Share

Chapter 3

Lilly's POV

My heart was torn into pieces as I watch Nina cry from a distance. Nasa loob na ako ng bag ni Tisoy at may kaunting awang yung bag para may makita at makahinga pa ako. 

I really did find someone who’ll love me, pero hindi kami para sa isa’t-isa.  Bilang isang bata wala naman siyang magagawa sa gusto ng mga magulang niya. Pumikit nalang ako at minabuting itulog nalang ang lungkot ko. 

Nagising ako nang tumigil si Tisoy sa pagbi-bike. Nilabas niya ako sa bag niya at iniharap sa kanya.

“Huwag ka maingay ha kundi ia-adobo kita!” Nag-pintig naman ang tainga ko sa sinabi niya. Serysoso ba siya dun?  Itinago niya ako sa likod niya at napansin ko din na may hawak siyang red  box sa isang kamay niya, parang cake ata iyon. Dahil ayoko namang maging adobo nanahimik nalang ako sa likod niya. Kumatok siya sa pinto ng tatlong beses at maya-maya pa nadinig kong bumukas na ‘yon.

Tisoy greeted, “Happy Birthday Babe!” 

“Babe!” Halatang nagulat pa yung babae dahil sa boses niya. So, ipangre-regalo niya nga talaga ako. Pumasok kami sa loob ng bahay, di mapagkakailang ma’s maganda ang bahay na ‘to kesa kina Nina na puro yerong pinagtagpi-tagpi. Dito kasi ay pader na ang meron at maaliwalas din tingnan dahil puti ang pintura.

“May regalo ako sayo,” Tisoy excitedly said.  “TADAAAA!” Iniharap ako ni Tisoy dun sa girlfriend niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

“Oh my gosh! Ang cute!” Binuhat niya ako at niyakap yakap bago iharap sa kanya ulit.

“Hello Love! I’m Sasha!” Masayang pagpapakilala niya. She looks so familiar. Where did I saw her?

“Nagtataka yung mukha niya babe look mo.” Natatawang sabi ni Sasha at iniharap ako kay Tisoy.

“Ayan ha pinagbigyan na kitang magkaroon ng aso dito sa bahay.” Seryosong sabi ni Tisoy habang inilalabas sa box yung cake na dala-dala niya. Ibinaba ako ni Sasha sa sahig at lumapit kay Tisoy. She gave him a peck on his cheeks.

“Thank You Babe!”

“Hindi kana galit saakin?” Tumango naman si Sasha, maybe they fought kaya ganun ang tanong ni Tisoy. Peace offering ako para sa girlfriend niyang galit sa kanya.

Napairap nalang ako sa isipan ko, of all people bakit sa sweet na mag-jowa pa ako napadpad. Binuhat ako ulit ni Sasha. Maganda si Sasha, bilugan yung hazel brown na mata niya at fair and white din ang skin niya. She’s only wearing a boxer and a big shirt maybe sa boyfriend niya yun. 

“Ano kaya ipapangalan ko sayo?” Napapaisip na sabi ni Sasha, she looks so excited. 

“Mamaya mo na isipan pangalan ‘yan, picture muna!” Sabi ni Tisoy at ipinakita saamin yung mint green Polaroid na hawak niya. Napapikit ako dahil sa flash ng camera. I used to love flashes of camera but now  I don’t like it . Animals don’t really like flashes.

Ibinaba ako ulit ni Sasha, tahimik lang ako habang kumakain sila, nakadapa lang ako sa gilid ng upuan niya.

“San mo siya nakuha?”

“Dun sa tiyuhin ko.” Mababakas sa boses ni Tisoy na isa siyang malaking lalaki habang si Sasha naman ay petite at di gaanong matangkad. Nakakatakot ang bulk body ni Tisoy, dahil na din siguro isa siyang siklista kaya ang toned ng mga muscles niya. Mukha na nga siyang taong muscle.

Napa-upo ako nang may malaglag na cherry sa tapat ko, I sniffed on it. I was about to eat it nang matauhan ako.

Why would I eat a food na nalaglag na sa floor? Day by day nagiging animal na talaga ako. Why am I being maarte ba? I was reborn to be a dog naman, maybe it’s beacue I’m still not used to it.

“Oh ‘di niya kinain yung cherry,” Sasha noticed me, she looked at me with a smile. “Ah I know what to name her na babe!” Nalulula na ako sa kaka-buhat baba saakin nitong si Sasha. “Ang pangalan mo ay Cherry!” Ugh that was so cheesy! Just because I don’t eat cherries you’ll name me Cherry! I still want my name Lilliana or Lilly.

