Share

CHAPTER 4- Take Risk

CHAPTER 4- TAKE RISK

NATHANIA's POV

Umuwi ako at hindi tinanggap ang kondisyon ni Mr. Anderson. Titira ako sa bahay niya? Para saan? Kung kapalit ng trabahong ibibigay niya ay ang pagkabirhen ko ay huwag na lang. Maghahanap nalang talaga ako ng trabaho kahit saan. Kahit maging strip dancer ulit ako sa ibang bar, gagawin ko. Kahit na sa ibang lugar ako magtrabaho, okay lang sa sakin. Huwag lang iyong sinasabi ni Mr. Anderson. Ayaw ko ng ganon. Oo, naghuh***d ako sa harap ng maraming lalaki pero hindi ako katulad ng ibang babae. Okay lang na iba-ibang lalaki ang makakit sa h***d kong katawan, huwag lang nila itong mahawakan.

Sa mga sumunod na araw ay lagi akong lumalabas upang maghanap ng trabaho. Nakaabot na rin ako sa kabilang bayan pero wala-- parang nagsayang lang ako ng pamasahe. Kung hindi punuan ay hindi naman daw sila hiring. Nawawalan na ako ng pag-asa, paubos na ang ipon ko sa pamasahe at meryenda ko sa paghahanap ng mapapasukang trabaho. Hindi na nga rin ako kumakain sa gabi kasi.. wala na talaga eh. Limang-libo nalang ang natira sa pera ko gawa ng pumunta pa ako sa ibang bayan para makahanap ng mapapasukang trabaho. 

Ilang araw na ba akong naghahanap ng trabaho? Lima? O dalawang linggo na? Ang hirap ng ganito. Naiiyak na ako sa totoo lang. Tawag na rin ng tawag yung mga kapatid ko sa probinsya dahil hindi pa ako nakakapag-padala pero hindi ko sila sinasagot. Hintayin ko muna sigurong makahanap ako ng trabaho bago ko sila kausapin. Sa ngayon ay nagi-guilty ako. Alam kong wala na silang pera doon pero anong magagawa ko? Walang wala na rin ako!

Ayaw ko namang tawagan si Manager Nora dahil alam kong hindi niya ako matutulungan sa ngayon. Yung mga katrabaho ko naman ay umuwi na sa  kani-kanilang mga probinsiya. 

Kinabukasan ay sinubukan ko ulit kung mayroon na ba akong mahahanap na trabaho. Pero naririndi lang ako sa kakarinig na:

"Wala 'neng eh, kakaumpisa lang din nung bagong apply dito."

"Puno na kami eh."

"Hindi na kumukuha si boss ng bago eh."

Napa-upo nalang ako sa gilid ng kalsada sa sobrang pagod at kawalan ng pag asa. Bakit ang malas ko naman ngayon? Kung kelan kailangang kailangan ko ng trabaho, tsaka naman walang mapasukan. Ang malas ko namang tao oh! Una, nakulong mga magulang ko dahil sa pagbebenta ng shabu. Pangalawa, napilitan akong maging strip dancer para matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Pangatlo ay yung ngayon, nawalan ako ng trabaho dahil tangina naman! Pinasara agad agad yung club! Pang-apat, wala akong mahanap na matinong trabaho dahil wala akong pinag aralan! Elementary graduate lang ako! 

Hindi ko na napigilan ang maluha dahil sa mga dinaranas ko ngayon. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Gusto kong magpakamatay pero paano ang mga kapatid ko? Bata pa sila. Wala ring kamag-anak ang gustong tumulong sa amin dahil sa kahihiyan na binigay ng mga magulang namin.

Nagitla ako nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang pangalawa kong kapatid na si Lawrence. 

"B-bakit?" Tanong ko. Agad ko namang pinunasan ang luha ko.

"Ate, si Juno. May lagnat." Napapikit ako. Si Juno ay ang bunso naming kapatid. Naitaon pa namang walang pera ano ba yan!

"W-wala na ba 'yung huling pera na ipinadala ko?" 

"Ilang araw na po kasi siyang may sakit ate. Napunta sa gamot at pagkain lahat. Ilang araw na din po kitang tinatawagan pero hindi mo sinasagot."  Shit! Napakawalang kwenta kong kapatid! 

"S-sige m-magpapadala ako ngayon pero pasensya na kung kaunti lang yun.. N-nagka problema kasi kami dito. Pero gagawa ako ng paraan para madagdagan yan agad huwag kang mag-alala."

