Share

Kabanata 01

Unang araw pa lang namin sa klase grabe na agad magpa-quiz. Lintek naman trial na trial talaga ang peg. Unang subject research agad walang pahintulot muna. Hindi man lang kami hinayaan makapag-pahinga

"Huy Ace, sama ka sa amin mamaya kakain sa labas," Zaynab invited me. "Ay hala sayang bawal ako eh, may trabaho ako sa hapon at gabi hindi muna ako puwede ngayon, next time," nanghihinayang na tugon ko. "Sayang naman pero sige next time na mag-aya kami dapat papayag ka na ha," Zaynab command. Natawa naman ako pero tumango ako. "Pero teka ano twitter account mo?" Larisa asked. Binigay ko naman sa kaniya ang un ko at kay Zaynab finollow naman nila ako dahil doon kahit sa f******k at i*******m. We have interaction na, Larisa also created a group message for the three of us! I was so happy at the same point dahil mayroon akong makakasama sa whole year bukod kay Keriza. "Hoy, may gc tayong tatlo ha. Doon tayo lagi mag-uusap. Huwag natin dapat iyon aamagin," bilin ni Larisa.

Buti na lang din ay mayroon akong social media. Hindi din naman ako nagpapa-huli when it comes to this, mahirap kasing mahuli sa mga ganitong bagay. Mahihirapan ka makipag-socialize kung lagi kang huli.

Lunch time namin ngayon buti na lang at nag-baon ako ng pagkain. Alam ko kase mahal ang mga bilihin dito kaya naman mas pinili ko na lang mag-baon ng pagkain gusto ko din naman makatipid kahit papaano.

Kamalas-malasan, wala akong dalang bottled water. Naiwanan ko sa room sa kamalas-malasan gagastos na naman ako! Ayoko na kasing bumalik sa room para kunin 'yung bottled water ko, malayo-layo din kasi ng konti itong cafeteria sa building namin. 

"Uh wait lang ha, bili lang akong bottled water, naiwanan ko sa room inuminan ko eh ang layo nito para puntahan ko pa doon," paalam ko kila Lariza. I went to the cashier para bumili ng tubig. Buti na lang may dala akong pera nakakaloka!

"Ate mineral water po," sambit ko. Binigay naman din sa akin ang tubig. "Magkano po?" I asked. "120," the cashier said. What the hell? Mineral water lang nasa halagang 120 na! Grabe naman ang mamahal ng paninda dito hindi na ako uulit sa susunod!

Binigay ko naman din agad ang bayad. Hindi na talaga ako uulit na bumili dito. Sana pala sa labas na lang kami bumili makakatipid pa ako kaso bawal lumabas ang hassle talaga.

"Uy, ang mahal pala ng tinda dito?" sambit ko sa kanilang dalawa ng makabalik ako sa table namin, "Oo mahal talaga," natatawang sambit ni Zy. "Ayoko na, hindi na ako uulit. Bottled water lang. Baon ko na buong araw," I heavily sighed. "Lesson learned na iyan," natatawang sambit ni Larisa. Tumango naman ako. Hinding-hindi ko na iiwanan tubig ko sa room. Buwiset!

Buti na nga lang hindi nagtampo si Larisa na hindi ako makakasama sa unang gimik namin dahil may trabaho ako sa hapon after ng class at sa gabi bago ako umuwi ng bahay. Gustuhin ko man pero bawal talaga...

Naglalakad na ako pabalik sa table namin ng may narinig akong hiyawan at sa kamalas-malasan ay 'yung lalaki pala kaninang nakabunggo ko ang hinihiyawan nila, hearthrob pala 'yan?mukha kaseng engkanto joke lang.

Shit! Magkaka-salubong pala kami! Ignore him, inhale, exhale. Sana hindi niya ako matandaan please! Ayokong makasapak!

Dire-diretso ang lakad ko para hindi niya ako mapansin pero sa kamalas-malasan may kumuha ng braso ko at hinarap siya. Siya pala ang humablot sa braso ko. Pilit ko naman iyon kinakalas.

