Share

Chapter 3

Bryce Pov. 

"So class dahil kakasimula pa lamang ng klase, bibigyan ko na lamang kayo ng activity ngunit ito ay by partners." Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko na tila alam na namin ang gagawin. Ngunit bago pa kami mag-usap-usap ay nagsalita ulit ang lecturer namin.

"Lalaki at babae ang dapat na magkapareha. Boys pick your partners na," sabi nito. Umingay ang buong silid namin. Madaming mga babae ang nakatingin sa akin na tila ba gusto nila na sila ang piliin ko. Ang dalawa kong mga kaibigan ay kaibigan ni Azthrea ang kapareha.

"So since kayong dalawa na lamang ang walang partners," turo ng lecturer namin sa aming dalawa ni Azthrea. "Kayo na ang magkapartner," sabi nito. No choice siya at masaya din ako na kami pa talaga ang itinadhanang magkapareha. Lumapit na ako sa pwesto niya dahil hindi ko aasahang lumapit 'yon sa akin.

"Ang gagawin niyo today ay kailangan niyong gumawa ng poster slogan about sa ating kapaligiran. Ano ang magagawa niyo upang masugpo o sugpuin ang mga suliraning pangkapaligiran. Tulad na lamang ng kung paano niyo poprotektahan ang inang kalikasan." Tinignan ko ang kapareha ko at halatang may naisip na siyang iguhit. Matalino din pala ito eh pero suplada nga lang. 

"Ako ang guguhit at ikaw ang magkukulay sa iguguhit ko," sabi nito sa akin. Bahagya akong napangiti sa harapan niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sa tuwing nakikita ko siya parang nawawala lahat ng problema ko. 

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Baliw ka ba?" Tanong nito saka nginisian ako. Napatingin naman ang mga kaibigan namin sa gawi naming dalawa na may nakakalokong ngiti. Pinandilatan ko na lamang sila ng mata dahilan para magtawanan pa sila.

"Hoy! Magkulay kana," iritadang sambit ng kaharap ko, ang babaeng masungit lang naman.

"Tapos kana? Ang bilis mo naman yata," saad ko. Sa halip na siya ang sumagot ay ang kaibigan niya ang sumulpot. Palibhasa madaldal kasi itong kaibigan niya.

"Huwag ka nang magtaka kung madali niyang natapos yan dahil magaling 'yan sa pagguhit." Sa halip na sumagot uli ako ay itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa ginuhit niya. Ang linis ng pagkakaguhit nito. Hindi basta-bastang guhit ang ginawa niya. Parang iginuhit nito ng isang professional.

"Ano tititigan mo na lamang yan? Akin na nga," sabi niya. Inirapan pa niya ako tsaka niya kinurot ang tenga ko. Dahilan para mamilipit ako sa sakit.

"Aray!" Malakas na sigaw ko kaya napatingin ang mga kaklase namin sa amin. Nag peace sign lang ako sa kanila at bumalik na ang atensiyon namin sa mga gawain namin maliban sa mga kaibigan namin na nanunukso ang paningin.  

"Bakit mo naman kinurot ang tenga ko?" Parang batang tanong ko sa kanya. Dahil sa reaksiyon ko ay bahagya siyang tumawa. Ang ganda niya talaga.

"Hahaha... Ang pangit mo namang magpout hindi mo bagay," sagot nito sa akin. For the first time, nakita ko siyang tumawa at take note dahil din sa akin. 

"So friends na din tayo?" Nahihiyang tanong ko.

"Oo, ang pangit mo hahah." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maasar. Sabihin ba naman niyang pangit ako? Hmm, pero okay lang atleast friends na kami.

"Ang sama mo naman sa akin." Nakapout pa rin ako. Syempre kunwari nagpapacute din ngunit hindi naman yata effective, sinabi naman kasi niyang pangit ako.

"Ayan tapos na," sabi nito habang tawa parin ng tawa. Nababaliw na ata ito sa akin. 

"Tumigil ka ang ingay mo," sabi ko sa kanya saka ko siya inirapan.

"Hahaha pikon ka lang eh." Hindi kaya siya napapagod katatawa? What if magwalk out ako kunwari? Sige try natin, hahaha.

"Oh saan ka pupunta? Magwa-walk out ka? Hahaha baliw kana yata," sabi nito. Grabe naman ang babaeng ito, ako pa talaga ang baliw sa lagay niyang 'yan?

"Joke lang 'yon, baliw hahaha." Joke lang pala so gwapo nga ako?

"Sabay ka sa lunch namin mamaya?" Tanong ko sa kanya dahilan para matigilan siya sa pagtawa.

"Libre mo ako?" Hindi lang pala baliw ito matakaw din yata. Kung umasta noong una ko siyang nakilala napakamaldita, baliw naman pala.

"Oo na basta sumabay ka sa amin this lunch break." Sa wakas unti-unti na din kaming nagiging close. Sana mapalapit na din ang loob niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status