Share

Kabanata 4: Precious

Kung jowa ko lang sana ang kasama ko kanina masasabi ko na ang saya ng araw ko kaso hindi.

“Tumahimik ka kung ayaw mong itulak kita palabas nitong jeepney!” I roared when we both settled down inside.

Kanina pa kami nagsusumbatan dito dahil sa nangyari kanina. Nabasag yung mga itlog dahil naupuan ko. Kasalanan ko ba kung bigla-bigla na niya lang nilagay sa uupuan ko yung eco bag.

“Bobo ka ba? Kasalanan mo kasi kung ba't nabasag yung mga itlog ko!” angil n'ya sa pagmumukha ko.

“Hindi ko binasag yang itlog mo. Kasalanan mo kasi nilagay mo sa uupuan ko. Tanga ka!”

Automatic na napalingon sa amin ang karamihan sa pasahero. Ang lakas-lakas ng boses niya tsaka sa bibig niya pa galing yung 'itlog' na word which made them curious.

Namula ako sa hiya. I decided to shut my mouth, napayuko nalang ako at hindi s'ya pinansin hanggang sa nakarating din kami sa boarding house. Hindi kami nagpansinan. Nagtulakan pa nga kami habang sabay na pumasok sa loob ng gate nung madatnan kami ni Ivy.

“What the hell are you two doing?” she asked in shock.

I jolt him secretly, namilipit siya sa sakit ng kanyang tagiliran and smiled sweetly to Ivy.

“Wala naman. Nilibre ako ng kuya mo, ang sweet.”

He was shooting daggers at me. If looks can kill, then I'd be dead already.

Papasok na sana ako sa loob, when I felt his hands pushed me hard to get inside. Nakabawi agad ang loko dahil muntikan ko na talagang m*******n yung semento.

“Papasok muna ako. Mag-away muna kayo d'yan,” aniya na napapangisi.

Mabilis ko s'yang hinarap at tinitigan ng masama. “What the fuck is wrong with you?” singhal ko nang makabawi ng sapat na lakas.

“You did it first. Siniko mo ako sa tagiliran.”

“Kanina ka pa kasi sa jeepney. Sana pala tinulak nalang kita kanina!” inis akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Ivy pero naramdaman kong sinusundan niya ako. “Bakit ka ba sunod nang sunod ha? Gusto mong ipapulis kita?”

Nagsalubong ang kanyang perpektong kilay habang nakatingin sa akin. “Hello? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ikaw susundan ko? Ano ako? Stalker mo?”

“Then why the fuck are you following me?” he grinned with amusement. “You really have a dirty mouth, you know that?”

I rolled my eyes at him and decided to go inside our room, pero walang pasumangil n'ya iyong binuksan habang umaakyat ako papunta sa kama.

“Ano bang ginagawa mo rito ha? Napaka-stalker mo talaga.”

“Hindi ka worth it iistalk no. Isa pa, hindi ikaw ang pinunta ko rito. Ibibigay ko lang itong hatian sa kapatid ko,” sabi niya at nilagay ang basag na itlog sa ibabaw ng cabinet ni Ivy.

“Assuming.”

“I heard that,” I blurted.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Damn, it sounds so sexy.

“Aalis na ako. Pakisabi kay Ivy na nailagay ko na sa loob ng cabinet ang pagkain,” sabi n'ya.

Tumango ako kahit hindi niya naman iyon nakikita. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto tsaka ako nakatulog.

I woke up because of the noise. Ewan ko ba, parang may nagbubulungan na bangaw mula sa labas ng kwarto namin. Napatingin ako sa ibaba at nakita si Ivy'ng natutulog. Mukhang napahimbing yata ang tulog ko.

I glanced at my phone only to find out that it's already six o'clock in the evening. Two hours din ang naging tulog ko. Sht.

