Share

LIHIM

"HAPPY BIRTHDAY, pretty!" nakangiting bati sa kanya ng lalaki.

Kaagad siyang napangiti nang malapad pagkuwa't inismiran ito.

"Yeah, right—" tugon niyang sinundan pa ng isang irap.

He cutted her off and smiled sweetly.

"C'mon, don't spoil my surprise," natatawang turan nito bago siya hinawakan sa kamay at hinila.

"I'm not gonna be surprised anymore..." nakangising sagot niya rito na ikinatawa nito nang malakas.

BIGLANG NAPADILAT si Kesha nang maramdaman niya ang malakas na pagyugyog sa kanya ng kung sino. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito nang saglit siyang natigilan ngunit nang makilala niya ang kaharap ay kaagad siyang nakahinga nang maluwag.

"Zyrone," bulong niya sa bahagyang paos na tinig.

"What's wrong? Nightmare again?" tanong nitong kaagad na umupo sa kanyang tabi.

"I don't know." nalilito niyang turan sa lalaki. "I don't understand it. Sa tuwing napa-panaginipan ko ang eksenang iyon, bakit may pakiramdam ako na may sang bahagi ng pagkatao ko ang nawawala. " aniyang biglang nakadama ng panghihina.

Nasapo ni Kesha ang kanyang ulo na tila ba sa pamamagitan nito ay mahahanap nito ang kasagutan sa mga katanungan matagal na ring bumabagabag sa kanya. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang pagpitik ng kanyang sentido. Tumindi pa ang pagkirot at parang mabibiyak na ang kanyang ulo.

"It was just a dream, Kesha, c'mon." kunot-noong tugon ni Zyrone ngunit bakas sa mga mata ang magkahalong pangamba at galit.

"You think so? Pero bakit paulit-ulit lang ang eksena?" naguguluhan pa ring tanong ni Kesha habang ang magkabilang kamay ay nanatiling nakahawak sa kanyang ulo.

"Maybe because you keep on thinking about it again and again kaya napapanaginipan mo." Tugon nito habang hinahaplos ang likuran niya.

Napatingin siya rito pagkuwa'y tipid na ngumiti. "Baka nga tama ka. Matutulog na lang siguro ako uli." tugon niyang humugot nang malalim na buntong-hininga.

"Gusto mong samahan kita?" tanong ni Zyrone sa kanya.

Muling bumuntong-hininga si Kesha at nginitian ito bago binigyan ng nanghihingi ng paumanhing tingin ang lalaking kaharap at siya ring nakatakda niyang pakasalan.

"Okay lang ako. Don't worry." aniya ritong bakas sa tinig ang pasasalamat.

"Are you sure?"

"Yes."

Ilang saglit pa muna itong tumitig sa kanya bago marahang tumango at tumayo.

"Alright then." tugon nito at ginarawan siya ng magaang halik sa noo na kung hindi niya napigilan ang sarili ay muntik na siyang mapapiksi.

Nang tuluyang makalabas ng kanyang silid si Zyrone ay muling bumalik sa pagkakahiga si Kesha at napatitig sa kisame.

Ilang beses na ba niyang paulit-ulit na napanaginipan ang eksenang iyon subalit parehong walang mukha ang babae at lalaki ngunit may pakiramdam siyang kilala niya ang mga ito. Kung sino man sila at bakit paulit niyang napapanaginipan ang eksenanang iyon ay gusto niyang malaman pero paano. Malakas din ang pakiramdam niyang may hindi sinasabi sa kanya si Zyrone. Sa tuwing pinipilit naman niyang isipin ang tungkol doon ay tila binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit kaya madalas ay hinahayaan na lang niya hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang isipan.

Kesha tried to close her eyes but an image of a man suddenly appeared on her mind ngunit saglit na saglit lang iyon at malabo pa. Kaagad siyang napadilat at muli ay nakaramdam siya ng ibayong kirot sa ulo.

What's going on? And who is he?

