Every weekend ay umuuwi si Ashy sa bahay nila dahil yun ang isang request ng parents niya sa kanya na once a week dapat umuwi siya. Kaya bumabalik na lang siya ng boarding nila tuwing Sunday afternoon dahil may pasok nga siya ng Lunes maaga. Ganun lagi ang routine niya.
"Ashy, bakit ang tagal mo nman, kanina pa kmi naghihintay sayo," reklamo ni Jem habang nasa sala at naghihintay.
"Bakit anong meron?" Tanong niya rito na parang may lakad sila."Ehh, napagkasunduan kasi namin kahapon na picnic tayo ngaun. Dika kasi makontak kahapon ehh.""Wala kasing signal kahapon sa bahay," sagot niya rito "Ohh! Siya sige na ayusin mo na yang mga dala mo magbihis kana at sunod na tayo sa kanila sa dagat," pagmamadali nito sa kanya.Malapit lang ang dagat sa boarding nila. Ilang minutong lakad lang at nasa dagat kana, kya madali lang sa kanila ang magkaroon ng ganung mga bonding moments.
" Ohh ang aga ngaun ni Storm ahh. Akala ko ba Monday pa yan pupunta rito?" Tanong niya nang matanaw niya si Storm sa tubig.
"Ahh oo sna, kaso nakumbinsi namin siya kahapon na ngaun na magpunta kasi nga magpipicnic tayo.""Ganun ba?" Sabi sabay upo sa buhangin."Ehh anong gingwa mo diyan halika na ligo na tayo," yaya sa kanya ni Jem."Mamaya na pahinga na muna ako pagod pa ako sa biyahe ehh. ""Ohh sige sunod ka ha?" Tumango lang siya.."Ohh Jem anong nangyari dun sa kasama mo bakit di siya magpunta rito?" Tanong ni Mark kay Jem.
" Pahinga daw muna siya kararating kasi niya minadali ko lang, " sabi naman ni Jem sabay sisid."Samamahan ko nalang muna," paalam ni Storm.Pinuntahan nga niya si Ashy.."Alam niyo yang dalawang yan ma-dedevelop din mga yan, konting push pa. " sabi ni Weng.
"Loko-loko talaga kayo, malalaman nalang natin kung kaya ba siya ni Storm." hamon naman ni Mark."Oo basta asarin lang natin sila ng asarin, bibigay din ang mga yan." Sabat naman ni Jem na nakainom na yata ng tubig."Ohh bakit nakaupo ka lang diyan? Bakit dika maligo? Takot ka sa dagat noh??" Pagbibiro niya rito, sabay upo sa tabi niya habang inaabot nito ang pagkain.
"Hindi ahh! Dito na muna ako may araw pa ehh baka masira lang balat ko," pagbibiro niya rito sabay tawa."Saang banda?" Sagot naman niya rito."Sa kili-kili, " sagot niya sabay tawa ng malakas. Ni hindi niya namalayan na nakatitig pala ito sa kanya na parang nuon lang nakakita ng babaeng malakas tumawa.."Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya rito sabay punas sa mukha niya." Wala nagulat lang ako malakas ka pala talga tumawa, walang ka-keme keme sa sarili.""Oo naman. Ganun talaga ako kapag komportable ako sa taong kasama ko, yung walang arte. I can be myself no limitations ganun." "So komportable ka sakin?" Tanong nito na hindi parin ina-alis ang tingin sa kanya."Oo nman sa inyong lahat komportable ako. Diba siyempre magka-kasama tayo sa i-isang bahay kya dpat nman talaga na comfortable tayo sa isa't-isa."Okay," sagot nito sabay tingin na sa dagat.Aminin man niya sa sarili niya o hindi nakaramdam siya ng pagkailang habang tinititigan siya nito. Parang may ibang ibig sabihin ang mag titig niya na hindi naman dating ganun. Sa kabilang bahagi ng utak niya nakaramdam siya ng tuwa, tuwa nga lang ba? Ohh may kasamang kilig?
Nang matpos na silang maligo ay agad na silang umuwi. Nagtaka siya bakit ang tahimik ng lahat parang walang gustong magsimula ng asaran.
Pagdating sa boarding nila..