"Hi baby miss na kita," mapang-asar na bati ng lalaki. Agad naman nag-init ulo ko at sinapak siya. "Gago ka ba?! anong baby?! Nasisiraan ka na ba ng bait ha?! Hindi nga kita kilala 'tapos tatawagin mo ako na baby. Gago 'wag ako!" galit na sambit ko. Lahat ng kulo ko ay umangat dahil sa kaniya. Lahat ng tao sa paligid ay nakatingin pala sa'min. "H'wag mo naman ako ipahiya baby, nagkita naman tayo kanina ah," he teased me again in front of students.

Ano ba trip ng lalaking ito? Kahihiyan 'yung binibigay niya sa'kin. Hindi ko maintindihan bakit niya pa ako pinansin, "Ah ikaw pala 'yung manyak kanina, sige bye," paalam ko dito. "Sige see you ulit baby!" pang-aasar ulit nito. I raised my middle finger to him at umalis na ng tuluyan sa harap niya. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko kasi totoo naman na siya 'yung manyak na binunggo ako.

"Huy 'te lakas ng loob mo ha kinalaban mo ang isang Linderio," Zaynab said. "Linderio? pangalan niya 'yon? bagay pala malinderio kase siya," I said. "Anong malinderio?" Zaynab ask. "Malandi + Linderio = Malinderio," I said. "Gaga ka hindi mo ba alam na president 'yan ng council! Ako 'yung kinakabahan sa'yo baka ipa-guidance ka no'n!" singit ni Lariza. Totoo? President 'yon ng council? hindi bagay. "Eh 'di pa-guidance niya sasabihin ko naman ang totoo na manyak siya,"matapang kong sabi. napa-iling na lang ang dalawa dahil sa asta ko.

Wala naman akong pake kung ano siya dito, basta malinderio pa rin siya para sa akin. Kapag nagkita kami hindi lang sapak ang aabutin niya 'pag inasar niya pa ulit ako. Tinuloy na namin ang pagkain at nang matapos kami ay bumalik na kami sa aming room sa kung saan sila na naman ang blockmate ko.

Si Lazarus nasa kabilang room dahil may subject siya na wala kami no'n parang pang-last sub namin mamaya 'yon. Iba kase sched niya dahil late na siya nakapag-enroll but he will still be our president in our room. 2 subjects lang ang naiba. Makakasama pa naman namin siya.

Nang makapasok kami ng room ay hindi na naman maganda ang titig nila sa'kin. Umupo na lang ako sa upuan ko at pinipilit na i-ignore ang titig nila mula sa'kin. "Rachel right?" one of my classmate ask. "Yes," I said. "What's going on between you and Linderio?" she ask me straightforward nagulat ako dahil doon. "Huh?" I ask in confusion. "Don't lie to me," she said. "Bakit ako magsisinungaling?" I said dahil hindi ko talaga alam ano gusto niyang iparating sa akin. Bakit ano ba sila no'ng Linderio?

"Okay, malinaw naman wala kang interes kay Linderio, but don't you dare touch him again because in the first place he was mine, all mine! Got it?" she said in a bitch tone. "Bakit boyfriend mo ba siya para sabihan ako ng ganiyan teka lang ha, wala kasi akong pake kung ano mayroon sa inyo ng Linderio na 'yon at kahit kailan hindi mangingielam sa inyo. One question sagutin mo ng maayos," I said. "What?" she got iritated. "Kayo ba?" I asked. She paused for a second. 

Lahat ng mga kaklase namin ay sa'min naka-mata. Kaya mas lalong nakaka-intense. "It's none of your business bitch," she was so irritated. Hindi na niya nahintay ang sagot ko. Alam ko na una pa lang ay walang namamagitan sa kanila ng Linderio na iyon. Med'yo feelingera siya sa part na 'yon. Hindi naman pala sila pero ganito na siya maka-asta. Wow naman. 

Nang maka-alis na si Annalise, biglang lumipat ang isa kong kaklase. "Hayaan mo na siya, ambisos'ya lang siya kasi dead na deads kay Linderio pero anyways wala ba talaga?" mapang-asar na sambit ni Fleur. "Hoy wala nga hindi ko naman kilala talaga 'yon dahil siya lang naman unang nag-approach sa'kin kanina," I was so sure of my answer at hindi niya siya nag-sorry sa'kin dahil binunggo niya ako kanina kainis na 'yan! 

Nagtataka naman ako bakit ganoon ang tanong nila sa akin eh kakikilala ko lang doon sa hayop na iyon eh, hindi ko naman talaga siya kilala in the first place. 

