DUMATING na ang araw ng reunion. At dahil nga nakasaad naman sa invitation na alas otso pa ng gabi mag sisimula ang programa ay sa Lia’s gourmet muna tumambay at nagpatay ng oras si Leopold.
Napakiusapan na rin niya si Raymund na samahan muna si Lia sa kanilang bahay ngayong gabi dahil siguradong mahuhuli na siya sa pag-uwi mamaya.
Pinanonood lamang niya kung paanong landiin ni Harmony ang mga babae nilang customer na willing namang makipag-lokohan sa lalaki. Hindi na siya nagtataka kung bakit magkasundo ito at si Raymund. Pareho kasi silang mahilig sa mga babae.
Mabuti na lamang talaga at nasa magkaibang branch sila ng restaurant dahil kung hindi ay baka imbis na restaurant ay maging bar na ang Lia’s gourmet.
Seven-thirty na ng gabi nang mapag desisyunan ni Leopold na magtungo na sa event. Hindi naman siguro masama kung mahuhuli siya ng kaunti rito. Tiyak naman na wala masyadong makakatanda sa isang dating mahirap na bastardong kagaya niya.
Sa malawak na gymnasium ng kanilang dating eskwelahan gaganapin ang kanilang reunion. Sa labas pa lamang ay maririnig na ang malakas na sound system na nagmumula sa loob.
Marami na ring mga nakaparadang sasakyan at mga nagkalat na tao sa paligid. Marahil ay hindi pa nag sisimula ang programa. Sinuwerte pa siya dahil kahit late na siyang dumating ay mas late pa yata na mag sisimula ang kasiyahan.
Matapos niyang mai-park ang sasakyan ay bumaba na siya mula rito. At dahil nga marami pa namang tao sa labas ay nakatitiyak siyang kakaunti lamang ang nasa loob. Ang ibig sabihin lamang nito ay makakapag hanap pa siya ng mauupuan na malapit lamang sa entrada ng venue.
Napatakip sa kaniyang tainga si Leopold nang tuluyan na siyang makapasok sa gymnasium. Bagaman kakaunti ang tao ay napakalakas naman ng tugtog na pumapailanlang dito.
Napamura si Leopold nang lapitan niya ang isang bakanteng table kung saan sana niya balak maupo. Mayroon kasing label ang bawat table kung sino ang mga personalidad na uupo rito.
Sa kahahanap niya sa kaniyang pangalan na ipinapanalangin niyang sana ay nasa may gawing entrada lamang ay nakita siya ni Crisostomo.
Naka-amerikana ito na animo’y muling aattend sa JS prom nila.
Malawak ang ngiting binati siya nito.
“It’s good to see you, Leopold!”
Naamoy pa niya ang alak na ininom ng lalaki. pakiwari niya hindi pa man nag sisimula ang programa ay lasing na ang lalaki. Kinamayan niya rin ito at binati.
“You’re looking for your table, aren’t you?” napapahikbi pang tanong sa kaniya ng lalaki dahil sa kalasingan.
“Come here buddy, dadalhin kita sa table mo.”
Hindi naman na tumanggi pa si Leopold at tahimik na lamang na sumunod sa lalaki. Hindi naman niya gusto na mabastos ito kung sakaling tanggihan man niya ang alok nito.
Parang isang scene naman sa pelikula ang sumunod na mga naganap. Habang tinatalunton kasi nila Leopold ang daan ay namatay ang mga ilaw at tanging ang spot light lamang na kasalukuyang nakatutok sa kanila ang nakabukas.
Mag sisimula na kasi ang programa at nagkataon naman na nasa likuran siya ni Crisostomo na siyang primary sponsor nang nasabing event kaya naman napasama siya sa spot na dapat ay para lamang sa lalaki.
Napanganga ang mga kababaihan sa taglay na kakisigan ng binata. sa suot kasi nitong kulay itim na long sleeve na nakatupi ang mga manggas at pantalon na kulay puti ay nangingibabaw ang kaniyang kaguwapuhan.
Napansin pa ni Leopold ang isang babae na tila ba hihimatayin na nang madaanan nila ni Crisostomo. Naiilang man sa ipinakikitang atensyon sa kaniya ng lahat ay ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad sa likuran ni Crisostomo.
