Share

Chapter 2- HOME

PAWIS NA PAWIS si Leopold nang siya ay magising. Mag mula kasi noong siya ay mag mulat sa ospital ay gabi-gabi na siyang binabangungot. Makailang ulit na rin siyang nagkaroon ng meeting with different Psychiatrists sa ospital na kinaroroonan ngunit wala ring naitulong ang mga ito.

Ngayong araw na nakatakdang ma-discharge mula sa ospital ang binata. Bagamat may kirot pa rin siyang nadarama dahil sa kaniyang sugat sa likod at binti ay nasa maayos na rin ang pakiramdam niya.

Inihahanda na niya ang kaniyang mga gamit sa pag-alis nang pumasok sa kaniyang silid si Lt. Montana. “I see that you’re getting ready to get discharge, Capt. Rodriquez.”

Ngumiti naman sa kaniya ang binata. “Yeah, and this is all thanks to you, Doc.”

“Nah, thank yourself, Leo. It’s you who followed all my instructions. I just simply did my job as a doctor,” ganting tugon ng babae. “Anyway, I came here to check your condition and it seems to me that you’re all good. Congratulations on your fast recovery.”

Tinanggap naman ni Leopold ang nakalahad na kamay nito. “Thank you!”

‘Di nagtagal ay nagpaalam na rin ang babae. May naalala naman si Leopold kaya muli niyang kinuha ang atensyon nito. “Doc!”

Pumihit naman paharap sa kaniya ang babae habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.

“I’ve been meaning to ask you this, by any chance, do you have Filipino heritage?”

“Yes, I do. My mom was from the Philippines.”

“I knew it! Then why didn’t you tell me before?”

Nagkibit-balikat muna ang babae bago muling sumagot. “You never asked.”

Natatawang kinindatan siya ni Lt. Montana. Sa sandaling panahon na nakasama ni Leopold ang dalaga ay napalapit na rin ito sa kaniya. Ito kasi ang tumayong nakatatanda niyang kapatid nang ilang ulit siyang nagkaroon ng emotional breakdown.

Sa katunayan ay ipinakilala na rin sa kaniya nito ang nobyo nitong puti na katulad nila ay nasa serbisyo rin. Kaya naman ay nasasabik man siyang makauwi sa sariling bansa ay nalulungkot pa rin siya dahil maaaring hindi na sila magkita pang muli ng bagong kaibigan.

Nang makabalik sa Pilipinas ay agad na nagtungo ang binata sa opisina ng heneral na nagpadala sa kaniyang grupo sa Palestina upang magbigay ulat ukol sa mga naganap.

Inilahad niya ang lahat-lahat pati na rin kung paano silang nagapi ng mga terorista. Mahirap man para kay Leopold na alalahanin ang mapait na sinapit ng kaniyang mga kasama ay kinakailangan upang malaman ng mga superiors niya ang mga tunay na nangyari.

“Ikinalulungkot ko ang mga nangyari sa team mo, Capt. Rodriguez. Ipinagluluksa ng buong kasundaluhan ang kanilang pagkawala.” Buntong-hiningang wika ni General Rodriguez. Kapatid ng ama ng binata.

“You are dismissed.” Dagdag pa ng heneral.

Sumaludo muna si Leopold bago tuluyang humakbang palabas sa opisina nito. Mabigat ang kaniyang loob ng mga sandaling iyon. Kinakailangan kasi niyang harapin ang pamilya ng mga nasawi niyang tauhan.

Nang mapatapat sa pinto ng silid kung saan naroroon ang miyembro ng mga pamilya ng mga kasamahan niya ay hindi niya magawang pihitin ang seradura.

Batid niya na labis ang pagluluksa ng mga ito kung kaya’t magiging dagdag pasakit lamang sa mga ito kung makikita siya ng mga ito.  Tatalikod na sana siya nang mabungaran niya si Beatriz. Ang asawa ni Sergeant Bart Labrador. His first love.

Seryoso ang mukha nito at mababakas sa mukha ng babae ang paghihinagpis sa pagkawala ng asawa. Nagbaba ng tingin ang binata. Hindi niya kayang salubungin ng tingin ang malungkot nitong mga mata na noo’y puno ng saya.

“You shouldn’t run. Harapin mo sila. That’s the least that you can do for your fallen comrades.” Malamig na wika ng babae bago buksan ang pinto at naunang pumasok dito.

