Share

Chapter 6

Lilly’s POV

 “Huwag mo akong susundan!”, he commanded. Lulunukin ko na ang pride ko. Kakapalan ko na ang mukha ko.

“Let me be with you! Please adopt me!” I barked at him and I was surprised when he turned at me. Fo a second I thought he can see, our eyes just met.

“Hindi ka pwedeng sumama, diyan ka lang!” Huh? Naiintindihan niya ba ako?

“Wala akong mapuntahan!” I barked again.

“Wala akong pakialam kung wala kang mapupuntahan. Salamat sa pagsagip mo pero hindi ka pwedeng sumama!” Naiintindihan niya ba talaga ako?

Lumabas na sa iskinita yung lalaki, dahil desperado na ako sinundan ko siya ng tahimik. Sa tingin ko naman ay hindi siya nakahalata. Tumingin ako sa paligid, this place looks so familiar. Puro tagpi-tagping mga yero, plywood at tolda ang mga bahay rito. Puno rin ng b****a ang paligid, at sa likod ng mga barong-barong na mga bahay ay ilog na kulay itim na ang tubig.

“Apollo!” Napatigil sa paglalakad yung blind guy and he looked back. Nataranta naman ako kaya nagtago ako sa likod ng tambak ng b****a. Oo nga pala, he’s blind. Lumabas ako uli sa pinagtataguan ko at nakita na may kausap na siyang babae.

Napatingin saakin yung babae habang may sinasabi siya ‘dun sa blind guy. Maya-maya pa lumapit saakin yung babae. May pag-aalala sa mga mata niya na siya namang ipinagtaka ko.

“Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo?”, she asked. Umatras ako nang magtangka siyang hawakan ako. “Ang laki ng sugat mo.”, she continued.

Sugat, ako? Nakita ko ang tumutulong dugo ko sa kalsada, hindi ko na namalayan na may sugat pala ako. Nadaplisan pala ako sa pagsugod ko sa holdaper. Unti-unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Nagising ako sa amoy ng mabangong pagkain. Binuksan ko ang mga mata ko, tumambad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Nasa sahig ako nakahiga at may karton at kumot ang hinihigan ko. Magulo ang buong bahay, nagkalat ang mga damit at mga bagay sa sahig. Napansin ko din ang benda sa kanang gilid ng tiyan ko. May nakakabit ding suero sa akin.

Napatingin ako sa kusina nang makarinig ako ng kalabog ng kaldero. Tinanggal ko ang suero na nakakabit sa akin. Kahit masakit pa ang sugat ko ay tumayo ako at naglakad papunta roon. Naabutan ko yung bulag na lalaki na kinakapa-kapa ang sahig. Napatingin ako sa tabi niya naroon ang takip ng kaldero. Lumapit ako sa kanya at ginalaw ang takip ng kaldero gamit ang nguso ko. Nakalikha iyon ng tunog kaya napatigil siya.

“Mabuti naman gising ka na,” , he said in a cold tone. “Siguro naman kaya mo na ang sarili mo ngayon, tatlong araw ka nang nagpapahinga dito..” Pinulot niya yung takip ng kaldero bago siya tumayo.

Tatlong araw pala akong walang malay. Hindi naman kasi biro yung sugat ko. Sa pagkakatanda ko malaki ito at madaming dugo din ang nawala saakin.

Kumuha siya ng dalawang mangkok at sinalinan ang isa ng kanin at nilagyan ng sabaw at laman ng adobong manok. Fresh milk naman ang inilagay niya sa isang mangkok. Inilapag niya ang dalawang bowl sa harap ko. “Pagkatapos mong kumain makakaalis kana,”, he said before he walked out from the kitchen. Sobrang gutom na ako kaya kumain na lang muna ako at ininom ang gatas na inihain niya.

Matapos kong kumain ay bumalik ako sa kinahihigaan ko kanina. Naliligo yung blind guy kaya naupo lang ako at hinintay siyang matapos.

“Apollo,” Sinipat ng mga mata ko ang pinto. “Ako ‘to si Maymay, pasok na ako ha.” Tumaas ang isa kong tainga nang makita ko yung babaeng kausap ko bago ako mawalan ng malay. Nakasuot siya ng white v-neck long sleeve chiffon blouse that was tucked inside her below the knee black pencil cut skirt, partnered with her black 2 inches heels.