Huminto lamang siya nang makita niyang huminto rin sa tapat ng isang table si Crisostomo. Agad naman niyang nakuha ang ibig nitong iparating kaya naman tinanguan niya na lang ito at umupo na sa bakanteng silya sa tapat ng mesa.
Binasa niya sa lists of guests’ kung sino ang mga makakasama niya sa table. Pamilyar sa kaniya ang mga pangalang naroroon lalo na ang pangalan ni Arman Chavez.
Ngayon ay alam na niya kung bakit mayroong mga listahan ng mga pangalan ang bawat table. Para ito maipaalala sa lahat kung sino ang mga nakakaangat noon sa lahat.
Ang table na kinabibilangan niya ay isa sa mga table na tanging ang mga mahihirap at walang koneksyon sa lipunan lamang ang maaaring umupo.
Samantalang ang ibang mga table naman ay puro mga mayayamang kaklase lamang niya ang naroroon.
Mapait na napangiti si Leopold. Marahil ay hindi na talaga mababago pa ang bulok na sistema sa lipunan.
Na kapag mahirap ay wala kang choice kung hindi ang tanggapin na lamang ang kung ano mang awa ang ibigay sa iyo ng mga nakaaangat sa’yo.
Muling nanariwa sa kaniya ang mga kaganapan noong nasa high school pa lamang siya sa pribadong paaralan na ito. Kung paanong tapak-tapakan ng mga kaklase niya ang kaniyang pagkatao dahil lamang sa janitress ng kanilang paaralan ang kaniyang ina.
Naging tampulan siya noon ng tukso sapagkat lumaki siyang walang ama at tanging ang kaniyang ina lamang ang nagtataguyod sa kanilang dalawa.
Ngunit kahit minsan ay hindi niya kinaawaan ang ina, bagkus ay ipinagmamalaki pa niya ito sa lahat dahil sa kasipagan nito at diskarte sa buhay.
Kaya naman kahit na napakasakit para sa kaniya ang laitin siya ng mga kaklase ay nilulunok na lamang niya ang lahat ng kahihiyan na ‘yon dahil sa kagustuhan niyang makapagtapos at mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina.
Mabuti na lamang at nahanap sila ng kaniyang ama noon. Dinala sila nito sa amerika at doon nanirahan ng lampas sampung taon. Bumalik lamang siya sa pilipinas upang mag silbi sa sandatahang lakas nito.
Natatawa siyang isipin na sa paglipas pala nang mahabang panahon ay hindi pa rin nag babago ang tingin sa kaniya ng kaniyang mga naging kaklase. At higit sa lahat, napagtanto niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago ang klase ng pag-uugaling mayroon ang mga ito.
Marahil ay inimbitahan lamang siya sa reunion na ito upang alamin kung ano na ba ang nangyari sa kaniyang buhay.
Kung hanggang ngayon ba ay mahirap pa rin siya o ang kabaliktaran.
Sa klase kasi ng lipunan na nakabatay sa kinikita ng isang tao ang respetong aanihin nito ay hindi madali ang kahaharapin mong mga pag subok.
Kung hindi mo tatatagan ang sarili mo at lalakasan ang loob ay mananatili ka na lamang sa laylayan ng lipunan na palaging inaapi at inaagrabyado.
Marahil ay alam na ng iba pa na mapapahiya lamang sila sa kasiyahang ito kung kaya’t hindi na sila nag-abala pa na mag tungo rito.
Natuon ang kaniyang atensyon sa gitna ng entablado kung saan nakatayo si Crisostomo nang mag salita ito.
“Ladies ang Gentlemen! I am very thankful to each and every one of you for having the time to attend to our high school reunion!” Panimula ni Crisostomo.
“I am deeply saddened that our classmates from the peasants’ class did not bother to attend. Maybe they’re just having the same lifestyle after all.” Nakangising dagdag pa ng lalaki.
Nagtawanan naman ang iba pang mga bisita. Tanging si Leopold lamang ang tao sa pinakaunahang parte ng gymnasium kaharap ng entablado kung saan nakatalaga sanang mauupo ang iba pang mga mahihirap nilang kaklase noong araw.
“But enough of that. Let’s just appreciate that Leopold Rodriguez who was once a dirty peasant attended this reunion. He is now the owner of the famous Lia’s gourmet. A round of applause for our old friend please!”
Malakas na palakpakan ang sumunod na narinig sa buong gymnasium. Subalit ang palakpakang ito ay batid ni Leopold na hindi upang siya ay i-congratulate sa kaniyang narating sa buhay kundi isa itong pang-uuyam para sa isang dating pisante na katulad niya.
