Share

Chapter 1

Chapter 1 | Belong

"Ian! Na saan ka na ba? Aalis na tayo!" hindi ko pinansin ang halos histerikal na tawag ng aking ina dahil malapit na akong manalo sa race game na kanina ko pang binigyang atensyon.

"Ian!" tawag muli ng aking ina.

"Saglit, ma! Mananalo na ako!" sigaw ko pabalik.

Halos mapudpod na ang mga pindutan ng aking PSP sa sobrang desidido kong manalo. Nairita na rin ako dahil bukod sa pagtawag ni mama, punung-puno na rin ng pawis mula sa aking mga palad ang nilalaruan.

"Ate, aalis na tayo—" kasabay ng pagdating ng aking kapatid ay ang pagtapos ng laro.

Pangalawa lamang ako sa karera at batid na ngayon ng aking kapatid na hindi ako natuwa sa kinalabasan nito.

"Oo na! Tara—"

"Mercian!"

"Heto na nga, e! Palabas na, heto na! Naglalakad na nga papunta sa 'yo, ma," sigaw ko pabalik.

Na sa aking likuran ang aking nakababatang kapatid na si Aphro. Gusto ko siyang sisihin sa pagkatalo ko kanina sa laro ngunit hindi iyon sapat na rason upang gawin, alam ko. Hindi ko rin magawang magalit sa aking ina dahil tama lamang na tawagin niya ako gayong aalis na kami.

I was irritated dahil wala akong mapagbuntungan ng aking maliit na galit. Huminga ako ng malalim nang nakita kong paparating na ang aking amang si Ronario.

Isa sa mga pinaka-ayaw ng aking ama ay ang nakasimangot kami lalo na't kapag maraming tao. Iyon daw ay nagpapakita ng pagdisrespeto. Wala mang ibang tao sa paligid, pinilit kong ngumiti at itago ang galit.

Nakasanayan na namin ang mga maliliit ngunit mahihigpit nilang mga bilin... or at least, nakasanayan ko.

Dahil ang nakababata kong kapatid ay halos hindi matuto-tuto kaya laging napagagalitan tulad ng eksena ngayon sa aking harapan.

"Aphro! Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na kapag maghuhugas ka ng kaldero, huwag ang sponge na pang-plato ang gagamitin?" galit na sermon ng aming inang si Renaya sa aking kapatid.

Sinulyapan ko ang reaksiyon ni Aphro, namumula na ang kanyang ilong at halos tumulo na ang mga nagbabadyang luha. Ganyan lagi ang kanyang reaksiyon kapag napagagalitan ni mama-dinadaan sa iyak.

Minsan, hindi ko rin masisisi ang aking kapatid kung bakit siya tila ba takot kay mama. Ikaw ba namang mula pagkabata, pagalitan na't diktahan?

Ang laging rason ng aking ina sa kanyang sermon at minsang pananakit ay, "Kaya kita inuutusan, Aphro, ay para matuto ka sa mga tamang gawain... pero ano? Hindi ka pa rin matuto. Itatak mo naman sana diyan sa kokote mo," pinalo pa ni mama ang gilid ng ulo ng aking kapatid, "Ang mga bilin ko!"

Sa una'y mukhang tama ang aming ina... na kaya nga kami sinasanay sa ganito dahil gusto niyang lumaki kaming may disiplina't may alam sa gawaing bahay...

Ngunit minsan hindi ko rin mapigilang kontrahin ang rason ni mama-dahil kung gusto niya kaming dumisiplina, bakit may kasamang pananakit pa?

Maaaring pasaway si Aphro at hindi madalas maka-intindi sa isang sabihan pero hindi iyon sapat na rason para manakit ng anak... at sa edad ni Aphro na lima, hindi pa gaano kabihasa ang pag-iisip nito.

Bakit hindi maintindihan o makita man lang ni mama iyon?

"Mercian!" ako naman ngayon ang pinuntirya ni mama.

Nilingon ko lamang siya't hindi sumagot.