"Dito ka nalang muna mag-igib lang ako ng panligo.." sabi sa kanya ni Storm na ikina-gulat niya. Dalawa lang kasi ang liguan sa boarding nila. Isa sa babae isa sa lalake."Hindi na Storm kaya ko namn ehh, antayin ko nalang matapos sina Jem at Weng ako na susunod, " sabi nito kay Storm""Dun kna muna sa cr nmin sinabi ko na kay Mark na mahuhuli na kami kesa naman nakababad ka diyan," sagot nito at nag-igib na nga siya. Bigla itong naging seryoso na parang nag-iba ang ihip nga hangin. Napapaisip tuloy siya kung may nasabi ba siya rito na ikina-inis niya, pero ang bait namang naiinis bito ipag-iigib pa siya ng panligo niya. Nagtataka talaga siya."Huy....! Ashy..." kinalabit siya ni Jem habang naghuhugas siya ng plato. Natapos silang kumain na walang imikan, lahat tahimik kaya nakaka-panibago lang.
"Bakit?" Patay malisya namang tanong niya rito.
"Ano yun?" tanong nito sakanya."Anong ano yun?" Balik niya ang tanong rito."Bakit ka inigiban ng tubig kanina ni Storm? Tska ang tahimik dito prang walang tao, dika ba nagtataka.?""Ewan ko nga ehh ako din nagulat, ano kayang nangyari bakit biglang naging ganun yun?""Lahhh! Baka may nasabi kang awkward," sabi nito."Wala ahh, paguwi natin ganun na siya ehh," depensa naman nito. "Hmmm lahh. Baka in-lababo na sayo hindi lang maamin," bulong nito habang pigil ang pag-tawa."Gaga! Dun kana nga istorbo ka naghuhugas pa ako." Taboy nito skanya.."Bro, ang tahimik mo ahh. Kanina pa yan ahh," tinapik siya ni Mark sa likod habang nakaupo sa kama nila.
"Napagod lang siguro bro, okay lang ako.""Inlove ka na noh? Aminin mo na kilala kita bro. Mula ulo hanggang kuko kilala kita, maingay kang tao, tumatahimik ka lang ng ganyan pag tinatamaan ka sa isang babae." prangkang sabi sa kanya ni Mark. Sa lahat kasi ng kaibigan niya ito yung mas nakaka-kilala sa kanya."Diko alam bro. Bigla ko nalang naramdaman, kaninang mag-kausap kami habang nakatingin ako sa kanya parang nag-iba ikot ng mundo ko." pag amin niya."Pero di mo maamin sa sarili mo at alam mong hindi pwede," sagot ni Mark."Sa atin nalang muna to bro. Bahala na kung saan ako dalhin ng nararamdaman ko. Malay natin napagod lang din ako kaya ganito," pagdadahilan niya "Sige bro pero pag-isipan mong mabuti," paalala sa kanya ni Mark.Habang nakahiga hindi niya alam kung tama ba. Kanina habang tumatawa ng malakas si Ashy dun niya nakita yung clase ng babaeng matagal na niyang pinapangarap. Yung simpleng tawa lang, hindi niya inakala na yun pala ang biglang magpapabago ng nararamdaman niya, at habang nakatitig siya rito may kung anong bahagi ng puso niya ang natuwa. Paano niya ito pipigilan kung lahat ng nakapaligid kanya ay siya ang tinuturo?
Maatim ba ng puso niya ang makasakit ng iba para lang masunod ang sinasabi ng puso niya?
