Share

Kabanata 3: Grocery

Naiirita kong tinignan ang basket na puno ng chocolates at loaf bread. Sinamaan ko s'ya ng tingin habang binabalik namin isa-isa sa shelf yung tsokolate.

“Ayaw mong mamatay sa UTI pero papatayin mo naman ang sarili mo sa diabetes. Okay ka lang?” tumaas ang kilay ko.

Nakangiti pa rin ang loko na para bang wala s'yang narinig na salita mula sa akin.

“Hoy, nakikinig ka ba sa sa akin?”

“Para ka kasing galit na girlfriend diyan,” ngisi niya.

Napaiwas ako ng tingin at mabilis na hinampas sa kanyang balikat ang basket na wala ng laman ngayon.

“Ewan ko sayo. Baliw!”

Inunahan ko na siya sa paglalakad. Ano bang problema ng lalaking ito sa akin? Tch.

Napaka-alaskador. Naramdaman ko siya sa likuran ko. He's tall, madali s'yang makita at mapansin dahil na rin sa gwapo n'yang mukha. Kaya ko pang aminin na gwapo s'ya, pero hindi ko talaga maamin-amin na maganda ang kanyang boses.

It made my heart race so I won't.

“Hoy,” he waved his hand in front of my face.

Mabilis ko 'yung sinampal at hinawi palayo sa mukha ko. “Ano ba iyon?”

“Eggs,” he said, pointing his forefinger at the next aisle.

Wala sa sarili akong tumango at naglakad papunta sa tinuturo n'yang aisle. Kumuha ako ng dalawang tray at inilagay iyon sa basket.

“Ano pa bang gusto mong bilhin?” tanong ko pagkatapos.

May iilang noodles, canned goods, and veggies na kaming pinulot pero lahat ng iyon ay nilagay ko sa basket. Ni wala s'yang pinili para sa sarili niya kahit alam ko na para sa kanya naman talaga itong ginagawa ko.

Wait what? The fuck I'm saying in my monologue?

Napailing nalang ako dahil sa sariling katangahan habang naglalakad kami papunta sa Dairy Aisle.

“Bibili ako ng gatas,” aniya at kumuha ng isang malaking pack ng Bear Branded.

Halos mabitawan ko 'yong basket dahil sa biglaan n'yang paglagay sa pack. Hindi n'ya ba alam kung gaano kabigat ang pakete na iyan?

“Siraulo! Ambigat nito, ah,” reklamo ko. Tinitigan n'ya lang ako na para bang nakatitig siya sa isang walang kwentang tao. “Hindi mo ba ako tutulungan dito?”

His lip forms a lopsided smile before he took the basket from me. “Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo iyan sa akin.”

Kunot noo ko s'yang tinignan. “What do you mean? Ano bang sinabi ko?”

“I want to hear you say that you need my fucking help,” he said at naunang naglakad sa akin.

He's not really fast, sadyang malalaki lang ang kanyang biyas kaya medyo kailangan ko pang maglakad ng mabilis para abutan s'ya.

“Kailangan ba talagang sabihin kapag nangangailangan ka ng tulong?” pagtataray ko.

“Not really, pero hindi kasi halata sayo na mahilig kang humingi ng tulong.”

“What is that supposed to mean?”

“You seem independent, that's all.”

Tinignan ko lang s'ya ng masama. I really don't understand guys like him. Napakahirap nilang i-decode like they are all pieces of puzzle I was trying to fit in my own little world. I just don't understand how they think.

“Naks, napaka-gentleman mo naman pala, kuya.” I teased.

He immediately halt for a second bago tuluyang humarap sa akin. “What did you just call me?”

“Kuya.” I simply replied like it was nothing. Well, it was nothing.

“Tch,” mabilis n'ya akong tinalikuran.

Napakawirdo talaga ng kuya mo, Ivy.

Kumuha sya ng iilang chichirya sa gilid ng counter kung saan kami nakatayo ngayon. Three toothbrushes, a shaving cream, and a Gillette shave na mabilis niyang inilagay sa hawak n'yang basket. Napatingin ako sa kanyang baba. It doesn't look like he needs the shaving cream. Pero alam ko kung para saan ang toothbrush. I remember how furious he was because of those but why so many?

“Anong gagawin mo d'yan?” turo ko sa shaving cream. “Malinis naman 'yang baba mo. Wala ka ngang bahid ng mustache e.”

“Ryle's always taking my shaving cream. Palaging nanghihingi ang gago kaya bibilhan ko ng kanya.”

How rich.

Hindi na ako nagsalita pa kahit sobrang dami ng tanong sa utak ko. Kung bakit ang bait n'ya sa kanyang roommate, kung bakit tatlong toothbrush ang kanyang binili, at kung bakit sila nagsigawan dahil sa isang toothbrush. Yup, I had a lot of questions in mind but I chose to shut my mouth. Para saan pa? Baka isipin ng lalaking ito na interested ako sa kanya kahit hindi naman.

