Share

Chapter 1

Azthrea's Pov.

Napabalingkwas ako dahil sa kumakatok mula sa labas ng aking kwarto. 

"Baby wakeup you're gonna be late kung hindi ka pa babangon," si Mom pala. 

"Yes Mom gising na po ako, magbibihis na po," tugon ko sa kanya. Ramdam ko naman ang kalabog ng mga paa niya pababa sa hagdan. Si Mom ang taga gising ko kapag late akong gumigising, haha.

Tinignan ko ang orasan ko at 6:30 pa lamang ng umaga pero sabi ni Mommy malelate na ako, hmm. Ano naman kaya ang pakulo ni Mommy? 

Wait! Nakaisip ako ng kalokohan para sa kuya kong tulog mantika. For sure hindi pa 'yon bumabangon.

Pumunta ako sa kanyang silid para tignan kung tulog pa ba siya at hindi ako nabigong makapasok dahil hindi ito nakalock, siguro nakalimutan ulit niyang ilock ang pinto niya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan niya.

1, 2,3... May sunog, sunog, sunog! 

Biglang nagising si kuya pero mas lalo akong natawa dahil nataranta siya at nahulog sa kanyang kama. Hahah perfect. Nagtagumpay na naman ako sa isinagawa kong kalokohan pero...

"Azthrea Princess Mae Kylthe!" Dahil sa sigaw ni kuya ay bigla akong napatakbo patungo sa aking silid tsaka dali-daling inilock ang aking pintuan. Hingal na hingal na ako dahil sa bilis ng pagtakbo ko pero lagot ako ngayon sa kanya. Pikon na naman kase ang mokong hahahahaha makapagbihis na nga lang.

Kinuha ko na ang towel ko tsaka na ako nagtungo sa aking banyo para makaligo na. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagpasyang bumaba na upang makisabay kumain. 

"Lagot ako neto kay kuya," mahinang saad ko sa aking sarili.

Bumaba na ako at nagtungo sa hapagkainan. Andito na sina Mom at Kuya.

"Kayong dalawa, bakit sumisigaw ka kanina Zylix? Inaano ka ba ng kapatid mo?" Tanong ni Mom kay kuya kaya bahagya akong napahinto sa pagsubo.

"Hmm, kase Mom itong batang 'to pumasok sa room ko tsaka nagsisisigaw na may sunog daw kaya ayon nataranta ako tsaka ako nahulog sa aking kama. Ang sakit kaya ng balakang ko. Pasalamat nga siya at mahal ko siya kung hindi baka nasakal ko na 'yan." Humagikhik si Mommy. Tumikhim naman ako at nagpatuloy sa pagsubo.

Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi ni kuya, totoo naman kasi 'yong sinabi niya na kahit lagi ko siyang inaasar hindi niya ako pinapatulan kundi kinikiliti niya nga lang ako.

"Kumain na kayo para makapasok na din kayo sa school then susunod na din ako sa inyo," Mom said. Maalaga talaga si Mom eh, ayaw na ayaw niyang nalilipasan kami ng gutom.

"Tsaka ikaw Zylix pagbutihin mo ang pag-aaral mo okay? Huwag mong papabayaan ang kapatid mo sa school." Hindi naman ako pinapabayaan ni kuya, napakaprotective kaya niya kahit minsan masungit pero may tama na yata siya kay Azthea hahaha.

"Syempre Mom bubugbugin ko siya mamaya ay este bubugbugin ko ang aaway sa kanya pero sa pagkakaalam ko palaban naman siya," ani kuya sabay kindat kay Mom. 

"Sige na, baka malate pa kayo, sasakyan mo na lang ang gamitin niyo Zylix." Perfect timing Mom tinatamad ako sa pagdadrive ngayon.

"Bye Mom," we said. Pero bago kami tuluyang umalis ay nakipagbeso-beso pa kami kay Mom. Nakagawian na kasi manin.

*****

Nandito na kami ngayon sa school.

As usual ang dami na namang babaeng nagtitilian dahil sa kuya ko. Hindi kaya sila nagsasawa sa mukha ng mokong kong kapatid? Nakakairita.

"John akin kana lang," sambit ng isang babae na napaka kapal ang make up. Hmm, as if naman na magugustohan siya ng kuya ko eh si Azethea gusto nito hahah lakas nang tama niya sa kaibigan ko.

"Hindi sila bagay ng kasama niya mas bagay kami." Pinipigilan siya ng isa sa mga kasama niya I think isa siyang transferee, mapapaaway yata ako. Bahagya akong lumapit sa kinaroroonan nila, akmang pipigilan ako ni kuya pero hindi ako nagpatinag.

"You!" Saad ko sabay turo sa babaeng nagsabi na hindi kami bagay ng kapatid ko. Bakit ba ganito ang mga tao? Makakita lang ng gwapo, tsk.

"Me? And who you are? Anong karapatan mong ituro-turo ako?" Aba matapang din pala ang isang 'to.

"So hindi mo pala ako or let's say hindi mo kami kilala? Now, let me introduce myself and please listen to me." Medyo iritadang sabi ko sa aking kaharap. "I'm Azthrea Princess Mae Kylthe the one and only daughter of the owner of this school and he is Zylix Trizon John Kylthe my brother." Halata sa mukha nito ang pagkahiya. Transferee siguro ito kaya hindi niya ako kilala pero ang lakas ng loob niyang magtaray. "Now you already now who I am. Huwag kang magtapang tapangan dito tsaka isa pa hindi ka gusto ng kapatid ko," sabi ko sa kanya tsaka na ko tumalikod sa kanila at nagsimulang maglakad papunta sa room. Naiwan naman ang babae na tulala, gulat pa siguro sa mga nalaman niya.

Hindi naman talaga ako gaano kamaldita pero ewan bigla nalang siguro akong sinapian ng kasungitan ngayon.

Nasira na tuloy araw ko ngayon nakakainis. Sira na ang beauty ko, joke hahaha. 

(A/ N: Enjoy reading readers.)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status