Ilang panlalait pa ang narinig ni Leopold mula sa lalaking nasa entablado. Ang lalaking napaka-taas ng tingin sa sarili dahil isa ang pamilya nito sa pinakamayamang pamilya sa bansa.
“Please, enjoy the night. This is all for you!” Pagtatapos ni Crisostomo.
Muling pumailanlang ang malakas na tugtog sa buong paligid. Matapos uminom ng isang baso ng cocktail na inihatid ng isang waiter ay napagpasyahan na ni Leopold na umuwi.
Hindi man siya nag pakita ng kahit na anong emosyon habang siya ay pasimpleng nilalait ng mga tao sa paligid lalo na ni Crisostomo ay nagawa niyang pigilan ang kaniyang sarili. Salamat na rin sa disiplinang natutunan niya sa loob ng armed forces.
Nakita niya si Crisostomo na lumabas sa gymnasium. Tangka na sana niya itong susundan upang ipaalam dito ang kaniyang pag-alis ay hinarang naman siya ng tatlong babae.
Makikita sa mga mamahaling suot ng mga ito na katulad ni Crisostomo ay may sinabi rin sa buhay ang mga ito. Subalit tanging ang makakapal na make up lang naman nila ang nagpapaganda sa mga ito.
“How may I help you?” Seryosong tanong ni Leopold sa mga ito.
“So, you’re a big shot now, huh? Do you want to visit my condo later?” malanding saad ng isa sa mga babae na halos makita na ang kaluluwa dahil sa baba ng neckline ng suot nitong dress.
Sinegundahan naman ng dalawa pa ang alok ng babae. Sinabayan pa nito nang paghaplos sa balikat ni Leopold ang ginagawang panlalandi sa binata.
“I’m not interested.” Walang emosyong nilampasan lang ni Leopold ang mga ito at nag tuloy na sa paglabas sa gymnasium.
Hindi naman kaagad na nakapag react ang tatlo sa pagtangging ginawa ni Leopold. Nag-uusok ang ilong na hahabulin sana nilang muli ang lalaki ngunit mabilis itong nawala sa kanilang mga paningin.
Nang makalabas si Leopold sa gymnasium ay hindi na niya nakita pa si Crisostomo kaya naman humakbang na siya patungo sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan.
Subalit napahinto sa pag hakbang ang binata nang may madinig sa likod ng isang kulay itim na SUV. Nagulantang ang binata nang makita niyang duguang nakahandusay sa lupa si Crisostomo habang pinapalo ng tubo ng isang ‘di kilalang lalaki.
“Hoy!”
Tinangkang lumapit ni Leopold sa lalaki na mabilis namang lumingon sa kaniya at inunday ang tubo patungo sa kaniya.
Dahil na rin nga sanay sa pakikipaglaban si Leopold ay madali lamang niyang nasangga ang pag-atake ng lalaki at naagaw rito ang tubo.
Ngunit sinipa siya nito sa kaniyang tuhod dahilan para mapaluhod siya at makatakbo itong palayo sa kaniya.
Hahabulin pa sana niya ito ngunit mas kinakailangan ni Crisostomo ang agarang atensyong medical.
Halos matupi na ang mukha ng lalaki dahil sa lakas ng mga tinanggap nitong palo. Sinubukan pa niyang pulsuhan ito subalit wala na siyang maramdamang pulso pa mula rito.
Nanghihinang napaupo si Leopold sa tabi ng bangkay ni Crisostomo. Kung sana ay napaaga lamang ang kaniyang pag dating ay maaaring buhay pa ang lalaki ng mga sandaling iyon.
Tumayo si Leopold upang humingi ng tulong sa mga taong nasa loob. Ngunit hindi pa siya nakakarating sa mismong entrada ay narinig na niya ang mga nag sisigawan at natatarantang bisita na tumatakbong palabas sa gymnasium.
“What happened?” tanong niya sa isang babae na nakasalubong niya.
“May bomba sa loob!” nahintatakutang tugon naman ng babae.
Dahil sa narinig ay nawalang biglaan sa kaniyang isipan ang kahindik-hindik na sinapit ni Crisostomo. Mas nanaig sa kaniya ang pagiging dating sundalo kaya naman ay tumakbo siyang pasalubong sa mga taong naglalabasan at pumasok sa gymnasium.