*********

"DUDE, hinahanap ka ng Luna." ngiting-ngiti na sabi ng bagong dating na si Zeth kay Gaeth kasabay ng mahinang tapik sa balikat ng Delta.

Kasalukuyan nagpapalipas ng oras si Garett sa bahay niya at nakasandal sa upuang nasa labas nang dumating ito. Pinili niyang palipasin ang oras dito dahil siguradong kapag nasa mansyon siya ay pakakainin lang siya nang pakakainin ni Luna Xien ng walang katapusang cakes at pastries.

Hindi niya mapigilang hindi mapangiwi kapag naaalala niya ang matatamis na pinapakain nito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay puro asukal na ang dumadaloy sa mga ugat niya at hindi na dugo.

"Oh no, not again!" bulalas ni Garett na napapiksi pa.

Natawa naman si Zeth dahil sa sinabi niya at napailing.

"Ang lakas din ng trip ni Luna Xien pero bakit ikaw lang ang nakikita niya palagi? Hindi kaya buntis iyon at ikaw ang napaglihian?" nag-iisip na usal nitong napahawak pa sa tungki ng ilong nito.

Gawi na nito iyon kapag nag-iisip.

"Bakit daw ako hinahanap?" tanong niya ritong bahagyang umangat mula sa pagkakasandal.

"May i-uutos yata sa'yo." kibit-balikat na tugon naman nito sa kanya." May beer ka ba d'yan?" tanong nito sabay tayo at hakbang papasok sa loob ng bahay.

Tumayo na rin siya at inihagis dito ang susi ng bahay.

"Yeah, help yourself. Lock the door, okay." Bilin niya rito at nagpasyang gamitin ang motorbike papunta sa mansyon.

Wala rin naman siyang ibang choice kundi ang magpakita sa Luna. Ayaw pa niyang matusta. Hindi muna ngayon. May mga kailangan pa siyang gawin.

Binilisan niya ang pagpapatakbo ng motorbike para kaagad na makarating sa mansyon. Hunt's Mansion is fifteen minutes drive away from his house. Dahil ayaw niyang nasasayang ang oras sa pabalik-balik na b'yahe patungo sa mansyon at pauwi sa bahay niya ay nagpasya siyang manatili na lang sa mansyon kapag maraming ipinapagawa sa kanya ang pinuno ng Black Forest. Ngayon lang siya muling nanatili sa bahay niya simula noong isang araw na ang dahilan ay ang walang magawa nilang Luna. She's been acting weird at sa tuwina ay siya ang palagi nitong nakikita kagaya nga ng sinabi ni Zeth.

Nang makarating sa mansyon ay kaagad na ipinarada ni Garett sa isang tabi ang motorbike at nagmamadaling humakbang papasok sa loob. Nakasalubong pa niya si Tyra na kaagad na natigilan nang makitang magkakasalubong sila ngunit kaagad ding ngumiti.

"Hi, Garett..." ngiting-ngiti na bati nito.

Kumunot lang ang noo ni Garett at tuloy-tuloy nang pumasok ng mansyon ngunit narinig pa niya ang sinabi ng babae bago tuluyang makalabas ng living room. Papunta siya sa kusina kung saan nanggagaling ang amoy ng Luna.

"You'll be mine soon, Garett!" may diing sabi ni Tyra.

Garett smirked and do a middle finger sign without even taking a glance on Tyra. Wala siyang oras para sa kagaya nito at tuloy-tuloy nang pumasok sa kusina.

"Bitch!" bulong pa niya.

He heard Tyra screamed in frustration. Umismid lang si Garett at hindi pinagtuonan ng pansin ang babae. Mas iniisip niya ngayon kung ano na naman kaya ang ipapagawa ng Luna o kung gaano na naman kaya kadaming matatamis ang ipapakain nito sa kanya. Fuck! How he really love his life these past few days, ey!?

Napangiwi siya nang sumagi sa isipan ang tambak na cakes noong isang araw. Napa-pa-iling na lang si Alpha Cadmus dahil sa ginagawa ng Luna ngunit hindi na lang ito nagkomento.

