Share

RED EYES

Pagpasok ni Iris sa loob ng kanyang opisina ay kaagad niyang ibinuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob kay Garett. Pabagsak siyang umupo sa kanyang swivel chair at doon umiyak nang umiyak. 

"Ang sama ng ugali niya!" puno ng galit na usal ni Iris habang pilit na pinupunasan ang mga luhang walang tigil na umaagos mula sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. "Bakit ba ganoon na lang niya ako kung tratuhin? Ano naman kung isa lamang akong hamak na tao? Does it evenn define my personality?" patuloy niyang himutok sa pagitan ng mga hikbi. 

Napatigil si Iris nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng kanyang maliit na mesa. Dinampot niya iyon at tiningnan kung sino. It was the Luna of Black Forest territory. 

Kaagad na pinunasan ni Iris ang mga luha at tumikhim nang mahina para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. 

"Hello," bati niya rito pagkaraang sagutin ang tawag. 

"Hey, are you crying?" kaagad na tanong ng babae mula sa kabilang linya na hindi pinansin ang pagbati ni Iris. 

Napangiwi naman ang dalaga sa narinig. Bakit ba napakatalas ng pakiramdam ng babaeng ito? Well, bakit pa ba siya magtataka? Bampira si Xien at kahit naman noong hindi pa lumilitaw ang totoo nitong pagkatao ay sadyang matalas na ang pakiramdam nito. 

"No, namamalat lang nang kaunti ang boses ko," tugon niyang muli pang tumikhim at sinundan ng pag-ubo. 

"Are you sure?" tila hindi kumbinsidong tanong ni Xien.

Bakas sa boses nitong hindi ito naniniwala sa kanya. 

"Yup." 

Xien fell in silence and Iris could almost imagine her raising her brows while rolling her eyeballs. 

"Anyway, pinapunta ko d'yan si Garett para masamahan ka. Nand'yan na ba siya?" tanong nito pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik.

Humugot muna si Iris nang malalim na buntong-hininga bago sumagot. "Yes, nandito na," simple niyang sagot dito. 

"Alright. Ipadala mo na rin sa kanya iyong fruit cake na gawa mo for me, please," 

"Sure. Hindi mo naman na sana kailangang papuntahin pa siya rito, eh. Kaya ko naman na." tugon niyang bahagyang napasimangot nang muling maalala ang lalaking kinaiinisan. 

Halos labin-limang minuto lang naman ang kailangan para makarating sa Sahara's kung saan siya namimili ng mga kailangan sa pagbe-bake. Bukod kasi sa good quality ang mga tinda nila ay affordable pa ang mga ito kaya suki na siya ng tindahan. 

"Mas maganda pa rin iyong may kasama ka. May tagabitbit, kunwari boyfriend mo," turan nito sabay hagikhik at bakas sa boses ang panunukso.

Nanlaki naman ang mga mata ni Iris at kahit hindi niya ito nakikita ay nasisiguro naman niyang tuwang-tuwa ito at pumapadyak pa ang mga paa sa naisip na posibilidad. Mas lalong napanguso si Iris dahil doon. Never na papangarapin niyang maging boyfriend ang antipatikong lalaking iyon. As in, never! 

"Xien!" bulalas niya na hindi naman nito pansin. 

Tuloy lamang ito sa panunukso at mahinang paghagikhik.

Ilang sandali pa silang nag-usap bago ito tuluyang nagpaalam. Nang matapos kausapin ang kaibigan ay kaagad na inayos ni iris ang sarili. Naghilamos siya ng mukha at nagretouch para matakpan ang bahagyang pamamaga ng kanyang mga mata. Pagkatapos masigurong maayos na ang sarili ay dinampot niya ang dalang bag at lumabas na ng opisina. Bago tuluyang umalis ay ibinilin na lang niya kay Crystal na magsara ng mas maaga kumpara sa closing time ng Café. Nang mpansing wala na si Garett sa kinauupuan nito kanina ay kaagad siyang napasimangot. As expected ay iniwan na naman siya nito.

Hmm... Ano pa ba ang aasahan niya sa lalaking iyon?! 

"Ang sama talaga ng ugali. Lumayas nang walang pasabi," bulong niyang napairap pa.

Lumabas na siya ng Café at nagmamadaling tinungo ang elevator. Pagkababa ay dumeritso si Iris sa kanyang sasakyan at lumulan doon. Papadilim na kaya kailangan niyang magmadali. Kahit na alas-otso pa naman nagsasara ang Sahara's pero mainam na iyong hindi siya abutin ng closing time. 