Naikuyom ni Leopold ang kaniyang mga kamao nang sa ganoon ay magkaroon siya ng sapat na lakas ng loob upang harapin at ilahad sa mga ito ang naganap.

Laglag ang balikat na pumasok sa silid ang binata. Nang siya ay magpakilala sa mga nasa silid ay isang Ginang ang lumuluhang lumapit sa kaniya at ginawaran siya ng isang malakas na sampal.

“Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” nanginginig ang boses na bulyaw sa kaniya ng Ginang.

Hindi pa ito nakuntento sa pananampal, pinagbabayo rin nito ang malapad na dibdib ng binata habang patuloy ang pagtangis.

Wala namang nagawa ang si Leopold kung hindi tanggapin na lamang ang paninisi ng isang inang nawalan ng anak. Kung masakit para sa kaniya na mawalan ng kasama ay mas masakit para rito ang mawalan ng isang anak na inaruga at inaalagaan nito mula sa pagkabata.

Napayuko na lamang ang binata habang pinasasakitan ng Ginang ang kaniyang katawan. Mabuti na lamang at inawat ito ng isa sa mga taong naroroon at pinakalma.

Isang sinserong paghingi ng paumanhin ang naging paunang salita ni Capt. Rodriguez. Hindi niya batid kung paano niya ilalahad sa mga ito ang mga nangyari subalit pilit niyang tinatagan ang kaniyang loob at pilit na inalis ang bikig sa kaniyang lalamunan.

Taimtim namang nakikinig sa bawat salitang kaniyang binibitawan ang mga nagdadalamhating kaanak. Ipinaliwanag niya sa mga ito ang naging misyon nila at kung paano silang nabigo.

Nang matapos ang kanilang meeting ay isa-isa na ring nag-aalisan ang mga kaanak ng kaniyang kasamahan. Hindi naman magawa ng binata na umalis sapagkat pakiwari niya ay nagamit niyang lahat ang kaniyang lakas sa pagtatagpong iyon.

Tumayo na rin si Beatriz at mabagal na humakbang patungo sa pinto. Mabagal ang naging pagkilos nito dahil kabuwanan na nito nang mga panahong iyon. Ngunit bago tuluyang makalabas ay muli niyang nilingon ang binatang lugmok na lugmok ng mga sandaling iyon.

“Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo. It’s not your fault.”

Dahil sa narinig ay ang nag-init ang sulok ng mga mata ni Leopold. Umalpas ang masaganang luha na kahit pigilin niya ay hindi naman nakikinig sa kaniya.

Hindi man niya aminin o ipahalata sa iba ay sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil sa pagkawala ng kaniyang kaibigan at mga kasamahan. Dahil sa tingin niyang mabigat na kasalanan na kaniyang nagawa ay nakapag desisyon na ang binata.

Ang desisyong ito ang sa tingin niyang makatutulong sa kaniyang sarili upang makalimutan ang masalimuot na bahagi ng kaniyang buhay.

KASALUKUYANG nasa opisina ng kaniyang tiyuhin si Leopold habang hinihintay ito. Ayon sa sekretarya ng heneral ay nasa meeting daw ang nakatatandang Rodriguez kasama ang iba pang matataas na opisyal ng bansa.

Tahimik lang na nakaupo ang binata habang nag hihintay sa kaniyang tiyuhin. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Gen. Rodriguez.

Mabilis siyang tumayo at sumaludo. Isang pagsaludo rin ang naging ganti nito at nag tuloy na sa kaniyang desk. “What brought you here, Capt. Rodriguez?”

Hindi nag salita si Leopold bagkus ay inabot niya sa matanda ang isang kulay puting sobre na naglalaman ng kaniyang naging desisyon ng mga nagdaang araw.

Nanlaki ang mata ng heneral nang mabasa ang nilalaman ng liham. Umupo ito sa kaniyang swivel chair at matamang tinitigan ang binata. Hindi ito makapaniwala na gusto nang mag bitiw ng kaniyang pamangkin sa serbisyo.

“Are you sure about this, Leo? Pinaghirapan mo ang pagiging kapitan mo. Sigurado ka bang handa ka nang umalis sa pagseserbisyo sa bayan?” aniya.

“Sir! Yes, Sir!” tugon ni Leopold.

