LEOPOLD: THE SOLDIER
LEOPOLD: THE SOLDIER
Author: Atticus
Chapter 1- TRAGEDY

NAKABIBINGING mga tunog ang maririnig sa paligid. Ang kaninang payapang kapaligiran ngayon ay nabalot na nang karimlan.

Ang hiyawan ng mga lumilikas na mamamayan at sigawan ng mga sundalo sa paligid ang nangingibabaw.

"Captain! There’s too many of them!”

Napalingon si Captain Leopold Rodriguez sa isa sa mga team member niya para sa naturang misyon.

Kinakailangan nilang mailikas ang mga naipit na sibilyan sa mainit na engkwentro ng mga sundalo at terorista.

Ang main team na siyang nauna nang naka-engkwentro ng mga terorista ay unti-unti na ring nagagapi. Most of them were injured. Kaya naman ay ipinadala ang Elite team ni Captain Rodriguez mula sa Pilipinas upang tulungan ang pwersa ng United States sa laban.

“Cap! We’re surrounded!” sigaw ng isa pa.

Tanging ang mga konkretong bahay na lamang ang siyang nakapagitan sa grupo ni Leopold at mga kaaway.

“Damn it!” mura ni Leopold sa sarili. “Contact the HQ!”

Hindi naman siya nabigo sapagkat mabilis na kumilos ang kanilang Radio operator.

Inasinta ni Leopold ang isang kaaway na nakita niya. Tahimik itong bumagsak sa lupa.

Mabigat ang naging palitan nila nang pagbati sa isa’t-isa. Kakaunti na rin ang kanilang mga bala. Mayroon pa silang anim na sibilyang kasama.

“So, this is it, huh?”

Nilingon ni Leopold si Bart, ang nagsisilbing platoon sergeant ng kanilang grupo.

“Don’t lose hope, Bart. We can get out of here alive.”

Bart chuckled. He already knew that this is a suicide mission when they received the order to aid the US’s troops. Gustuhin man niyang tanggihan ang misyon ay nauna na itong tinanggap ni Captain Rodriguez.

“You knew my wife, Beatriz, right?” tanong ni Bart.

Kaagad na nag-flash sa isipan ni Leopold ang maamong mukha ng babae nang marinig ang pangalan nito.

Ang malamlam na mga mata ni Beatriz na tila ba hinihila ka hanggang sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao kapag ikaw ay tumingin dito.

Ang malabundok nitong ilong. Ang mala-porselanang balat na para bang ipinaglihi ito sa nyebe at nakakapang-akit nitong mga labi na minsan na ring napasa-kaniya.

Si Beatriz. Ang babaeng pinakaiibig niya ngunit naging mapaglaro ang tadhana sapagkat hindi siya ang pinili ng puso nito kundi si Bart. Ang pinakamatalik niyang kaibigan.

Inasinta muna ni Leopold ang kalaban bago ito muling nagkubli at tinabihan sa pagkakaupo si Bart. “Yeah, she’s gorgeous. Her beauty doesn’t deserve your ugly face.”

Napahalakhak si Bart dahil sa biro ng kaniyang kapitan. “Asshole!”

Muling tumayo si Bart upang gapiin ang ilan sa mga kalaban na palapit na nang palapit sa kanilang kinaroroonan ng mga sandaling iyon ngunit muli siyang napaupo na ipinagtaka naman ni Leopold.

“You good?” tanong ni Leopold sa kaibigan.

“Yes, of course!” tugon naman ni Bart.

Nagkibit-balikat naman si Leopold at muling tumayo upang asintahin ang mga lalaking tila ba hindi natatakot sa mga humahagibis na bala sa paligid.

Tagumpay niyang napabagsak ang ilang sa mga ito kaya naman ay muli siyang nagkubli upang mag hintay nang tamang pagkakataon upang pakawalan ang kaniyang opensa.

Nang siya ay makabalik na sa kaniyang kinauupuan ay ipinakita sa kaniya ni Bart ang isang litrato. Litrato iyon ng lalaki at ng asawa nito na malaki na ang tiyan sa panahon na 

“S-she’s going to give birth to our child pretty soon. But I don’t think I can make it,” Bart said in a hoarse voice.

“What are you talking about? We can make it out alive, idiot.”

Maya-maya lamang ay lumapit na sa kanila ang radio operator ng grupo. “Sir, rescue team is on their way!” 

Napangiti naman si Leopold sa narinig.

“Men! Hold your positions! Help is on the way!”

“Roger!” His men shouted in unison.

“Sarge? Sarge!” sigaw ng radio operator nang mapatingin kay Bart. “Medic! Medic!”

