HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?
HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?
Author: soulful
CHAPTER 1: PAGPAPAKILALA

Ashy Lopez galing sa isang simpleng pamilya. Biniyayaan ng mapagmahal na magulang at isang kapatid na babae. Hindi man mayaman, hindi naman sila kinukulang sa anumang pangangailangan. Siya ay nasa 4th year college kumukuha siya ng  Business Management dahil pangarap naman talaga niya 'yon. Ang magtrabaho sa isang kumpanya. Kung pwede nga lang ay sa isang malaking kumpanya.

Dahil malayo ang paaralan sa kanilang bahay kinailangan niyang umupa sa isang boarding house kasama ang mga kaibigan niya na kaklase din niya. Ok namn sila, masaya siya dahil nakatutok siya sa pagaaral niya. Katunayan niyan ay deans lister nga siya mula pa noong 1styear pa lang siya.

Simple lang naman talaga ang pangarap niya sa buhay, ang makapagtapos magkaroon ng magandang trabaho at magkaroon ng simple ngunit masayang pamilya. Sa ganda niya,  maraming nanliligaw sa kanya pero ni isa ay wala siyang mapusuan. Hindi naman siya lesbian siguro ay talagang wala pa sa kanya ang love. Nasa 4thyear college na siya, konting kembot na lang at ga-graduate na rin sa wakas. Ngaun pa lang ay excited na siya.

Papasok na sana si Ashy sa school nang may kumatok sa pinto ng kwarto nila. Nabungaran niya dito si Mark, isa rin sa mga boardmate niya.

"Ohh Mark bakit?" tanong niya rito.

"Ash favor naman pahiram muna yung speaker mo may play kasi kami mamaya ehh kailangan ng background music, please...balik ko din agad." Nag-cross finger pa ito na nagsusumamo. Kilala kasi siya nito. Alam niya na maingat siya sa mga gamit niya at kung pwede ay ayaw niyang pina-pakialaman ang mga ito nang hindi niya alam.

"Oo na dami mo na namang sinabi," sabay abot sa kanya ng speaker.

"Salamat. Siya nga pala si Storm Robles bago nating boardmate kakalipat niya lang kagabi. Tulog kana kasi nun ehh. Storm si Ash," pagpa-pakilala niya rito.

"Hi! Nice to meet you," bati nito skanya.

Tiningnan lang niya iyo na parang wala lang. Tapos nag-paalam na ito para pumasok sa clase niya.

Stressed ang araw na ito para sa kanya, gabi na ng matapos ang klase niya. May trabaho kasi ang professor niya sa major subject niya kaya gabi na natatapos ang klase niya. Dahil malapit lang ang school sa boarding niya nilakad na lang niya ito..

Pagkatok niya sa gate lalong nahaluan ng stressed ang kaninang stressed na niyang pagkatao. Laking gulat niya nang kung sino ang magbukas ng gate para sa kanya.

"Hi! Uyy gabi na ahh, "sabi nito.

"So anong problema mo?" sagot nito sa kanya na parang naiinis na.

"Ehem! Gabi na po kasi tapos mag-isa ka. Hindi kaba natatakot?" Lakas loob na tanong niyo sa kanya.

"Hindi. Tsaka bakit ba? Daig mo pa tatay ko kung makapuna sakin ahh!" sagot nito na naiirita na. Sobrang naiinis siya dito na parang nananadya sa mga ginagawa niya. May sasabihin pa sana ito sa kanya pero naglakad na ito papasok sa loob ng kuwarto nila.

"Nakakainis!" yamot na sabi niya sabay bagsak ng bag niya sa kama, na napuna naman agad ito ng kaibigan.

"Oyy..bakit? Anong meron? Bakit yamot na yamot ka diyan?" tanong ni Jem kasama niya sa kwarto at kaibigan niya.

"Ayy alams ko na. Baka nakita niya yung crush niya na kasama yung girlfriend tapos sweet na sweet kaya siya ganyan," mapanlokong sagot naman ni Weng, kaibigan niya na mapang- asar at may pagkaliberated.

"None of the above, score zero," sagot nito.

"Ehh ano nga?" Usisa ni Jem sa kanya.

"Alam niyo nakakainis talaga yang bagong boardmate natin, daig pa ang tatay ko kung makapagsabi sakin tungkol sa pag-uwi ko ng ganitong oras. "

"Hmmm.. baka naman concern lang," sagot ni  Weng sabay palo sakanya.

"Well diko kailangan ang concern niya. Hindi kami close," depensa parin niya.

"Soon magiging close kayo, uyy mabait naman siya, alam mo ba? Ang lakas ng sense of humor niya. Nako pag nakausap mo siya baka ma-inlove kana gurl!" Kilig pang pahayag ni Jem.

"Ako? Mai-inlove diyan? Okay ka lang? Binabangungot kana yata," sagot nito na para bang malayong mangyari ang sinasabi ng mga ito.

"Hayy! Mahirap magsalita ng tapos, kung ako sayo, magbihis kana at sumunod kana sa kusina at kakain na tayo ng mawala naman yang init ng ulo mo," sabay kindat dito..

Pag minalas-malas nga naman maka-kaharap pa pala niya sa pagkain itong lalaking kinaiinisan niya. Wala naman na siyang  choice kundi ang kumain nalang ng kumain, dahil araw araw na niya itong makakasama sa pagkain..

"Need help?" naghuhugas siya ng plato ng biglang may magsalita sa likod niya. Muntikan na niyang mabitawan ang plato dahil nagulat siya.

"Ikaw wala ka talagang magawang maganda sa buhay mo.. Ang hilig mo makialam. Umalis ka nga dito!" pagtataboy nito sakanya.

"Lahhh grabe ka ha! Gusto lang namang tumulong ehh," nakatitig lang ito sakanya.

"I dont need help. I can manage isa pa maliit n bagay lang 'to. Kaya pwede ka ng umalis."

"Hmmm bantayan nalang kita. Baka mamaya may multo dito ehh," pang-aasar parin niya saka siya naupo sa mesa.

Kung hindi lang sana kabastusan, kanina pa sana niya ito binuhusan ng tubig para umalis na ito sa paningin niya, sadyang i-pinanganak na yata itong walang ibang gagawin sa buhay kundi manggulo sa buhay ng may buhay.

Lagi silang ganun. Wala yatang araw na hindi sila nag-aasaran o nag-kakainisan.

Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at buwan. Nagkapalagayan sila ng loob kahit nandun parin siyempre ang minsang asaran hindi yun nawawala. Oo nga malakas nga talaga ang sense of humor nito na sobrang ikinatuwa naman niya. May tinatago din naman pala itong kagandahang asal. O baka di lang niya ito makita nuon dahil natakpan ito ng pag-kainis niya rito.

Habang tumatagal mas nakikilala nila ang isa't-isa mas naiintindihan nila ang ugali ng bawat isa.

"Uyy Ashy, mukhang ok na kayo ni Storm ahh." Minsan nasabi ni Jem..

"Hmmm...medyo ok naman may konting bait din namang tinatago ang loko," sabi niya sabay tawa..

"Girl, bka naman ma-inlove kana niyan tandaan mo, never ka pang na-inlove buong buhay mo. Try mo minsan para magka idea ka,"  patawang sabi ni Jem na halata namang nagbibiro nanaman ito.

Natawa naman si Ashy. Bigla tuloy siyang napaisip,,paano nga ba? Paano nga ba ang pakiramdam kapag nagmahal kana?

Paano nga ba nito babaguhin ang buhay.?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status