Dumaan pa ang mga araw at buwan. Mas naging panatag sila sa isa't-isa. Hindi naman sila tinigilan ng mga kaibigan nila sa kaaasar sa kanila. Hanggang sa isang gabi, habang silang lahat ay kumakain. "Kinikilig naman ako sa mga nangyayari," sambit ni Weng sabay subo ng pagkain."Saang banda ka naman nakaramdam ng kilig, ehh halos naman lahat ng nakikita mong lalake nakakaramdam ka ng kilig," pang-aasar ni Jem sabay tawanan."Atleast ako umaamin, ehh yung iba diyan, halatang halata na dipa umaamin, " sabay kindat kay Jem. Alam na naman nila kung kanino mapupunta ang usapan sa knila na naman ni Storm natuon ang pansin. Nakakaramdam na nga si Ashy ng hiya kasi parang naasar na si Storm."Tumigil nga kayo diyan. Mamaya kung ano pang isipin nitong si Storm, " sambit ni Ashy na halatang nakakaramdam na nga ng hiya. May punto naman kasi ang mga kaibigan niya. Itago man niya alam niya mismo sa sarili niya na habang nakikilala niya si Storm naging malapit na ang
"Wow!..ako??? Ako talaga ha???" Sagot ni Ash sa sarkastikong tanong.Napatingin lang si Storm sa kanya na parang naghihintay ng kung ano pang sasabihin nito. "Ok ka lang ba? Ako talga ang umiiwas Storm? Hindi ba ikaw? Diba ikaw nga 'yang unang umiwas? Everytime na nasa sala ang lahat at nagkataon that I was there anong ginagawa mo? Diba umaalis ka? Pero kapag wala ako sa grupo ayun kasama ka nila, akala mo ba hindi ko yun pansin?" Paliwanag niya.'"Sorry,""Sorry? Is that all you can say now? Bakit? May nagawa ba akong mali may nasabi ba ako? Na offend ba kita? Ano??? Sabihin mo para naman hindi ako parang tanga lang, na bigla-bigla na lang iniiwasan mo na parang ang bigat ng kasalanan ko sayo.!" Sabi nito na maluha-luha na. Pakiramdam niya sobrang nasaktan siya sa mga nakaraang araw hindi dahil sa pag-iwas nito kundi dahil sa katotohananag mahal na niya ito. "Mahal kita Ash," pag-amin nito. Makikita sa mga mata nito ang sincerity sa sinabi nito."M
Habang kumakain pa ang lahat, kapansin-pansin naman ang pagiging sweet ng dalawa."Nakoh! Baka bukas puro pantal na tayo," sambit ni Jem na parang kinikiliti."Ha? Bakit may allergy ka ba sa mga pagkain?" Takang tanong ni Weng sakanya."Wala nman..""Ehh bakit nga? Wala din namang alak, so anong ina-arte mo diyan?""Pano naman kasi paniguradong lalanggamin tayo ngaung gabi dahil sa dalawang 'to," sabay turo kina Ashy at Storm, nangingiti na lang din sila sa sinabi nito. Tawanan ang lahat dahil sa sinabi nito.Sa kainan hindi nawawala ang daldalaln, kaya naman ginabi na silang natapos na magligpit ng mga kinainan nila. Naglakad-lakad muna ang iba samantalang sina Storm at Ashy ay naiwan na sa bording dahil medyo sumama na rin ang pakiradam ni Ashy kaya sinamahan nalang siya ni Storm... Nagku-kwentuhan naman ang dalawa, habang nakahiga. Kung ano-ano lang ang napag-uusapan nila. Hinawakan ni Storm ang kamay ni Ashy..Bumangon ito upang umupo n
"Ashy, may naghahanap sayo kanina. Babae daw sabi ni Weng." Yan ang bungad sa kanya ni Jem pagkagaling niya sa school nang umagang yun. "May iniwan bang bilin? Sinabi ba ang pangalan?" Tanong niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na 'yon. "Walang sinabi na pangalan ehh. Ang sabi lang daw niya is, babalik daw siya." "Hmmm.. ganun ba? Sige wala naman na akong pasok ngaung hapon. Si Storm ba wala pa?" Tanong niya. Dalawang araw na kasi mula nung nagsimula ulit ang klase, pero hindi parin nagpaparamdam sa kanya si Storm. Kahit text o tawag man lang ay wala itong paramdam sa kanya. "Wala pa Ash ehh.. Nasaan na kayo 'yon? Dapat nga inaayos na niya ang OJT niya ngaun eh." Balik na tanong sa kanya ni Jem, habang nakatutok lang ito sa sinusulat niya. "Nag-aalala na nga ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ko nga alam kung kumusta na siya, kung okay lang ba siya? May sakit ba siya?" Bagsak ang balikat niya n
NAUPO siya sa gilid ng kama niya at dun ay humagulhol na siya ng iyak. Ni hindi niya magawang tumingin sa kaibigan niya dahil sa sobrang kahihiyan. Nanatili namang nakatayo si Jem sa harap niya na hindi alam ang gagawin kung aaluin ba niya ang kaibigan o susumbatan niya ito dahil sa nalaman niya. "Ash...." pagbasag ni Jem sa pagitan nilang dalawa."Maiintindihan kita Jem kung huhusgahan mo ako. Alam ko naman na mali ang nagawa ko na pagpatol kay Storm kahit may girlfriend na siya." Panimula niya. "Ash.. wala namang may alam na mag girlfriend na siya diba? So wala kang kasalanan dun. Biktima ka lang din dito." Pagpapakalama sa kanya ni Jem. Hinawakan ni Ashy ang kamay ni Jem." Alam ko Jem. Inamin niya sa akin pero mas nangibabaw sa akin yung kagustuhan kong mahalin siya." Pag-amin nito. Hiyang-hiya siya sa sarili niya nang mga sandaling yun. "Ash naman....bakit? Hindi kita kilalang ganyan." Ramdam ni ash ang pagkadismaya ng kaibigan sa kanya.
