Share

BAGONG CRUSH?

ILANG SAGLIT ding naghintay sa labas ng elevator na nasa car park si Garett bago tuluyang lumitaw si Iris. Kunot-noong tiningnan niya ito bago walang kibong humakbang patungo sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa shotgun seat at hinintay itong makapasok bago iyon isinara. Umikot siya patungo sa driver's side at wala pa ring kibong binuhay ang makina ng kotse. 

Habang nasa byahe ay tahimik lang si Garett habang panay naman ang sulyap sa kanya ng katabi. Hindi na lang niya ito pinapansin at minabuting itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho.

Palabas na sila ng Seventh Stone nang magsalita si Iris. 

"Aren't you going to say sorry to me?" kunot-noong untag nito kay Garett na tinugon lang ng sulyap ng lalaki. Blangko ang mukha nitong ikina-inis ni Iris. "Aren't you going to say something? Wala naman sigurong mawawala sa iyo kung magsasalita ka, hindi ba?" tuloy-tuloy na turan niya sa lalaki.

"I'm not in the mood to talk." malamig na turan ni Garett ditong ikinasimangot naman ni Iris.

"Why are you so arrogant?!" sikmat ni Iris sa lalaki. 

Madilim ang anyong nilingon ni Garett si Iris at muli ring itinuon ang pansin sa pagmamaneneho. 

"Ganyan ka ba talaga ka-arogante? Ano bang kasalanan ko sayo?"galit na patuloy ni Iris. 

"And, why are you so loud and noisy?" inis na balik-tanong naman ni Garett sa babae. 

"Alam mo bang nakakainis ka? Napaka-arogante mo. Ang yabang-yabang mo. Akala mo naman—" natigil si Iris sa pagsasalita nang biglang itigil ni Garett ang sasakyan nito. Muntik pang sumubsob sa dashboard si Iris kung wala lang itong suot na seatbelt.

"Get out of my car!" Mahina ngunit may diing ani ni Garett kay Iris na ikinatanga ng namimilog ang mga mata babae.

Shock was written on her beautiful face. 

Ilang sandali itong nakatunganga sa lalaki at kumurap-kurap ang mga mata. "W-what?" tila wala sa sariling tanong ni Iris. Baka-sakaling mali lang siya ng dinig. 

Oo... 

"I said get out of my fuckin' car!" madilim ang anyong ulit ni Garett.

Ilang sandali nakatitig lang si Iris sa lalaki nang muli itong sumigaw na ikinagulat ng dalaga. 

" Get out—now!"

Mabilis na binuksan ni Iris ang pinto sa kanyang tabi at nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Tinapunan niya ito ng hindi makapaniwalang tingin bago tuluyang isinara ang pinto. Mabilis namang pinasibad si Garett ang kalayo palayo. Hindi makapaniwalang sinundan na lang ng tanaw ni Iria ang papalayong sasakyan. Napakawalang-hiyang lalaki. Nasaan ang manners nito? Tama bang iwanan siya nito sa gitna ng daan? Ano na ang gagawin niya ngayon?

Lalo pang nainis si Iris nang maalalang naiwan niya ang dalang bag sa sasakyan ng sira-ulong lalaki. Paano niya matatawagan si Xien ngayon? Naku, humanda talaga sa kanya ang lalaking iyon. 

Ilang saglit na siyang nakatayo sa gilid ng kalsada habang mukhang tangang nag-aabang ng p'wedeng mahingian ng tulong.

"Did he really left me here?" hindi pa rin makapaniwalang bulong ni Iris sa sarili. "That arrogant jerk, argh!" inis siyang napapiksi at naipadyak ang kaliwang paa bago patamad na sumalampak sa gilid ng kalsada. 

What now? She's in the middle of a towering trees at hindi niya alam kung ano ang gagawin. 

Help, please...