Naabutan niya pa roon ang babaeng lumalandi sa kaniya kanina na kasalukuyan nang lumuluha dahil sa takot habang may dalawang lalaki naman ang umuusisa sa laman ng isang kulay itim na bag.
“Ano’ng ginagawa ninyo? Umalis na kayo rito at tumawag ng pulis!” bulyaw niya sa tatlo.
Sinipat niya ang loob ng bag at tumambad sa kaniya ang isang modified bomb na halos kasing laki ng isang attaché case ang sukat.
“How ‘bout you?” tanong ng isa pang lalaki.
“Dati akong sundalo kaya alam ko ang gagawin dito! Now go!”
Hindi naman na siya nag dalawang salita pa. Pinagtulungan na rin nilang buhatin ang babaeng wala na sa kaniyang sarili ng mga sandaling iyon.
Tuloy-tuloy ang pagtagaktak ng pawis sa mukha ni Leopold. Nangingintab na rin ang kaniyang ilong dahil sa butil-butil na pawis ang naroroon.
Base sa timer ng bomba ay mayroon na lamang siyang tatlong minutong natitira bago ito tuluyang sumabog at gutay-gutayin ang katawan niya.
Gamit ang nakuhang dinner knife sa pinakamalapit na table ay pilit inaalala ni Leopold kung anong sa tatlong makukulay na wire ang kinakailangan niyang putulin upang huminto ang timer.
Pero dahil nga improvised ang bomba sa kaniyang harapan ay hirap siyang tukuyin kung alin sa mga wire na ito ang nakakonekta sa orasang mag ti-trigger upang sumabog ito.
Lumipas na ang isa’t-kalahating minute. Kung gusto ni Leopold na makauwi kay Lia ngayong gabi ay kinakailangan na niyang ma-defuse ang bomba.
Dahil nga sa hindi siya sigurado kung anong kulay ng wire ang puputulin ay ipinagpasa-diyos na lamang niya ito.
Sumagap siya ng hangin. Kailangan niyang lamanan ang kaniyang didib upang magkaroon siya ng sapat na lakas ng loob para sa nalalabing mga oras niya sa mundo.
Itinaas niya ang dinner knife na hawak at inipit iyon sa gitna ng kulay asul na wire at saka mabilis na ginamit ang talim niyon upang putulin ang wire.
Napahinga nang malalim si Leopold nang huminto ang timer ng bomba.
Ngunit agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang muling gumalaw ang orasan at sa pagkakataong ito ay mas bumilis pa ang pagbawas nito sa oras na nalalabi.
“Shit!” pagmumura ni Leopold sa sarili.
Pakiramdam ni Leopold ng mga sandaling iyon ay biglaang huminto ang pag-ikot ng mundo. Itinatanong niya sa kaniyang sarili kung ito na ba ang katapusan ng buhay niya.Muling nanumbalik sa kaniya ang eksena kung saan unti-unting nauubos ang team members niya sa Palestina.
Matapos nilang tamaan ng bala ay muli silang bumangon mula sa pagkakahimlay at isinisisi sa kaniya ang wala sa oras nilang pagkamatay.
Pero sa kabila ng kadilimang nakikita ng kaniyang mga mata ng mga sandaling iyon ay isang liwanag ang humila sa kaniya palayo sa kalungkutan at kalugmukan.
Ang nakangiting imahe ng kaniyang anak na si Lia ang umakay sa kaniya upang pansamantalang malampasan ang masalimuot na pangyayaring ito sa kaniyang buhay.
Bumalik sa kaniyang sarili ang binata nang maalala na naghihintay sa kanilang tahanan ang kaniyang anak.
Mabilis na gumalaw ang kaniyang mga kamay at pinutol ang kulay pulang wire na siyang una niyang nakita mula nang sandaling manumbalik ang kaniyang katinuan.
Nanginginig ang kalamnan na napahinga ng malalim si Leopold. Nanghihina siyang napaupo sa pinakamalapit na upuan. Maya-maya lang ay narinig na niya sirena ng mga pulis. Indikasyon na dumating na sa lugar ang mga ito.
Wala sa sariling tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo si Leopold at lumabas sa gymnasium. Tinungo niya ang kaniyang sasakyan, sinusian ito at mabilis na pinasibad.
