Share

ANTIPATIKONG LALAKI

MASIGLA ang katawang bumangon si Iris mula sa pagkakahiga sa kanyang queen size bed. Inayos niya ito pagkuwa'y tumuloy sa banyo na nasa loob lang din ng kanyang silid. She's living alone in a condominium near her Café that was located in Ezrione Mall. Iris own a café at Ezrione Mall na nasa loob ng Seventh Stone, ang teritoryo ni Alpha Seventh D'Seven.

BookNerds Cafe is a place where everyone can relax their coffee and food while reading at the same time. She designed it herself and it was sorrounded with books. Iris loved reading and books are her weakness kaya naman iyon ang naisipan niyang maging concept ng Café.

Bata pa lamang si Iris ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling coffee shop. At dahil mahilig siya sa mga libro, naisipan niyang pagsamahin ang dalawang pinakagusto sa pangarap niyang business. Bukod sa libro at kape, mahilig din siyang magbake which is not a question anymore. Coffee and cakes were good together and so do with cookies.

Ilang buwan ang nakakaraan nang magpasya siyang umalis sa kanila at piniling mamuhay nang mag-isa malayo sa magulong mundo na kinabibilangan ng kanyang ama at kapatid. She wants to live her life alone. Tahimik at walang ibang iniisip kundi mapalago ang sinimulan niyang Café. Selfish it may seem pero hindi niya kayang mabuhay sa mundong kinagisnan. She wants a simple and peaceful life, free to dream that one day, she'd meet her Mr. Right. So cliché, isn't it? Pero iyon ang gusto niyang buhay. 

Kaagad na hinubad ni Iris ang suot niyang pantulog at binuksan ang shower para maligo. Habang naliligo ay hindi niya mapigilang hindi na mapangiti. Everyday is a wonderful day. Bawat umaga ay naroroon ang pananabik niya sa tuwing papasok sa Café. Hindi iyon nawawala na para bang iyon pa rin ang unang araw na bubuksan niya ang BookNerd's Café. Masaya siyang kasama ang mga staffs niya at natatapos ang araw niyang may matamis na mga ngiti sa labi. She was literally living her life with so much fulfillment.

Pagkatapos maligo ay kaagad na inayos ni Iris ang kanyang sarili. She blow dried her midnight black hair na umabot hanggang sa gitna ng kanyang beywang. Malambot iyon at makintab. She put a velvet red lipstick on her lips at naglagay ng manipis na blush-on. She choose to wear a black sleeveless mini dress that was two inches above her knee and a black crocodile style sandals na may isa at kalahating pulgada ang taas. Dinampot niya ang handbag na nakasabit sa isang tabi bago inabot ang susi ng kanyang sasakyan dresser at nagmamadali nang lumabas ng kanyang condo unit.

May kikitain siyang supplier sa labas ng Seventh Stone kaya kailangan ni Iris na magmadali. She hate being late that's why she always made sure that she's ahead of time. Ayaw rin niyang pinaghihintay siya ng kausap. Pagkababa sa car park ng condominium ay kaagad niyang tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan niya at lumulan doon.

Pinili ni Iris na manirahan sa lugar na hindi iisipin ng kanyang ama at kapatid na pupuntahan niya. Seventh Stone is a place sorrounded by towering trees. It's like a little city dahil kompleto ito sa mga imfrastructures. Hindi iisipin ng sino man na sa loob ng madadawag at makakapal na mga punong iyon ay matatagpuan ang isang siyudad. She felt secured inside Seventhstone too. At, alam niyang hindi iisipin ng pamilya niya na narito siya.

Pagkarating sa Orion Stone ay kaagad na  hinanap ni Iris ang restaurant na sinasabi ng kausap niya. Mabilis naman niya iyong natagpuan. Thanks to the new improved technology. Pagpasok sa loob ay nakita niya ang isang lalaking nakayuko at abala sa pagkain. Kaagad na nangunot ang noo ni Iris dahil doon.

Seriously? Ito ba talaga ang kausap niya? Ang weird naman nito. He was wearing a black and green checkered polo shirt, a brown slacks and a thick glasses on his eyes. Hindi tuloy napigilan ni Iris na mapangiwi sa fashion statement ng lalaki. And, his hair? Oh my, it's like...that thing called comb was not on his vocabulary after all. Ang lagkit at ang gulo din ng buhok nito. Naliligo man lang ba ito?

She was about to take a step back to the door nang bigla itong mag-angat ng tingin mula sa kinakain nitong—wait, was that vegetables with rare meats on top?! Halos mamilog ang mga mata ni Iris habang tinitingnan ang kinakain nito. Was that even edible?!

"Are you Iris Lykos?" seryosong tanong nito at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. 

Napalunok muna ang siya bago kabadong tumango. Why? He looks like, he wants to eat her alive. Jesus but he's so cringey. 

"Yes, it's me," tugon ni Iris. 

Bahagya itong ngumiti at lumitaw ang mga ngiping pantay-pantay pero nagto-toothbrush ba ito? My goodness! Sobrang dilaw ng mga ngipin nito. Gusto nang tumakbo palabas ng restaurant ni Iris ngunit pilit niyang pinigilan ang sarili. Ayaw naman niyang maging bastos. 

"Please, have a seat. I'm Juanco Strauman." pakilala nito sabay lahad ng kanang kamay.