"Sige po ate, salamat po at mag iingat ka dyan palagi." Matapos 'non ay pinatay ko na ang tawag. May sakit ang kapatid ko kaya naman mas lalo kong pagbubutihin ang paghahanap ng trabaho. Hindi ako pwedeng magdrama at sumuko dahil may mga batang umaasa sa akin. Dapat maging matapang ako. 

Matapos kong maipadala ang kaunting pera sa mga kapatid ko, nagpatuloy ako sa paglalakad at paghahanap ng trabaho sa palengke. Ngunit lumipas ang buong maghapon ay wala ulit akong napala. Mag-iisang buwan na yatang ganito pero nagtitiwala pa rin akong makakahanap ako ng trabaho. Konting tiis nalang siguro..

Dahil nga sumubok ako rito sa kabilang bayan at wala na ring masakyan pauwi dahil alas otso na ng gabi, nagpasya akong itulog nalang dito sa terminal ng bus. Para maaga rin akong makauwi bukas.

Nang makahanap ako ng magandang pwesto ay inilapag ko doon ang bag ko at humiga. Nagulat nalang ako nang may lalaking lumapit sa akin. Sa tingin ko, nagtitindi siya dito sa terminal.

"Sa iyo nalang 'to 'neng." Iniabot niya sa aking ang nakasupot na pagkaing mula sa isang sikat na fast food chain. Bumangon ako at nagpalipat lipat ang tingin ko sakanya at sa pagkaing inia-abot niya.

"H-hindi na po. Sainyo nalang, okay lang po ako." Umiling siya.

"Sige na, sa iyo nalang 'to. Binili ko talaga ito para sayo." Hinawakan niya ang kamay ko para iabot doon yung pagkain. "Kamukha mo kasi yung anak ko, naalala ko nung bata siya.. gusto niya yang pagkain na yan." 

"S-salamat po.." Naiiyak na sabi ko. Una dahil naramdaman ko na may mga tao pa rin palang handang tumulong sa kapwa. Pangalawa ay dahil kanina pa ako nagugutom pero ipinadala ko ang lahat ng pera ko sa kapatid ko. "M-maraming salamat po.." Tumango tango siya bago umalis. Pinanood ko siya habang naglalakad palayo sa akin. Kahit na matanda na, hidni pa rin siya sumusuko sa pagta-trabaho. Kung sana ganyan ang ginawa ng mga magulang ko, hindi sana kami ganito ngayon.Hindi sana ako ganito ngayon.

Malaki ang galit ko sakanila pero wala na rin naman akong magagawa. Hindi maibabalik ng galit ko ang mga nangyari noon. Hindi maibabalik ng galit ko ang mga taon na wala sila. 

Kinabukasan ay umuwi na ako sa boarding house na tinutuluyan ko pero pagdating ko doon..

"Oh, Tanya! Siguro naman makakabayad ka na ngayon? Ilang araw na akong nagpa-pabalik balik dito pero wala ka! Tinataguan mo ba ako?!" Si Aling Lorna. Ang may ari ng paupahan. Dahil nga squatter's area itong lugar kung saan ako tumitira, maraming tao ang nakikinig at nakiki-usyoso sa amin ngayon. Paano ba anman, sinisigawan na ako ni ALing Lorna. Ganito ba talaga ang mga taong may kaya sa buhay? Hindi maintindihan ang mga taong walang wala.

"A-aling Lorna.. mag-usap nalang po tayo sa loob." Mahinang sabi ko.

"Hindi! Ang gusto ko magbayad ka na ngayon dahil dalawang linggo na kitang binabalik balikan dito pero lagi kang wala!" Napakamot ako sa batok ko dahil sa hiya. "O baka naman wala ka ng pera dahil diba nag sara na yung bar na pinapasukan mo? Wala ka bang naipon sa pagpapakarat mo?"

"Aling Lorna---"

"Tigilan mo ako sa kakaganyan mo, Tanya. Nasan na ang bayad mo?!"

"Wala pa po akong nahahanap na trabaho--"

"Bibigyan kita ng hanggang bukas na palugit, Tanya. Kung hindi mo ako mababayaran hanggang bukas ng hapon, pupulutin mo yang mga gamit mo diyan mismo sa kinatatayuan mo." Aniya bago umalis. Hindi naman nakalagpas sa pandinig ko ang mga bulungan ng mga kapitbahay pero imbes na pansinin sila, pumasok nalang ako sa loob ng boarding house.

Dumiretso ako sa kama ko at nahiga. Tuloy tuloy namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan ang umiyak, sobrang kamalasan na 'tong nangyayari sa akin! Hindi na nakakatuwa! Tangina naman kasi si Mr. Tyson, binigla ang pagpapasara sa club! Gusto ko siyang sugurin at sisishin kung bakit ako nahihirapan ngayon. Pero hindi ko rin siya masisisi, sakanya iyong club at gagawin niya lahat ng gusto niyang gawin doon. Ang hirap maging mahirap!

