Share

Chapter 42

Lilly’s POV

“Nasaan ka na ba Apollo?” Nag-aalalang sabi ni Maymay habang hindi ito mapakali. Nanggaling na kami sa police station para i-report ang biglaang pagkawala ni Apollo pero ang sabi lang sa amin ay hindi pa sila maaring kumilos dahil wala pang bente kwatro oras nawawala ito. Hindi din daw nila itong masasabing kidnapping dahil wala naman daw kaming ebidensya. Sinabi din nila na bumalik na lang kami sa bahay ni Apollo dahil baka nakabalik na rin iyon. Pero mag-aala una na ng hapon ay kahit anino ni Apollo ay hindi namin nakita.

“Paano na lang kung may masama nang nangyari sa kanya.” Lumapit ako sa kanya.

“Huwag kang mag-isip ng ganyan, walang masamang nangyari sa kanya.”

“Si Mang Ricardo, ilang araw na daw siyang hindi pumapasok sa kumpanya, hindi kaya siya ang may gawa?”

“Hindi tayo nakaksiguro dahil nagtatago din si Tito Henry, maaring isa sa kanila.”

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status