Share

Chapter 9- LIA'S SECRET

KAHIT pa late na nakatulog si Leopold kagabi matapos niyang mag stroll at tumambay sandali sa isang tulay ‘di kalayuan sa kanila ay maaga pa ring nagising ang binata.

Kinakailangan niya pa kasing mag handa ng almusal bago pa magising si Lia at si Raymund. Kumuha siya ng walong piraso ng itlog mula sa egg shelf sa ref at nagsimulang batihin iyon.

Napaangat ang sulok ng labi niya nang manumbalik sa kaniyang ala-ala ang weird na babaeng umiiyak sa tulay kagabi. Base na rin sa pagkakasigaw at pagtangis nito ay pihado siyang mayroon itong mabigat na problemang dinadala.

Dahil may kadiliman na rin kagabi ay hindi na niya masiyado pang naaninag ang mukha ng dalaga ngunit sigurado siyang maganda ito base na rin sa matangos na ilong at may kanipisang hubog ng mukha nito.

Pero hindi niya gustong ma-involved sa isang problematic na babaeng katulad ng babae sa tulay kagabi. Isa pa hindi pa rin naman naaalis sa puso niya ang pinakaunang babae na inibig niya ng lubos.

Nanumbalik lamang siya sa katinuan nang magbukas ang pintuan ng kaniyang silid. Papungas-pungas na lumabas doon si Raymund. 

“Morning,” bati sa kaniya ng binata.

Dumiretso ito sa ref at inilabas ang orange juice na naroroon. Kumuha siya ng tatlong baso at ipinatong sa mga glass mat na nasa table.

“Morning,” tugon naman ni Leopold sa pinsan.

“What’s for breakfast?”

“Omelet and beef tapa. ‘yan lang ang meron ako sa ref. There’s a spam as well, perhaps you want that for breakfast?”

“No, Tapa’s okay.”

Tumango na lamang si Leopold. Tahimik naman na naghintay sa mesa si Raymund habang nag ba-browse sa kaniyang telepono. Napatayo ito nang makita ang headline sa balita nang araw na iyon.

Dali-dali siyang lumapit sa abalang si Leopold at itinapat sa mukha nito ang kaniyang telepono.

“Look! Dito ka nagpunta kagabi ‘di ba?” tanong ni Raymund na ang tinutukoy ang eskwelahan kung saan siya nagtungo kagabi.

“Yeah, and so?” kibit-balikat na sagot naman ni Leopold.

“And so? Are you kidding me? May bombing incident na nangyari habang naroon ka, how come you’re still alive?”

“Sa tono nang pananalita mo parang hindi ka masaya na nakauwi ako nang ligtas ha? And besides ako ang nag defuse ng bomba kaya hindi namatay ‘yang mga matatapobreng nilalang na ‘yan.”

Napaawang naman ang labi ni Raymund sa narinig. Dahan-dahan itong napapalakpak dahil sa paghanga sa kaniyang pinsan.

“Wow! Even though you’re not in the service anymore, you’re still saving lives. That’s my cousin!”

“Shut up,” nangingiting saway ni Leopold sa pinsan.

“But wait, sabi sa balita may namatay raw ah? Crisostomo Almeda was the name. He sounds familiar.”

Nanlaki ang mata ni Leopold nang maalalaang lalaking binanggit nito. Dali-dali niyang hinablot ang telepono ng lalaki at binasa ang content ng balita.

Ayon sa balita ay hindi pa raw malinaw ang motibo sa pamamaslang. Ngunit ayon sa pulisya ay mayroon na silang lead sa kung sino ang maaaring may kagagawan nang karumal-dumal na krimen.

Ibinalik niya ang telepono ni Raymund. Hindi siya makapaniwala na nawala sa isipan niya ang naganap kay Crisostomo kagabi. ‘Di nagtagal ay may naamoy sila ni Raymund na para bang nasusunog.

Magkasabay pa silang suminghot-singhot sa hangin habang tinutunton ang pinanggagalingan ng amoy. Nagimbal ang dalawang kalalakihan nang makita nila ang cremated na omelet. 

Napatalon si Leopold dahil sa pagmamadali upang hanguin ito sa pan. Kahabag-habag ang sinapit ng itlog. Ang kaninang kulay dilaw na lutuin ay naging kulay itim.

Napasimangot si Raymund sa kaniyang pinsan. Ang inaasahan niyang omelet with tapa ay naging tapa na lang. “Just toss it out, Kuya. Even wild dogs won’t eat that cremated piece of shit.”

Maya-maya lamang ay nagising na rin si Lia.

