Share

Chapter6: Unexpected Visit from

"Ashy, may naghahanap sayo kanina. Babae daw sabi ni Weng." Yan ang bungad sa kanya ni Jem pagkagaling niya sa school nang umagang yun.

"May iniwan bang bilin? Sinabi ba ang pangalan?" Tanong niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na 'yon.

"Walang sinabi na pangalan ehh. Ang sabi lang daw niya is, babalik daw siya." 

"Hmmm.. ganun ba? Sige wala naman na akong pasok ngaung hapon. Si Storm ba wala pa?"

Tanong niya. Dalawang araw na kasi mula nung nagsimula ulit ang klase, pero hindi parin nagpaparamdam sa kanya si Storm. Kahit text o tawag man lang ay wala itong paramdam sa kanya.

"Wala pa Ash ehh.. Nasaan na kayo 'yon? Dapat nga inaayos na niya ang OJT niya ngaun eh." Balik na tanong sa kanya ni Jem, habang nakatutok lang ito sa sinusulat niya.

"Nag-aalala na nga ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ko nga alam kung kumusta na  siya, kung okay lang ba siya? May sakit ba siya?" Bagsak ang balikat niya na umupo sa tabi ni Jem. Ang totoo niyan hindi talaga niya maintindihan kung bakit biglaan ang hindi pagpaparamdam sa kanya ni Storm. Hindi naman sila nag-away para atleast man lang sana ay may alam siyang dahilan kung bakit hindi ito nagpaparamadam. Minsan nga naisip niya na tinataguan na siya nito dahi sa may nangyari sa kanila. Pero hindi naman siya ganung klaseng babae para habulin o ipag-pilitan ang sarili niya kung sakali mang ayaw na sa kanya nito.

"Ash.. ano kaya kung puntahan natin siya sa bahay nila. Malay mo pabebe lang siya kaya ganun," bigla ay napatingin sa kanya si Jem. May point naman ang kaibigan niya. Baka gusto lang ni Storm n malaman kung concern ba siya rito kaya kunwari ehh hindi siya nagpaparamdam. Pero, naisip din niya na baka magalit naman ito kapag nagpunta siya sa bahay nila na walang pasabi.

"Bad idea Jem. I won't bite that idea, sorry pero hindi ko talaga gagawin yan. Yung ipakilala nga niya ako nuon sa parents niya tinaggihan ko ehh. Ngaun pa kaya na ako mismo ang pupunta dun?" Sabi ko. 

"Gaga ka ba? Gusto ka niyang ipakilala sa parents niya tinanggihan mo? Alam mo ba na halos karamihan sa mga babae yun ang pinapangarap sa buhay? Yung ipakilala sa magulang ng boyfriend nila? Tapos ikaw tinanggihan mo lang?" Tumayo pa ito at ikinumpas-kumpas ang kamay niya habang nagsasalita. Makikita sa mukha niya ang pagkadismaya sa sinabi ni Ashy.

"Sira, siyempre may dahilan naman kung bakit ko ginawa 'yun. Alam mo na," hindi na itinuloy pa ni Ashy ang sasabihin dahil hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ng kaibigan kapag nalaman nito na pinatulan niya si Storm kahit may girlfriend ito. Hangga't maari ay hanggang dun nalang sana muna ang alam nito.

"Alam mo Ash whatever be the reason, its not right. Alam mo 'yon, hindi naman tama na tinanggihan mo siya. Alam mo baka iyan ang isang dahilan kung bakit hindi na siya nagpaparamdam sayo." Biglang nasabi ni Jem. Paano nga ba kung yun nga talaga ang dahilan? Paano kung nagtampo nga ito dahil sa tinaggihan niya nuon na makilala ang mga magulang niya.

Pero naisip niya, hindi naman siguro ganun kababaw ang dahilan ni Storm para iwasan siya ng bongga. Puwede niya naman itong kausapin. Hindi yung bigla-bigla nalang itong hindi magpaparamdam sa kanya. Nasa kwarto na siya ng subukan niya ulit tawagan ang cellphone number ni Storm. Gaya ng dati ring lang ito ng ring pero wala namang sumasagot. Hindi na niya ito inulit pa. Pero sa isip niya, paano sila makakapag-usap kung 'di man lang ito magparamdam sa kanya.?

Makakaidlip na sana siya ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto nila. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya saka siya dahan-dahang bumangon para bukasan ang pinto.

"May naghahanap sayo. Yung sinasabi ni Weng kanina," pabulong na sabi ni Jem sa kanya.

