Kabanata 6

Unti-unting minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Naaalala niya na hinigop siya ng isang malakas na hangin. Hindi niya alam kung saang lugar na naman siya napadpad. Lumingon siya sa kaniyang paligid at nakita niya ang kaniyang ina sa kaniyang gilid na nakaupo at natutulog. Hawak nito ang kaniyang kanang kamay.

"Inay?" pagtawag niya sa kaniyang ina.

Kaagad din namang nagising si Milagros at labis na natutuwa dahil gising na ang anak.

"Anak mabuti't gising ka na! Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Magsabi ka lang anak," pag-usisa pa nito.

"Okay lang po ako, inay."

Napaluha si Alea sa labis na kasiyahan dahil nakikita, nahahawakan at naririnig na siya ng kaniyang ina.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Milagros. Magkahalong lungkot at saya ang kaniyang nararamdaman. 

"Inay nasa'n po ba ako?" 

"Nasa ospital ka anak. Nasagasaan ka ng isang sasakyan mabuti na lamang at hindi daw malubha ang iyong lagay."

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status