Kabanata 69

Huminto si Alea sa tapat ng kanilang bahay. "Dito ako nakatira. Ito ang aming bahay," sabi niya sabay turo sa bahay nila.

"Ngayon ay alam ko na kung saan kita dadalawin, Alea," sabi ni Yulan.

"Yulan, magpaalam ka na. Kailangan na nating bumalik sa ating mundo," wika ni Leo.

"Sige na, Yulan. Papasok na ako sa loob. Mag-ingat kayo pauwi."

"Alea!" Napalingon kaagad si Alea nang marinig ang sigaw ng kanyang itay. Kalalabas lamang nito ng bahay. "Aba'y gabi na! Saan ka ba nanggaling? At sino ang lalaking ito?" tanong ni Jose.

"Itay, siya po si Yulan, kasintahan ko po."

"Magandang gabi po, itay," wika ni Yulan.

"Anong itay? At kailan ka pa nagka nobyo, Alea? Naglilihim ka na pala sa amin ng iyong inay?"

"Pasensya na po, itay."

"Halika na! Pumasok ka na sa bahay, Alea!" Hinila ni Jose si Alea. "At ikaw lalaki! Umuwi ka na sa inyo! Ayaw kong palihim kayong nagkikita nitong anak ko. Naiintindihan mo ba?"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status