Share

Chapter 7

Azthrea's Pov.

Ilang buwan na ang nakakalipas mula noong nagkakilala kami ni Bryce. Nagiging malapit na kaming lahat sa isa't-isa and you know what? These few days? Bryce is becoming so sweet to me. Kinikilig na naman ako, hmm. 

What if manligaw siya sa akin? Ano kaya ang gagawin ko? Bibigyan ko kaya siya ng chance or what? Well, time will tell kung ano ang dapat kung maging decision. Tsaka hindi pa naman siya nanliligaw masyado lang advance si utak, hmmm. Excited naman ako masyado sa iniisip ko, kakagigil.

Wait, about pala sa amin ni Bryce? Well proud to say, lagi niya akong sinusundo at hinahatid. Tila ba parang magjowa kami kung umasta, ewan kung ba't niya ginagawa 'yon. Sobrang napaka protective pa niya sa akin ngayong naging malapit na kami sa isa't-isa. Ang bilis ng mga pangyayari, noon ang sungit-sungit ko lang sa kanya tapos ngayon ito na kami.

Anyway, nandito pala kami sa cafeteria ngayon at kasalukuyan kaming kumakain ng lunch. Kasama ko ang mga kaibigan ko as usual.

"Hmmm.... Azthrea," Bryce said kaya napalingon ako sa kanya at pati na din ang mga kaibigan namin ay napatigil at napatingin sa amin.

"Hmm! I smell something fishy," Azthea 

"Azthea, stop will you? Just eat your foods," sabi ko sa kaibigan ko na may halong pagbabanta sa boses ko. Kaya naman nakangiti siyang ipinagpatuloy ang pagkain niya.

"What, Bryce?"

"If okay for you, do you wanna go out with me later?" He asked. Bahagyang napaangat ng tingin ang mga kaibigan namin na halatang nagulat sa sinabi ni Bryce, and honestly ako din ay hindi ko inaasahan na ganito ang itatanong niya sa akin. Ibinaling ng mga kaibigan ko ang tingin sa akin na para bang nagtatanong ang tingin.

"Relax, guys." 

"You mean like a date?" I asked back to him.

"Oo papayag yan," pangunang sagot ni Azthea.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong kaya huwag kang pasulpot-sulpot sa usapan," pambabara ni Arc. Inirapan lang ito ni Azthea at nagpatuloy sa gawi. Ang dalawang ito parang mga aso at pusa kung magbangayan, halata din  naman na may gusto sila sa isa't-isa.

"Maybe if you want," he answered. I don't know what I'm feeling right now. I think I'm blushing.

"Hmm... You're blushing Azthrea," Alysth said.

"I'm  n-not." Defensive.

"Sounds like defensive, hahah." Nakakainis naman siya, sasakalin talaga kita Alysth mamaya ka sa'kin.

"You guys stop! Look Bryce and I are talking to each other and you're not belong to the topic, so please stop." Halata sa boses ko ang pagkairita kaya natahimik silang lahat.

"So what does that mean Bryce?"

"If you want it to be a date then it could be." Hindi na yata ako makakain ng maayos dahil sa sinabi niya. Really yayayain niya ako makipagdate sa kanya? Omg! My first date. Kakainin ko na yata itong kutsara ko para malaman ko kung nananaginip ba ako o hindi.

"Really?" I asked him again.

"Yes."

Omg! Bakit parang excited ako na kinakabahan? Bryce araw-araw akong kinikilig dahil sayo.

"Hmm may tao din dito," Krystan said.

"Alysth tignan mo nga si Krystan oh,"  parang batang sumbong ko kay Alysth. Halata namang namumula na si Alysth, alam ko kasi na may gusto din ito kay Krystan.

Akala siguro nila hindi ko napapansin na may something silang dalawa, hahaha. Duh, alam ko kaya. Pansin na pansin sa kanilang dalawa.

"Krystan, bakit ka naman natahimik?" Pang-aasar ko sa kanya. Wow! Effective 'yon ah, kanina si Alysth lang ang namumula ngayon pati na din si Krystan. May something nga, hahah. 

"Bro, nangangamatis na din pisngi mo para kang baklang naka blush on," asar na sambit ni Bryce kay Krystan kaya nagtawanan kaming lahat.

"Hindi ako bakla." 

"Hinalikan yata ng limang baklang nakalipstick 'yang pisngi mo sa sobrang pula eh, hahaha." Arc

"Hahaha!" lahat kami ay natawa except kay Krystan na halatang pikon na sa amin.

"Hoy! Ikaw Arc mas nakakatawa ka kaya noong mga bata pa tayo. Naapakan mo lang 'yong tae ng aso niyo naiyak kana, mas nakakabakla kaya 'yon." 

"Hmm, at least mga bata pa tayo noon hahaha." Aba matindi itong si Arc ayaw magpaawat.

"Basta 'yon na 'yon." Mukhang wala na siyang maisasagot dahil halatang naiirita na siya.

Mukhang magkakaibigan na nga sila mula pa noong mga bata sila kasi may mga memories sila.

Hindi na kami matigil sa pagtawa dahil sa mga kalokohan nilang ikinukwento sa amin. Ang saya nilang kasama. Sana laging ganito, sana mas madami pang memories ang dumating sa aming magkakaibigan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status