"Luna," kaagad niyang bati dito nang mabungaran niya ito sa kusina na nakaupo sa harap ng mahabang mesa at umiinom ng gatas.

Napataas ang kilay ni Garett nang makita ang iniinom nito. Kailan pa ito natutong uminom ng gatas? Chocolate ang iniinom nito noong hindi pa nagigising ang pagiging bampira. Nagsimula naman itong uminom ng dugo nang matapos ang digmaan laban sa baliw na alpha ng Red Squad Pack.

"Gatas?" taas ang kilay na tanong niya ritong bakas sa tinig ang pagtataka.

Inismiran lang siya nito at nakangiwing sumimsim sa basong nasa harap nito.

" This is disgusting!" nakasimangot na reklamo ni Luna Xien na tinapunan pa ang basso ng puno ng pagkadisgustong tingin.

"Bakit ba kasi gatas?" tanong ni Garett dito sabay dampot ng sandwich na nasa mesa.

"Huwag mong pakialaman ang gusto kong inumin, Garett!" naka-angil na tugon nito sa kanya sabay irap.

Umikot pataas ang mga mata at itinuloy ang pagkagat sa sandwich na hawak.

"Tapos magre-reklamo..." hindi niya napigilang bulong na hindi naman nakatakas sa matalas na pandinig ng Luna.

Well, she isn't just any ordinary vampire because she's a princess of the vampire empire.

"Ipinagpaalam na kita kay Cad." turan nito pagkaraan ng ilang saglit.

Kaagad na napatigil sa akmang pagkagat ng hawak na sandwich si Garett at kinakabahang napatingin dito. What is it this time?

"Pumunta ka sa BookNerds Café at samahan mo si Iris sa pamimili ng mga kailangan niyang ingredients sa gusto kong cake. Wala daw siyang stocks ng ibang sangkap na kailangan niya, eh." ani nitong ngumisi pa sa kanya na tila ba nahuhulaan nito ang laman ng kanyang isipan. "Saka dalhin mo na rin iyong fruit cake na ibibigay daw niya sa akin." dugtong pa nito na nangislap ang mga mata nang banggitin ang fruit cake.

Napangiwi naman si Garett nang marinig ang pangalang inanggit ng Luna.

Kaagad namang tumaas ang kilay ni Luna Xien at tinitigan siyang mabuti. "Do you like her?" walang kaabog-abog na tanong nito.

Napatanga naman siya at wala sa loob na naisubo ang kapirasong sandwich na hawak. Nginuya niya muna iyon at nilunok bago ito sinagot.

"Of course not!" may diing tugon niya sabay talikod at tinungo ang refregirator para kumuha ng inumin.

"Yeah, right." tila hindi kumbinsidong ani ng Luna na kung hindi siya nagkakamali ay naka-ismid pa ito habang nakatalikod siya

"She's a human..." tugon niya pagkatapos na makakuha ng inumin.

Umismid lang ito at tumayo na.

"Gawin mo ang iniuutos ko, ha," bilin nito bago tumalikod. "and please, don't leave her in the middle of nowhere this time, Garett. Stop missing on her or you might regret it one day." pahabol pang sabi nito bago tuluyang nawala sa kanyang paningin.

"Luna, iyong gatas n'yo!" sigaw niya.

Muntik nang matawa nang malakas si Garett nang marinig niya ang tila asar na angil ng Luna na tila ba hindi natutuwa. Tiyak niyang naroon na ito sa opisina ni Alpha Cadmus.

"Ang pangit ng lasa!" pasinghal na sagot nito na sinundan ng mahinang tawa ng pinuno ng Black Forest.

Napakamot na lamang sa ulo si Garett at napailing. Sinulyapan ang suot na relong pambisig. It's past one in the afternoon. Kailangan na niyang maka-alis para makarating siya sa Seventhstone na hindi pa lumulubog ang araw.