Magiliw niyang binati ang mag pinsan na sinuklian din naman ng mainit na pag bati ng mga ito. Ipinaghanda muna ni Leopold nang pampaligo si Lia habang naghahain naman sa hapag si Raymund.

Nang matapos makapaligo ni Lia ay binihisan na siya ni Leopold at sabay na dumulog na sa hapag-kainan. Inabutan naman nilang naghihintay sa kanila roon si Raymund.

Masaya silang nag-almusal. Napuno ng tawanan at biruan ang kanilang paligid.

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na rin si Raymund upang umuwi sa kaniyang sariling bahay at bumalik na sa Lia’s gourmet sa Tagaytay.

Habang ang mag-ama naman ay nagtungo na sa eskwelahan ni Lia. Bago bumaba sa sasakyan ang paslit ay muli siyang pinaalalahanan ni Leopold.

“What are the rules again, baby?”

“Do not talk to stranger.”

“What would you do if there are bad people trying to take you?”

“Shout for help.”

“Okay, good!”

Hinalikan ni Leopold sa noo ang anak at hinintay na makapasok ito sa loob ng paaralan. Kapansin-pansin naman ang pag-iiba ng aura ng bata. Kung kanina ay halos umabot na sa tainga ang ngiti nito ngayon ay para bang ayaw na nitong pumasok sa eskwelahan.

Hindi na lamang ito pinansin ng binata at tuluyan na ngang pinasibad ang sasakyan. Habang nasa kahabaan ng kalsada ay tumunog ang kaniyang telepono.

KINABUKASAN, nagtataka si Lia dahil ‘tulad niya ay bumaba rin mula sa sasakyan ang kaniyang ama. Napansin naman ito ni Leopold kaya naman ay nginitian niya ito.

“I’m going to talk with your teacher Daisy, baby. May itatanong lang ako sa kaniya.”

Hindi naman na nag salita ang bata. Tumango lamang ito at saka humalik sa pisngi ng binata at nag lakad na patungo sa silid-aralan nito. Si Leopold naman ay nagtungo sa opisina ng principal kung saan siya hinihintay ni Daisy. Ang class adviser ni Lia sa paaralan.

Mainit siyang tinanggap ng mga ito. Pinaupo sa upuan at hinainan ng makakain bago nila simulan ang kanilang talakayan.

“Ipagpaumanhin mo Mr. Rodriguez kung naging biglaan ang pagpapatawag namin sa iyo rito.”

“No. it’s okay. Bakit po pala ninyo ako ipinatawag rito. Is there any problem regarding my daughter?” pagtatanong ng lalaki kahit pa may hinuha na siya kung patungkol saan ang meeting na ‘to ngayon.

Nagkatinginan ang principal na si Mrs. Ledesma pati na rin si Teacher Daisy. At base sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha ay tama nga ang hinuha ni Leopold. Patungkol ito sa cold treatment ng mga kaklase ni Lia sa kaniya.

“This is about the cold treatment of other kids to my Lia, right? Alam ko na ang lahat patungkol sa bagay na iyan at wala tayong magagawa kung hindi ang unawain na lamang na hindi lahat ng bata ay magkakatulad. Even though they were kids, they all have their own preference when it comes to choosing their friends.”

Tumango kay Leopold si Mrs. Ledesma.

Hindi naman umimik si Teacher Daisy na ipinagtaka naman ng binata.

“May problema po ba sa sinabi ko Teacher Daisy?”

Pilit namang inalis ng babae ang bikig sa kaniyang lalamunan na makikita sa mga mata ang pag-aalala. Ilang sandali lamang ay nag salita na rin ang babae.

“This is not just about Lia not having friends, Mr. Rodriguez. We have a much bigger problem,” anas ni Teacher Daisy.

Napakunot-noo naman si Leopold dahil sa narinig. May mas malaki pang problema kaysa sa cold treatment na natatanggap ng anak sa eskwela?

“And that is?”

“Your daughter is a victim of bullying.”

Makikita naman sa anyo ni Leopold ang pagkabigla at pagkalito. Hindi lamang pala cold treatment ang natatanggap ng kaniyang anak mula sa mga kaklase nito. Binubully din pala ng mga kaklase nito ang kaniyang unica hija.

Napatiim-bagang si Leopold sa isiping sinasarili lamang ni Lia ang lahat ng ito habang siya na tumatayong ama nito ay wala man lang kaalam-alam sa mga nagaganap dito.

“What’s their reason? Bakit nila binubully si Lia?”

Muling napalunok si Teacher Daisy bago nag salita. “B-because of not having a mother.”

