Share

Chapter 3- MALIA ZOE

MABILIS na lumipas ang anim na taon. Kasalukuyan nang nasa grade one si Malia Zoe o Lia para sa tumatayong ama niya na si Leopold.

Sa loob ng anim na taon ay kay Lia lamang umikot ang mundo ni Leopold. Matapos siyang maging legal guardian nito at tuluyang makapagbitiw sa serbisyo ay nagtayo siya ng isang munting restaurant na kaniyang mapagkakaabalahan.

Hindi man kalakihan ang kaniyang restaurant ay dinarayo ito ng mga tao dahil sa masarap na mga putaheng inihahahain nila rito. Sa katunayan ay nagkaroon na ito ng apat na branches sa iba’t-ibang bahagi ng probinsiya ng Cavite.

“Sir, hindi pa po ba ninyo susunduin si Lia? Mag aalas tres na po ng hapon pihadong patapos na ang klase ng batang makulit na ‘yon,” tanong sa kaniya ng isa sa mga cook niya sa restaurant na si Harmony.

Isa ito sa pinaka-pinagkakatiwalaan niyang tauhan dahil mabait ito at kasundo ito ni Lia. “Tatapusin ko lang itong order sa table 23 at aalis na rin ako.”

“Naku, sir! Ako na bahala riyan. Natimplahan mo naman na yata ‘yan. Ako na lang tatapos diyan para masundo mo na si kulit,” pamimilit pa ng lalaki.

Hindi na niya kinontra pa ito sapagkat alam niyang hahaba lamang ang usapan dahil hindi ito magpapatalo sa kaniya. Hinubad na niya ang apron na suot pati na rin ang plastic gloves at nagtungo palabas ng kusina.

Narinig pa niya ang pahabol na bilin ni Harmony. “Sir! Huwag mo kalimutan yung pasalubong ko na siopao huh?”

Natawa naman siya sa bilin nito. Itinuturing na niyang nakababatang kapatid ang lalaki. nasa kolehiyo pa lamang ito nang mag apply sa kaniya ang binata dahil wala itong pang tustos sa kaniyang pag-aaral.

Naawa naman dito si Leopold kaya naman ay sinagot na niya ang matrikula nito hanggang sa makatapos ito. At nang makapagtapos nga ay hindi na ito umalis pa sa kaniyang restaurant kahit na maraming offers ito abroad.

Tumatanaw daw kasi ito ng utang na loob sa kaniya at tanging sila na lamang ni Lia ang itinuturing na pamilya nito. Kinuha niya mula sa dingding ang susi ng kaniyang sasakyan at dali-daling tinalunton ang daan patungo sa kaniyang garahe.

“Excuse me! Is this the right way to Lia’s Gourmet?” Maarteng tanong ng isang babae na sa pakiwari niya ay nasa dalawampung taon pa lamang and edad. Ang hinahanap nito ay ang kaniyang restaurant.

“Yes. Sundan mo lang iyang daan na ‘yan at makikita mo na ang restaurant.” Matipid na tugon naman ni Leopold.

Nang ipapasok na ni Leopold ang susi upang mabuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan ay marahan siyang pinigil ng dalaga. “What’s your name? By the way, I’m Mika.”

Tinanggap naman ni Leopold ang nakalahad na kamay ng dalaga upang hind imaging bastos sa kaharap kahit pa nakakaramdam na siya ng pagkairita rito. “Leo.”

“So…are you free tonight, Leo?” Malanding tanong sa kaniya ng babae.

Mariing napapikit ang binata at napatingala. Pilit inaalis ang nadaramang pagkayamot sa kaharap. “Look, kid. I’m not interested to fuck. I just want you to get lost, got it? And besides aren’t you too young for that?”

Napasimangot ang babae dahil sa kaniyang mga sinabi. “Ang yabang mo!"

Agad na nagmartsa palayo sa kaniya ang dalaga na mahahalatang hirap na hirap sa paggamit ng sandalyas na pagkataas-taas ng takong. Napapailing na lang si Leopold.

“Kakaiba na talaga ang mga bata ngayon,” bulong niya sa sarili.

Agad niyang pinasibad ang kaniyang sasakyan patungo sa eskwelahan na pinapasukan ng anak. Tumayo siya sa labas nang nakasaradong gate no’n habang hinihintay na matapos ang klase ng anak.

Matapos ang halos labing-limang minuto ng paghihintay ay narinig na ni Leopold pati na rin ng iba pang mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak ang tunog ng bell na siyang hudyat sa pagtatapos ng klase ng mga bata.

Ang tahimik na kapaligiran ay napuno ng ingay ng mga batang nagtatakbuhan habang nagtatawanan. Nag kaniya-kaniya ang mga ito ng lapit sa kanilang mga magulang nang mamataan ang mga ito.