Napabuntong-hininga ang matanda at sinubukang kumbinsihin ang binata na huwag mag resign sa trabaho. “If this is about to what happened in Palestine, it is not your fault, son. Your men died in service, they died as a hero—”

“Pero ang mga bayaning tinutukoy po ninyo ay may mga pamilya rin, sir! May mga anak, asawa, at mga magulang na naghihintay sa kanilang pagbabalik. Mga bayaning may pangarap hindi lang para sa bansa kundi pati sa mga sarili nilang pamilya. Pero dahil sa isang laban na hindi naman kasangkot ang inang bayan ay nawala ang mga pangarap na ‘yon.” Muling tugon ng binata.

Napatayo mula sa pagkakaupo ang heneral. “And what? Mabubuhay ba sila ulit kapag nag resign ka? Matatahimik ba ang mga kaluluwa nila sa sandaling lumagay ka sa tahimik? Sa tingin mo ba ito ang gustong mangyari ng mga kasama mo? Ang sisihin mo ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo kontrolado? Look, ikinalulungkot ko ang nangyari, believe me. But they died in battle and you have nothing to do about it.”

Ngunit kahit pa anong pagtutol ang gawin ni Gen. Rodriguez ay alam niya na hindi na niya mababali pa ang desisyon ng kaniyang pamangkin. Muli siyang napaupo habang hilot-hilot ang sentido.

“I’ve made up my mind, sir.”

“Trust me, I know.”

Iminuwestra ng matanda ang kaniyang kamay at pinaalis na ang binata. Narating ni Leopold ang kaniyang pwesto sa army hindi dahil pamangkin niya ito kundi dahil sa angking galing nito.

Saksi siya sa mga paghihirap na dinanas ni Leopold hanggang sa maabot niya ang ranggo ng kapitan. Isa ito sa mga pinakamagaling sa kanilang hanay kaya naman ay lubos siyang nanghihinayang sa maagang pagreretiro nito.

Habang nagmamaneho sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue ay nakatanggap ng isang tawag si Leopold galing kay Beatriz. “Hello? Hello?”

Nagtataka ang binata kung bakit puro ingay lamang ng mga nagbabagsakang gamit ang naririnig niya. “Beatriz? Are you okay?”

“LEOPOLD! PUNTAHAN MO KO! MANGANGANAK NA AKO!”

Nataranta naman ang binata. Batid niyang nag-iisa lamang sa bahay ang asawa ng kaniyang kaibigan at hindi ito close sa mga kapitbahay nito.

Halos lahat din ng mga kaibigan ng babae ay nasa ibang bansa na pati na rin ang kaniyang pamilya kaya naman hindi na kataka-taka para sa binata na siya ang tinawagan nito.

Mas binilisan pa ni Leopold ang pagmamaneho patungo sa tahanan ng namayapa niyang kaibigan.

Nang marating ang bahay ni Bart ay mabilis siyang bumaba mula sa sasakyan at pumasok sa loob ng tahanan. “Bea? I’m here! Where you at?”

Huminto sa paglalakad ang binata at pinakiramdaman ang paligid. Naulinigan niya si Beatriz na umuungol. Hinanap niya kung saan ito nagmumula at natagpuan niya ang kaibigan na nakahandusay sa sahig.

Pumutok na ang panubigan nito kaya naman ay nagkalat na rin ang tubig sa sahig. Mahina na ang pulso ng babae kaya naman ay mabilis siyang kumilos at binuhat ito at lumabas.

Inihiga niya sa passenger seat ang walang-malay na si Beatriz. Gumawa pa ng ingay ang kaniyang sasakyan nang pasibadin niya iyon. Dahil malayo-layo pa ang ospital ay sa isang lying-in clinic na lamang niya dinala si Beatriz.

At dahil nga nasa panganib na ang buhay ni Beatriz at ng bata ay caesarean operation na ang isasagawa ng doktor doon. Nakaupo si Leopold sa hallway ng operating room habang hinihintay na matapos ang operasyon.

Isang oras na ang lumilipas ay hindi pa rin lumalabas ang doktor mula sa operation room. Maya-maya lang ay mahihinang pag-iyak ng isang sanggol ang narinig ng binata mula sa O.R.

Napatayo ang binata nang mapagtanto na matagumpay na nai-deliver ang bata. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Leopold. “Thank God!”

Subalit ang pasasalamat sa panginoon ay biglaang napalitan nang pagkunot ng noo at pagsasalubong ng kaniyang mga kilay nang mapansin ang ilang mga nurse at midwife na naglalabas-pasok sa operation room.

The man knew that something was not right dahil may bahid nang pagkataranta ang mga mukha ng mga pumapasok at lumalabas sa silid.