"Alam mo bang sa lahat ng nagkakandarapa kay Pres sa'yo siya nagka-interes kasi tignan mo ikaw lang kinausap niyang babae sa daming babae dito sa campus." singit ni Caitriona. "Hoy Caitriona Gray isa ka pa ha, wala akong interes sa mga lalaki ngayon hindi ako nag-aral dito para maghanap ng boyfriend. It's not my thing!" I hissed. "Oh 'wag ka mag-overact diyan binibiro ka lang namin," natatawang sambit ni Caitriona. "At hindi ako si Catriona Gray. I'm Caitriona Laxamana," she said sabay flip ng hair niya. 

I just rolled my eyes out of nowhere. "Bagay kayo ni Pres. Linderio," sigaw ni Letitia. Si Larisa at Zaynab naman ay tuwang-tuwa na asarin ako ng tatlo namin kaklase. Buti na lang hindi naririnig ng mga kaklase naming iba. "I can hear you, can you please just stop!" galit na sigaw naman ni Annalise. Agad naman dumako ang mga mata ng kaklase ko sa'min at kay Annalise. 

"Papansin ka ba o kulang ka sa pansin?!" she yelled at me. "Ako ba ikaw? As you can see nag-aasaran kami 'tapos sisigaw ka diyan na akala mo iyong iyo siya," pangbabara ko dito. "How dare-" akmang sasampalin niya ako ngunit agad kong naagapan 'yon. "Don't you dare to slap me, you don't know me well, kakikilala lang natin then ito ang ibubungad mo sa'kin," seryoso kong sambit. Buti wala pa ang prof namin ku'ndi baka nasa guidance na ako agad! Umalis naman agad si Annalise kasama ang mga alipores niya. 

Tumingin naman ako sa lima ng masama. "H'wag niyo na ulit uulitin 'yon tignan niyo nangyare sa'kin muntik na," I heavily sighed, nag-sorry naman sila dahil sa nangyare. It's okay naman sadiyang unang araw ko pa lang dito sa M.U away agad ang bungad sa'kin. Kapag nakita ko talaga ang lalaking 'yon hindi na sisikatan ng araw sa'kin siraulo siya! Kainis talaga siya!!

Kapal ng mukha niyang tawagin akong baby eh manyak naman siya! "Oh huwag ka na bad mood okay? Papanget ka niyan sige ka. Ikaw din," pang-aalaska ni Larisa dahil katabi ko siya at si Zaynab. Buti na lang din dumating na ang prof namin. Gusto ko na mag-aral ng matiwasay pero ginulo ako ng Linderio na 'yon at ang Queen Bees, ayoko ng gulo pero sila nang-gugulo sa akin kabadtrip naman sila.

"Pa'no hindi ako maba-bad mood Larisa eh unang araw ko dito 'tapos ito salubong sa'kin what so nice huh?" I growled. "Chill ka lang ha, huwag mo na lang din pansinin ang mga iyan dahil kulang naman sila sa pansin," she said and Zaynab agreed with her. Totoo naman talaga. Hindi ako 'yung papansin ku'ndi sila naman. Hindi ko alam mga trip nila sa buhay nila. 

Kung may college lang siguro sa old school ko baka doon na lang din ako dahil libre ang tuition fee at hindi ako mai-stress ng ganito. Ganda kase ng salubong sa'kin away agad. Sana bukas hindi na ganito. Ayoko din ng gulo actually. Gusto ko ng peace of mind.

"Okay lang 'yan Ace part na ng college 'yan," Larisa said and tap my shoulder. "Grabe naman kasi unang araw pa lang natin ganito na agad bungad talaga sa'tin p'wede bang maging kinder na lang?" I hissed. "Kung puwede lang," Zaynab laugh. Sa totoo lang gusto ko na maging kinder dahil dito! 

"Hey what's up!" Lazarus yelled. "Grabe ha parang hindi tayo nagkita ah," I joke. "Ka-panget mong kabonding pala Ace," reklamo ni Lazarus. Natawa naman ako dahil doon para kaseng bata si Lazarus kung umasta. "Oo nga tama naman si Ace kakikita lang natin 'tapos para kang nawala ng 100 days dahil sa pag-hiyaw mo," Zaynab said. "Heh! Isa ka pa ha," pag-mamaktol niya. Tinawanan na lang namin siya dahil asal bata si loko. 