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naligo. Hindi pwede yung ganitong iiyak iyak ako habang yung mga kapatid ko naghihintay sa ipapadala kong pera. Kailangan nila ako kaya kailangan ko ring maging matapang para sakanila.

Kinabukasan pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako at lumabas ulit para magbakasakali. 

"Excuse me po, naghahanap pa ho ba kayo ng waitress? O kaya taga-hugas? Kailangang kailangan ko po kasi ngayon ng---"

"Pasensya ka na, marami na kami dito eh."  Bagsak ang balikat na tumago ako sa babaeng nakausap ko. Ito na ang panghuling karinderya na nakita ko dito sa lugar namin. 

Nagulat ako nang mag vibrate ang cellphone ko at nakitang tumatawag ang kapitbahay namin kong si Mela. Sinagot ko ito.

"Nasan ka ba?! Yung mga gamit mo dito pinagtatapon ni Aling Lorna! Umuwi ka na!" Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tinotoo nga niya iyong banta niya kahapon! 

Nadatnan ko siya sa labas ng boarding house na nakapamewang at may hawak na pamaypay. Marami siyang sinasabing hindi magaganda habang papalapit ako.

"Yan ang sinasabi ko, kapag may trabaho.. gastos ng gastos kaya kapag nawalan ng trabaho, WALANG PERA!!" Tahimik ko nalang na inayos ang mga damit ko na ikinalat niya sa kalsada. "Akala ko ba malaki ang pera sa bar?  Diba ang usap-usapan dati, binabalik balikan ka ng mga mayayaman doon? Oh, asan na yung kinita mo?" Nang malagay ko yung mga gamit ko sa maleta at bag, tumayo ako at hinarap ko siya.

"Maghahanap lang po ako ng trabaho at babayaran ko yung utang ko. Sadyang walang wala lang po talaga ako ngayon. Hindi kita tatakbuhan, babalik ako at babayaran po kita."

"Hah! At kung hindi mo mabayaran?"

"Ipakulong mo po ako, kung yun ang gusto mong gawin." Matapos 'non ay tinalukaran niya ako at umalis na. Bumuntong hininga na lang ako. Dati ay hindi naman ganyan si Aling Lorna. Totoo nga sigurong naka depende sa kung mayroon kang pera o wala ang pag trato sayo ng ibang tao.

Nag ring ulit ang cellphone ko at tumatawag ulit ang kapatid kong si Lawrence. 

"A-ate.." Umiiyak na sabi niya kaya kinabahan ako bigla.

"Bakit?! Anong nangyari?!" Tarantang tanong ko.

"S-sinugod namin sa ospital si Juno kanina lang ate.. Sobrang taas ng lagnat niya at kinukumbulsyon.." Shit! Nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig ko. "A-ang sabi ng doktor, suspected dengue daw.." Umalis na ako dala ang mga galit ko at habang naglalakad, hindi ko mapigilang umiyak kaya naman nakatingin sa akin yung mga tao. "A-ate.. uwi ka na.. n-natatakot ako, hindi ko na alam ang gagawin.." Umiiyak na sabi ng kapatid ko. 

"Shh.. shhh.. Lawrence, tatagan mo ang loob mo. Kung uuwi ako dyan, saan tayo kukuha ng perang ibabayad sa ospital? Saan ako magta-trabaho? Saan tayo kukuha ng pangkain araw araw?" Umiiyak na sabi ko. Hindi ko na makita ng maayos ang daan dahil sa sobrang dami ng iniiyak ko pero wala na akong pakialam. Sobra akong nasasaktan, wala akong magawa para sa mga kapatid ko!

Napaka walang kwenta-----

*Beeeeeeep!!!!!!

Nagitla ako sa napakalakas na busina mula sa kotse at s agulat ko, napa-upo ako dahil putangina! Akala ko masasagasaan na ako! At sa gulat ko rin, hindi ko na napigilang mas lalong umiyak. Tangina talaga, ang malas malas kong tao!

"Putangina naman eh! Wala na ba talagang magandang mangyayari sa buhay ko? Puro kamalasan at paghihirap nalang ba?!" Sigaw ko sa sarili ko. Sobrang bigat ng loob ko. Sobrang sakit.

"Everything's gonna be fine.." Nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita ko siya. Nakaluhod at kitang kita s amga mata niya ang pag-aalala.

"M-Mr. Anderson.."

@TarynGrace

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tanggapin mo na kasi ang inaalok ni mr.anderson sayo tanya sya ang pag asa mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status