Binaba ako ulit ni Sasha and this time lumayo muna ako sa kanya, baka buhatin nanaman ako at alu-alogin nakakhilo kaya ‘yun. Studio type lang ang bahay nila pero maaliwalas paring tingnan. Walang kwarto dahil kita ko agad yung kama. Nadaanan ko ang isang full length mirror 

It’s my first time seeing myself as a dog. Makapal ang puti kong balahibo, hazel brown naman ang baliho ng dalawa kong tainga, at ganoon din ang kulay ng mga mata ko at medyo pa-square ang nguso ko. What breed am I?

 I guess I’m an Aspin the one that they call Asong Pinoy, ‘yung napaghalo-halong mga lahi ng aso. I heard hindi daw sakitin at maselan ang mga aspins unlike other breeds. Dumapa ako sa harap ng salamin at tiningnan nalang ang sarili ko.

Mabilis lumipas ang mga araw,  napansin ko din na sa loob ng 1 week na pamamalagi ko dito ay lumaki na ako,medyo ma’s kumapal din ang balahibo ko.

Madalas na naiiwan ako mag-isa dito sa bahay just like today. May trabaho kasi si Sasha habang si Tisoy naman ay nagtratrabaho sa Quezon City bilang gym instructor . Ang kwento saakin ni Sasha ay kada biyernes daw ng gabi umuuwi si Tisoy at ngayong gabi ‘yon.

Bumangon ako sa pagkakadapa ko sa harap ng salamin at nagtungo sa banyo para maglabas ng poop. I still have the decency kahit aso na ako, hindi ako tatae sa kung saan-saan. Hindi ko nga lang abot ang kubeta dahil hindi pa ako gaanong matangkad kaya sa floor nalang ng CR ako nagpo-poop. Hindi naman nagagalit si Sasha natutuwa pa nga daw siya na sa banyo ako tumatae dahil para raw akong tao kung mag-isip.

Mabait si Sasha at inaalagaan niya ako ng maayos, malambing din siya which is nakakairita din sometimes. Gigil na gigil kasi siya sa akin pero hindi ko din minsan maintindihan ang sarili ko dahil natutuwa din ako sa mga ginagawa niya. It felt like I have someone on my side to take care of me. She was like a mom, she always tell me that she’s my mom, and Tisoy is my father, then I’m their daughter. 

Pagkalabas ko ng banyo ay umakyat ako sa sofa kahit na nahihirapan pa ako. Hindi naman nagagalit si Sasha kasi doon niya nga ako pinapa-upo lagi. I was about to close my eyes when a news paper with my name on it caught my eyes.

Wala naman akong kamay para kunin yung dyaryo kaya tumalon ako sa coffee table hindi ko sinasadyang matabig yung babasaging troffy na bike ang design. Binasa ko yung headline sa dyaryo.

“Lilliana Marquez attempted to commit suicide”

What? I did not! Of course,  my killer will make it look like I committed a suicide. But this is not right, I still need justice. My parents died, until now hindi ko pa rin nabibigay sa kanila ang hustisya and now I’m just like them. Binasa ko ulit ang nasa headline. Does it mean I’m still alive?

I sensed that Sasha is home now, I jumped down and headed to the door waiting for Sasha. I need to ask and tell  her something. Pagkapasok ni Sasha ay diniladilaan ko agad ang paa niya. She’s on a phone call right now.

“Oo, I’ll go visit her tomorrow. I can’t believe she really did commit suicide.  Yumuko si Sasha at hinaplos ang ulo ko. “Wait baby!” Bulong saakin ni Sasha at tumayo t’saka naglakad para maupo sa sofa.

“Ang saya niya pa noong gabing ‘yun, ang tagal pinangarap at pinaghirapan ni Ms.Lilly para ma-close yung deal sa collab niya sa Chonel kaya hindi ako makapaniwalang magpapakamatay siya the day before her big day.” 

She’s talking about me! Oh I remember now, naaalala kona si Sasha, she’s one of my employees. Hindi ako mapakali habang hinihintay ko si Sasha, tinatry kong umakyat sa sofa pero pinipigilan niya lang ako sinisita na mag-stay daw ako. 

“Come on, Sasha!”

 “I’ll call you back, gutom na ata ang baby ko.” Sabi nito habang nakatingin saakin.

“Why are you malikot ba?” Tanong ni Sasha saakin at kinarga ako, heto nanaman siya sa pahalik-halik at alog-alog sa akin. Binitawan niya ako at pinaupo sa sofa pero tumayo ako agad at lumundag ulit sa coffee table. 

“Hey Cherry bumaba ka diyan!” Saway niya saakin pero diko siya pinansin. Nagpaikot-ikot ako sa dyaryo na siyang pinagtaka naman niya.

“Oh nagpapakitang gilas ka ba ha? Diyan ka pa talaga sa lamesa i-ikot!” Natatawa niyang sabi, tumahol ako at kinagat-kagat yung news paper. Biglang sumeryoso ang mukha ni Sasha nang gawin ko iyon. 

Finally gets na ata niya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status