Share

Chapter 2

Chapter 2 | Nervous

"Sure ka na ba talagang makikipagkita ka bukas? Bitch, halos isang buwan pa lang kayong nag-uusap," sabi sa akin ni Kurt, ang kaibigan kong bakla at kasama sa pagtitinda sa aming karindirya.

Nagpupunas ako ng mga lamesa nang sumagot, "Oo, bakit hindi? Hindi ba't mas magandang magkita na kami hangga't maaga pa? Saka I can feel that he's a nice guy. Pangalan pa lang, e."

Binigyan ako ng dudang mukha ni Kurt. "Bitch, anong pangalan niya? Jacob? Kadalasan kung sino pa ang galing sa Bible ang pangalan, sila pa mga demonyo," panunukso niya.

Tumawa ako, "Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako. Kaloka," sabi ko.

"Bitch, alam kong mayaman iyang Jacob na 'yan at may pangarap sa buhay—"

"Hindi lang naman 'yan ang natipuhan ko sa kanya—"

"Alam ko pero sana alam mo rin ang ginagawa mo. Kagagaling mo lang sa isang malupitang break up kay Arist tapos wala pang isang buwan after ninyong mag-break may ini-entertain ka na agad—"

"Hindi naman to seryosohan tulad ng kay Arist. I'm just comfortable with Jacob. Hindi ko naman 'to minamadali," I assured him.

Dala-dala na ngayon ni Kurt ang dalawang bag of trashes na tila ba gusto niyang ibato sa akin upang matauhan. I smiled at him ngunit inirapan lamang ako. Tinapon niya ang mga ito sa malaking trash bin sa aming harapan upang makuha bukas ng umaga ng truck.

I continued cleaning other tables at nang bumalik siya ay nag-ayos naman ng mga upuan.

"Hindi naman sa pinagdududahan ko 'yang Jacob na 'yan pero sa 'yo ako nagdududa. Kay Arist pa lang, wrong choice ka na, e," iritadong bigkas ni Kurt.

"Lagi pa namang tumatama ang kutob ko. Ang bobo mo kasing kumilala ng tao," pang-iinsulto pa niya.

Tumawa na lamang ako at hindi iyon dinamdam. Nasanay na ako sa walang preno at pasmadong bibig ni Kurt kaya hindi na ako nao-offend tuwing sasabihan niya ako.

He was always honest kaya ganyan magsalita. Hindi mo rin masasabing nang-iinsulto lamang siya dahil gusto niya because his argument was on point and reasonable.

"Kung hindi ko naman magugustuhan ang personality ni Jacob in real life ay titigil na ako sa kanya—"

"And you think it's that easy? Mukha pa namang hayok sa 'yo 'yang Jacob. Katawagan mo everyday, every night, kahit tumatae ka pa! Hindi ako nas-sweet-an, e, naningilabot ako!" Kurt ranted.

Humalakhak na talaga ako dahil sa kanyang mukha. Gigil na gigil, tila ba masisira ang hawak niyang upuan.

"I find him really creepy! Kailangan bang alam niya lahat ng kilos mo? Magc-chef 'yan, 'di ba? Bakit parang magiging kriminal?" he hissed.

"Gaga ka! Gano'n talaga kapag interesado sa 'yo ang tao—"

"Na pati ako im-message niya kung anong ginagawa mo? Hindi ko nga sinagot at hinayaan kong mapraning, bayota siya," he hissed.

Tinawanan ko muli iyon habang sinosoli ang mga cleaning materials sa tamang lalagyan.

"Girl, alam kong babaero si Arist pero huwag ka namang gagaya!" sigaw ni Kurt.

"Paano ako naging tulad niya? I'm just entertaining Jacob because he's nice," sabi ko.

"Wala pang isang buwan, mayroon na agad? Daig mo pa 'yang ex mong hinahabol ka pa rin. Baka naman ginagamit mo lang si Jacob para—"

"Hoy, hindi ako ganyan," seryoso kong sabi.

"Or baka na-excite ka lang kay Jacob? I mean, you came out from a really toxic relationship tapos one night, nag-dating app ka at may nahanap na kalandian. Baka na-carried away lang 'yang feelings mo kay Jacob dahil sa way niyang magsalita and everything," dagdag ni Kurt na nagpatahimik sa akin.

"Hindi mo pa siguro ma-gets ang punto ko kasi masaya ka. Masaya ka ngayong naka-encounter ka ng taong nagpaparamdam sa 'yong importante ka. Ang payo ko lang, girl, don't immediately conclude na mabuti talaga 'yang si Jacob dahil hindi mo pa nakikilala. Ganyan rin ang nangyari sa 'yo kay Arist, remember that," payo ni Kurt.

"Si Arist ngang personal mong nakilala, nagkamali ka, e. Paano pa kaya kay Jacob na sa internet mo lang naka-usap? Mag-isip-isip ka rin, girl, huwag puro katangahan, ha. Masyado mo na sigurong napapasaya si Satanas dahil sa mga mali mong pagd-desisyon," dagdag pa ni Kurt.

I nodded at him dahil wala akong masabi. His words caught my mind na tila ba nagpagising sa akin mula sa isang mahimbing at payapang tulog.

***

Nagising ako sa malakas na pag-aalog sa aking katawan. Hinawi ko ang kamay ng kung sinomang gumigising sa akin dulot ng antok. 

"Ate, pupunta na si kuya Jacob rito para sunduin ka!" pangungulit ni Aphro na aking kinabangon.

"Ano? Paano mo nalaman?" I asked.

"Tumawag, ate. On the way na raw siya kaya mag-ayos ka na!" she informed me.

