"Wow!..ako??? Ako talaga ha???" Sagot ni Ash sa sarkastikong tanong.
Napatingin lang si Storm sa kanya na parang naghihintay ng kung ano pang sasabihin nito."Ok ka lang ba? Ako talga ang umiiwas Storm? Hindi ba ikaw? Diba ikaw nga 'yang unang umiwas? Everytime na nasa sala ang lahat at nagkataon that I was there anong ginagawa mo? Diba umaalis ka? Pero kapag wala ako sa grupo ayun kasama ka nila, akala mo ba hindi ko yun pansin?" Paliwanag niya.
'"Sorry,""Sorry? Is that all you can say now? Bakit? May nagawa ba akong mali may nasabi ba ako? Na offend ba kita? Ano??? Sabihin mo para naman hindi ako parang tanga lang, na bigla-bigla na lang iniiwasan mo na parang ang bigat ng kasalanan ko sayo.!" Sabi nito na maluha-luha na. Pakiramdam niya sobrang nasaktan siya sa mga nakaraang araw hindi dahil sa pag-iwas nito kundi dahil sa katotohananag mahal na niya ito."Mahal kita Ash," pag-amin nito. Makikita sa mga mata nito ang sincerity sa sinabi nito.
"Mahal din naman kita Storm!" walang kagatol-gatol na sagot nito na halos parang pasigaw na dahil sa naghahalong emosyon na nararamdaman niya ng mga oras na 'yon."Ibang klase ka din naman magmahal Storm, kasi kapag pala mahal mo ang isang tao iiwasan mo. Sasaktan mo ng ganun, bakit? Dahil ba, hindi ako yung tipo ng babae na dapat mahalin?" tanong nito skanya.
"Mahal kita kaya kita iniiwasan, alam ko mahirap intindihin, mahirap unawain. Maswerte ka, maswerte ka kasi malaya kang mahalin ang kahit na sino na gusto mong mahalin. Pwede mong mahalin kahit sino anumang oras," paliwanag nito."Bakit? Ganun ka din naman diba? "Nagtatakang tanong nito.Hinawakan nito ang kamay niya upang makasiguradong makikinig ito sa sasabihin niya."Mahal kita Ashy, mahal na mahal. Kaya ayokong masaktan ka. Ayokong magsinungaling sayo, ayokong maglihim sayo."
"Ano nga 'yon? Bakit?""May girlfriend ako, pero nasa malayo siya. Open ang relationship namin. Pwede siyang makipag-relasyon sa iba ganundin ako. Sa katunayan may boyfriend siya ngaun," pag-amin nito."Kaya naghahnap ka din ng mgiging girlfriend mo dito para amanos kayo ganunb? For you to get even with her? At ako yung napili mong maging rebound ganun ba?""Hindi. Kasi kung ako ang papipiliin, ikaw ang pipiliin ko. Gusto ko lang sana na huwag kang bumitiw kahit anong mangyari. Sana manatili kang malakas.""Hindi ko inasahan na ma-dedevelop ang nararamdaman ko sayo, hanggang sa bigla ko nalang naramdaman na mahalaga ka sakin at hinahanap kita lagi."Aminin man niya o hindi, handa siyang sumugal para sa pagmamahal na ito, hindi man siya ganun kasigurado sa posisyon niya dito ang mahalaga ngaun ay mahal nila ang isa't-isa. Sumugal na nga siya
"Mahal kita storm. Pero kung dumating man yung time na mapagod kana at hindi mo na kaya, sabihan mo lang ako, palalayain kita. Alam ko kung saan ako dapat lumugar. Sana huwag lang dumating sa point na sobrang sakit na dahil baka hindi ko na din makaya."Hanggat kaya ko, hindi ko hahayaan na masaktan ka, po-protektahan kita sa paraang alam ko, sa paraang hindi man maintindihan ng kahit na sino alam ko, balang araw maliliwanagan ang lahat.Official na silang magkasintahan. They are both happy like perfect couples do. Alam man nila pareho na masusubok ang relasyon nila, pero ramdam nila na kaya nilang panindigan kung ano man ang pinasok nila..
"Ohh ano kung hindi namin kayo iniwan sa mesa makakapagusap ba kayo?" Buwelata sa kanya ni Weng.