Nagpalinga-linga sa bawat gilid si Leopold habang hinahanap ang anak. Subalit hindi niya ito matagpuan. Nag sisimula na siyang kabahan nang mamataan niya si Lia na mag isang naglalakad.

Hindi ‘tulad ng ibang mga bata na mayroong ka-kwentuhan habang papalabas ng paaralan ay tahimik lamang ito na tinatalunton ang daan palabas.

Nakaramdam naman nang pagkaawa ang binata sa kaniyang anak. Batid niya ang mga nagaganap sa paaralan at kung paano ito pakitunguhan ng kaniyang mga kaklase dahil na rin ipinaaalam ito sa kaniya ng guro nito.

“Baby!”

Nag angat ng tingin si Lia nang marinig ang tinig ng kaniyang ama. Nawala ang lungkot sa mukha nito at sumilay ang matamis na ngiti. Kinawayan pa ng bata ito at patakbong lumapit dito.

“Daddy!”

Nagyakap ang mag-ama nang sila ay magkalapit. Batid ng lahat sa eskwelahan na hindi tunay na anak ni Leopold ang bata. Maging si Lia ay alam din ito. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala ni isa mang bata ang nais na makipaglaro at makipagkaibigan dito.

Ngunit kahit pa ganoon ay hindi naman nagkukulang si Leopold na iparamdam sa bata ang pagmamahal ng isang ama. Aminado siyang hindi siya isang perpektong magulang ngunit ginagawa niya ang lahat upang mapunan lamang ang mga pagkukulang na iyon.

“Where do you want to go, Lia? Amusement Park?” tanong ng binata.

Alam niyang hindi madali ang pinagdadaanan nito sa eskwelahan kahit sa murang edad pa lamang. Hindi niya maunawaan kung bakit pati ang mga kabataan ngayon ay nagtataglay na ng hindi magandang pag-uugali.

Is this because of the current society we lived in? The society where judging people is normal even before they know the reason why that person was like that that?

Ang pamayanan kung saan marami sa mga taong naka-paligid sa iyo ang interesadong malaman kung ano ang trabaho mo nang sa ganoon ay alam nila kung gaano kalaking respeto ang ibibigay nila sa’yo?

This is the very society that Leopold disgusts. Hindi niya gusto na ganitong klase ng environment ang kalakihan ni Lia kaya naman ay habang bata pa ito tinuturuan na niya ito kung paanong makisama sa ibang tao nang walang panghuhusga.

“Home,” matipid na tugon ng bata.

“Are you sure?”

Tumango lamang ito bilang tugon sa kaniya. Ipinagbukas na lamang ni Leopold ng pinto ang bata nang magtungo na ito sa gawing passenger seat ng sasakyan.

Matapos nito ay kagyat din silang umalis. Tutunguhin muna nila ang branch niya sa Tagaytay upang i-check ang operations doon. Hindi naman nagreklamo ang bata dahil bukod sa gustong-gusto nito sa lugar na iyon dahil sa malamig na temperatura ay kasalukuyan kasi itong naglalaro sa tablet nito.

“Do you want to go inside, baby? May smoothies doon sa loob.”

Umiling naman si Lia at sinabing sa kotse na lamang niya hihintayin ang ama. Hindi naman na ito pinilit pa ni Leopold dahil hindi rin naman siya magtatagal sa loob.

“Good morning sir L!” bati sa kaniya ng isa sa mga waitress ng restaurant na si Julie.

“Good morning, Julie! Narito ba si sir Raymund mo?” ganting tanong ng binata na ang tinutukoy ay ang tumatayong manager ng branch na ito at ang nakababata niyang pinsan.

“Yes sir, nasa office po siya. Wait po tatawagin ko po siya.”

Pinigil naman siya ni Leopold at sinabing siya na lang ang magtutungo sa opisina ng lalaki. kakatukin na sana ni Leopold ang pinto ng may weird na tunog siyang narinig mula rito.

Inilapat pa niya kanang tainga sa pinto upang pakinggan nang mas mabuti ang ingay na naririnig. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Nagulat naman siya na hindi man lang pala ito naka-lock kaya hindi na niya kailangan pang katukin ang binata sa loob.

Nang itulak niya ang pinto pabukas ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang likuran ng pinsan. Nakababa ang pantalon nito habang may kung sinong babae naman ang nakabukaka sa harapan nito habang nakahiga sa office table ng binata.

“Jesus! What the hell are you doing?”

Nagulantang ang dalawa sa lakas ng boses niya. Maging ang iba pa niyang mga empleyado ay napatigil din sa kanilang mga ginagawa. Agad niyang isinarado ang pinto nang tangkaing humarap sa kaniya ng pinsan na hindi man lamang itinataas ang pantalon.