“Baka nangangalay ka na katatayo diyan?” he suddenly asked.

Napansin niya ata ang pagpisil ko sa aking paa simula kanina. “M-Medyo.”

He looked around the store, trying to find something.

“You can sit there,” he pointed across the hall. “Wait for me there after I finished paying for these.”

I nod and stormed out of the counter's area. Nakahinga ako ng maluwag matapos makaalis sa napakahabang pila. Ganito pala kabusy ang mga tao tuwing weekends. Naiintindihan ko sila kasi malapit na rin ang pasukan sa USeP.

I can't deny the fact na marami-rami talagang estudyante ang gustong makapasok sa state university na pinapasukan namin, but they failed the entrance exam so they couldn't. Not a chance.

I stared across the hall, pinagmasdan ko ang iilan sa estudyanteng namimili, may dala-dalang baskets or tulak-tulak na carts, waiting for their turn at the counter nang mahagip s'ya ng mga mata ko.

He was staring.

At me?

No way.

Ang lakas talaga ng imagination ko but I stared back. I couldn’t see from afar because of my 120-120 vision. Malabo-labo na rin ang paningin ko kaya hindi ako sure kung sa akin ba s'ya nakatingin o sa iba.

Hindi ko nalang din pinansin. I scrolled at my F******k account waiting for class updates. Isang linggo nalang at pasukan na ulit for second semester.

After a long while of waiting, he was finished. Hindi naman ako nabored sa pagtitig sa mga babaeng nadadaan na ang topic ay s'ya. Yup, madalas syang tignan ng mga babae kanina kaya hindi ko nalang pinansin pa. As if naman may pakealam ako.

“Tara?”

Tumayo ako at agad s'yang sinundan. Ayokong magpantay yung lakad namin, baka kasi ano pa ang isipin ng ibang tao kahit nasa mall lang kami at wala pa sa school.

“Gusto mong kumain muna?” tanong nito ng hindi ako nililingon.

“I didn't bring my wallet. Akala ko kasi mag go grocery lang tayo.”

“I'll treat you then,” he quickly said. He was now walking slowly like he wants me to pick up his pace.

“Talaga? Ang yaman mo naman pala kung ganun.”

“So where do you want to eat?”

Nahinto siya sa paglalakad tsaka ako huminto. Tinignan n'ya ako habang hinihintay ang sagot ko.

“M-Malay ko. Kahit saan na lang siguro,” I replied, immediately averting my gaze because of how his eyes spoke.

Tarantadong puso. Ang bilis masyadong kumabog.

“Okay. What about KFC? Sounds good?” suhestyun niya na tinanguan ko agad. No choice, ayoko ring mag-suggest kasi sobrang kapal naman ng mukha ko nun. Nilibre na nga n'ya ako tapos ako pa itong pipili ng kakainan.

“Okay.”

Pero sana pala sinabi ko na lang carenderia. Okay na kasi ako dun, but since andito kami sa GMall, wala akong choice kundi sa KFC. Wala kasing carenderia rito at punuan din ang food court.

S'ya na ang umorder para sa akin. He waited patiently in line for me. Naghanap ako nang mauupuan, but I failed miserably. Walang bakante at nagkukwentuhan naman yung ibang pamilya na katatapos lang kumain.

“Wala ng upuan,” sabi ko nang makalapit ako sa kanya. Wow, he's really tall. I mean, mas matangkad ng ilang pulgada sa akin.

“Seriously?” he scowled. Napatingin sa kanya ang ibang tao at trabahador.

“You don't have to raise your voice, Kuya.”

“Stop calling me that,” inis n'yang sabi. “All right, let's eat at The Peak.”

Napaawang ng konti ang labi ko. “What?”

“I said, sa THE PEAK nalang tayo kumain," inulit pa talaga! Binibigyan ko s'ya ng pagkakataon para ibahin ang kanyang sinabi.

Napakaliteral talaga ng lalaking ito kahit kailan.

“I heard you. Diba pwedeng umuwi na lang tayo at dun nalang kumain?”

“No,” he immediately respond.

Kahit labag sa kalooban ko ang desisyon n'ya, e sinunod ko naman. Ganito talaga siguro kapag gutom ang isang tao no? Lalo na't libre ang pagkain, hahayaan mong manalo s'ya sa sumbatan.

Sinalubong kami ng malakas na hangin nang makarating kami sa THE PEAK. Nasa fifth floor ito ng mall, and usually lots of couples were spending or wasting their time here. Wala masyadong tao bukod sa kanila na nagkukurutan ng pisngi, naghaharutan, at nagseselfie.

Nakakabitter.

“Bilis na uy!” sigaw n'ya sa akin.

Dun ko lang namalayan that he was three steps away from me now. And he's grinning to ear.

“Ano pang hinihintay mo diyan? Ako?”

My left brow arched. “In your fucking dreams.”

-x

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status