Share

LORIE

"HEY, DUDE!" nakangising untag ni Finn kay Garett na tahimik lang na nakaupo sa single sitter sofa sa salas ng mansyon ng mga Hunt. 

Kunot-noong tinapunan ni Garett ng nagtatanong na tingin ang Beta ngunit hindi siya nag-abalang tugunin ang pagbati nito. Kilala na niya si Finn. Tiyak na wala na naman itong magawa kaya naghahanap ito ng p'wede nitong pagbalingan ng atensiyon. At kagaya ng madalas mangyari ay siya na naman ang nakita nito. 

Muling ibinalik ni Garett ang atensyon sa. nilalarong online game ngunit tila wala yatang balak si Finn na tigilan siya dahil muli itong nagsalita.

"I heard the news," muling sambit nitong umupo pa sa tabi ni Garett. "I love her guts, huh. Imagine, nagawa niyang ilagay sa panganib ang kinabukasan mo." naiiling pang dugtong nito bago pumalatak. 

Tumiim ang anyo ni Garett. Ibinaba niya ang hawak na PS4 at tiningnan nang masama si Finn ngunit sa huli ay pinili niyang huwag na lang magsalita. He do not want to waste his precious time with Finn's nonsense. 

"Tell me dude, does it really hurt?" tila nakakalokong tanong pa ni Finn nang walang makuhang tugon mula kay Garett. 

Tuluyan namang napatid ang pasensiya ni Garett kaya sa isang iglap lang ay hawak na niya ang leeg ng makulit na Beta. Sunod-sunod ang naging paghinga niya habang pilit na kinikontrol ang sarili. 

"Hindi ka ba marunong manahimik? O, gusto mong turuan pa kita kung paano itikom iyang bibig mo?" madiing turan ni Garett kay Finn na bakas pa rin sa kislap ng mga mata ang pagka-aliw. 

Oh, well, he just love missing with Garett. 

Sa halip na masindak ay tumawa lang si Finn. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Garett sa kanyang leeg.

"Calm down, dude. Let go of me..." kalmadong turan ni Finn na deritso ang mga matang nakatitig kay Garett.

"You ain't my alpha so don't try my patience, Casanova!" madiing usal ni Garett bago tuluyang binitawan ang Beta. 

Ngumisi naman si Finn bago tumayo mula sa pagkakaupo. "Keep your cool, Alpha Garett Godfrey." turan nito sabay talikod.

Naiwan naman si Garett na natitigilan dahil sa pagtawag ni Finn sa kanya ng buo niyang pangalan. 

Alpha...

Naikuyom ni Garett ang kanyang kamao nang tila sirang plaka na paulit-ulit iyong nagplay sa isipan niya. Isang mapait na ngiti ang sumilay mula sa magkabilang sulok ng kanyang mga labi. 

It's been years...

Naputol ang pagmumuni-muni ni Garett nang makatanggap siya ng mindlink mula kay Alpha Cadmus. 

"Garett, please proceed in my office now..."

"Copy, Alpha!" tugon niya bago nagmamadaling tumayo at umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon kung saan naroroon ang opisina nito.

Pagdating sa tapat ng pinto ng opisina ng Alpha ay tatlong beses pa munang kumatok si Garett. 

"Tuloy..."

Marahan niyang itinulak ang pinto pagkatapos marinig ang boses ni Alpha Cadmus. He saw him leaning on his swevel chair habang nakatutok ang paningin sa laptop na nasa harap nito. Kaagad itong nag-angat ng paningin nang marahil ay maramdaman nito ang kanyang presensiya. Mabilis namang ikiniling ni Garett ang kanyang ulo para magbigay galang sa lalaking nagbigay sa kanya ng pagkakataong ayusin ang buhay na inakala niyang wala nang pag-asa na makakita ng liwanag. 

Tumango si Alpha Cadmus at itinuro ang upuan na nasa harap ng mesa nito. Humakbang naman si Garett palapit doon at naupo pagkuwa'y nagtatakang tiningnan ang kaharap. 

