Share

Prologue

*Kring, kring, kring.

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata bago tuluyang nagmulat. It's already 6:00 o'clock am in the morning. This is my first day of school, in our own school.

It's already monday morning. Another day, another blessings from God.

Bago ako tuluyang bumangon ay hindi ko kinakalimutan ang pagdadasal o paghingi ng pasasalamat sa panginoon kahit na minsan pasaway ako tsaka nakakagawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya.

Pagkatapos kong magdasal ay iniligpit ko na muna ang aking higaan tsaka tuluyang pumasok sa banyo, may sarili kase akong banyo dito sa loob ng aking room.

Kasalukuyan akong nagpapatugtog ngayon habang naliligo. Nakasanayan ko na kasi ito. Ito ang isa sa mga paraan para malibang ko ang aking sarili, sa pamamagitan ng pakikinig sa mga kanta.

Standing by my window, listening for your call

Seems I really miss you after all

Time won't let me keep these sad thoughts to myself

I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go

Habang nagpapatugtog ako ay sinasabayan ko din nang pag-awit ang kanta dahil ito ang nagpapagaan sa aking pakiramdam. Tuwing umaga kasi ay ganito na ang ginagawa ko, habang naliligo ako nagpapatugtog din.

And I'll always love you

Deep inside this heart of mine

I do love you

And I'll always need you

And if you ever change your mind

I'll still, I will love you

I wish you'd never left me but love's a mystery

You can break a heart so easily

Oh the days and nights reveal how much I feel for you

Time has come for me to see how much your love has meant to me

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti na parang baliw. Parang kinikilig ako sa kanta kaso wala naman akong love life. Ewan ko na lang kasi sa sarili ko nababaliw na yata ako. 

And I'll always love you

And if you ever change your mind

I'll still, I will love you

Time like a river keeps on rolling right on by

Nothing left for me to do

So I watch the river rise

And I'll always love you

Deep inside this heart of mine

I do love you

And I'll always need you

And if you ever change your mind

I'll still, I will

And I'll still, I will love you

Humuhugot ba 'yong kanta? Wala naman akong boyfriend pero favorite song ko ito. Siguro soon makikilala ko din siya pero huwag na muna ngayon. Mapanakit kasi ang mga lalaki. 

Alam mo ba 'yong tipong gusto ko magkajowa kaso ayo'ko talaga? Basta 'yon na 'yon, hindi ko din kase naiintindihan.

Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako para makapagbihis na kaagad ng biglang tumunog ang aking phone, someone is calling...

Hmm... My caller is just my friend, she's Azethea.

"Hello! Good morning Princess, are you ready?" She asked. Well I'm always ready.

"Good morning too! Of course Azethy, you know that Princess Azthrea is always ready right?" I also answered to her.

"As you said Princess. Anyway I'm going to the school now, how about you? Baka malate kana naman. First day of school natin ngayon hindi ka pwedeng malate," she said with her loud voice.She's always a girl with a noisy mouth.

"Stop will you? Huwag mo ngang lakasan 'yang boses mo nakakabingi  tsaka nagbibihis na ako hindi ako malelate. Sige na baka malate pa ako dahil sayo," pagsusungit ko sa kanya. Ganda ng mood ko kanina tas ngayon sinira niya. Nakakainis naman.

*Tok, tok, tok.

Someone's knocking on my door.

"Who's that?"

"Ma'am, Princess tawag na po kayo ng Mommy niyo kakain na po." Si Manang Leila lang pala. Bahagya akong tumayo mula sa aking kama tsaka nagmadaling binuksan ang pintuan ng aking silid.

"Manang Leila ikaw po pala, pwede po ba na huwag mo na akong tawaging ma'am? And also pakisabi po kay Mommy na susunod na lang ako sa baba," sambit ko. Syempre kahit suplada ako minsan mabait parin ako. Ayo'kong tawagin nila akong Ma'am nakakailang kaya, hindi naman ako isang teacher para tawaging Ma'am.

Pagkatapos kong makapagbihis ay bumaba na ako para makakain na at makapunta na din ako sa school baka malate pa kase ako.

"Good morning baby! Come let's eat," bati ni Mommy pagkababa ko.

"Good morning too Mom, where's Dad and Kuya?" Tugon ko, pansin ko kasing wala sila.

"Ang Dad mo ay nauna na sa office then ang Kuya mo naman ayun tulog pa, alam mo naman 'yong kapatid mo tulog mantika." Bahagya din akong natawa sa sinabi niya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Mom. Kinuha ko ang mga gamit ko sa sofa tsaka tuluyang lumabas ng bahay.

Ginamit ko na ang iniregalo sa akin nina Mom and Dad na car noong birthday ko. Syempre tinuruan din naman ako ni kuya sa pagmamaneho kaya wala nang problema.

***

Nndito na ako ngayon sa parking lot, alam niyo kung anong ginagawa ko dito? Syempre magpapark alangan namang umihi ako dito diba? Hahaha!

Nagmadali na akong lumabas sa aking kotse tsaka nagmadaling tinungo ang aking classroom, may nabangga ako kanina kaso hindi ko pinansin kasi nga malelate na ako ayo'kong mapagalitan.

Sa wakas, nakita ko na din ang room ko at kung sinuswerte nga naman magkakaklase pala kami ng aking mga baliw kong kaibigan. Pagkapasok na pagkapasok ko ay siya ding pagdating ng aming guro.

"Good morning class, I'm Ms. Jheniva Heraz your new adviser. So because this day is the first day of our class can you introduce yourself one by one?" In fairness maganda ang adviser namin tsaka mukhang mabait siya.

Nagsimula nang magpakilala ang mga ibang kaklase ko hanggang sa mapunta na sa isa sa mga kaibigan ko ang atensiyon.

"Hi everyone, good morning! I'm Reilyxa Varielle Clifton. I'm just a simple girl with a good personality," saad ni RV kasabay no'n ang pagngiti niya. Totoo naman ang kanyang sinabi. Mabait siya, kapag tulog hahaha.

"Good morning classmates! Azthea Ivette Heal be nice to me," pagpapakilala niya and as usual sa malakas na boses.

"Alysth Lindsey Fortal, treat me good and i'll treat you better." Medyo supladang kaibigan ko na kagaya ko.

Pagkatapos niyang magpakilala ay ako na ang sunod, tumayo na ako sa pagkakaupo tsaka nagsimulang magpakilala.

"Hi, good morning everyone! I'm Azthrea Princess Mae Kylthe, the one and only daughter of the owner of this school. I'm a simple girl. So be nice to me." Bahagyang napatigil ang mga kaklase ko dahil sa aking sinabi, parang gusto kong tumawa ng napalakas dahil sa reaction nila hahaha. Pero totoo naman, ayo'kong may nambubully sa akin and specially sa mga baliw kong kaibigan.

Pagkatapos naming magpakilala ay...

Discuss...

Discuss...

Discuss...

Class dismissed!

Sa wakas, natapos din ang unang araw ng pag-aaral namin. Ang saya din nang araw na ito, sana laging gan'to.

(A/N:Hellow readers, kamusta ang pagbabasa niyo? nagustohan niyo ba ang ginawa ko? Limit your expectations kasi hindi pa ako gano'n kagaling na manunulat.)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status