Share

Chapter 9

Azthrea's Pov.

This day is my brother's birthday.

Syempre imbetado lahat ng mga friends ko including Bryce at mga kaibigan niya din hahahah.

My brother is now officially 20.

He's a good brother. Minsan nga kahit pikon na pikon na siya sa'kin hindi niya ako magawang saktan o batukan man lang, sasabihin lang niya pero hindi naman niya gagawin. Kasi sabi niya mahal daw niya ako ng sobra. Ako daw ang baby girl nila kahit anong mangyari.

Pagkababa ko ay naabutan ko na ang mga kaibigan ko sa sofa, habang si kuya and Azh--- what? May something ata sila ngayon ah. Ba't akbay-akbay ni kuya ang kaibigan kong si Azthea?

"Hoy! Kayong dalawa, kuya and Azthea may kailangan ba akong malaman na hindi niyo sinasabi sa'kin?" Ibinaling nilang lahat sa akin ang tingin. Bahagya pang napatawa si Arc sa tanong ko. Hmmm, I think may alam silang lahat maliban nga lang sa'kin.

"Kasi baby girl ano, hehehe." Napakamot pa siya sa kanyang ulo tsaka nagsalita ulit "Kasi nililigawan ko na ang kaibigan mo, hehehe." ayon naman pala eh, tama ang hinala ko sa kanilang dalawa. Una pa lang kase alam ko nang may pagtingin ang dalawa sa isa't-isa.

Well, support naman ako sa kanila kase kaibigan ko naman si Azethea.

Inirapan ko muna si kuya tsaka ako nagsalita "So bakit ngayon niyo lang sinabi sa'kin? Tsaka ikaw Azthea bakit naglilihim kana sa akin?" Halata naman sa mukha ni Azthea na nangangamatis na ang kulay dahil sa pamumula nito.

"Sasabihin ko naman dapat eh kaso nakakalimutan nga lang hehehe, sorry na agad." Aba 'tong babaeng to makakalimutin na pala. Siguro matandang matanda na siya.

"Okay, I'll support you both SS," I said. They smiled at me.

"I mean SS, separate soon Hahaha." Parang baliw na saad ko sa dalawa. Napatawa na din ang iba naming mga kaibigan kaya mas lalong pikon ang pagmumukha ng kapatid ko.

"Hindi pa nga nagiging kami sasabihan mo pa kami ng separate soon? Aba lokong bata," sabi ni kuya habang nakangisi.

"Magsisimula na ang party pumunta na kayo sa garden. Then ikaw Zylix asikasuhin mo ang mga bisita mo," biglang sulpot ni Mom. Napatango na lang si kuya kaya lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa garden.

Magkasabay kami ngayon ni Bryce sa paglalakad habang yung iba naman kasabay din mga partner nila.

Nakadress ako ngayon ng isang kulay pink na hindi lampas sa tuhod ang haba then pointed hills tsaka naglagay din ako ng light make up sa mukha ko alangan naman na sa paa diba? 

"You looks gorgeous tonight," biglang sambit niya. Napayuko na lamang ako dahil ramdam ko na naman ang pag-iinit at pamumula ng pisngi ko pero bigla siyang tumigil sa harapan ko.

"Huwag kang yumuko hindi na kita 'yang maganda mong mukha, oh." I felt a butterflies inside me. Nilalamon na naman ako ng kilig. Iniangat ko ang tingin sa kanya tsaka ngumiti.

"Tara na doon baka hanapin pa nila tayo," pag-iiba ko sa usapan kaya nauna na akong naglakad at alam kong nakasunod lang si Bryce sa akin.

Habang papalapit na kami sa kinaroroonan nila ay kasalukuyan ng nagsasalita si kuya Zylix sa harap.

Bryce Pov

"Good evening everyone! Salamat po sa pagdalo niyo ngayon kaarawan ko. Wala na po akong ibang mahihiling kundi ang kaligtasan ng mga Mahal ko sa buhay. Muntik ko ng makalimutan, mas masaya pa po pala ang kaarawan ko dahil naririto ang pinakamamahal kong babae, Azthea Ivette Heal." Pagkatapos sabihin ni Zylix yun ay nagpalakpakan na ang mga tao dito, Pati na din kami ay nakisali na. 

"So, enjoy this party," pahabol na sambit niya.

Tumabi na ako kay Azthrea na kasalukuyang katabi ang mga kaibigan namin.

"Kuha na tayo ng mga pagkain gutom na'ko eh," sabi ng matakaw naming kaibigan na si Krystan. I'tong pinsan ko talaga patay gutom. Sabagay ako din naman gutom na hahahahah ang babango kaya ng mga pagkain. Amoy pa lang masarap na.

"Ako din gutom na, tara tayo na lang ang kumuha ng mga pagkain. Girls stay na lang kayo dito hintayin niyo kami," sabi ko sa kanila. Tumango naman ang mga babae kaya nagtungo na kami sa kinaroroonan ng mga pagkain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status