"Alpha?" untag niyang bakas sa tinig ang pagtataka ngunit sa halip na sumagot ay inabot lang nito sa kanya ang isang magazine.

 It was a business magazine to be exact. Nagtatakang kinuha iyon ni Garett at tinapunan ang alpha ng nagtatanong na pa ring tingin.

"Read it," turan nito sa seryosong tinig.

Nagtataka man ay ibinaba na lang niya ang kanyang paningin sa makintab na magazine. Saglit na natigilan si Garett nang makita ang larawang nasa cover ng hawak na babasahin. His hands fisted as his eyes squinted in disbelief. Tumutok ang kanyang mga mata sa babaing nasa larawan na buong tamis pang nakangiti sa harap ng camera habang naka-abrisyete sa lalaking katabi nito.

"Lorie..." bulong ni Garett.

Bakas sa nanginginig niyang boses ang pinaghalong sakit at pangungulila. Nang dumako naman ang kanyang mga mata sa kasama nitong lalaki ay kaagad na dumilim ang mukha ni Garett.

"Zyrone..." he mumbled between his greeted teeth. "Damn you!" paangil na sambit niya na hindi mapigilan ang pagbangon ng matinding galit sa dibdib.

"Kagaya ng sinabi ko sa'yo noong bago kita aluking maging delta ko ay tutulungan kitang mabawi ang pack mo," pagsimula ni Alpha Cadmus kaya napatingin siya rito. "Basahin at pag-aralan mo ang mga ito. Nakuha ni Cane ang mga impormasyong iyan nang utusan ko siyang alamin kung sino ang babaing iyan." dugtong pa nito at iniabot sa kanya ang isang folder na may lamang mga papel. 

"Alpha?" hindi makapaniwalang sambit ni Garett habang nasa mga mata ang labis na tuwa at pasasalamat sa kaharap.

Oo, nangako ito sa kanya noon na tutulungan siya nitong mabawi ang Ambrose Pack pagkatapos niyang i-kuwento rito kung bakit siya napunta sa lugar na iyon at naging isa sa mga gladiator. Kahit siya ay nagulat sa kanyang sarili nang mabilis nitong makuha ang loob niya. Dahil siguro iyon sa halos magkaparehong kuwento ng buhay nila. 

Yeah, almost...

"Ang nakapagtataka lang ay kung bakit iba ang pangalang ginagamit ng babae d'yan." kunot-noong turan nito na marahang tinatapik-tapik ang gilid ng mesa at tila nag-iisip nang malalim.

"That man is Zyrone Andrei kaya hindi ako maaaring magkamali," ani ni Garett na muling bumakas sa mukha ang galit para sa lalaking nasa larawan. "that woman is Lorie." tiim ang anyong dugtong pa niya. 

Damn you, Zyrone Andrei! Fuck you and that damn Renzo! You two will surely pay for what you did... 

"Ayon d'yan sa article, Zyrone Andrei and that woman beside him named Kesha Corbin are soon getting married at iyon ay dalawang buwan mula ngayon."  

Garett's eyes turned golden yellow at nagsimula na ring lumalim ang paghinga niya. His wolf, Zero is trying to surpass him kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili.

"No. I'm not gonna let it happen. Not when I'm still alive. Babawiin ko ang Ambrose pack at kukunin ko si Lorie even if it will cost my own life!" may diing sambit ni Garett sa bahagyang garalgal na boses habang madilim ang anyong nakatitig sa larawang nasa cover ng business magazine.

Hindi siya makakapayag na maikasal si Lorie sa isang kagaya ni Zyrone Andrei. Isang demonyong nag-anyong anghel na handang lamunin nang buo ang sinumang p'wede nitong pakinabangan kapag nakakuha ng tamang pagkakataon.

"I'm ready to reclaim my pack, Alpha..."  determinadong turan ni Garett sa kaharap na pinuno ng Black Forest. 

Ngumiti ito nang malapad at tinapik ang kanyang kanang balikat.

"I got your back, Alpha Garett Godfrey..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status