Kaagad siyang lumulan ng motorbike pagkalabas sa mansyon at umalis na patungo sa Seventhstone.

Malapit nang mag-alas singko ng hapon nang marating ni Garett ang Ezrione Mall kaya nagmamadali ang mga hakbang na umakyat siya sa ikatlong palapag ng gusali. Tuloy-tuloy siyang naglakad hanggang makarating sa harap ng BookNerds Café.

Sinalubong si Garett ng nakangiting mukha ng isa sa mga staff na nandoon. Ito rin ang madalas na nag-aasikaso sa kanila kapag pumupunta sila sa BookNerds Café na kasama si Luna Xien.

"Good afternoon, Sir." bati nito. "What would you like to—"

Napatigil ito sa pagsasalita nang itaas niya ang kanyang kaliwang kamay para patigilin ito sa pagsasalita.

"Where is your boss?" tanong niya rito. "I mean, si Irene." dugtong niya.

Saglit itong natigilan at nang akmang sasagot na nang muli niya itong pigilan.

"And, I know that she's her. I could smell her scent." pasuplado niyang turan sa kausap.

Napangiti naman ito at saglit na nagpaalam para daw tawagin ang boss nito. Pinili niyang umupo sa mesang nasa tabi ng bintana at humalukipkip habang hinihintay ang babae.

Mayamaya pa ay pumuno na sa ilong ni Garett ang isang pamilyar na amoy na ilang araw din niyang hinahanap-hanap. Kaagad siyang nag-angat ng paningin at lumingon sa gawi nito. Muntik nang mahigit si Garett ang kanyang hininga nang makita ang babaeng naglalakad palapit sa kanya. Sumasabay sa bawat pag-imbay ng balakang nito ang mahaba at itim na itim na buhok na para bag may saili iyong buhay.

Tumigil ito sa harapan niya ngunit kaagad din siyang napakunot-noo nang mapansing wala sa kanya ang paningin nito habang malapad na nakangiti. Napakaganda nito kapag nakangiti. Gusto sana ni Garett na humingi ng paumanhin dahil sa nangyari noong huli siya nitong nakasama ngunit iba ang lumabas sa mga bibig niya.

ABALA si Iris sa pag-a-ayos ng mga gagamitin para sa gagawing fruit cake na ibibigay niya kay Xien nang biglang sumungaw sa pinto ng baking area si Crystal na hindi malaman kung nakangiwi ba o nakangiti na tila naiihi.

"What?" kunot-noong tanong niya rito.

Kabilin-bilanan niya sa mga ito na huwag siyang istorbohin kapag nasa loob ng baking area.

Bahagya pa muna itong nagkamot ng ulo bago nagsalita. "Eh, Miss Iris nand'yan po iyong lalaking masungit pero hot." nangingislap pa ang mga matang sabi nito sa kanya.

Lalong nangunot ang noo ni Iris at itinigil ang ginagawang pagsukat ng mga ingredients na gagamitin.

"Sino?" muling tanong niya kahit ang totoo ay nahuhulaan na niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Iyon pong masungit na lalaking sumundo sa inyo dito minsan."

Kaagad siyang napasimangot nang makumpirma kung sino ang tinutukoy nito. Muli niyang naalala ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya sa ginta ng daan. Kaagad na uminit ang ulo ni Iris.

"Sabihin mong wala ako rito." turan niyang muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"Eh, alam daw po niyang nandito kayo," natatawang tugon nito. "At, inutusan lang daw po siya ni Luna Xien," dugtong pa nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Iris at walang magawang bumuga na lang ng hangin para kalmahin ang sarili.

"Okay, sige. Lalabas na ako." aniya kay Crystal na kaagad namang tumango at nagpaalam na sa kanyang lalabas na ng baking room.

Pagka-alis ni Crystal ay hinubad niya ang suot na apron at gloves bago saglit na naghugas ng kamay. Pagkalabas ng baking area ay nadaanan pa niya si Crystal at ang mga kasamahan nitong sina Ana at Akie na tila pinipilipit ang mga katawan habang panay ang bungisngisan.