HANGGANG sa makarating sa kanilang tahanan si Leopold ay tila ba wala pa rin siya sa kaniyang sarili.Nanumbalik ang lahat ng sakit at guilt nang mamatay ang lahat sa team niya seven years ago.Pakiramdam niya kahapon lamang nangyari ang lahat ng iyon. Ang bawat putok ng baril na kaniyang naririnig habang siya ay nasa gitna ng laban noon ang siyang umaalingawngaw sa kaniyang pandinig ngayon.Ang bawat pagtangis at sigaw ng mga inosentang mamamayan na naipit sa gitna ng isang nakamamatay na laban ang siyang nananariwa sa kaniyang isipan ng mga sandaling iyon.Kalahating oras na ring nasa loob lamang ng kaniyang sasakyan si Leopold. Hindi niya magawang bumaba mula roon dahil pakiramdam niya ay kaagad siyang hihilain patungo sa kailaliman ng lupa ng kaniyang mga namayapang kasama.Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa manibela at mahigpit na piniga iyon.Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Kasabay nang pag-alpas ng mga luhang pilit niyang p
KAHIT pa late na nakatulog si Leopold kagabi matapos niyang mag stroll at tumambay sandali sa isang tulay ‘di kalayuan sa kanila ay maaga pa ring nagising ang binata. Kinakailangan niya pa kasing mag handa ng almusal bago pa magising si Lia at si Raymund. Kumuha siya ng walong piraso ng itlog mula sa egg shelf sa ref at nagsimulang batihin iyon. Napaangat ang sulok ng labi niya nang manumbalik sa kaniyang ala-ala ang weird na babaeng umiiyak sa tulay kagabi. Base na rin sa pagkakasigaw at pagtangis nito ay pihado siyang mayroon itong mabigat na problemang dinadala. Dahil may kadiliman na rin kagabi ay hindi na niya masiyado pang naaninag ang mukha ng dalaga ngunit sigurado siyang maganda ito base na rin sa matangos na ilong at may kanipisang hubog ng mukha nito. Pero hindi niya gustong ma-involved sa isang problematic na babaeng katulad ng babae sa tulay kagabi. Isa pa hindi pa rin naman naaalis sa puso niya ang pinakaunang babae na inibig niya ng lub
MAAGANG gumising kinabukasan si Leopold. Tutal sabado naman at walang pasok sa eskwela si Lia ay itutuloy na niya ang plano niya nang nagdaang gabi.Maaga siyang naligo at naghanda ng almusal. Inihanda na rin niya ang susuoting damit ni Lia para sa araw na iyon. Ibinilin na lamang niya kay Harmony ang Lia’s gourmet at ipinaalam niya na rin sa lalaki na hindi muna siya magtutungo dito sa araw na iyon.Nang matapos lutuin ang paboritong almusal na at maihain ito sa hapag ay agad na inalis ni Leopold ang suot na apron at nagtungo na sa silid ng bata upang gisingin ito.“Lia? Gising na anak, aalis tayo mamaya,” bulong ni Leopold sa bata kasabay nang mahinay na pagyugyog dito.Papungas-pungas na bumangon si Lia.“Saan po tayo pupunta?”“Secret! Huwag ka na lang mag tanong para surprise kung saan man tayo magpupunta ngayon, okay?”Tumango lang si Lia sa kaniyang ama at agad na nagpakarga rito. Nakan
BASANG-BASA dahil sa ulan si Leopold nang makabalik siya sa kanilang sasakyan.Kanina pa sana sila nakaalis sa cemetery kung hindi lamang naiwan ni Lia ang stuffed toy niya sa puntod ng kaniyang ama.“Daddy are why you wet? Where’s your umbrella?” nagtatakang tanong ni Lia sa binata.Ngumiti naman siya rito. “I gave it to someone who needs it the most.”Hindi naman na nag salita pa ang bata. Binuhay na ni Leopold ang makina ng sasakyan at pinasibad ito palayo sa lugar. Dahil sa malakas na ulan ay tumigil muna sila sa isang sikat na fast food restaurant sa bansa. Ang maligayang bubuyog.“Gusto mo ba ng fried chicken, Lia?” tanong ni Leopold sa anak.“Yes po. Pati po Ice cream,” sagot naman ni Lia.Nakangiting tumango naman ang binata sa anak. Matapos makuha ang order sa counter ay kaagad din naman silang nakakita ng mauupuan. Maganang nilalantakan ni Lia ang kaniyang mga pagkain nan