I was drinking my water in bottle ng sabihin ni Lazarus na "Hoy Ace may something ba sa inyo ni President Linderio?" kaya naman tumilansik ang tubig ko sa mukha niya dahil sa tanong niya. "Walang hiya Ace ba't naman sa mukha ko sinaboy?!" singhal ni Lazarus kaya naman pinunasan niya 'yon. Nag-tawanan naman mga kaklase ko dahil sa itsura niya. "Ayan kase nangbibigla ka agad. Ayan ang napapala ng chismoso," natatawang sambit ni Zaynab. "Curious lang naman ako eh," paawa ni Lazarus dahil hindi naman siya sumabay sa'min kumain kanina. 

"Walang namamagitan sa'min okay? It's just an accident kanina bago ako nakarating dito sa room kaninang umaga, saka unang araw ko pa lang naman dito ba't ganiyan mga tanong niyo sa'kin? Mga siraulo ba kayo? Hindi ko pa naman kilala iyon Linderio na iyon, " I nagged. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang nangyare kaninang umaga at kaninang lunch grabe naman pagka-sikat ng lalaking 'yon. Sana lang hindi ako sugurin ng mga fans niya leche siya!

But anyways, tawag na nila sa'kin ay Ace since iyon naman ang nickname ko talaga, hindi ako sanay ng tinatawag na Rachel. Hindi ko din alam kung bakit Ace ang napili ni Mama itawag sa akin. But it's was pretty name also, puwede sa lalaki, puwede sa babae. Only my close friends call me that, kapag hindi naman ay Rachel lang. 

"Pero ano ba nangyare kanina?" he got curious. "Nabunggo niya ako kaninang umaga dahil hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya 'tapos hindi siya nag-sorry then manyak siya," singhal ko. Natatawa naman sila. Sasagot na sana si Lazarus ng dumating ang pangalawa sa panghuli namin professor. Mukhang terror siya ha. Sana hindi dahil hindi ko na kakayanin ang mga teacher dito. 

"Binibining. Arcena," Mr. Aragon said. "Yes sir?" I asked nervously. "Gaano kahalaga sa'yo ang pagka-tuto sa wikang Filipino?" he asked, grabe ito ba ang pang-introduction nila? "Para sa akin Sir, mahalaga siya dahil ito ang ginagamit natin sa pakikpag-talastasan sa kapwa natin, at saka dapat natin itong mahalin dahil ito ang sarili nating wika na sumisimbolo sa atin bilang isang mamayang Pilipino," I said. "Very well said Binibining Arcena," Mr. Aragon said. Buti prepare ako sa mga ganito dahil sa pagkaka-alam ko iba ang style nila sa introduce yourself. Grabe ang school na 'to.

Ang boring naman at the same point mas gugustuhin ko na lang mag-trabaho charot may pangarap ako kailangan kong makatapos para sa pamilya ko. Nangako ako sa kanila. Maganda naman ang mga feedback sa'kin ng mga professors dahil magaganda ang mga sagot ko sa kanila at sa mga quizzes na ginagawa nila ngayon unang araw ko dito, mainam na din 'yon dahil kailangan din mag-aral mabuti para hindi mawala ang scholarship ko

"Grabe ano pina-inom mo sa mga teacher natin at gano'n sila sa'yo, nakaka-halata na ako dito ng favoritism," Zaynab said. "Luh? Wala naman akong ginawa sadiyang nag-advance reading lang ako dahil sabi nila ibang style ang mga pa-introduce yourself. Hindi ko din alam na ganoon palang mga sagot ang gusto nila. Ako lang 'to," mayabang kong sabi. "Ang hangin grabe 'di ba Larisa?" she teased me back. Natawa na lang ako dahil doon. "Kaya nga nakaka-amoy na kami ng favoristism dito," nagtatampong tugon ni Larisa. "Mga siraulo, hindi naman. Sa una lang 'yan I swear," I assured them. "Hindi mo sigurado," Zaynab said. Buti na ang wala pa ang prof namin for last subject. 

Gusto ko na mag-trabaho dahil kailangan ko ng pera para sa tuition ni Cindy sa new school niya dahil unang pasok niya ngayon bilang kinder. Gusto ko sa private namin siya pag-aralin hindi naman sa gaanong kamahalan kungbaga sakto lang. 