Nagulantang naman si Leopold dahil sa ginawa nitong pag sigaw. Nang alamin niya ang dahilan niyon ay nanlaki ang kaniyang mga mata.

Nakita niya kasi kung paanong umagos ang pulang likido mula sa kaliwang dibdib nito.

“Motherfuckers!” Galit na pinaputukan ni Leopold ang mga kalaban. Marami sa mga ito ang nag bagsakan ngunit marami rin ang agad na nakapag kubli.

Nang lingunin ng kapitan ang kaniyang mga kasama ay kitang-kita niya kung paanong mabuwal mula sa kanilang pagkakatayo ang mga matatapang na bayaning kasama niya.

Minuto lamang ang lumipas ay tanging anim na lamang silang natitira, kasama na ang medic, radio operator, squad leader at isang forward observer.

Habang patuloy nilang pinapuputukan ang mga kalaban ay sinusubukan namang gamutin ng kanilang medic si Bart. Habang abala sa pag asinta si Leopold ay naramdaman niya ang mahinang pag higit sa kaniyang pantalon ni Bart.

Agad naman siyang yumuko upang lapitan ito. “What’s the matter, buddy?”

Nanghihinang inabot sa kaniya ng lalaki ang hawak-hawak na litrato. May bahid na rin ito ng dugo. “C-Cap…”

Mahigpit niyang hinawakan ang nanginginig na kamay ni Bart. “I’m here, bud.”

“P-please…take…care…o-of my…fami—ly...”

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Leopold ng mga sandaling iyon. Isa kasi si Bart sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan. Marami na rin silang misyon na pinagdaanan kung kaya naman ay higit pa sa kapatid ang kanilang pagtuturingan.

Pinahid ni Leopold ang luhang pilit umalpas mula sa kaniyang mga mata at pinasadahan ng tingin ang bangkay ng kaibigan. “See you soon, brother.”

“Sir, what should we do?” Nagugulumihang tanong ni Private Enriquez habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kaaway.

“We will hold this position until the evac team arrives,” mando ni Leopold.

“What’s their ETA?”

“Eight minutes, Sir!”

Mayroon pang walong minuto sina Leopold to defend their position. They must do whatever they can to keep the enemies away. They need to remain alive. Their families are still waiting for their return.

“RPG! Take cover!”

Nag kaniya-kaniyang kubli sa matitibay na konkretong bahay sina Leopold pati na rin ang anim na sibilyang pinoprotektahan nila. Halos mabingi ang binata dahil sa lakas ng impact nang naging pagsabog.

Naramdaman na lamang ni Leopold na hinihila na siya ng isa sa kaniyang mga tauhan. “Sir! Wake up! Stay with us!”

Hindi na maunawaan pa ni Leopold ang sinasabi nito. Tila bumagal din ang mga naging paggalaw sa kaniyang paligid.

Pinaikot ng binata ang kaniyang paningin kaya naman muli na naman niyang nasaksihan ang pag bagsak ng isa sa kaniyang mga kasama.

Ang mga sibilyan na kailangan nilang protektahan ay nakita niyang nakahandusay sa lupa. Nabalong na ng luha ang mga mata ni Leopold. 

Hindi niya matanggap na madali lamang silang nagapi ng mga terorista at nadamay pa ang mga sibilyang wala namang kamuwang-muwang sa laban.

Nahinto sa paghila sa kaniya si Private Enriquez nang tamaan ito ng mga ligaw na bala. Tila natauhan naman na ng mga sandaling iyon si Leopold at mabilis na dinampot ang kaniyang baril at itinutok sa mga kalabang dahan-dahang lumalapit.

Bumagsak ang mga lalaki nang asintahin ni Leopold ang mga ito. Maya-maya lamang ay nakarinig na ng mga ingay si Leopold mula sa himpapawid. Papalapit na ang chopper na siyang magliligtas sa buhay niya.

Habang papalapit ang dalawang Sikorsky UH-60 Black Hawk ay pinauulanan ng mga sakay niyon ng bala ang mga nasa ibaba.

Hindi makapag land sa mismong kinaroroonan ng binata ang mga chopper because of the heavy fires coming from the opposition.

The two choppers circled in mid-air, trying to find a safe landing spot. One of the choppers managed to land safely, but it is too far from Leopold.

They instructed the man to run towards them while giving him covering fires.

“C’mon! Run!” sigaw ng isang amerikano habang pinapuputukan ang mga kalaban sa likuran ni Leopold.

Matapos magpaputok ng ilan pang beses ay patakbo na sana si Leopold patungo sa mga rescuers niya nang matisod siya sa katawan ni Private Enriquez.

Napansin niyang humihinga pa ang binata.

“S…save…me…”

Hindi naman nagdalawang-isip si Leopold at agad na binuhat si Enriquez.