Natigilan at saglit na napatitig si Iris sa kamay nitong nakalahad at bahagyang napangiwi nang mapansin ang mga kuko nitong nangingitim sa dumi ang dulo. My god, does he even know the word hygiene? 

"Ahm, wait," turan niya rito at nagkunwaring kinuha ang cellphone sa dala niyang handbag at itinapat iyon sa tainga.

"Hello?" bati niya at kunwaring nakinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya." W-what? Okay. I'm on my way," turan ni Iris bago ibinalik sa bag ang cellphone at tinapunan ng nanghihingi ng paumanhing tingin ang kaharap na tahimik lang na nakatingin sa kanya. " Ah, Juancho, I'm sorry pero p'wede bang sa ibang araw na lang natin ituloy ang ating meeting? I just got an emergency call. I need to be there," turan niya rito.

Saglit na tumitig si Juancho kay Iris pagkuwa'y tipid na ngumiti at tumango." It's alright. Ihahatid na kita," alok nito na mabilis na tinanggihan ni Iris.

"No. I mean, you don't have to. Really," tugon ni Iris na ngumiti ng matamis bago tuluyang umalis pagkatapos na muling magpaalam.

Nang makarating sa sasakyan ay kaagad na pumasok sa loob si Iris at saglit na isinandal  ang likuran sa upuan at pumikit. That guy is so weird.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpasya na si Iris na umalis sa lugar na iyon ngunit saglit na natigilan nang masulyapan si Juancho sa side mirror na tila blanko ang mukhang nakasunod ang mga mata sa kanyang papalayong sasakyan. Muling napangiwi ang dalaga at napabuntong-hininga. Maghahanap na lang siya ng ibang supplier ng isang herb na ginagamit niya sa cake.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating si Iris sa Ezrione Mall. Kaagad niyang ipinarada sa reserved parking na para sa kanya ang dalang sasakyan at pumasok sa na loob. Nasa third floor ang BookNerds Café kung saan naroroon ang iba't-ibang klase ng kainan. 

Pagpasok sa loob ay kaagad na bumungad sa kanya ang halos wala nang bakanteng mesa ng Café. Kaagad siyang sinalubong ng isa sa mga staff na nakatayo malapit sa isang grupo na nakaupo sa mesang pang animan. Kapwa nakatingin ang mga ito sa gawi niya. Napako ang paningin ni Iris sa lalaking kunot-noong nakatingin sa kanya. Bahagya pang umigting ang mga panga nito nang magtama ang kanilang mga mata pagkuwa'y umiwas ng tingin.

"What's wrong with him?" bulong ni Iris bago tuluyang lumapit sa mga ito.

"Miss Iris, gusto daw po kayong makilala ni—" napatingin ang staff niyang si Janna sa isang babae na may mahaba at kulay gintong buhok. Nakangiti itong nakatingin sa kanya kaya ginantihan niya ito ng isa ring matamis na ngiti.

"Her name is Xien," malamig at bagot ang boses na tugon ng lalaking kung tingnan siya kanina ay tila ba may malaki siyang kasalanan dito. Ni hindi ito sumulyap sa gawi niya. Abala ang mga mata nito sa pagpili ng kakainin sa sandamakmak na cookies at cakes na nasa harap ng mga ito.

Mauubos ba nilang lahat ang mga iyon?

"I'm Iris Lykos," nakangiting tugon niya sabay lahad ng kamay habang nakatayo sa tabi ng lalaking arogante. 

"I'm Calla Spears —oh, Xien Del Franco rather. Ah, just don't mind my name," nakatawang sabi babaeng kaagad na inabot ang kamay ni Iris. 

Napangiti si Iris nang humagikhik pa ang babae na tila tuwang-tuwa. Humiling itong magpa-picture kasama siya. Inutusan nito ang lalaking arogante na tinawag nitong Garett.

So, Garett pala ang pangalan ng antipatokong ito. Sa loob-loob ni Iris. 

"I left my phone in the car," nakasimangot na turan ng babae at tumayo. Sumunod naman ang isa pang babae para daw samahan ito sa car park na kaagad nitong tinanggihan.

Bago tuluyang umalis ay hiniling pa nitong maghintay siya dahil babalik din daw ito kaagad. Tumango lang si Iris bago umupo sa upuang inalisan nito na katabi ng antipatikong lalaki tinawag na Garett.

Lumipas ang ilang sandali ngunit wala pa rin ang babae. Nagulat pa si Iris nang bigla na lang tumayo ang katabi niyang hindi na maipinta ang mukha. Bakas ang pag-aalala sa guwapong mukha nito. Really now, Iris? Napansin niya pa talagang guwapo ang lalaki gayong ganoon na lang siya nito kung tapunan ng masamang tingin na para bang may ginawa siyang ikinagalit nito. Napairap na lang ang dalaga bago ibinaling ang pansin sa iba pang mga kasama nito.

"I'll go check on her," turan ni Garett at nagmamadaling lumabas ng Café.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nagmamadali at tarantang tumayo na rin ang ilan pang mga kasama ng mga ito at nag-iwan na lang ng card para daw sa charges ng mga inorder nila.

Seriously? Iniwan nila ang lahat ng mga inorder nila na bahagya pa lamang ang bawas. What's wrong with them?!

Naiwang naiiling si Iris habang hinahatid ng tanaw ang papalabas na grupo. Well... 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status