Share

CHAPTER 3: CONFRONTATION BETWEEN ASHY AND STORM

Dumaan pa ang mga araw at buwan. Mas naging panatag sila sa isa't-isa. Hindi naman sila tinigilan ng mga kaibigan nila sa kaaasar sa kanila. Hanggang  sa isang gabi, habang silang lahat ay kumakain.

"Kinikilig naman ako sa mga nangyayari," sambit ni Weng sabay subo ng pagkain.

"Saang banda ka naman nakaramdam ng kilig, ehh halos naman lahat ng nakikita mong lalake nakakaramdam ka ng kilig," pang-aasar ni Jem sabay tawanan.

"Atleast ako umaamin, ehh yung iba diyan, halatang halata na dipa umaamin, " sabay kindat kay Jem.

Alam na naman nila kung kanino mapupunta ang usapan sa knila na naman ni Storm natuon ang pansin. Nakakaramdam na nga si Ashy ng hiya kasi parang naasar na si Storm.

"Tumigil nga kayo diyan. Mamaya kung ano pang isipin nitong si Storm, " sambit ni Ashy na halatang nakakaramdam na nga ng hiya. May punto naman kasi ang mga kaibigan niya. Itago man niya alam niya mismo sa sarili niya na habang nakikilala niya si Storm naging malapit na ang loob niya rito, yung pakiramdam na kapag hindi niya ito makita ay nakakaramdam siya ng disappointment. Mahal na nga ba niya ito na gaya ng sinsabi ng mga kaibigan niya.? Ohh sadyang naiilang lang din siya.

Nanatili ang ganung pang-aasar sa kanila. Hanggang sa unti-unti nararamdaman niya na mas malalim na ang nararamdaman niya kay Storm. Mahal na nga niya ito. Alam niya yun kasi hindi na siya ganun ka easy kapag magkakaharap sila. Ni hindi na nga niya ito matingnan ng deretso sa mata. Pero bakit ganun, bakit parang iwas ito sa kanya? Hindi ba siya nito gusto? Muli nakaramdam siya ng hiya sa sarili niya. Tama ba na siya ang nakakaramdam ng ganun?

"Pssst... mahal mo na noh?" Biglang umupo si Jem mula sa kanyang kama at lumapit siya sa kanya habang siya ay lutang na nakatingin sa kisame.

"Ewan ko, diko din alam ehh, parang," sabi niya na di niya maintindihan ang sarili.

"Ang tanong mahal ka ba niya?" Tanong sakanya ni Jem.

"Hindi ko din alam. Parang ramdam ko nga this past few days parang iwas siya sa akin. Hindi na siya madalas makipagbiruan, pag nasa sala tayo hindi na siya nakikisali sa mga kwentuhan at kalokohan natin, alam mo yun, parang iniiwasan ako,"sabay buntung-hininga.

"Pansin ko din yan ehh. Kapag kami-kami lang naman ok naman siya. Kapag wala ka nakikipagbiruan naman yan ehh, pero kapag ikaw na yung topic bigla niyang iniiwas, nagoopen siya ng ibang topic. Lahhh may nangyari ba sainyo?" Tanong ni Jem sabay takip sa bunganga niya. 

"Gaga! Ano nman ang mangyayari samin? Hindi naman kami tsaka diko nga din alam. Iniisip ko nga kung may nasabi ba akong hindi maganda sa kanya bakit ganun na lang bigla," Napaisip nanaman siya.

"Baka dika lang niya type," pabiro namang sagot ni Jem sa kanya.

"Siguro, nako hayaan mo na, mawawala din to promise, " paninigurado niya, para hindi na rin mag-alala ang kaibigan.

"Pero sayang! Bagay pa naman kayo, pareho kayong matalino, pareho kayong loko-loko," tawa nito para pagaanin ang nararamdaman ng kaibigan.

"Sira.."

