Share

Chapter 2

Bryce Pov.

"Insan,insan gising na." Ano ba 'yan ang aga aga may nanbubulabog na naman.

"Ano bang problema mo? At isa pa paano ka nakapasok sa room ko?" Naiinis na tanong ko sa pinsan ko.

"Hmm, 'yon ba? Syempre hindi nakalock 'yong pinto nang kwarto mo tsaka baka malate tayo ayo'ko nang mapagalitan kaya bumangon kana," wika ni Arc. Kahit kailan talaga itong pinsan ko nakakainis.

"Sige na umalis kana dito sa kwarto ko," sambit ko tsaka ko siya tinulak-tulak palabas pero bahagya pa siyang tumigil sa tapat ng aking pintuan.

"Kiss mo muna ako bago ako lumabas." Gago, nababakla na yata sa kagwapuhan ko.

"Tangina mo, lumayas kana nga dito. Nakakadiri ka naman," sabi ko sa kanya kasabay no'n ang pagbatok ko sa kanya. Nakakatawa naman siyang bumaba kaya padabog kong isinara ang pintuan.

Makaligo na nga lang, nasira tuloy ang tulog ko ngayon. Hmmm! Nakakainis siya, parang walang sariling kwarto kung umasta. Akyat bahay moves. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para makaligo na.

*****

Nandito na kami ngayon sa School kasalukuyang nagpapark.

Pagkababa namin ay ang dami na namang nagtitilian as usual. Nakakarinding ingay, nakakainis!

"Ano bro? Sayo na 'yong baklang makapal ang make up, ayon oh," saad ng pinsan ko kay Arc kaya binatukan siya nito.

"Ako? Papatol sa bakla? Pwede naman 'yon oh," sabi naman ni Arc kaya nabaling ang paningin namin ni Krystan sa itinuro niya. Ang tinutukoy niya ay 'yong babaeng may kasamang tatlong mga babae din.

Nakakabakla 'yong isa sa kanila, napakaganda naman niya kaso parang masungit.

"Tara lapitan natin sila," anyaya ni Arc sa amin. Hindi na kami umimik pa ng pinsan ko dahil gusto ko din naman malapitan 'yong magandang babae.

"Hi I'm Arc Carlo Lenzo and you are?" Aba! Ang tapang ng kaibigan namin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya ulit.

"Hello? Reilyxa Varielle Clifton." pagpapakilala din nang babae sa kanya. I think friendly naman silang lahat maliban sa babaeng natitipuan ko.

"So friends?" Arc

"Friends," Nakangiting saad ni Reilyxa

"The three of you are transferee?" Tanong ng girlfriend ko ay este itong babaeng natitipuan ko.

"Yes Ms. Beautiful," mabilis na sagot ko.

"So since you're a new students here you should be nice or else hindi ko kayo tatanggapin," mataray na sambit niya. Hindi naman siya ang tatanggap sa amin diba? Mataray nga talaga masyado, maangas ang dating niya pero ang astig. Parang walang kinakatakutan. Siguro sila ang may-ari nang school na pinasukan namin ng mga kaibigan ko. Nakakatakot naman siya, napaka sungit.

"I'm Bryc-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita ulit, nakakapikon namn siya.

"I don't need your name, I'm not asking who you are." Pasalamat ka cute ka dahil kung hindi baka sinapak na kita. Sa isip ko ay 'yan ang sinasabi ko.

"Let's go girls," saad ulit niya sa mga kasamahan niya. Kaya mas lalo akong nagkakagusto sa kanya eh.

"Pre okay ka lang? Hahaha." Mga gago, pinagtatawagan pa ako.

"Hahah... For the first time na naignore ka."

"Shut up your fucking mouth!" galit na saad ko tsaka ko sila binatukan at nagsimula nang maglakad.

Ngayon pala kami lilipat sa kabilang section. Naglakad na kami at nagtungo sa kung saan talaga ang room namin.

"So class listen, may mga bago kayong mga kaklase." Grabe nakita agad kami ng advicer namin? Pumasok na kami and what? Magkakaklase kami? Magiging masayang ang araw na ito.

"So you guys introduce yourself," our professor said.

"Hi everyone! I'm Arc Carlo Lenzo the most handsome of the three of us," pagpapakilala niya kaya sabay namin siyang binatukan ni Krystan.

"Krystan Forr Varrwall, I'm just a simple guy but I'm also a handsome guy hehehe," pagpapakilala ni Krystan.

Ako na ngayon ang sunod na magpapakilala, ibinaling ko muna ang tingin ko sa babaeng masungit kaya bahagya akong napangiti. Napakaganda talaga niya nakakabakla.

"Hi everyone! I'm Bryce Ace Telor. The one and only son of Mr. and Mrs. Telor na nagmamay-ari sa dalawang sikat companya." Nagsimula nang magtilian ang mga babaeng nandito maliban sa apat na magkakaibigan.

Ang cute niya talaga, nakaka in love siya.

(A/N: Maikli sa part na ito kasi wala akong masyadong scene na maisip huhuhu. So ayon, enjoy reading guys.)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status