Share

CHERRY

MAAGA pa lang ay nasa Café na si Iris at naghanda ng gagawin niyang cake para kay Luna Xien. Napangiti pa siya nang sabihin nitong igawa niya raw ito ng marble cake na may cherry toppings. Magpo-propose na raw ito kay Cadmus. At nang tanungin niya ito kung nasaan ang singsing, ayaw daw nito ng singsing. Hikaw raw ang gusto nitong ibigay sa alpha. 

Napailing siya dahil sa alaalang iyon. Weird din talaga minsan ang Luna ng Black Forest at may pagkabugnutin. 

Nang masigurong maayos na ang lahat ay nag-ayos na rin siya ng sarili. Ayaw niyang mangamoy harina at pawis pagdating ng kaibigan mamaya at ng mga kasama nito. Mahalaga para sa kanya ang pagiging maayos at presentable palagi.

Iris chose to wear a high rise cigaritte jeans and a black fitted sando topped with denim jacket. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok na bahagya niyang ikinulot kanina bago umalis ng condo.  A signatured white skitchers on her feet and she's off to go.<

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status