"Basta ako Ash  support ako sayo, kami ni Weng. Kung saan ka masaya, pero update mo naman kami baka kayo na ha tapos di mo lang sinasabi sa amin," kunwari nagtatampo ito.

"Oo namn, pero hindi talaga. I swear, tingnan m nga ini-iwasan na niya ako," sagot naman nito..

Ilan pang mga araw ang lumipas, ganun at ganun parin ang nangyayari, para naman di siya magmukhang tanga umiwas na rin siya kay Storm. Kaya kapag nakikita niya na kasama siya sa grupo, siya na ang umiiwas na napansin naman yun ni Storm at ipinagtaka niya ito. Isang  araw na nasa sala ang lahat. Nilampasan lang sila ni Ashy at di nga pinansin ang pagtawag sa knaya ni Mark. Idinahilan na lang niya na marami siyang dapat gawin.

Isang gabi habang kumakain sila, tahimik ang lahat na para bang naghahabulan sa pagkain na parang lahat nagmamadali, nawiwirduhan na tuloy si Ash sa inaakto ng mga kasama niya.

Maya-maya pa ay isa isang nagsi-tayuan ang lahat mula sa mesa na ipinagtaka niya. Hindi naman sila dating ganun. Dahil nakagawian nila na pagkatapos kumain magdadaldalan muna sila, pero ngaun, walang imikang tumayo silang lahat at sila na lang ni Storm ang natira.

"Uyy sandali, bakit ang bilis niyo naman," tanong niya pero walang sumagot sa kanila kahit isa.

Tatayo na sana siya dahil pakiramdam niya nanlalamig siya na si Storm lang ang kasama niya sa mesa nang biglang hawakan ni Storm ang kamay niya."Umupo ka," sabi nito sa mababang tono na may halong lungkot na hindi niya maipaliwanag.

"Storm sandali lang diko kasi alam kung anong drama ng mga to ehh, tama ba na iwan nila tayo dito? Kinakausap di man lang sumasagot?" Nakatayo parin ito at hawak parin ni Storm ang kamay niya.

"Umupo ka, dahil sa tingin ko tayo ang may dapat pag-usapan," pag-uulit  nito na hindi parin nawawala ang seryosong mukha at tono ng pananalita niya.

"Mas gwapo pa pla ito kapag ganun na seryoso, siguro mas gwapo pa ito kapag nagagalit," nasabi niya sa isip niya..

"Narinig mo ba ako Ash? Sabi ko umupo ka!" Ulit nito dahil parang lumilipad ang isip ng kausap niya.

Tumingin sakanya si Ash na biglang nakaramdam ng hiya dahil hanggang sa mga oras na iyon ay nakatitig parin ito sa kanya na para bang pinag-aaralan ang bawat kilos niya.

"May problema ba?" Umpisa nitong tanong sa lalake.

"Diba ako dapat ang nagtatanong sayo niyan? May problema ba? Npapansin ko kasi sa mga nagdaang araw panay ang parinig ng mga kaibigan mo ng tungkol sa atin," umpisa nito na nakatitig parin skanya.

"Hanggang ngaun ba Storm hindi ka pa nasanay sa mga yan? Ehh mula umpisa pa naman ganyan na sila sa atin ehh, diba? So anong bago dun?" Tanong niya dito. Gusto pa niyang idagdag na siya ang nagbago pero sinarili na lamang niya ito dahil kung baka saan pa mapunta ang usapan nila.

"So dapat ba masanay din ako sa biglaang pag-iwas mo sakin? Akala mo ba hindi ko napapansin? " tanong nito na parang may tampo saga mata nito. Amindo naman siya sa sarili niya na siya yung medyo umiwas dahil nga naguguluhan siya, pero hindi niya inasahan na gagawin din pala niya ito.

Tatayo na sana ulit si Ashy para iwan si Storm pero nahawakan niya ito sa kamay, mahigpit na mahigpit..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status