Share

Kabanata 1: Boardmates

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa malayo. Nakakapagod pa lang mag-arrange ng mga gamit lalo na't kakalipat mo lang sa isang bagong boarding house. At ang madalas ko pang kasama rito ay pawang engineering students. May iilan pa ngang senior law students.

Nilapag ko ang kahon sa sahig na may lamang iilang gamit at damit. Hindi na kasya ang iba kong uniforms at kailangan ko ng magpasukat ng bago. Hindi pa ako binibigyan ng allowance kaya wala pa akong pera sa ngayon. Sana naman magtext na ang pinakapaborito kong jowa.

Palawan Empress.

“Asa'n nga 'yong toothbrush ko, pota mo naman Ry,” rinig kong mura mula sa labas ng kwarto.

Sumungaw ako ng konti sa pinto at nakita ang isang lalaki. Katamtaman ang katawan, moreno, matangkad, medyo magulo ang buhok nito, at masama s'yang nakatingin sa lalaki na nasa loob ng kwartong kinatatayuan n'ya ngayon.

“Hindi ko nga alam. Aanhin ko naman 'yang toothbrush mo?”

“Aba malay ko. Ipakulam mo pa ako e. Asa'n na nga kasi?” singhal n'ya ulit sa kausap.

“Tangina naman. Kung kailan ko kailangan saka mawawala,” padarag n'yang sinara ang pinto.

Ang bastos.

Hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod s'ya sa akin. Mabilis s'yang naglakad palabas ng gate. Mukhang bibili yata ng toothbrush.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit nung biglang kumatok si Ivy, s'ya ang roommate ko rito and we also have the same course. We are both taking BSBA Major in Financial Management. Malaki ang chance na magkaklase kami this year. Hindi kasi kami magkakilala noon because I was in a different apartment and sa school naman, nasa kabilang section ako. So we barely know each other.

“Kumain ka na ba?” tanong n'ya, napansin ko ang kanyang dalang pagkain.

Nakakatakam naman. Isang lunch galing 11-Eleven. Parang nagutom ako kahit kakakain ko lang.

I nod. “Yeah, kanina.”

“Kakain muna ako tsaka kita tutulungang maglipat ng mga kahon mo,” ngumiti s'ya.

“Sige.”

Mabilis lang ang ginawa n’yang pagkain at tinulungan n’ya rin ako agad.

Nasa labas lang nitong gate ang mga kahon ko na galing sa kabilang apartment, which was my former boarding house. I decided to leave because of my board mates. Hindi naman sa ayoko sa mga kasama ko, I like them a lot. But I can always feel pressure around them. Ako lang yata ang BSBA student dun, and I'm freaking surrounded by smart asses like engineering students at puro lalaki pa. Ang hirap lang makisama.

“Thanks, Ives,” I said.

“For what?”

“For helping me. Ikaw lang yata ang kaibigan ko rito, e.”

Natawa s'ya sa sinabi ko. “Bagong lipat ka palang kaya mo 'yan nasasabi. Once you get to know everyone aside from me, I'm sure you'll get the hang of it.”

“Ayoko ring makisama sa mga taong hindi ko lubusang kilala and I don't want to know them,” sabi ko at nilagay ang kahon sa kama.

“Why? They're fun to be with. Just give it a try,” ngiting-ngiti pa s'ya.

Marahas akong bumuntong at mabilis na inayos ang kama sa itaas. I choose to be at the top deck. Being at the lower deck scares me. I'm freaking terrified of rats.

“I'll try,” mahina kong sabi, sapat lang para marinig n'ya.

Natapos din kami sa pag-aayos ng gamit ko. Ivy went to the university to check some random information. Andun din kasi ang circle of friends n'ya ngayon, which I don't know whose and whom.

I text Angela to inform me in case she'll change her mind about going to the tailoring shop today. Wala pa kasi akong pera para bumili ng tela kaya sana magbago ang isip n'ya. Besides, nilalakad lang namin ang tailoring shop mula rito. Kapag tinatablan naman ako ng katamaran, nagta-tricycle kami ni Gelai.