PAgkatapos mag-usap nina Storm at Ashy, nag-palam na ito sa kanya. Gustuhin man niyang magtagal ay hindi pwede dahila ayaw niya na matunugan sila at baka hindi matuloy ang plano nilang magtanan. Alam ni Ashy na marami ang masasakripisyo sa gagawin niyang iyon, pag-aaral niya, reputasyon ng pamilya niya at lalong-lalo na ang mararamdaman ng pamikya niya kapag ginawa niya iyon. Pero alam niya na maiintindihan siya ng pamilya niya. Ganun niya kamahal si Storm handa niyang isakripisyo ang lahat. Pagpasok niya sa kwarto ay nandoon si Jem na halata namang naghihintay sa kanya. Niyakap siya nito. "Kumusta ang pag-uusap niyo Ash?" Tanong nito na mababakas sa mukha niya ang pag-aalala."Okay naman Jem, nasabi ko naman lahat ng dapat kong sabihin. Nagpaliwanag din naman siya. Na kaya sinabi ni Girlie yun sa akin ay dahil yun ang gusto ng magulang nila na pakasalan siya. Kubg hindi ay aalisin nila ang share nila sa kompanya ng papa niya. Buntis nga naman talaga si Girlie per
LUNES NG UMAGA.May nabasang message ang mama ni Storm sa cellphone nito. Alam niya na galibg ito kay Ashy kaya binura agad ito. Kinuha kasi nila ang cellphone nito nubg malaman ang relasyon nila.Na hindi puwedeng matuloy dahil kailangan niyang pakasalan si Girlie. Si Storm ay anak bg mama niya sa ibang lalake. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa asaw niya ngaun, kailabgang isakripisyo niya ang kaligayahan ng anak. ***************Nagmamadali si Storm na ayusin ang mga gamit niya para sa pagkijuta nila ni Ashy. Hindi pwedeng mahalata ng mga kasama niya sa bahay na aalis siya. Nang biglang bumukas ang pintuan sa kawarto niya. Huli na ng itago sana niya ang bag nito. "Storm? Ano to?" Sabay tingin sa mga damit na nakakalat sa kama niya. Alam na niya ang ibig sabihin nito pero hindi niya pinahalata ang tungkol dito."Aalis ka?""Ma, you know the reason why I need to do this. Ma, please. Hayaan mo nalang akong umalis." Paki-usap nito sa ina."Sto
HINDI nagtagal ay nakauwi na rin sina Ashy. Kahit paano ay bumubuti na rin ang kalagayan ng papa nito. Ngaun, kailangan naman nitong harapin ang problemang naiwan niya. Kailangan niyang magreport sa school nila dahil malapit na ang graduation nila. Isa pa, kailangan niyang makita si Storm. Kailangan niya iyong maka-usap at magpaliwanag ng personal kung bakit hindi ito nakasipot sa usapan nila, positibo naman ito na maiintindihan niya ang sasabihin niya. Bago siya umalis ng bahay ay pinuntahan muna nito ang papa niya. "Goodmorning pa, kumusta po ang pakiramdam niyo?" Nakangiting tanong nito.Umaliwalas naman ang mukha ng papa biya nang makita siya."Okay na okay ako anak. Ikaw kumusta ka naman? Hindi ka ba pupunta sa school niyo, ang tagal din na hindi ka nakapasok," ngiti ng papa niya sa kanya."Pupunta ako ngaun pa, sumaglit lang po ako dito to make sure you're okay po," hinalikan niya ito sa noo at umupo sa tabi niyo. Maya-maya ay hinawakan n