"Inaantok na ako," bulong ni Larisa sa'kin dahil dumating na din ang prof namin. "Ako din naman pero konting minuto na lang ay matatapos na ang subject natin," bulong ko din sakto na para hindi marinig ng prof namin na nagdi-discuss sa harap. 

She yawned again at napadukdok na lang siya dahil med'yo lame ang subject compare sa mga last subject namin kanina.

After 1 hour natapos na ang klase kaya naman nag-paalam na ako kila Larisa na mauuna na ako dahil sa work ko na 4-6 PM. Hinayaan naman nila ako na umuwi na para makagayak na din ako ngunit may bubuyog na humarang sa'kin.

"Binabalaan kita Rachel stay away from my boyfriend," pangbabanta ni Annalise. Hindi ako natinag. "Bakit girlfriend ka ba niya?" pangbabara ko, bago siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Una sa lahat wala akong pake sa inyo ng Linderio na 'yon at wala akong balak alamin kung ano mayroon sa inyo dahil wala akong interes sa mga kaharutan niyo. Okay maliwanag na sa'yo? At sana huwag mo na ako guluhin ayoko ng peste sa buhay ko," binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti at umalis na sa harap n'ya. 

Nagmamadali na akong dumating sa Brake's Coffee shop. "Sorry sis may hayop kase na humarang sa dinadaanan ko kaya na-late ako," I said to co-workmates. "Okay lang naman, unang araw mo palang naman sa school mo, kumusta naman?" she asked while I'm preparing for my shift siya kasi ang kapalitan ko dito. "Okay naman, maganda naman ang turo nila unang araw pa lang kaso ang mahal ng mga paninda," singhal ko. Natawa naman siya dahil sa reklamo ko. "Ganiyan talaga sa mga pribadong unibersidad. Masanay ka na," natatawang sabi niya. "Sinabi mo pa hindi na ako uulit sa pagbili do'n," I said. 

Nag-paalam naman siya na uuwi na siya dahil may pang-gabi din siya na shift. We are working students mas maaga lang ang uwian niya compare sa'kin. 

I was busy preparing sa order ng isang customer ng may pumasok sa shop kaya na-antala 'yon saglit. "Good da-," hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang pumasok it was Linderio, "Hi baby ba't naman hindi ka nag-paalam kanina na uuwi ka na?" nagtatampo na sambit ni Linderio. I fake a smile with him. "What is your order sir?" malambing na tanong ko. "You," he said. "What is your order sir?" ulit ko. "Okay fine, caramel machiatto at Coffee Caramel Frappuccino," pikon na untag ni Linderio at binayaran niya na. "Noted sir. Please take your seat and we will serve your order in a minute," I try to smile again kahit pilit.

I groaned in frustration dahil sa mokong na 'yon. Natapos ko ng gawin ang order niya at sinerve ko na sa kaniya. "Here's your order sir," malambing kong sambit kahit nandidiri ako. "Thanks Babe," he teased me again! Kung hindi lang ako nagtatrabaho ngayon ay masasapak ko na naman 'to sa sobrang kainisan. Inirapan ko na lang siya. "So you're working here huh?" he asked. "And it's none of your business," I said at umalis na sa harap niya hindi ko na hinintay ang kaniyang sasabihin dahil alam kong wala naman iyong kuwenta.

Bumalik na din ako sa cashier para mag-entertain ng mga customer. "Hi miss what's your name," the young boy said. Seriously? Pumunta lang ba siya dito para tanungin ang pangalan ko? What the hell? "What is your order sir," hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ako nag-trabaho dito para humarot. Walang nagawa ang binata ku'ndi ang umorder na lang. Sanay na sanay na ako sa ganitong scenario kaya naman alam ko na ang gagawin sa mga ganitong sitwas'yon. Hindi ko naman namalayan na umalis na si Linderio pero wala akong paki-alam. Mas mabuti naman iyon.

"Rachel, you can now go, I'll take care of it," my boss said. I nodded as an answer to him. Nag-gayak na ako para sa isang trabaho ko na 7:00 to 9:00 PM natapos ko na rin naman mga assignments ko habang nagt-trabaho kanina. Nagulat ako sa aking paglabas. He was there. 

