. One week na lang din ay matatapos na ang klase kaya halos lahat ay nag-eenjoy na at kaniya-kaniyang gala. Wala na rin naman na kaming ginagawa sa room dahil tapos nang magturo ang mga prof. I survived one year in my course."Last year mo na sa school this year," mahinang sambit ko. Nandito ako ngayon sa condo ni Calvin para tumambay, tinatamad pa kasi akong umuwi dahil wala si Mama sa bahay.Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Oo nga. Kaya susulitin ko na ang huling taon ko doon kasama ka,""Aabot kaya tayo ng taon?" wala sa sariling tanong ko.Bahagya siyang tumawa at pinisil ang pisngi ko. "Babe, aabot tayo. We'll make this relationship work together. It's not going to be perfect but we'll make the most out of it, okay?"Ngumiti ako at isinandal ang ulo sa kaniyang balikat. "Ang sabi mo lisensya muna bago girlfriend. Scam ka rin pala, e! Hindi mo natiis ganda ko, 'no?" biro ko.Kinuha niya ang aking kamay at ipinagsi
"Happy 8th months, baby!"Napatakip ako ng bibig sa gulat nang makapasok sa kusina. Hawak-hawak ni Calvin ang cake habang si Mama ay nasa tabi niya, malapad ang ngiting iginawad habang nakatingin sa akin. Kakauwi ko lang galing school at 'di ko inaasahan na may pa-ganito si Calvin. Kaya pala hindi siya nagrereply sa mga texts ko dahil dito."Hindi ka ba masaya? I made this for you." Inilapag niya ang cake at lumapit sa akin."Baliw, masaya ako, siyempre! Hindi... Hindi ko lang inasahan na... may pa-ganito ka," nakangiting sambit ko. Inalalayan naman niya ako palapit sa mesa."Kinuntsaba pa talaga ako ni Calvin, anak, para gawin 'to. Mabuti na lang ay mamaya pa ang lakad ko kaya nakatulong pa ako kahit papaano," masayang usal ni Mama.Ngumiti ako. "Thank you, Ma! Hinayaan mo na lang sanang mag-isa si Calvin tutal ginusto naman niya," biro ko, mahina naman akong hinampas ni Mama sa balikat."Puro ka kalokohan. O siya, Calvin, umupo ka na para