Hinablot niya ang braso ng isa sa mga nurse na kalalabas lamang ng silid. “Miss, anong nangyayari sa loob?”

“Sir, hindi na po kasi tumitibok ang puso ng pasyente.”

Hindi kaagad rumehistro sa utak ng binata ang sinabi ng babae. Natauhan lamang siya nang makita ang isang male nurse na may bitbit na isang automated external defibrillator o AED.

Tanging ang mga sigawan na lamang ng mga tao sa loob ng silid ang kaniyang sumunod na narinig nang tinangka niyang sumilip doon. Kitang-kita niya kung paanong sinusubukang i-revive ng doktor si Beatriz.

“Clear!”

Sa bawat paglapat ng metal na kawangis ng isang plantsa ay siya namang pag-angat ng katawan ni Beatriz. Pakiramdam ni Leopold ay nasa isang pelikula siya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay bumabagal ang ikot ng mundo.

Namamanhid ang buo niyang katawan at pakiwari niya ay nanlalaki ang kaniyang ulo.

“Sir, pasensya na po pero hindi po kayo puwedeng sumilip dito!” Pagtataboy sa kaniya ng isa sa mga nurse nang makita siyang nakasilip sa pinto ngunit hindi siya nagpapatalo rito.

Mula sa pintuan ay kitang-kita niya kung paanong nalagutan ng hininga si Beatriz. Kung paanong napatag ang flat line machine na sumisimbolo sa natitirang buhay ng babae. Kung paanong naiwang nag-iisa ang anak nito at ni Bart.

Nanlulumong napabalik sa kaniyang kinauupuan si Leopold. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Kung sana ay mas napaaga lamang ang kaniyang pagdating ay siguradong buhay pa ngayon si Beatriz.

Nasa kalagitnaan siya nang pagsisi sa kaniyang sarili nang lumabas ang doktor mula sa silid. “Excuse me sir? Are you the husband?”

Napatingala siya at mabilis na napatayo. “N-no, kaibigan ako ng pasyente.”

Nagpatango-tango ang doktor bago muling nag salita. “Ikinalulungkot kong sabihin ito, but the mother died after giving birth due to Prolonged labor. Usually most first-time mothers like her may experience a labor that lasts too long. In this situation, both the mother and the baby are at risk for several complications including infections.”

Tila naumid naman ang dila ni Leopold ng mga sandaling iyon dahil sa balitang patay na si Beatriz. Naihilamos niya sa mukha ang sariling palad. Hindi niya batid kung ano na ang gagawin niya ng mga sandaling iyon. Lalo pa’t nasa ibang bansa ang pamilya ni Beatriz.

“Where’s the father of the baby?” tanong ng doktor.

“He’s dead.”

Hindi na muli pang nag salita ang doktor. Bago siya tuluyang lampasan nito ay tinapik siya nito sa balikat. “You can enter the room and hug the baby. Maaaring hindi pa niya alam ang mga nangyayari but she needs it.”

Doon lamang natauhan si Leopold at naalala ang bagong silang na sanggol. Dali-dali siyang nagtungo sa loob ng silid. Sa kaniyang pagpasok ay ang walang-buhay na katawan ni Beatriz ang bumungad sa kaniyang mga mata.

Inilayo niya ang tingin dito at hinanap ang kinaroroonan ng bata. Karga-karga ito ng isang nurse. Nang makita siya nito ay iniabot nito sa kaniya ang umiiyak na sanggol.

“T-teka sandali baka mahulog ko siya,” nag-aalangang wika ng binata.

Napangiti naman dahil dito ang nurse. “Hindi ‘yan sir. Ganito po ang gawin ninyo para hindi mahulog si baby.”

Mabigat man ang mga naganap nang araw na iyon ay tila ba napawi ng sanggol ang mga hindi magagandang pinagdaanan ni Leopold sa mga nakaraang linggo.

Inalala niya kung gaano kasabik si Bart noon sa pagku-kwento kung ano ang ipapangalan niya sa anak nila ni Beatriz kung sakaling maging babae ito.

“During this time, your father should be the one to name you. But he couldn’t. Your name will be Malia which means Beloved in Hawaiian and Zoe that means life in Greek,” naluluhang hinalikan niya sa noo ang bata.

“Welcome to the world, Malia Zoe. I promised your dad before that I will take care of you and I am going to fulfil that promise until my last breath.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status