"Sige, pupuntahan ko na," sagot niya na naka-kunot pa ang noo dahil wala nga siyang inaasahang bisita lalo at babae pa.

Bigla siyang hinila ni Jem. "Kapag kailangan mo ng resbak sabihin mo lang ha?" Pabirong sabi ni Jem habang naglalakad sila papunta sa kinaroroonan ng babae.

Matangkad ito. Sosyal tingnan kumpara sa kanya na simpleng simple lang kung manamit. Halatang may kaya sa buhay at hindi basta-basta. Napatigil siya sa paglalakad, never pa talaga niyang nakita ang babae at talagang hindi niya ito kilala. Nilakasan na lang niya ang loob niya at kausapin kung sino ba ang babaeng ito.

Magsasalita na sana siya nang....

"So you must be Ashy, Ash for short. Finally, we met. Hindi mo ba tatanungin kung sino ako?" Taas-kilay na tanong sa kanya ng babae habang pinapasadahan siya nito mula ulo hanggang paa.

Napalunok siya bago magsalita. "So sino ka nga? Hindi kasi kita kilala, tsaka ngaun lang kita nakita." 

"As expected, hindi mo talaga ako kilala. Pero ako marami na akong alam sayo. Well, maliit ka nga. Pero maganda ka, at obviously kahit maliit ka...... Marami kang kayang gawin. Aren't you?" Sabi nito na mukhang galit at mukhang may pinupunto.

"Pasensiya ka na ha? Pero hindi kita maintindihan eh. Tsaka, paano mo naman ako makikilala? Ngaun nga lang tayo nagkita. Hindi din naman ako sikat para makilala mo." Sagot ni Ashy na medyo nakakaramdam na ng inis sa babaeng kaharap niya. Habang si Jem na kaibigan niya ay kanina pa nakakunot ang noo.

"Do I need to say it little by little? Do I need to spill it out word by word?" Sadyang inilapit pa ng babae ang mukha nito sa mukha niya.

"Bring it on. Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?" Timping sagot ni Ashy kahit sobrang nangagalaiti na ito sa pagka-inis sa kaharap niya.

"Then hold your breath."

"Im Girlie Roxas, soon to be Mrs. Storm Robles, at yun ay kung titigilan mo ang kakatihan mo." Galit na tingin nito sa kanya. Dun na nagsink-in sa isip niya kung sino ang babaeng ito. 

Tama.. ito yung girlfriend ni Storm na sinasabi niya. At tama nga ito sa itsura palang niya ay nasa tipo na nito ang nakukuha ang anumang gustuhin niya.

"Ako lang naman ang girlfriend ng lalakeng inaahas mo. Ako yung girlfriend ng lalakeng pinatulan mo kahit alam mo naman na committed na sa iba. What were you thinking? Na kaya mo siyang sulutin sa akin. Well I'm here to let you know na hindi mo siya makukuha sa akin. You know what, it was not the first time na ginawa ko to. So it means its not only you. Marami kayo." Mapait na ngiti ang binigay nito sa kanya.

"Siguro nga, pero mahal ko siya at mahal niya ako," sagot niya rito bilang pagtatanggol sa sarili niya.

"Mahal? Mahal mo siya, siguro.... ehh siya mahal ka ba niya? Sige sabihin nating mahal ka niya. Nasaan siya ngaun? Nandito ba siya para ipagtanggol ka? Diba wala? Ni hindi nga siya nagpaparamdams sa iyo diba? Kasi, gusto niyang patunayan sa akin na ako ang mahal niya." Pag-diin nito sa sinabi niya.

"Hindi ako naniniwala sayo. Alam ko na ginagawa mo lang ito para magalit din ako sa kanya. Ano pa bang gusto mo? Bakit di mo na lang pabayaan si Storm? Alam naman nating pareho na may mahal ka ng iba diba?" Depensa niya. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito dahil gusto niyang panghawakan ang pangako sa kanya ni Storm na hindi sila bibitiw sa pangako nila kahit ano pa man ang mangyari.

"I love Storm more than anything and he knows that. He supports me in evertything  I want because he loves me more. Its just that malayo ako, at may mga pangangailangan siya. At naiintindihan ko yun dahil ganun din naman ako. In short, we understand each others needs. Nagkataon nga lang na ikaw yung nakapuno sa pangangailangan niya this time. But don't get it wrong girl, alisin mo sa isip mo na mahal ka talaga niya. Wake-up from your innosence, lahat ng lalake sasabihin na mahal nila ang isang babae para lang makuha ang gusto nila. At ganun ang ginawa ni Storm sayo. Hindi naman na niya kasalanan yun kung madali kang mabola at mauto." Mahabang sabi nito na hindi parin inaalis sa mukha niya ang tingin.