Kung hindi niya nagawang iligtas ang marami sa kanilang mga kasamahan ay gagawin niya ang lahat upang mailigtas si Enriquez. 

Ipinasan niya ang binata sa kaniyang mga balikat. At buong lakas na tumakbo patungo sa chopper. Napaluhod at muntik mabitiwan ni Leopold si Enriquez nang makaramdam ng kirot ang binata sa kaniyang kanang binti.

Even though he was hurt, Leopold tried his best not to drop his companion.

Hirap man ay ipinagpatuloy pa rin ng binata ang kaniyang pagtakbo. “Don’t worry buddy, you’re going to survive. We’re going home.”

Isang mahinang ungol lamang ang naging kasagutan ni Enriquez sa tinuran ng kaniyang kapitan. Kinakawayan ni Leopold ang kanilang mga kasamahan na abala sa pakikipag tagisan ng gilas sa mga kaaway upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Magkahalong kirot at sakit ang nadama ng binata nang muli pa’y mahagip ng bala si Leopold, ngunit sa pagkakataong ito ay sa malapad na likuran na niya ito tumama.

Naging dahilan ito upang manghina si Leopold at tuluyan nang mapadapa sa mabuhanging lupain ng Palestina.

Nadarama niya ang mainit na likidong umaagos mula sa kaniyang likuran.

Narinig pa niya ang sunod-sunod na pagmumura ng mga sundalong puti ng makita ang naging pagbagsak niya.

Ilang saglit lamang ay naramdaman na lamang ni Leopold ang malalakas na pares ng mga kamay na inaalalayan siyang makatayo habang ang ilan sa kaniyang mga kasamahan ay patuloy lamang sa pagbibigay ng cover fire sa kanila.

“S-save…him…” Mahinang usal ng binata habang idinuduro ang walang malay na si Enriquez na katulad niya ay binubuhat na lamang ng kanilang mga kasamahan.

NAKABUBULAG na liwanag ang bumungad sa mga mata ni Leopold nang siya ay mag mulat. Ilang sandali pa niyang sinubukang mag-adjust hanggang sa mawala ang panlalabo ng kaniyang mga mata.

“W-where am I?” Pakurap-kurap na tanong ni Leopold. Iginala niya ang paningin sa silid na kaniyang kinaroroonan. Nababalutan ito ng kulay puting pintura. Napansin din niya ang nakasabit na flat screen television sa dingding sa gawing harapan niya.

“You’re in a military hospital, Cpt. Rodriguez, You have luck on your side, Sir.”

Tinitigan niya ang babaeng nag salita sa kaniyang gilid habang inaayos ang kaniyang dextrose. “W-who are you?”

Ngumiti sa kaniya ang babae. “I’m Lt. Montana and I am your doctor.”

Nang maalala ang mga naganap ay napabangon si Leopold mula sa pagkakahiga ngunit napahinto siya agad nang makaramdam ng kirot sa kaniyang likuran.

“Take it easy, Cpt. Rodriguez. You’ve been shot at your back. You shouldn’t move.”

Tinulungan siyang makahigang muli ng babae. “I know your rank is higher than mine, but as your doctor, I am advising you too follow my instructions if you want to get out of here immediately.”

Leopold didn’t respond. Lt. Montana understands that he might still be in shock after he witnessed all of his teammates getting killed one by one.

She turned her back on her patient but suddenly stopped when the man called her name.

“E-Enriquez. How was he? Did he survive?” The man asked.

“Yeah, thanks to you.” Lt. Montana answered.

Mariing napapikit naman si Leopold. Ipinagpapasalamat niya na hindi lamang siya ang nakaligtas kundi maging si Enriquez.

He was about to sleep when his phone rang. “Hello?”

Napangiti ang binata nang maulinigan ang boses ng ina. “Leopold? Thank God you’re alright! How do you feel? Kailan ka uuwi sa Pilipinas?”

“I’m okay, mom. I don’t think I can go home right away; I’m still trying to recuperate, you know?” sagot naman ni Leopold sa kaniyang ina. “By the way, how did you know what happened?”

Natahimik panandalian ang kabilang linya kaya naman ay nagtaka ang binata. “Mom?”

“Are you insane? Nakalimutan mo na bang heneral ang tito Santi mo? Besides it’s all over the news!” bulyaw kay Leopold ng kaniyang ina.

“News?”

“Yeah, everyone knew that your team got wiped—Oh, I’m sorry honey, I didn’t mean to…”

“It’s okay mom. I think I need to rest for now. I’ll call you later, okay? Bye, love you!”

Hindi na niya hinintay pang makasagot ito at mabilis na pinindot ang end button sa kaniyang telepono. Huminga siya ng malalim bago muling pumikit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status