"Turuan mo nga iyang kapatid mo. Turuan mo! Hindi yung puro gadgets ka lang diyan sa kwarto! Ayusin mo ang kapatid mo't tapos ng makipag-usap ang papa niyo sa tropa niya. Aalis na tayo!" ani mama.

Hindi ako sumagot o tumango. Agad kong inalo ang kapatid pero hindi ako mabuti kaya, "Ikaw kasi! Lagi kang naghahanap ng gulo," paninisi ko.

"Bakit kasi ayaw mong umayos? Gusto mong laging pinapagalitan ni mama? Alam mo bang tuwing pinapagalitan ka niya, kung hindi sila ni papa ang nag-aaway, ako ang laging pinagbibintangan sa kakulangan mo!" I bursted pero sa paraang pabulong. 

Iyak lamang nang iyak si Aphro.

Kung sa ibang mga pangyayari noon, naaawa ako sa aking kapatid, ngayon ay hindi dahil ako na naman ang sinisi ni mama sa kagagawan niya.

"Umayos ka nga, Aphro! Parang kang tanga. Paparating na si papa, kapag nakita ka niyang umiiyak na naman, tiyak na puro sagutan na naman nila ni mama ang maririnig natin sa kotse!" utos ko kay Aphro na agad niyang ginawa.

Alam ko, na tulad ko, napipilitan lang siyang maging maayos. 

Nang dumating kami sa gilid ng aming sasakyan, binati namin si papa na parang walang nangyari. Si mama ay masaya ang mga ngiti at hindi bahid ang kaninang pagkagalit.

Lihim akong napa-iling.

Nakatatawang kailangan naming magkunwari para lamang 'di gumulo o lumaki ang nangyaring sitwasyon. Pumasok ako sa gitnang bahagi ng aming sasakyan at nahuli si Aphro. Pagsara ng aming pintuan ay pinaandar na ni papa ito.

Patungo kami ngayon sa bahay ng aming lolo't lola sa mother's side. Ika-31 ng Disyembre at sa kanila binalak gawin ang isang malaking handaan ng aming angkan. 

Mom's surname is Adriano, dad's surname is Bueno. Sa katunayan, wala kaming ka-close ni Aphro sa kahit sinong pinsan, mapa-Adriano man o Bueno.

Sa edad kong pito ay napansin ko na ang mga ito. Lumaki kaming malayo sa kanila at sa mga malalaking okasiyon lamang nagkikita o tuwing bumibisita sila sa amin.

Sa laki nga ng angkan ni mama, iilan lamang ang mga kakilala ko roon at iisa lamang ang kaya akong pakisamahan.

Tunay akong kinabahan dahil makasasama ko sila. Hindi ako sanay sa ingay o gulo kahit kasiyahan pa ito. 

Ang kasiyahan para sa akin ay ang tahimik na lugar kasama ang aking pamilya o kahit ako lamang ang mag-isa. Hindi ako naghahangad ng iba kahit minsa'y magulo na.

Mahigit isang oras ang naging biyahe kahit may kalapitan lamang ang destinasiyon. Dulot ito ng matinding traffic at mga paputok sa daan na iniwasan naming malapitan.

Pinarada ni papa ang aming sasakyan sa gilid ng maliit na court ng lugar. Kakailanganin pa naming lakarin ang distansya para mapunta sa bahay nina lolo't lola, hindi naman na iyon kalayuan at wala pang dalawang minuto'y nandoon ka na.

Sumunod kami kay mama sa paglalakad. Mahigpit ang hawak ko kay Aphro dahil hindi mabuti ang aking mga mata kapag sa gabi at sa dilim ginamit. Walang ilaw ang aming dinaanan sapagkat hindi yata ito sakop ng pagpapa-ayos ng buong barangay.

Ang lupang ito ay pag-aari ng mga Adriano noong araw. Dito inire, lumaki at tumira ang aking ina kasama ng kaniyang magulang at mga kapatid.

Dating sakahan ang malaking lupa ngunit noong lumisan sa mundo ang lolo't lola ni mama, nagsimula ng ipagbili ang iilang parte ng lupain ng kaniyang mga kapatid.

