Share

Kabanata 8: Ngiti

CHAPTER 08

Ngiti

“Uy! Tara na, Rubs!” pagyugyog ni Angela sa balikat ko.

Kumurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Did I lose myself again?

“T-Tapos na ba ang kanta?”

Tumango s'ya. “Gumising ka na nga. Kanina ka pa wala sa sarili mo, e, kinabahan ako bigla.”

Huminga ako ng malalim upang bawiin ang nawala kong ulirat. Whenever I hear him sing or play his guitar, I would lose myself in the midst of my imagination like his voice makes me wander places I don't want to visit. Kanina pa pala natapos ang practice, hindi ko man lang namalayan. Shungalets!

I took my bag on the chair at sinundan si Gelai palabas.

“Nasaan si Joseph?” tanong ko habang pababa kami ng hagdan.

“Kanina pa sila bumaba. Ikaw lang yung hinihintay namin kaso ang tagal mong tulala, teh!” natatawa n'yang sabi. “Ewan ko ba kung ba't ka mukhang ewan kanina.”

"Inaantok lang ako," palusot ko.

Nakakahiya naman kung magsasabi ako ng totoo na sobrang nagandahan ako sa boses n'ya. Si Angela pa naman itong kaharap ko, isa sa mga malisyosa kong kaibigan.

Nakita namin ang grupo pagkababa namin sa ground floor. They're waiting for us. Kaloka!

“Let's go,” Joseph said in an authoritative voice. Ni-hindi n'ya man lang ako tinignan.

Nakakapanibago ang kasupladuhan ng isang ito. Hindi ko alam kung nagkaka-red days din s'ya minsan.

Nakasunod lang ako sa kanila. The both of them were fronting us, nasa likuran ko yung ibang miyembro ng banda, but Gabriel was walking with me. Grabe! Kyaaah! Kakakilala pa lang namin sa isat-isa ang landi-landi na n'ya sa akin. Pwedeng mafall agad?

"Hindi yata kayo sabay ngayon?" he asked.

His Tagalog sounds weird but it was cute for me.

"Required ba yun?" pamimilosopo ko, but I only got him laughing for what I said.

"Not really, sorry for being so curious."

"Ayos lang, pero hindi naman talaga kasi kami nagkakasabay umuwi n'yan, ngayon lang ata,” sabi ko habang nakatingin sa field.

"Really? I always thought that if you fall in love with someone, hindi mo namamalayan na nagsasabay na pala yung mga paa n'yo sa paglalakad,” aniya.

Agad akong napatingin sa mga paa namin. I'm not walking at the same pace as him. I therefore conclude na hindi pa ako in love sa kanya. Bumaling ako sa dalawang tao na nauunang maglakad kesa sa aming lahat.

Hmm. Hindi rin sila sabay maglakad, so they're not in love.

"I saw that," lumapit s'ya para ibulong yun sa akin.

Napaatras ako dahil sa gulat at mabilis na napahawak sa aking tenga. "A-Ano kamo?!"

He shrugged. "Nothing important,” ngiti n'ya at nagpatuloy sa paglalakad.

My heart was pounding like crazy. Huminga ako ng malalim bago tuluyang sumunod kay Gabriel. Nagkwentuhan kami ng konti and I found fond things about him. He's currently in his third year as an ROTC officer, mas matanda s'ya ng isang year sa akin but we have the same age. He's taking Geodetic Engineering, but his current schedule isn't hectic as before when he was in his first year.

"So you mean, you also study rocks?" tanong ko nung makalabas na kami ng gate.

"Well, that's the thing about being a geodetic student," he replied. Nahinto kami sa paglalakad paglabas ng gate. "Dito na ako. I'll ride home from here."

Napatingin ako sa kanyang likuran. "May motor ka?"

He nodded. "Yup. I hate jeepneys, masyadong masikip kapag rush hour, so I decided to buy one."

WOW! YAMAN AH! Kung makapagsalita ang isang ito parang bumili lang s'ya ng kendi sa sari-sari store. Ang saya siguro kapag may gusto kang bilhin tapos nabibili mo agad in an instant. Pero sa kaso ko, instant noodles lang ang kaya kong bilhin sa ngayon.

"Ang yaman naman," I bitterly said. "Sige na, uwi ka na. Ingat ha, pakakasalan pa kita," ngisi ko na ikinatawa n'ya bago nagpaalam.

Wave lang ako nang wave nung makasakay s'ya hanggang sa pinaharurot na n'ya ang kanyang motor paalis. Ang gwapo! May motor na nga, gwapo pa, matalino pa, package deal na! May hahanapin ka pa ba? Kompleto na ang magaganda n'yang katangian, ako na lang talaga ang kulang sa buhay ni Gabriel. Ang hangin ko talaga.

"Are you done?" boses ng isang halimaw sa banga.

Hinarap ko s'ya pagkatapos nang makita kong nakakunot ang noo n'ya sa akin.