"Gusto ko paring maka-usap si Storm. Dahil siya lang ang mkakapagsabi sa akin kung ano ang totoong nagyayari. Hindi sayo.!" Sagot nito na halos hindi na niya mapigilan ang pagpatak ng luha niya dahil sa mga narinig niya.

"Don't worry he will see you as soon as matapos ang pinagkaka-abalahan niya ngaun. He was just fixing something so important that can no longer wait. Just after his graduation kasi, magpapakasal na kami para matigil na rin ang pambababae niya. So hindi mo ba kami babatiin?" Pang-aasar pa sa kanya ng babae.

Halos hindi siya makapag-salita sa narinig niya. Tama ba ang narinig niya? Magpapakasal na si Storm? Bakit ang bilis.

"Seryoso ka, ang alam ko kasi hindi siya magpapakasal sa isang tao na hindi naman niya mahal at hindi siya masaya. At lalong lalong hindi di sayo," sagot niya rito kahit sa mga sandaling yun ang naguguluhan na siya.

"Bilib din naman ako sa fighting spirit mo. Ganun na rin sa kapal ng mukha mo. The nerve of you talk to me that way. Baka nakakalimutan mo, ako ang niloko niyo. I'm here to wake you up from your dreams. He's been mine and he will always be mine. Wala pang kahit na sinong babae ang nanalo sa akin. At kung ikaw lang din naman. You will not going to to win over me." Paninigurado ng babae sakanya.

Pakiramdam niya ng maga sandaling yun ay para siyang nauubos na kandila. Sa kahihiyan at sa sakit na nararamdaman niya. Lalo at narinig ng kaibigan niya ang lahat. Hindi siya makatingin dito dahil alam niyang maraming tanong ang haharapin niya.

"Tapos ka na ba?" Tanong niya rito dahil siya man ay gusto na ring umalis sa kinatatayuan niya.

"Bkit? Hindi mo na ba kaya? Theres more. I'm pregnant, and Storm is going to be the father of this child. Baka gusto mong maging ninang, but nevermind. Ayoko naman na impluwensiyahan mo ang magiging anak ko sa pagiging home wrecker mo." Sabi pa nito.

"Well congrats. Sana maging masaya kayo.

"Yes we will at kung may konti ka pang hiya na nararamdaman sa sarili mo, siguro naman ikaw na mismo ang lalayo sa amin." Sagot nito sa kanya.

"Once na nalaman ko na gumagawa ka pa ng ikakagulo namin, baka hindi mo na magustuhan ang gagawin ko. Masama akong kalaban Ashy, at alam ko you wouldn't love to see me mad. So don't mess with me or else you'll regret it for the rest of your life.

"Hindi mo ako kailangang takutin. Alam ko kung saan ako lulugar. At alam ko kung kung ano ang tama...

"Really? If you really do, hindi ka na sana pumatol sa boyfriend ko." Sagot nito na magkakainitan na talaga sila.

Pumagita na sa kanila si Jem at pinakiusapan na lamang niya si Girlie na umalis na ito.

"Bago ko pala makalimutan, don't wait for him to come back, he will no longer stay here. Lumipat na siya g pag-stay yan niya para na rin maka-iwas sayo. Bawas-bawasan mo ang kapal ng mukha mo at wag ka ng magsumiksik. Leave us alone!" Sigaw nito saka lumabas ng bahay.

Nang makaalis na ang babae halos manghina si Ashy na naupo sa sopa. Humagulgol ito ng iyak, hanggang sa mga oras na iyon ayy hindi parin niya ma-absorb lahat ng nangyari. Hindi siya mkapaniwala. Parang binabangungot siya ng mga oras na iyon. Ni hindi siya makatingin ng  deretso kay Jem dahil hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag dito ang lahat. Alam kasi nito na hindi siya ganung klaseng babae. Na hindi siya yung papatol sa isang taong nakatali na, pero ngaun, anong nangyari. Siya mismo ang nakagawa nito.

Nakayuko parin siya ng mga sandaling yun. Hindi niya alam kung tatayo siya o ano.

Wala siyang mahanap na salita kung paano mababawasan ang sakit..

Umakyat siya sa kwarto nila dahil hindi na niya matagalan ang kahihiyan na inabot niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status