"Ang aga pa, ha? Bakit naman agad 'yon umalis?" wala sa sarili kong tanong.

"Malamang, hahanapin pa niya bahay natin," pamimilosopo ni Aphro na may bahid nga naman ng katotohanan.

Mabilis akong tumakbo patungong banyo at naligo. Mabuti na lamang at nahanda ko na ang susuotin kagabi, rason kung bakit late na akong nakatulog. Inisip ko rin kagabi ang mga salita ni Kurt kaya hindi ako agad nakapili ng damit para ngayong araw.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa banyo ngunit nasisiguro kong ito na ang pinakamabilis kong ligo sa tala ng aking buhay. I didn't want Jacob to see me unprepared gayong maaga siyang pupunta.

Ang usapan namin ay 11AM ang alis at babalik ng bandang hapon. Ayaw kong magpagabi at hindi rin naman ako papayagan kung gagabihin.

Pupunta kami sa isang mall at doon igagasta ang buong oras. We would watch a movie na inabangan ko talagang ngayong taon.

At first, he wanted to pay for my ticket but I convinced him na kaya ko namang bumili no'n. Natagalan rin bago ko siya napilit roon ngunit sa huli ay pumayag rin. Sagot na lang daw niya ang pagkain.

My parents were aware of my dating life dahil hindi ako nags-sikreto. My mom was open about it but my dad was kind of strict, na-uuto lamang ni mama kaya hindi na rin masyadong nangingi-alam.

I did a light make up para hindi halatang wala akong sapat na tulog. I wore a white off-shoulder crop top, a cute checkered skirt and a pair of white low cut shoes. Siniguro ko talagang magmumukha akong tao sa unang beses naming pagkikita.

Isa't kalahating oras ang lumipas nang may narinig akong tao sa labas ng aming tahanan. Sa boses pa lang ay inisip ko ng siya iyon. Hindi ako nagkamali nang sumilip at nakita si Jacob pumasok dahil sa pagbukas ng gate ni mama.

Binati ni Jacob si mama at ganon rin ang ginawa ni mama. Pina-upo ni mama si Jacob sa terrace. Hindi naman gaanong mainit roon dahil maraming halaman sa aming paligid.

"Ian!" tawag sa akin ni mama mula baba. 

Mabuti na lamang at handa na rin ako sa pag-alis. I double checked my things at siniguradong walang nakalimutan.

"Papunta na ako, ma," sigaw ko pabalik.

Inayos ko ang aking sarili sa huling pagkakataon at ilang sandali lamang ay bumaba na rin.

I was nervous for some reasons. Pakiramdam ko ay maya-maya gagawa ako ng ikapapahiya ko sa sobrang kaba. Hindi ko na binagalan pa ang lakad kahit na kinakabahan dahil ayaw kong paghintayin ng matagal si Jacob.

There, I saw him genuinely smiling at my mother habang nag-uusap.

Jacob was way too far from Arist. Arist was tall, white, sakto lamang ang pangangatawan at may bahid ng misteryo ang mga mata.

Jacob was tall too but chubby, moreno and had a very cute smile. The only similarity of them was that they were both curly haired. I didn't know if that sas a coincidence or not. I didn' usually base at someone's physical appearance.

Nahagilap ako ng kanyang tingin at napatayo nang nakita ako. He was smiling widely na tila ba confident kahit na sa harap ng aking magulang. I sensed a bit of boast from the way he carries himself.

"Hi," bati niya.

"Hello!" Kumaway pa ako.

Hindi ko pa siya nilapitan dahil nga nabagabag ako sa kanyang presensya.

It was a bit off... but I tried to be optimistic. Maybe ngayon lang 'to since unang pagkikita pa lang namin.

Based from his words naman sa aming conversation, he sounded matured and really kind. Ganito lang talaga niya siguro dalhin ang sarili pero deep inside, sana, mabait. 

How I wished that this time I was right. I may not love or seriously like him in the future but at least, for now, let me be right.

"Saan kayong mall ba ulit?" mom asked.

"SM North lang po," si Jacob ang sumagot. 

Even the way he said po seemed sarcastic.

"Ganon ba? Hapon kayo uuwi hindi ba? Ihahatid mo pa ba siya rito o—"

"Ako na ma uuwi mag-isa," ako na ang sumagot.

Tiningnan nila akong dalawa at natahimik. Was my tone a bit whack?

"Ayaw kong gumastos pa siya na doble ang pamasahe," I reasoned kasi parang walang may gustong magsalita sa kanila.

Jacob's smile went back pero hindi ko alam kung tunay ba iyon o ano.

"Aalis na kami, ma," ako na ang nagpaalam.

"Oh, sige. Mag-iingat kayo. I-text mo ako, Mercian, kapag na sa mall na kayo," bilin ni mama na aking tinanguan.

Nauna na akong lumakad palayo sa aming terrace at binuksan ang saradong gate. I heard Jacob bidding my mother a good bye.

Sa pagkalutang ay natapilok ako dahil sa isang semento. Muntik na akong masugatan at tuluyang bumagsak sa lupa nang may humawak sa magkabila kong balikat. Napigilan nito ang aking pagbagsak.

"Oh! Hindi ka nag-iingat," Jacob worriedly said.

His hands felt disturbing and rough, halatang maraming ginagaw. Pinagsisisihan ko tuloy na ganitong damit ang aking sinuot.

I immediately composed myself nang nakatayo. I smiled at him para magpasalamat sa pagsalo.

I looked back at our house to see if my mom is still there. She was there but with my father, who was now looking at us—no, more like judging us.

Kinabahan ako roon sapagkat baka namali siya ng pagka-intindi sa nakita.

"Tara na," yaya ko ng tuluyan kay Jacob.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status