Bumaba ako mula sa kama at dahan-dahang binuksan ang pinto. I'm freaking hungry, but I don't have any food with me. Wala akong choice ngayon kundi ang maghapunan sa carenderia or eatery man lang.

“Ivy,” I was shaking her shoulders.

“Ano yun?” she lethargically asked.

“I'm going out muna. Magdidinner lang ako saglit,” sabi ko na tinanguan niya kaagad.

I wear my jacket on, still wearing my cotton shorts. Saglit lang naman ako sa labas kaya ayoko na mag-abala sa pagbibihis.

“Where are you going?”

Napalingon ako sa pamilyar na boses. I was expecting that it's him though.

“Kakain.” I simply replied.

“Okay.”

Napairap ako sa kawalan. Bakit nga ba ako nakikipag-usap sa lalaking ito? E, hindi naman s'ya matinong kausap.

Agad kong binuksan ang gate at naglakad papunta sa carenderia, hoping na may bukas pa sa mga oras na ito. It's still 6 PM so I'm pretty sure na marami pang eateries na bukas diyan sa labas.

“Wait... my precious.”

Nahinto ako sa paglalakad.

Ako ba ang tinatawag niya?

“Hoy, gago anong sabi mo?”

He halt when he finally pick up my pace, chasing his breath. “One minute.”

I waited for him to regain his breath. “Okay ka na? Bakit mo ba ako sinusundan tsaka ang creepy ng tawag mo sa akin ha?” sabi ko na may padiri effect pa.

He heaved a deep sigh. “Kakain din ako. Wala naman sigurong masama kung sasabay ako sayo diba?”

“Bahala ka…” I replied. “And don't call me precious or something like that. Nakakakilabot.”

Inismiran lang ako ng loko tsaka n'ya ako inakbayan bigla. “Ases. Gusto mo rin naman.”

Mabilis kong inalis ang kanyang kamay sa balikat ko. I felt a sudden electric shock flowed between me and his arms. Kinabahan ako bigla.

“Don't touch me,” I furiously removed his arm around my neck.

“S-Sorry, I didn't mean to–”

“Shut up. Tsaka huwag mo akong tawagin sa kahit na ano. Hindi tayo close,” inis akong naglakad papasok sa eatery na madalas kong kinakainan nung first year ako.

Sumunod din siya pagkatapos at umorder gaya ko. He ordered the same viand as mine. Gaya-gaya, puto maya.

“Diba kabibili mo lang ng grocery kanina? Nagsasayang ka ba ng pera?” Tanong ko nung nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.

“I don't have time to cook,” sagot nito at sumubo ng isa pang kutsara ng kanin.

I stayed silent after that until I finished my food. Mabilis n'yang natapos yung kanya kaya naman nakatingin lang s'ya sa akin hanggang sa matapos akong kumain.

“Wala ka bang ibang trip bukod sa pagsunod lagi at pang-aasar sa akin?” tanong ko at uminom ng tubig.

“Marami,” ngiti niya. “Pero mas trip kita,”

naibuga ko ng hindi sinasadya ang aking ininom sa kanyang mukha.

Oh shit!

I've done it.

Napapikit siya at dahan-dahang pinunasan ang tubig sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay.

“Naku, pasensya na. Hindi ko sinasadya!” natataranta kong hinugot ang panyo mula sa aking bulsa at mariing pinahid iyon sa kanyang basang mukha.

“Sorry, sorry talaga.”

He suddenly grabbed my hand, making my heart beats erratically.

“It's okay,” he said in a not-so angry tone of voice. Kinuha n'ya mula sa akin ang panyo at s'ya na mismo ang kusang nagpunas sa kanyang mukha.

“Kung bakit mo ba kasi sinabi yun. Buti nga!” pagbawi ko sa kabang nararamdaman ko hanggang ngayon.

Calm down, Ruby.

Napapailing s'yang ngumiti, still wiping his face clean. “You are really something, Ruby. You really know how to make my heart race like this."

-x

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status