“Uy, gising ka na pala!” , sabi nito nang nakangiti. Inilapag niya sa lamesa ang dala-dala niyang bag at folder bago siya maupo sa sahig para mapantayan ako.

“Ako nga pala si Maymay, kaibigan ako ni Apollo.”, she brigtly introduced herself. She’s kind I can sense it. Maputi si Maymay, she’s pretty too. Bilugan ang mata niya at kumikislap ito sa tuwing ngumingiti siya. Simple lang ang make-up niya sa mukha, kaya ang linis niya tingnan. Lalo pa siyang tumangkad dahil sa suot niyang heels.

“Kumusta ka? Masakit pa ba?” , tanong niya habang hinihimas ako sa aking ulo. “Thank you, kung hindi mo tinulungan si Apollo baka ma’s malala pa ang lagay niya ngayon. Salamat sa pagligtas sa kaibigan ko.”

Pareho kaming napalingon sa pintuan ng banyo nang lumabas mula roon si Apollo. Nakatapis ang tuwalya sa baywang niya, hindi ko naman  sinasadyang mapatitig duon dahil nabigla lang din ako. Napatingin din ako kay Maymay nang sabay kaming umiwas ng tingin. Kapansin-pansin din ang namumulang pisnge nito at hindi mapakali ang mga mata, hindi alam kung saan ba siya titingin.

Umubo-ubo ng peke si Maymay upang ipaalam kay Apollo na narito siya. “Maymay?”, hindi siguradong tugon ni Apollo. Paano niya nalamang si Maymay ang nandito?

Sumagot naman si Maymay ng, “Oo ako nga,”, napapaypay pa ito sa kanyang sarili habang natutuliro pa rin sa harap ni Apollo. “Pasensya kana , pumasok na ako bukas naman ang pinto.”, turan pa nito .

“Ayos lamang, magbibihis lang ako.” Paalam ni Apollo bago siya pumasok sa kwarto niya. Tumingin akong muli sa kasama ko, may gusto ba siya kay Apollo?

“Ano bay an Apollo, baliktad nanaman ang damit mo.” Natatawang sabi ni Maymay pagkalabas ni Apollo galing sa kwarto. Baliktad nga ang suot na uniporme nito. Lumapit si Maymay kay Apollo, binuksan nito ang mga botones ng polo bago hubarin at baliktarin ito.

Hindi ko mapigilang mamangha sa katawan ni Apollo, he’s name suits him so much. Matipuno ang kanyang katawan na bumagay sa kanyang pagka-meztiso. How did he achieve that kind of body? Does he works out a lot kahit bulag siya?

“Salamat, Maymay.” Isang matamis na ngiti ang iginanti ni Maymay kay Apollo bago niya ito tapikin sa kanyang balikat.

“Anong plano mo sa aso?” She asked while combing Apollo’s hair.

Apollo answered coldly, “Papaalisin ko siya ngayon, mukha naman na siyang maayos.”.

“Ano ka ba naman, kupkopin mo nalang siya. Kawawa naman at iniligtas ka pa niya sa kapahamakan.” Parang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Maymay. I want to make sure if he really understand me, that way he’ll be my last hope.

Alam kong mukhang imposible na maintindihan niya ako, pero I wanna make sure, I really do. “Makakasagabal lang ‘yan,” Napairap na lamang ako sa aking isipan. How can he not change his mind? Simula pa noong una ayaw niya pa rin sa akin.

Umalis na yung dalawa para pumasok sa mga trabaho nila habang ako ay naiwang mag-isa rito sa bahay. I still feel like I need to rest at masakit pa talaga yung sugat ko.

Nagising ako nang ma-amoy ko ang scent ni Apollo. He’s coming, I need to behave para magustuhan niya ako. Bumangon ako at naglakad papunta sa pinto. While waiting for him, hindi matigil sa pagkawag ang aking buntot. Tumaas ang dalawa kong tainga nang buksan ni Apollo ang pinto.

I greeted him with a sweet single bark saying, “Hello,”.

“Shoo!” He said as he enter the house. “Huwag ka ngang pakalat-kalat.”, he looks so pissed right now, wala pa naman akong ginagawa sa kanya. Bakit ang init-init lagi ng ulo niya sa akin.