"Oo na, diko naman alam na kinausap pala niya kayo kaya nagtaka ako bakit ganun?""So nagkiss naba kayo?" Kilig na tanong ni Jem."Gaga..kiss agad?"Umikot-ikot ito sa harap niya. "Ehh ano nga? Wla,? As in zero?" Pangungulit nito na mas kinikilig pa kesa sa kanya."Marespeto naman siya kahit papano, baka bukas pa yung kiss!" Pabiro niyang sagot kaya nagkatawanan nalang silang lahat.Kahit may boyfriend na siya hindi naman niya pinapabayaan ang pagaaral niya. Consistent parin ang pagiging deans lister niya. All out support naman si Storm sa kanya. Hindi siya ini-istorbo nito kapag alam niyang kailangan niyang tutukan ang mga subjects niya na siya namang sobrang naapreciate niya rito.
"Ashy saan ka ngaung semestral break?"biglang tanong sakanya ni Weng habang nasa kuwarto sila at nagrereview.
"Uwi ako ng bahay gaya ng dati siyempre gusto ng parents ko pag walang pasok nasa bahay dapat ako, tsaka baka darating mga pinsan ko, alam mo na walang pasok." Saad niya."Hmmm ganun ba? Hindi kayo mag-dadate ni Storm?""Hindi siguro tsaka uuwi din yun siyempre family time na yun. Tsaka okay lang lagi nman na kaming magksama kapag weekdays ehh."sagot nito. "Bakit mo nga pala natanong? Bigla-bigla ka naman kung magtanong nakakagulat ka ha?" Tanong nito.Ngaun lang kasi naging masyadong matanong ito sa kanya."Wala lang, yayain lang sana kita sa amin ehh, kung gusto mo lang naman, alam mo na para maiba naman. Wala din kasi akong kasama dun, alis kasi sina mama." paliwanag nito."Sorry Weng hindi talaga puwede ehh, kung gusto mo sama ka nalang sakin pag-uwi ko, sa bahay ka nalang muna," yaya nito. "Hmmm cge pag-isipan ko na lang muna, nextweek pa naman yun ehh."Oo nga pala isang linggo din silang hindi magkikita ni Storm. Mamimiss niya ito sigurado. Pero okay lang yun sa kanya, araw-araw naman silang magkasama kapag may pasok, kaya okay na din yun para magkaroon din sila ng time sa family nila at sa mga sarili na din nila.
Bago ang semestral break napagkasunduan nilang magkakasama na magkaron sila ng konting get together bago matapos ang 1st sem. Kya ng hapon na 'yun ay busy silang lahat para magluto at maghanda ng makakin nila.
"Huy! Mamaya na nga yang lambingan niyong dalawa, baka mamaya yang pakbet niyo maglasang asukal na," puna sa kanila ni Mark na natatawa na lang sa kanilang dalawa.
"Oo na, bakit kasi dimo dinala girlfriend mo nainggit ka tuloy, " sagot naman ni Ashy sa kanya. "Wag na kill-joy yun bawalan pa akong uminom ehh. " sagot nito.."Wag kang iinom ha?" Seryosong sabi ni Storm sa kanya habang hawak ang kabilang pisngi niya.
"Hmm, ako hindi pwede pero ikaw pwede?" Kunwari ay nagtatampong tanong nito."Hindi ako iinom, promise," sagot naman nito na itinaas pa ang dalawang kamay. .Tinotoo naman yun ni Storm..walang uminom..kain lang talaga silang lahat.
Hindi rin inaasahan ni Ashy ang mga susunod na mangyayari...