"Ano'ng nangyayari sa inyo? Bakit mukha kayong mga bulateng inasinan d'yan?" kunot -noong sita niya sa mga ito kahit alam na niya kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito.

Malaki ang crush ng mga ito sa supladong Delta ng Black Forest kaya ganoon na lang kilig ng mga staffs niya kapag naroon sa café ang lalaki kagaya na lang ngayon.

Kaagad namang tumuwid ng tayo ang mga ito nang makita si Iris at alanganing ngumiti.

"Wala po, Miss Iris." bahagyang nakangiwi na sagot ni Anna.

Pinandilatan niya ang mga ito bago humakbang palapit sa lalaking nakaupo sa tabi ng bintana at nakahalukipkip pa. Bakas sa mukha nito ang pagka-inip.

Antipatiko...

At muli ay naalala niya ang araw na iniwan siya nito. Bago siya umuwi nang araw na iyon ay kaagad niyang sinabi kay Xien na hindi siya papayag na ang lalaking ito pa rin ang maghatid sa kanya pabalik sa Sevent Stone. And she's glad that Xien's brother, Matte offered her a ride. Pupunta rin daw ito sa Seventhstone para dalawin ang isang kaibigan na tiyak niyang si Nire. Isa sa mga tracker ni Alpha Seventh D'Seven.

Napalitan ng ngiti ang simangot sa mukha niya nang maalala ang mukha ni Matte.

"Why are you smiling like an idiot there?"

Bigla naman siyang natauhan nang marinig ang masungit na boses ni Garett Godfrey. Hindi niya napansing nakatayo na pala siya sa harapan ng antipatiko at supladong lalaki.

"Excuse me?" asar at kunot-noong untag niya rito.

Did he just called her an idiot?! Like seriously?..

"You smiled like an idiot..." pag-ulit nito na sinundan pa ng isang palatak at umiling-iling pa.

Tuluyan namang napatid ang pagpipigil ni Iris at bumuhos ang galit na noong nakaraan pa niya nararamdaman para sa kaharap na lalaki.

"How dare you?! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo? Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin, ha? What did I ever do to you for you to treat like this? Do I look like an annoying plague to you, huh?!

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Iris dahil sa pinagsamang galit at kirot na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nasasaktan dahil sa ginagawang pagtrato ni Garett sa kanya. Naguguluhan siya.

This is too much. He is so mean to her. And, she's freakin' hurting in a reason she do not know!

Natigilan naman si Garett at napatitig kay Iris na nakatayo sa harap niya. Panay ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata nitong puno ng galit na natingin sa kanya. And was it pain?

Napabuntong-hininga na nang siya. Gusto niya itong abutin at aluin pero ayaw sumunod ng katawan niya.

Fuck it!

"Noong isang araw lang iniwan mo ako sa gitna ng daan. Ngayon naman tatawagin mo akong idiot. Bakit, sino ka ba sa akala mo? Ang yabang-yabang mo. Napaka-arogante at napaka-antipatiko mo. Kung may problema ka sa mundo, huwag mo akong idamay dahil wala naman akong ginagawang masama sa'yo. At para sabihin ko sa'yo, hindi lang ikaw ang may problema kaya kung may problema ka huwag mong idamay ang mga taong nasa paligid mo!" tuloy-tuloy na turan ni Iris bago ito tumalikod.

Patakbong tinungo ni Iris ang maliit niyang opisina na kanugnog lang ng baking area. Hindi niya pinansin ang pares ng mga matang nakasunod sa kanya.

Naiwan naman si Garrett at napasunod ang mga mata sa tumatakbong babae.

Ano na naman ba ang ginawa niya? Sumobra na yata siya.

Napabuga na lang ng hangin ang binata.

"Tell her that I'll be waiting at the car park." aniya sa mga staff na natitigilan bago tumayo at humakbang na palabas ng café.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status