Naupo siya sa mahabang upuan na gawa sa kawayan para magtanggal ng kanyang sapatos. Mabagal siyang naglakad papunta sa kwarto niya. Pinakikiramdaman nito ang bawat hakbang niya, dahil baka matisod siya. Nagmadali akong pumunta sa harapan niya para ilihis yung nakakalat na libro. Napatigil naman siya sa paglalakad nang maramdaman at madinig niya ang pagtulak ko sa libro gamit ang nguso ko.

“Umalis ka na, ayoko ng alagaing aso rito.” , he coldly said .  Lumapit ako sa paanan niya.

“Can you understand me?” I asked curiously but I didn’t get any response so it means no. How stupid am I to think that. Alam kong imposible but I did still tried.

Nagulat ako nang yumukod ito at kinapa-kapa ang ere. It seems like he’s looking for me kaya inilapit ko ang ulo ko sa kamay niya. Wait, tatanggapin na ba niya ako?

He grabbed my fur sa may bandang batok ko at hinila ako. Umupo ako para hindi niya ako mahila ng madali,nasama yung libro sa paghila niya sa akin dahil nauupuan ko iyon. Hindi ako makawala sa pagkakahawak niya, patulak niya akong pinalabas ng pinto. “Pasensya ka na, maghanap ka na lang ng ibang amo.” He shut the door and I heard him locked it. I was leave speechless.

Sa simula palang alam ko nang hindi magiging madali ang pagpasok ko sa buhay ni Apollo. Unang kita palang namin I knew that he’s hard, but I did not expect that he’ll be as hard as rock. Ito na ata talaga ang kapalaran ko, ang maging asong palaboy, habang buhay.

“Kung ayaw mo sa akin, ma’s ayaw ko sayo!” I barked at him with a heavy heart. “It’s not like you’re the last human on earth.” , I continued.

Aalis na sana ako nang mapansin ko ang librong natangay ko palabas, nabuksan pala iyon. May litratong naka-ipit sa libro, I took a closer look to see what’s in there. It’s a photo of a teenage boy and a girl. They’re both laughing while holding ice cream.

Parang na-istatwa ako nang makilala ko ang dalawang tao na nasa litrato.

          “Akin ang vanilla Tristan!” Pagmamaktol ko sa kababata kong si Tristan. Alam naman niyang vanilla flavor na ice cream lang ang pinaka-gusto ko pero sinadya niya talagang kunin ‘yon para asarin ako.

“May strawberry naman diyan eh, iyon nalang ang sayo.”Lalo pa akong naasar dahil sa ngiti niya. Akala naman niya nag gwapo niya sa ngising ‘yon, pero ang totoo mukha siyang aso pag nakangisi.

“Nanay Wendy si Tristan po, inagawan nanaman ako.” Pagsusumbong ko sa nanay ni Tristan na siya ring aming mayordoma dito sa mansion. Ma’s matanda ako ng isang taon kay Tristan, kaya siguro ma’s isip bata siya sa akin.

“Ikaw talaga Tristan, hindi mo na tinantanan si Lilly sa pang-aasar mo.” Saway ni Nanay Wendy habang abala ito sa pagdidilig ng mga halaman dito sa hardin. I sticked my tongue out and rolled my eyes after. Kinuha ko na lang yung strawberry flavored ice cream at binukasan ‘yon. Ten years na kaming magkakilala pero hindi parin ako masanay-sanay sa pang-aasr niya.

“Oh,” Napatingin ako sa katabi ko ng i-abot niya sa akin ang ice cream na hawak niya. “Akin na ‘yan, kawawa ka naman baka mapanaginipan mo pa.” Hindi ko pinansin ang pagiging alaskador niya, bagkus ay sumubo nalang ako sa ice cream na hawak ko.

Napatingin akong muli sa kanya nang idikit niya sa pisnge ko yung ice cream niya. “Tristan Apollo Makagubat!” Binigkas ko ang buo niyang pangalan bilang pagbabanta. Tumawa siya ng tumawa habang nakahawak pa ito sa tiyan niya. Lalo ako naasar kung kaya naman ay idinikit ko din yung ice cream ko sa ilong niya. Natigil siya kakatawa at napahawak sa magkabila niyang sintido.

“Brain freeze!” Sabi nito, natawa ako sa reaksiyon niya kaya napatingin siya sa akin, hindi ko alam kung bakit nakitawa din itong ugok na ‘to.

“Got that!” Pareho kaming natigil sa pagtawa at napatingin kay Mommy nang kunan niya kami ng nakaw na litrato.

Si Apollo ay si Tristan?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status