Ilang saglit pa ang lumipas at inip na inip na si Iris habang umaasa na may dadaang sasakyan sa bahaging iyon nang sa wakas ay may matanaw siyang paparating. Kaagad na tumayo ang dalaga sa gilid ng kalsada at kinawayan ang paparating na sasakyan. Huminto naman ito sa mismong harapan niya at mula roon ay sumungaw ang ulo ng isang pamilyar na lalaki. 

"Miss Iris, sumabay na kayo sa akin," turan nitong nakapaskil sa mga labi ang matamis na ngiti.

"You know me?" kunot-noong tanong ni Iris sa lalaki na itinuro pa ang sarili habang pilit na inaalala kung saan nga ba niya ito nakita. 

Ngumiti ito at napakamot sa tungki ng ilong. "Yes, Miss Iris. I'm Zeth, taga Black Forest ako," tugon nito.

Pagkarinig ng Black Forest ay kaagad na nagliwanag ang mukha ni Iris at ngumiti nang matamis sa kaharap. " P'wede bang makisabay? Doon din ang punta ko, eh," turan niyang kaagad naman nitong tinugon ng tango.

Mabilis na lumulan sa sasakyan si Iris at nanatiling tahimik sa b'yahe. Natatakot siyang magsalita at baka mapalabas uli siya ng sasakyan. Nang makarating sa mansyon ng mga Hunt ay kaagad siyang humanga sa pre-modern design nito. Kaagad niyang natanaw si Xien na malapad ang ngiti at nagmamadaling naglalakad palapit sa kanya.

"Iris, thank you for coming," turan nito nang tuluyang makalapit at kaagad na humalik sa pisngi niya.

Tinugon ito ni Iris ng matamis na ngiti at humalik din sa pisngi nito. Habang iginigiya siya nitong papasok ay kaagad niyang binanggit ang ginawa ni Garett sa kanya. Panay naman ang hingi nito ng paumanhin dahil sa ginawa ng lalaki. Pinaupo siya nito sa sala at nagpahanda ng meryenda bago tuwang bumaling sa kanya. 

Nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap nang biglang bumungad ang lalaking kinaiinisan niya sa pinto ng sala. Saglit itong natigilan nang makita siya ngunit kaagad  nagbawi ng tingin at bumaling sa katabi niyang si Xien. Bahagya niyong ikiniling ang ulo sa Luna. 

"Luna," bati nito.

"Garett Godfrey, what did you do?" seryosong tanong ng katabi niya.

Napabuntong-hininga si Garett pagkuwa'y saglit na sumulyap sa gawi ni Iris." I'm so sorry about that, Luna," turan ng lalaking muling napasulyap sa dalagang nakasimangot.

"Huwag ka sa akin magsorry," malamig na tugon ng Luna.

Saglit na natigilan ang lalaki pagkuwa'y umiling. " No. I'm not gonna ask any forgiveness from a human like—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil mabilis itong nilapitan ni Iris at tinuhod.

"Damn you!"galit na sigaw niya sa mukha nitong namimilipit sa sakit habang sapo ang kinabukasan nito.

Matalim ang mga matang tiningnan ni Garett si Iris at iniangat ang kamay ngunit kaagad din iyong ibinaba nang makita niya ang takot na bumakas sa mga mata ng babae. 

"Fuck!" angil nito bago tumalikod at paika-ikang lumabas ng mansion.

"Ouch, that hurts," turan ng isang lalaking bagong dating.

Napalingon naman si Iris at napatitig sa bagong dating. His golden hair was tied on his back na nakadagdag sa misteryosong anyo nito. Ang mga mata nito ay kulay berdeng kasing tingkad ng kagubatan. Maputla ang kulay ng balat at matangkad. Katamtaman ang laki ng katawan na bumagay naman dito. 

"Kuya Matte!" tuwang bati ni Xien sa bagong dating.

Matamang pinagmasdan ni Iris ang bagong dating na yakap si Xien nang mabaling ang pansin niya kay Garett na padarag na dumaan sa harap nila. Kaagad siyang napasimangot. 

Hmp, antipatiko talaga. Nakakainis!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status