SUNOD-SUNOD na pagkatok sa pinto ang nakapagpamulat kay Leopold isang hapon.Naniningkit pa ang mga matang bumangon ang lalaki para alamin kung sino ang hindi niya inaasahang bisita.Napakunot ang noo ni Leopold nang mabungaran ang tatlong unipormadong pulis ang nakatayo sa pinto.“Good afternoon officers, how can I help you?” saad ni Leopold habang sinisipat ang paligid kung mayroon bang nagaganap na kakaiba.Bumalik ang atensyon niya sa tatlong lalaki nang mag salita ang isa sa mga ito.“Good afternoon. Kayo ba si Mr. Leopold Rodriguez?”“Oo, ako nga. Bakit?”“Gusto ‘ho sana namin kayong imbitahan sa istasyon para makuha ang inyong panig tungkol sa pagkamatay ni Mr. Crisostomo Almeda,” sagot ng isa sa mga pulis.Hindi naman na nag salita pa si Leopold batid kasi niya na isa siya sa mga suspect sa krimen dahil naroon siya sa pagtitipon nang maganap ito.“Can I
KASALUKUYANG hindi makatingin sa mga mata ng kaniyang tiyuhin si Leopold. Pakiramdam niya ay batid na niya ang maaaring sabihin nito sa kaniya.Simula kasi noong mag bitiw siya sa serbisyo anim na taon na rin ang nakararaan ay madalang na lamang silang magkita nito.Iniiwasan kasi niya na magpakita rito sapagkat palagi lamang siya nitong pinipilit na bumalik mula sa serbisyo.“Ilang taon tayong hindi nag kita pagkatapos ay malalaman ko lang na nakakulong ka rito, Leo?”Hindi kaagad na nakasagot ang binata. Napasimangot naman ang nakatatandang Rodriguez dahil dito. “What now? Are you practicing yourrights of silence?”“I-its not what you think, sir. I didn’t harm anyone let alone kill them. This is all a misunderstanding,” paliwanag niya sa tiyuhin.“I know. I’m not here to blame you but to bail you out.”“You don’t have to do that, sir.”&ldqu
DAHIL sa lead na nakuha ni Leopold ay kaagad siyang nagsagawa ng background check sa mga empleyadong napag-alaman niyang nagkaroon ng problema sa kumpanya.Nagulat pa siya nang makita ang isang pamilyar na pangalan sa listahan. Arman Chavez. Isa sa mga naging kaklase nila noong sila ay nasa High school pa lamang.Kilala niya ang lalaki. Mabuti itong tao, ngunit katulad niya ay salat din sa pera ang pamilya nito kaya naman ay kasama niya ito na palaging binubully ng grupo nina Crisostomo noong araw.Kung noon ay paloko-loko lamang ang mga masasamang ginagawa ni Crisostomo rito ay iba na ito ngayon.Kasama si Arman sa mga na lay-off na empleyado ng Almeda Electric Corporation.Kagyat niyang kinuha ang address ng dating kaibigan at mabilis na pinasibad ang sasakyan patungo sa kasalukuyang tinitirihan ng lalaki.Nang marating niya ang lugar ay sinubukan niyang hanapin ang dating kaibigan dito ngunit makailang beses na rin siyang nabigo.M
LEOPOLD tried to calm him down but to no avail. Arman continued on attacking him. Driven by something Leopold do not know. But due to the man’s aggression, Leopold had confirmed his hunch that it was Arman who murdered Crisostomo Almeda.Nag hintay nang opening si Leopold sa mga ginagawang pag-atake ni Arman.Nang muli nitong i-angat ang kaniyang patalim ay sinamantala naman iyon ni Leopold at ibinato ang tasang nahawakan niya sa kamay ng lalaki.Naging dahilan ito upang mabitiwan ng lalaki ang patalim.Nagpakawala naman ng isang napakalakas na suntok si Leopold na kumonekta sa panga ni Arman.Napaigtad ito at bumalandra sa lupa.Nahihilo pang tumayo si Arman pero hindi na hinayaan pa ni Leopold na tuluyang makabawi ito kaya agad niyang tinalunan ang lalaki dahilan upang magkabasag-basag ang mga kagamitan sa paligid.Tatayo na sana si Leopold upang itali ang mga kamay ni Arman nang bigla itong pumiksi at suntukin siya sa mukha, pa