Habang kumakain pa ang lahat, kapansin-pansin naman ang pagiging sweet ng dalawa."Nakoh! Baka bukas puro pantal na tayo," sambit ni Jem na parang kinikiliti."Ha? Bakit may allergy ka ba sa mga pagkain?" Takang tanong ni Weng sakanya."Wala nman..""Ehh bakit nga? Wala din namang alak, so anong ina-arte mo diyan?""Pano naman kasi paniguradong lalanggamin tayo ngaung gabi dahil sa dalawang 'to," sabay turo kina Ashy at Storm, nangingiti na lang din sila sa sinabi nito. Tawanan ang lahat dahil sa sinabi nito.Sa kainan hindi nawawala ang daldalaln, kaya naman ginabi na silang natapos na magligpit ng mga kinainan nila. Naglakad-lakad muna ang iba samantalang sina Storm at Ashy ay naiwan na sa bording dahil medyo sumama na rin ang pakiradam ni Ashy kaya sinamahan nalang siya ni Storm... Nagku-kwentuhan naman ang dalawa, habang nakahiga. Kung ano-ano lang ang napag-uusapan nila. Hinawakan ni Storm ang kamay ni Ashy..Bumangon ito upang umupo n
"Ashy, may naghahanap sayo kanina. Babae daw sabi ni Weng." Yan ang bungad sa kanya ni Jem pagkagaling niya sa school nang umagang yun. "May iniwan bang bilin? Sinabi ba ang pangalan?" Tanong niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na 'yon. "Walang sinabi na pangalan ehh. Ang sabi lang daw niya is, babalik daw siya." "Hmmm.. ganun ba? Sige wala naman na akong pasok ngaung hapon. Si Storm ba wala pa?" Tanong niya. Dalawang araw na kasi mula nung nagsimula ulit ang klase, pero hindi parin nagpaparamdam sa kanya si Storm. Kahit text o tawag man lang ay wala itong paramdam sa kanya. "Wala pa Ash ehh.. Nasaan na kayo 'yon? Dapat nga inaayos na niya ang OJT niya ngaun eh." Balik na tanong sa kanya ni Jem, habang nakatutok lang ito sa sinusulat niya. "Nag-aalala na nga ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ko nga alam kung kumusta na siya, kung okay lang ba siya? May sakit ba siya?" Bagsak ang balikat niya n
NAUPO siya sa gilid ng kama niya at dun ay humagulhol na siya ng iyak. Ni hindi niya magawang tumingin sa kaibigan niya dahil sa sobrang kahihiyan. Nanatili namang nakatayo si Jem sa harap niya na hindi alam ang gagawin kung aaluin ba niya ang kaibigan o susumbatan niya ito dahil sa nalaman niya. "Ash...." pagbasag ni Jem sa pagitan nilang dalawa."Maiintindihan kita Jem kung huhusgahan mo ako. Alam ko naman na mali ang nagawa ko na pagpatol kay Storm kahit may girlfriend na siya." Panimula niya. "Ash.. wala namang may alam na mag girlfriend na siya diba? So wala kang kasalanan dun. Biktima ka lang din dito." Pagpapakalama sa kanya ni Jem. Hinawakan ni Ashy ang kamay ni Jem." Alam ko Jem. Inamin niya sa akin pero mas nangibabaw sa akin yung kagustuhan kong mahalin siya." Pag-amin nito. Hiyang-hiya siya sa sarili niya nang mga sandaling yun. "Ash naman....bakit? Hindi kita kilalang ganyan." Ramdam ni ash ang pagkadismaya ng kaibigan sa kanya.
PAgkatapos mag-usap nina Storm at Ashy, nag-palam na ito sa kanya. Gustuhin man niyang magtagal ay hindi pwede dahila ayaw niya na matunugan sila at baka hindi matuloy ang plano nilang magtanan. Alam ni Ashy na marami ang masasakripisyo sa gagawin niyang iyon, pag-aaral niya, reputasyon ng pamilya niya at lalong-lalo na ang mararamdaman ng pamikya niya kapag ginawa niya iyon. Pero alam niya na maiintindihan siya ng pamilya niya. Ganun niya kamahal si Storm handa niyang isakripisyo ang lahat. Pagpasok niya sa kwarto ay nandoon si Jem na halata namang naghihintay sa kanya. Niyakap siya nito. "Kumusta ang pag-uusap niyo Ash?" Tanong nito na mababakas sa mukha niya ang pag-aalala."Okay naman Jem, nasabi ko naman lahat ng dapat kong sabihin. Nagpaliwanag din naman siya. Na kaya sinabi ni Girlie yun sa akin ay dahil yun ang gusto ng magulang nila na pakasalan siya. Kubg hindi ay aalisin nila ang share nila sa kompanya ng papa niya. Buntis nga naman talaga si Girlie per