Hindi ko na ito ipinagtaka kung bakit halo-halo na ang mga tao rito na naging sanhi ng paglaki pa ng populasyon. Hindi ko sigurado kung matatawag bang iskwater ang mga taong naninirahan dito o ano.

Sinalubong kami ng malalakas na tugtugin mula sa iba't ibang tahanan. Nang nakakita na kami ng ilaw sa lugar, napagtanto kong iyon na ang bahay ng mga kaanak namin.

Sa kaliwang bahagi mula sa aking kinatatayuan ay ang maliit at gawa sa yerong bahay ni tito Viktor, isa sa mga nakatatandang kapatid ni mama.

Nagsitakbuhan ang dalawang batang anak ni tito Viktor na sina Viktor II, mas kilala bilang Toto, at Vanessa o Essa kung siya'y tawagin. Si Toto ang bunso at hindi ko makita si kuya Valveo na siyang panganay ni tito Viktor sa lugar.

Naghahanda naman si tita Satra, asawa ni tito Viktor ng mga ihahanda maya-maya.

Sa kanang bahagi ay ang tahanang gawa sa bato at yerong bahay ni tita Diana at ang asawa nitong si tito Manso. Sila ang medyo malapit sa amin out of these people.

Bukod sa kasunuran lamang ng taon ni mama si tita Diana, madalas silang makisama sa amin. Anak nila ang aking mga pinsan na sina ate Mitzy, ate Trixy at kuya Max.

Sabi ni mama noon, maagang nabuntis si tita Diana kung kaya't mas matatanda sa aming magpipinsan ang tatlo. Si Mitzy ang bunso na batid kong highschool na ngayon. Si kuya Max ay na sa college at si ate Trixy ang hindi nag-aaral dahil pinili nitong magtrabaho na lamang para sa anak... oo't may anak na siyang binubuhay at walang asawa.

Nawala ang aking isipan sa pagmumuni-muni nang hilahin ako ng aking ina patungo sa tamang daanan.

Na sa harap na kami ngayon ng bahay ng aking lolo't lola. Both of them were old but still looked strong. Hindi na kami inutusan pa ni mama na magmano sa mga matatanda dahil ginawa na namin... kahit may pag-aalinlangan pa akong lumapit sapagkat nagsisigarilyo si lola.

Lola complimented us specially me who just got an award from school. She boasted my achievement as if she really did support me.

All I did was to fake a smile. She went to Aphro nang wala na siyang ma-isip na topic sa akin. Napansin niya ang pagtangkad ng aking kapatid at nabalitaang nag-aaral ito ng taekwondo.

I prayed na sana huwag na niya muli kaming pansinin sa gabing na ito. I was not being rude but her pseudo-admirations towards us were suffocating.

Dumating sa bahay ni lola ang mga anak ni tito Senzo na sina kuya Nemor, kuya Neo at ate Drinea na pinakabata sa kanilang tatlo.

Sa kanila napunta ang atensyon dahil sa magaganda nilang suotin. Nakatira rin sila rito ngunit may maayos na pamumuhay dahil si tito Senzo ay isang OFW. It happened that he got the chance to come home for the holidays.

Ate Drinea was beautiful and really charming. Most of my cousins were moreno and morenas. Kami lamang ng aking kapatid at si ate Drinea ang napansin kong mapuputi at makikinis.

I didn't judge the others though, in fact, they carried themselves confidently.

Aphro and I took our seats and silently watched this family being happy because of the holiday. Marami kaming pinsan yet no one approached us to even take a photo, not that I wanted to.

I couldn't make a move to join them dahil ibang iba lang sila kung magsaya plus we were too young to cooperate because most of them were on their teenage years. They cussed, laughed loudly, mocked each other and danced randomly.

They looked blissful but I couldn't smile anymore at mukhang hindi naman na kailangan sapagkat wala na sa amin ang kanilang atensyon.

Nagtinginan kami ni Aphro at alam ko na agad ang ibigsabihin.

Yes, we didn't belong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status