Pagkarating sa Sahara's ay kaagad siyang bumaba ng sasakyan at humakbang papasok sa loob ng store. Mabuti na lamang at kakaunti na lang mga namimili sa loob kaya mas mabilis siyang nakapamili ng mga kakailanganin. Nang masigurong kompleto na ang kanyang mga bibilhin ay kaagad siyang pumunta sa counter. Hindi gaanong mahaba ang pila kaya kaagad din siyang nakabayad. 

Pagkatapos magbayad ay kaagad ding lumabas ng store si Iris. Nang masigurong maayos na ang kanyang mga pinamili sa compartment ng sasakyan ay isinara na niya ito. Akmang pipihit na siya papunta sa harapan nang bigla siyang napasigaw sa labis na gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa labis na takot. Sino ba naman ang hindi magugulat at matatakot kung bigla na lang bumungad sa kanyang harapan ang lalaking magulo ang buhok at nakasuot ng polo na checkered...uli?! Slacks na black at running shoes...

Seriously?! Nakaka-stress ang fashion statement ng lalaking ito sa totoo lang. Nasapo na lamang ni Iris ang dibdib dahil sa pinaghalong gulat, takot at pagkairita dahil sa lalaking kaharap. 

"Juancho, what are you doing here?" takang tanong niya rito nang tuluyang makabawi sa pagkabigla. 

Pasimpleng umikot ang mga mata ni Iris tinitingnan ang paligid sa pagba-baka-sakaling may makita siyang mahingian ng tulong. God, bakit ba dito pa niya naisipang magpark sa madilim na bahagi? At bakit naman ngayon pa nataong walang guard?! 

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ito ng paningin at tumutok sa kanya ang mga mata nitong kulay ginto. Kaagad namutla si Irene at napahawak sa pinto ng sasakyan. Kinapa niya ang handle ng pinto para buksan ngunit mabilis nitong nahawakan ang kamay niyang nakahawak sa pintuan ng kotse. Umangil ito at ramdam niya ang bahagyang pagbaon ng mga kuko nito sa kanyang braso.

"Juancho, let go of me," turan niyang pilit na nilalabanan ang takot.

Hindi siya dapat magpadaig sa nararamdamang takot. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makatakas dito.

"Why?" tanong nito sa galit na tinig habang matatalim ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Bakit mo kinansela ang supposed to be business transaction natin? Dahil ba ganito ang mukha ko?" sunod-sunod na tanong nito sa pagitan ng mahinang pag-angil. 

Napalunok si Iris. dahil sa labis na kaba. God, bakit ba walang nakakapansin sa kanila? 

Hindi niya alam kung bakit isang mukha ang lumitaw sa isipan niya sa mga sandaling iyon at lihim hiniling na sana ay dumating ito.

"Garett..." wala sa loob na bulong ni Iris. 

Ngunit muli siyang napatili ng muling umangil ang lalaking kaharap.

Isang malakas na angil ang pinakawalan ni Juancho nang marinig nito ang pangalang sinambit ng babaeng kaharap. Pakaladkad niyang hinila si Iris patungo sa isang sasakyang nakaparada limampong metro ang layo mula sa kinapaparadahan ng sasakyan ng babae. Pinipilit naman ni Iris na makawala sa mahigpit na pagkakahawak nito ngunit walang silbi ang lakas niya kumpara sa lakas ng lalaki lalo pa't isa itong taong-lobo. Juancho's strength is ten folds stronger than hers. 

Patuloy sa pag-agos ang dugong nagmumula sa braso ni Iris kung saan bumaon ang mga kuko nito kanina. Batid niyang may kalaliman iyon dahil na rin sa masaganang dugo na nagmumula mula sa/sugat. Nawawalan na siya ng pag-asa nang biglang may lumitaw mula sa likuran ni Juancho at binigyan ito nang malakas na suntok na ikinatalsik ng lalaki

Kaagad na nakahinga nang maluwag si Iris ngunit mabilis dinng natigilan nang makilala ang lalaking madilim ang anyong nakatingin kay Juancho. Kitang-kita niya iyon dahil sa tulong ng malamlam na liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa posteng nasa hindi kalayuan mula sa kinaroroona nila. 

"Garett..." natitigilang sambit ni Iris at napatitig sa lalaki. 

Sinulyapan lamang siya ni Garett ngunit kaagad na dumilim ang mukha nito nang dumako sa dumudugo niyang braso ang mga mata nito. Isang malakas na angil ang pinakawalan nito at ang mga mata nitong kulay dilaw ay naging pula.

"Eyes of an Alpha of...." bulalas ni Irene at hindi makapaniwalang napatitig na lang kay Garett. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status