Hinarap na rin niya ang mga empleyadong nakatuon ang atensyon sa kaniya ng mga sandaling iyon. Nginitian niya ang mga ito. “Don’t mind me. Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo.”

Agad naman siyang sinunod ng mga ito.  Maya-maya lamang ay nag bukas na rin ang pinto ng opisina ni Raymund. Lumabas mula rito ang babaeng nilalapastangan kanina ng kaniyang pinsan. Napansin pa niyang nakasuot ito ng uniporme ng kaniyang restaurant.

“Good morning sir!” Nakayukong bati ng babae na sigurado si Leopold na hiyang-hiya ng mga sandaling ‘yon.

Sunod na lumabas mula sa opisina si Raymund. Pero bago pa ito tuluyang makalayo sa hamba ng pinto ay itinulak na niya ito papasok.

“What the hell are you doing, punk? Oras ng opisina ngayon and you’re banging our employee? Are you insane?”

Nagkibit-balikat lamang ang binata sa kaniyang tinuran. Napahilot naman sa kaniyang sentido si Leopold. Hindi na talaga niya alam ang gagawin sa sutil niyang pinsan na ito.

“Kung hindi lang kita pinsan tinadtad na kita ng bala eh,” gigil na wika ni Leopold.

Hindi na pinansin pa ni Raymund ang huli niyang sinabi bagkus ay itinanong na lang sa kaniya kung ano ang sadya niya rito.

“I’m here for the monthly report of our sales for this branch.”

“Ngayon na pala ‘yon? Ang bilis talaga ng panahon. One moment, kuya.”

Tinalikuran siya ng binata at binuksan ang wooden drawer sa gilid nito. Saglit niya itong hinalungkat at kinuha mula roon ang isang folder at inabot sa kaniya.

“Our sales went up by 13 percent this month.” Nakangising saad ni Raymund. Makikita sa mga mata nito na ipinagmamalaki nito ang achievement ng kaniyang branch para sa buwang iyon.

Wala na rin siyang nagawa kung hindi ang batiin ito dahil alam naman niyang hinihintay nitong purihin niya ang binata. “Fine, good job, Raymund!”

“Anyway, hindi mo ba kasama ang pamangkin ko? Bakit ikaw lang ang nandito?”

“She’s outside. Hindi niya trip pumasok dito eh. Busy siya sa paglalaro sa tablet niya. Want to say hi?”

Nang tumango ang binata ay sabay na nilang tinalunton ang daan palabas. “Sa susunod na mahuli pa kita sa ganoong akto, I swear, Raymund. I’m gonna beat you to death, understand?”

“Sir! Yes Sir!” tugon naman ng lalaki na sinabayan pa nang pag saludo.

Nang marating ang parking lot sa tapat ng restaurant ay kaagad na nag salubong ang kilay ni Leopold nang makitang nakabukas ang pinto sa passenger seat ng kanilang sasakyan.

Mas binilisan pa nila ni Raymund ang paglalakad dahil dito. Kumakabog ang dibdib ng binata habang papalapit lalo na nang mapag-alaman na wala sa loob ng sasakyan ang kaniyang anak.

“Where’s Lia?” nagtatakang tanong ni Raymund.

Nahihintakutan silang nagkatinginang mag pinsan. Kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isipan ni Leopold ng mga sandaling iyon. “Call the police!”

Hindi naman na siya nag dalawang salita pa sapagkat mabilis na tumakbo patungo sa restaurant si Raymund upang tumawag sa mga pulis.

Labis ang pagkabog ng dibdib ni Leopold ng mga sandaling iyon. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung sakaling may mangyaring masama kay Lia.

Nanginginig man ang mga kamay at buong kalamnan dahil sa takot na nadarama para sa anak ay pilit na kumalma ang binata.

“Think, Leo, Think,” bulong niya sa sarili.

Chineck niya ang seradura sa pinto ng sasakyan para malaman niya kung may sign of struggle ba mula roon dahil kung dinukot ang kaniyang anak ay kinakailangan sapilitang buksan ng mga perpetrator ang pinto ng sasakyan upang makuha ang bata mula sa loob.

Pero wala siyang nakita na kahit ano man, kahit maliit na gasgas man lamang sa sasakyan.

Humahangos na bumalik sa kaniyang kinaroroonan si Raymund at ibinalita sa kaniya na natawagan na niya ang mga pulis at patungo na ang mga ito sa restaurant.

Ngunit hindi na makapaghihintay pa si Leopold na dumating ang mga ito dahil maaaring nasa peligro na ang buhay ng kaniyang anak. “Stay here and wait for the Police to arrive. I’ll look for my daughter.”

Nakauunawa namang tumango si Raymund sa pinsan at bumalik na sa restaurant upang hintayin ang mga pulis. Habang si Leopold naman ay ipinagpapatuloy ang paghahanap kay Lia.

“I’m coming, Lia. Please be safe.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status