"Anong ginawa ko? Ganyan ka na naman makatingin sa akin?" naiirita kong tanong. I looked around and haven’t seen Gelai. "Asa'n si Angela? Iniwan mo ba?"

"Iniwan ko para sayo," he nonchalantly replied.

That simple reply made my heart fucking pound, pero hindi ako nagpadala sa tibok ng d****b ko. Wala akong panahon para dun.

"Seryoso, asa'n s'ya?" taas kilay kong tanong.

"Pinahatid ko kay Mark," he sighed. "Tara na nga," he said, pulling my wrist.

We walk past many students na gulat na gulat na nakatingin sa nakahawak n'yang kamay sa pulso ko. I did not mind what's going on or what's happening. The only thing that I was thinking at the moment was the fact that he's holding my wrist, not hand, but wrist. Nakaramdam ako ng kuryente with his soft hand. How ironic for a guy to have a smooth hand like him. Parang hindi s'ya pinagbuhat o inutusan ng mommy n'ya simula pagkabata.

"Pwede bang bitawan mo ako? Nakakaya ko namang maglakad nang hindi magkahawak ang kamay natin, e."

Nahinto s'ya sa paglalakad, he did what I said and let go of my hand immediately.

"You were late," he said in displease. "Late ka sa band practice kanina. Minsan lang ako mag-invite ng babae tapos nalate ka pa."

"Bakit ka sa akin nagrereklamo? Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na iinvite mo ako?"

At tinarayan ko na naman s'ya. Kung bakit ba kasi napaka moody ng isang ito, it's his fault kung bakit halos araw-araw ko s'yang nasusungitan, not mine.

He sighed in frustration at napahilamos ng mukha. "I don't understand why I'm like this."

"Mas lalong hindi kita gets. Ang suplado mo, sobra!"

Mabilis ko s'yang nilagpasan. He was calling my name, but I didn't bother to look back.

Nakakainis. I was raging in anger and irritation. Nafefeel ko na sa bawat batong naaapakan ko nagiging kulay itim ito. Ganun ako kagalit ngayon. Walang nagsabi sa kanya na imbitahin ako sa ganung practice, and besides I don't even want to go in the first place. And now he's furious because I was what? Late? Pinagmukha pa nito na sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. If it wasn't for Angela, I wouldn't go.

"Ruby, wait! I'm sorry!"

Naramdaman kong naabutan n'ya ako. He was walking the same pace as mine. That's when I realize that our feet were walking in sync. I stopped for a while, making sure na hindi ko guni-guni ang paglalakad ng mga paa namin ng sabay. I walk again, but we were still walking in sync.

I don't know kung sino ang in love sa amin. Well, of course, I am not in love with this guy. Baka s'ya ang may gusto sa akin, but give me a break. He's more interested in Angela than me kaya imposible na may gusto s'ya sa akin. Maybe this happens naturally out of consciousness. Oo tama, ganun na nga. Wala namang scientific explanation ang magkokonek sa pagiging in love at paglalakad ng sabay. At least.

Bwiset, nagsasabay pa rin talaga kami. If only Gabriel hadn't said those psychology jokes to me, I wouldn't be making this synchronous walk a big deal.

"I'm sorry, nasigawan kita," pambabasag n'ya sa katahimikan namin. He didn't sound sincere. He wasn't trying to anyway.

"Ewan ko, huwag mo muna akong kausapin," walang gana kong sambit.

"If you'll say that, mas lalo lang kitang guguluhin," walang bahid ng pagjo joke ang bawat salita n'ya.

Napabuntong na lang ako, nakatitig pa rin ako sa kahabaan ng daan papunta sa boarding house namin.

"Ikaw bahala. Unti-unti na rin akong nasasanay sa kakulitan mo," pagsupil ko sa isang ngiti na kukurba kung hindi ako iiwas ng tingin sa kanya.

He clicked his tongue and combed his hair using his fingertips dahilan para tumayo ito. Now I could appreciate how good looking he is... damn heart!

"Akala ko talaga galit ka," he smiled playfully.

"Galit naman talaga ako sayo. Ano ba sa tingin mo?" umakto akong galit.

Gosh, hindi nga ako galit kasi umaakto lang ako. Ano ba!

"Really? I thought I saw you holding back a smile on your lip a while ago," panunudyo ng gago.

Naku, naku, nagpapasalamat talaga ako na medyo madilim-dilim na ang nilalakaran namin dahil kung hindi, baka tuksuhin ako nito na namumula ako sa hiya. Tsaka mabibigwasan ko talaga s'ya pag nagkataon.

"No, I wasn't. Assuming, grabeee!" nagkamot ako ng ulo habang mabilis na naglakad palayo sa kanya.

"Mas maganda ka kapag nakangiti sa akin," sigaw n'ya.

I did not realize that I was slowly smiling because of what he said.

-x

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status