LUNES NG UMAGA.May nabasang message ang mama ni Storm sa cellphone nito. Alam niya na galibg ito kay Ashy kaya binura agad ito. Kinuha kasi nila ang cellphone nito nubg malaman ang relasyon nila.Na hindi puwedeng matuloy dahil kailangan niyang pakasalan si Girlie. Si Storm ay anak bg mama niya sa ibang lalake. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa asaw niya ngaun, kailabgang isakripisyo niya ang kaligayahan ng anak. ***************Nagmamadali si Storm na ayusin ang mga gamit niya para sa pagkijuta nila ni Ashy. Hindi pwedeng mahalata ng mga kasama niya sa bahay na aalis siya. Nang biglang bumukas ang pintuan sa kawarto niya. Huli na ng itago sana niya ang bag nito. "Storm? Ano to?" Sabay tingin sa mga damit na nakakalat sa kama niya. Alam na niya ang ibig sabihin nito pero hindi niya pinahalata ang tungkol dito."Aalis ka?""Ma, you know the reason why I need to do this. Ma, please. Hayaan mo nalang akong umalis." Paki-usap nito sa ina."Sto
HINDI nagtagal ay nakauwi na rin sina Ashy. Kahit paano ay bumubuti na rin ang kalagayan ng papa nito. Ngaun, kailangan naman nitong harapin ang problemang naiwan niya. Kailangan niyang magreport sa school nila dahil malapit na ang graduation nila. Isa pa, kailangan niyang makita si Storm. Kailangan niya iyong maka-usap at magpaliwanag ng personal kung bakit hindi ito nakasipot sa usapan nila, positibo naman ito na maiintindihan niya ang sasabihin niya. Bago siya umalis ng bahay ay pinuntahan muna nito ang papa niya. "Goodmorning pa, kumusta po ang pakiramdam niyo?" Nakangiting tanong nito.Umaliwalas naman ang mukha ng papa biya nang makita siya."Okay na okay ako anak. Ikaw kumusta ka naman? Hindi ka ba pupunta sa school niyo, ang tagal din na hindi ka nakapasok," ngiti ng papa niya sa kanya."Pupunta ako ngaun pa, sumaglit lang po ako dito to make sure you're okay po," hinalikan niya ito sa noo at umupo sa tabi niyo. Maya-maya ay hinawakan n
Sa kabilang banda. Hirap parin si Storm na tanggapin ang lahat. Ni wala siyang alam sa anumang nabgyari sa buhay ni Ash. Lahat ng konektado sa kanya ay iniwasan niya. Pinutol niya lahat ng komunikasyon sa kanila dahil sa sama ng loob. Lalo na ng malaman niya na nagpubta si Ashy sa bahay nila hindi upang mkausap siya kundi para sabihin na wala na itobg aasahan pa sa kanya. Sinabi niya mismo sa mama niya na sabihan siya na huwag na siyang guluhin. Gustuhin man niyang puntahan ito mas nanaig ang sama ng loob niya rito, ang hiya at panghihina. "Where are you going?" Palabas siya ng bahay nuon ng biglang lumitaw ang mama niya sa likuran niya."I just want some fresh air ma, it won't take long," sagot niya sa ina."You want some fresh air or you want another trouble? Come on son, I know you. You can have everythibg you want. All you have to do is to marry......" hindi na yun natuloy ng ina niya dahil itinaas na biya ang kamay niya senyales na patitigilin na niya itong magsal
PAGDATING sa harap nina Girlie ay ilang minuto pa itong nanatili sa kotse niya. Dahan-dahan siyang bumaba at pinindot ang door-bell. Habang hinihibtay na mabuksan ang gate ay hindi niya alam kung paano haharapin si Girlie.Maya-maya pa ay bumukas na ang gate. Pibapasok naman agad siya ng maid. Nadatnan niya sa sala ang mga magulang ni Girlie. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala at kalubgkutan." Storm," sambit ni Mrs. Roxas na agad siya nitong niyakap. Gumaan naman ang pakiramdam niya. Hi di kasi ito ang inaasahan niyang reaksiyon ng mga ito kapag nakita siya. Ang akala niya magagalit ang mga ito sa kanya."Tita, tito. Patawarin niyo po ako. Hindi ko po alam na may ganitong karamdaman ni Girlie. Kanina ko lang din po nalaman kina mama at papa," paliwanag nito na seryosong nakatibgin sa mag-asawa."Naiintindihan namin Storm, we understand how you feel about this. Alam namin na nasaktan ka tin ni Girlie. At maiintindihan namin kubg bakit hindi ka namin mpagbigy