Share

Chapter 6

Reilyxa's Pov.

Kasalukuyan kaming andito sa garden ng school namin, kasama ko ngayon si Arc. Oo, dito ang tambayan naming magkakaibigan kasama na din sina Arc at 'yong mga mokong niyang kaibigan. Pumunta kami dito kase naboboring daw itong si Arc kaya nagmakaawa siyang samahan ko daw siya, hmm! Vacant kase namin ngayon, 'yong mga kaibigan ko naman may mga sari-sariling mundo kasama din 'yong mga boys. I mean by partner.

"Hey Arc! Para hindi naman tayo naboboring dito may naisip akong gawin," sabi ko sa kanya. Siya naman ay nagpakawala ng nakakalokong ngiti. Iba yata nasa isip nito. Hmm kadiri.

"Huwag naman dito baka may makakita pa sa atin, pumunta na lang tayo sa private room niyo," sabi ko na nga ba. Iba nasa isip nito, eh. Akmang hihilain na niya ako pero sinuntok ko siya sa kanyang kamay.

"Aray bakit ka nanununtok? Akala k--"

"Gago! Ang dumi ng isip mo nakakadiri ka. Tsaka isa pa hindi 'yon ang gusto kong mangyari, kaya umayos ka! 'Yong aso niyo na lang ang buntisin mo hayop ka." Bahagya siyang napakamot sa kanyang ulo dahil sa katarantaduhang naisip niya. Aba loko ang lalaki na ito.

"Stop thinking nonsense! I mean maglalaro tayo? Hmmm... Ganito, magtatanong ako sayo as many as I can then answer it honestly. Deal?" Paliwanag ko sa kanya kaya tumango na lang siya. Wala namang siyang magagawa kundi sumang-ayon na lamang.

"Deal," maikling sagot niya

"So let's start. Ako lang dapat ang magtatanong tapos ikaw ay sasagot lang dapat sa mga tanong ko," saad ko pa.

"Now, sa tingin mo sino sa inyong magkakaibigan ang pinakagwapo?" Tanong ko sa kanya. Well, gwapo naman silang lahat pero sa paningin ko si Arc ang pinakagwapo. Ewan ko, tinamaan din ako sa kanya kahit ganito ang pag-uugaling mayroon siya.

Humagikhik pa siya saglit bago sumagot. Parang ewan, nababaliw na yata  ito dahil sa taglay kong kagandahan. Duh, bakit kasi sa kanya pa ako nahuhulog? Baliw ito eh.

"Sino ba sa tingin mo?" Huh? Siya tinatanong ko tapos ako naman tatanongin niya? Siraulo. Tsaka sinabi ko na kanina sa kanya na ako lang dapat ang magtatanong, tsk.

"Hindi ba sabi ko ako lang dapat ang magtatanong sayo? Bakit ka nagtanong?" Mataray na tanong ko sa kanya. Pinipikon yata ako nito, saya siguro nitong kalbohin.

"Oo nga pala, hahah. Syempre sa aming magkakaibigan ako ang pinakagwapo," mayabang na sagot nito. "Kung  hindi mo alam ang spelling ng pangalan ko mas mabuting sabihin ko na lamang," dagdag pa nito saka niya inisa-isang sinabi ang mga letra ng pangalan niya. "Saka lang naimbento ang salitang gwapo noong ipinanganak ako ni Mom, tsaka binigyan ko din ng katiting na kagwapuhan ang mga kaibigan ko. Kawawa naman sila kung ako lang ang gwapo sa kanila, 'di ba? Tsaka 'di ba nga sabi nila share your blessings? Kaya ayon, binigyan ko na lamang sila dahil hindi naman kasi ako selfish kahit papaano." Aba grabe naman, sobrang hangin naman ng lalaking ito. Hindi man lang siya nahiyang 'yan ang isinagot niya sa'kin?

"Hindi ka lang pala baliw, mahangin ka din. Ewan ko sayo nasasapian kana yata ng masamang ispirito." Ako pa ang napipikon sa lalaking ito eh. Pasalamat siya h-hmm basta cute ako 'yon na 'yon.

"Next question," masungit na wika ko sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang nauna, itlog o manok? Tanong ko uli sa kanya. Kunwari pa siyang nag-isip ng maisasagot sa akin. Akala mo naman maayos 'yong isasagot niya, puro kalokohan lang din naman.

"Syempre itlog ang nauna, Alam mo kung bakit? Kasi sa alphabet "I" ang mas nauna sa letrang "M" kaya itlog ang nauna. Hindi ba? Ang galing ko talaga." Nakakaasar naman, pikon na pikon na talaga ako sa kanya kanina pa. Walang kwentang mga sagot, hmm. May gano'n ba? Isa pa, may gano'n ba? Mas mabuti pa yatang bilangin ko isa-isa ang mga buhok ko kaysa magtanong sa lalaking ito.

"Hmm, manok kaya ang nauna. Tsaka wala namang kwenta 'yang mga sagot mo. Puro pamimilosopo lahat ang alam mo, baliw!" naiinis na sambit ko tsaka ko siya inirapan pero pinagtawanan lang ako ng lalaking ito.

"Hahaha... Sa tingin mo saan nanggaling ang manok, saan?" Gigil mo'ko Arc. Pero, oo nga ano? Hmm, itong lalaking 'to hindi na matigil sa pagtawa kaya hindi ako nagdalawang isip na batukan siya kasabay na din nang pagpingot ko sa tenga niya. Duh, pikon na kaya ako at kanina pa.

"Aray! Reilyxa, nasasaktan na ang future boyfriend mo," sabi niya dahilan para mapatigil ako.

Bigla akong namula dahil sa sinabi niya. What? Future boyfriend daw? Omg! Parang may mga paru-parung nagwawala sa bituka ko. I don't know what I'm feeling right now. Simpleng words lang 'yon pero bakit parang napaka big deal sa akin nang binitawan niyang kataga?

"Hmm... Reilyxa, let's go na sa next class natin baka malate pa tayo," biglang saad niya kaya napatango na lamang ako tsaka na nagsimulang maglakad.

Biglang nawala 'yong kasungitan ko kanina. Bakit gano'n na lamang ang epekto ng sinabi niya sa'kin? I'll ignore it for now.

(Enjoy reading, proceed to the next chapters reader.)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status