"Oh ano ginagawa mo dito gabi na ah?" I asked. "Ayie concerned siya," he joke again hindi na ako natutuwa. "Ano ba problema mo ha? Hindi na ako natutuwa sa'yo," I demanded. "Wala lang gusto lang kita asarin," he said. "P'wede ba 'wag ako ang guluhin mo, si Annalise na lang," I said at umalis sa harap niya. "Saan ka pupunta?" he asked. "Sa kung saan hindi mo ako makikita!" I shout dahil malayo na ako sa kaniya.

Naiinis pa din ako sa kaniya dahil unang araw ko sa bagong school ko ganito ang aabutin ko. Gusto kong maging mapayapa sa school pero habang nandiyan siya hindi ako magiging mapayapa. Ayoko ng gulo. Ayoko ng away. 

I want to be in peace! Hindi pa ba sapat sa kaniya na nagkita na kami kaninang umaga at tanghali hanggang sa trabaho ko ay gagambalin niya ako! Nakarating naman ako sa another work ng walang Linderio na umaaligid.

"Huy ano nangyare kanina sa school? Balita ko nagkagulo kayo ng Linderio ah?" Keriza ask. She was my co-workmates here in my last part time job.Hindi rin pala kami nagka-sabay kanina kasi nagmamadali na din ako, but in-update ko naman siya na mauuna na ako. "Ewan ko ba doon Keriza dahil ginugulo niya pa ako simula no'n tanghali na nag-kita kami," I groaned in frustration. "Baka gusto ka niya," she said, sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bilis naman at saka wala akong paki-alam sa kaniya ayoko kase ng ginugulo ako Keriza," I said. "Alam ko naman 'yon baka may pakay sa'yo si Pres," pagbibigay niya ng motibo, "Hindi ako naniniwala at wala akong pake kung hahanap ng sisirain ng araw, huwag na lang," I said. "Baka lang naman,baka bet ka niya," pang-aalaska ni Keriza, "Ang tanong bet ko ba siya, s'yempre hindi," I said. 

"Weh?" she teased me. "Wehteng," pangbabara ko. I'm here at my last job for today. Coffee shop din siya but I'm waiter here naman. Kung sa una ay ako ang sa cashier dito naman ay waiter. 

"Baka nasa M.U ang true love," Keriza teased. "True love doesn't exist to me Kez," I said. "Ang bitter mo naman mare," she teased me again. "Bakit? Masama bang hindi muna maniwala sa true love kase bata ka pa?" I asked. She just shrugged at hindi na sinagot ang tanong ko sa kaniya. Napa-iling na lang ako sa kaniya. 

Yeah right, hindi ako naniniwala ngayon sa true love or baka wala lang talaga akong time for love dahil mas priority ko ang family ko kaysa sa tunay na pagmamahal. Madami din naman ako nakikitang naghihiwalay dahil sa pang-checheat ng boy kay girl or si girl ang nang-checheat kay boy. Kaya ayokong dumating sa ganoong point. Baka ika-durog ko lang. Kung tunay ang forever bakit may mga naghihiwalay na mag-asawa? kahit ang matagal ng magka-relas'yon? Hindi ba sila compatible sa isa't isa or baka hindi na lang talaga sila nag-wowork?

Besides, I'm still 18 turning 19 pa lang this january. Wala pa akong alam sa pagmamahal na iyan. Pagmamahal lang sa magulang ang alam ko at wala ng iba. Loving someone right now is not my priority. All I want is to study and study. Iyon lang wala ng iba. 

Mas pinaniniwalaan ko ang lifetime kaysa sa forever dahil ang lifetime ay through ups and down ay lagi silang nandiyan para sa isa't isa kasi nangako sila sa harap ng dambana ng Diyos na magsasama sila habang buhay hanggang sa kamatayan. Isa iyon sa pinaniniwalaan ko dahil sa nakikita ko sa magulang ko. 

Destiny? hindi ako naniniwala diyan. Hindi ko din alam kung bakit ako hindi naniniwala sa mga kasabihan na 'yan dahil mas pinaniniwalaan ko ang Diyos. Siya ang magtatakda kung sino ang nararapat para sa akin. 

That's what matters to me. Family and God. Sila ang kalakasan ko sa panahong ako'y napapagod na sa mundong 'to. 

Related chapters

DMCA.com Protection Status