Share

Kabanata 19

Hindi alam ni Alea kung saang bahagi ng lugar siya napunta. Kakaiba ang kapaligiran doon. May mga kahoy sa paligid ngunit walang mga dahon. May mga usok na bumabalot sa paligid ngunit hindi niya ito napansin dahil madilim. Babalik na sana si Alea ngunit may nakita siyang maliit na ilaw sa 'di kalayuan. Naglakad siya papalapit doon at nang makalapit ay nakita niyang isa pala itong maliit na kubo.

Biglang bumuhos ang ulan kaya napilitan siyang kumatok sa kubong iyon para makisilong. "Tao po?" Kinatok niya ito ng tatlong beses at naghintay na may magbubukas ng pinto. Lumipas ang ilang segundo ay bumukas ang pintuan at dumungaw ang isang matandang babae. 

"Magandang gabi po sa'yo, lola. Pwede po ba akong makisilong saglit?"

"Halika, pumasok ka sa aking munting tahanan," sabi nito at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Agad siyang pumasok dito at naupo sa sahig nitong kahoy. Tanging maliit na lampara lamang ang ginagamit nitong pang-ilaw sa madilim na gabi.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status