Minutes passed and there was still no sign of response. So, I decided to take a nap. Nagising ako dahil sa ingay ng gitara. I don't know where it was coming from. Basta't alam ko lang na naistorbo n'ya ang mahimbing kong tulog.

“The fuck is that?” bumangon ako at tinignan ang ibabang kama. Wala pa rin si Ivy.

Bumaba ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog. Sumungaw ako sa bintana when I saw the arrogant guy again, holding his guitar. Nakaupo s'ya sa tambayan sa gilid nitong boarding house namin.

I opened the door to take a closer look. Sinuot ko ang flip flops ko and slowly walked to him, realizing that he's also singing a song. I'm not really sure what the song was. Pero sigurado ako na natigilan ako dahil sa kanta.

No.

Not the song.

It's his voice.

Bumalik ako sa reyalidad when I saw him glaring at me. I glared back. Hindi talaga ako marunong magpatalo.

“What?” his forehead creased and got irritated through my stares.

“Ang ingay mo. Natutulog ako.”

The side of his lip rose. “That's not the expression of a disturbed person.”

Ako naman ngayon ang kumunot-noo. “What was that?”

“Naingayan o nagustuhan?”

I can feel my cheeks burning red because of how cocky his attitude was. Ngayon pa lang kami nagkita pero napakayabang na n'ya. He already made his impression, which I believe would last since nagka-impact na ito sa akin.

“I will remember how cocky your attitude is,” nilapag n'ya ng marahan ang kanyang gitara at humarap sa akin. We both made eye-to-eye contact with each other, and it made me feel uncomfortable.

“Wew. Wala pang nakapagsabi sa akin na maingay ako dahil sa ganda ng boses ko,” he said, making a bold statement.

What an asshole!

“Bwes ngayon meron na. You can't please everyone whether you like it or not, mister.

Panget kaya ng boses mo. Sobrang sakit sa tenga. Nakakarindi. Nagising ako dahil sa kapangitan e,” I scoffed, which made his forehead creased even more.

That's it. Make it more satisfying.

“Gusto mo kantahan pa kita d'yan?”

Kinabahan ako bigla dahil sa kanyang sa sinabi. No one asked me that kind of question, though I'm aware that he's just making fun of me. But still, it made my heart thump again.

“Not interested,” I chided.

He heaved a sigh at hinawakan ulit ang kanyang gitara. “I see, bago ka nga lang pala rito kaya hindi mo pa ako kilala.”

“I already told you, I'm not interested. Hindi ka ba nakakaintindi ng ingles?”

“I can. Anong akala mo sa akin bobo?” he tsked. The disappointment was written all over his fuckin' handsome face.

I shrugged. “Well, I don't know you, but you look like one. Still, I don't want to judge you naman.”

“I'm Joseph Rivera, engineering student, pinakagwapong miyembro ng USeP band kung saan ang pinapasukan mong university,” presko n'yang sabi habang nakataas ang isang kilay. “Now you know.”

Nanggalaiti ako sa inis. Hindi n'ya ba naintindihan ang sinabi ko kanina? I told him diba na I'm not interested? Why did he even fucking tell me?

“Bobo ka ba? Tsk.”

Nakangisi s'yang napapailing habang nakatingin sa akin. “I know you're dying to know me. Pasalamat ka at nagkusa na akong magpakilala. Baka nga bigyan pa kita ng biodata ko e. Gusto mo?” tumaas baba ang kanyang kilay.

Sinipa ko ng malakas yung upuan papunta sa paa n'ya. Sakto at nasapol s'ya nung upuang kahoy kaya napaaray s'ya sa sakit. Napangisi ako dahil sa kanyang reaksyon.

“What the fuck, Ruby?”

My smile fades. How the hell did he know my name?!

“P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?”

He looked at me in the eyes with a grin on his lip. “Well, I am also dying to know you.”

-x

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status