“And you’re not doing anything for my daughter? You’re her teacher, right?”

Nabigla si Mrs. Ledesma at Teacher Daisy sa biglaang pag-iiba ng tono ni Leopold. Kinilabutan din sila sa biglaang pagdidilim ng anyo nito na para bang isa itong gutom na leon na aatakihin ang kaawa-awang biktima nito.

Napuno ng galit at pighati ang kaniyang dibdib. Galit para sa mga umaalipusta sa kaniyang anak at pighati para kay Lia na siyang direktang naapektuhan ng lahat ng ito. 

“I’m sorry, Mr. Rodriguez. Huli na nang malaman ko ito. Maging si Lia ay hindi rin nagsasabi sa akin sa mga nagaganap. Ang akala ko ay maayos ang lahat at tanging cold treatment lang ang natatanggap niya mula sa mga kaklase niya pero mali pala ako. I’m truly sorry, sir!”

Natauhan naman si Leopold at mabilis na bumalik sa normal ang madilim niyang wangis. Humingi siya ng paumanhin sa dalawang kaharap dahil sa hindi niya magandang inasal.

“It’s all good, Mr. Rodriguez. We deeply understand you. We promise to take actions to what have had conspired.”

Hindi naman na nag salita pa si Leopold. Tumayo na ito mula sa kinauupuan at nagpaalam sa mga guro ni Lia. Tahimik niyang tinatalunton ang kahabaan ng kalsada habang iminamaneho ang sasakyan.

Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa allotted parking area ng isang convenience store na nakita niya. Pumasok siya sa loob.

Natulala naman sa kaniya ang empleyado nang nasabing convenience store. Tila ba nakakita ito ng diyos na nagmula pa sa bundok ng Olympus.

Bahagya niya itong nginitian dahilan upang pamulahan ng mukha ang babae.

Pinapungay pa nito ang mga mata upang maging kaakit-akit sa paningin ni Leopold ngunit hindi na ito pinagtutuunan pa ng pansin ng binata.

“Miss? Can I have that?” Pagkuha niya sa atensyon ng empleyado na kasalukuyang nagpapa-cute sa kaniya habang itinuturo niya rito ang chocolate at vanilla swirl poster.

“A-ah…sige po sir!” tarantang tugon naman ng babae.

Pinanood ni Leopold ang ginawang paghahanda ng babae para sa ice cream na nais niyang kainin ng mga sandaling iyon. Sorbetes talaga ang nakakapagpakalma sa kaniya sa tuwing nabubulabog ang kaniyang isipan at damdamin.

At higit pa sa sapat na dahilan upang kailanganin niyang kumain ng sorbetes ang mga nalaman niya patungkol sa school life ng anak. Nang maibigay na sa kaniya ng kahera ang order na sorbetes at matapos makapagbayad ay lumabas na siya sa establisyemento.

Naupo siya sa kahoy na bangkitong nakalaan para sa mga customers ng convenience store. Nang mga sandaling iyon ay napapaisip si Leopold kung nagagampanan nga ba niya ang papel ng isang ama sa buhay ni Lia.

Pakiramdam niya ay hindi niya nagagawa ang mga bagay na dapat ay nagagawa ng isang ama. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat ng mga nangyayari ngayon kay Lia.

Kung sana ay nagkaroon lamang siya ng isang taong matatawag na ama noong kabataan niya, malamang ay alam niya ngayon kung ano ba ang dapat na ginagawa niya para kay Lia.

Ngunit kahit pa hindi na niya nakilala at nakasama pa ang kaniyang ama ay hindi naman nagkulang sa pag-aaruga sa batang Leopold ang kaniyang ina. 

Kung kaya naman ay kahit na hindi siya ang tunay na ama ni Lia ay minamahal pa rin niya ito at patuloy na ipinararamdam dito ang pagmamahal na karapat-dapat nitong maramdaman.

Habang lumilipad ang kaniyang isipan at ninanamnan ang malamig na sorbetes na siyang tumutulong upang mapakalma niya ang kaniyang sarili ay dumako ang mga mata ni Leopold sa ilalim ng isang puno sa gilid ng kalsada.

Mabilis na tumayo si Leopold at bumalik sa loob ng convenience store. Makalipas lamang ang ilang minuto ay muli nang lumabas mula rito ang binata. Bitbit ang isang plastic bag na naglalaman ng mga ready to eat food.

Lumapit siya sa dalawang batang nasa ilalim ng puno. Sigurado siyang magkapatid ang mga ito base na rin sa ginagawang pag-aasikaso ng nakatatandang kapatid na sa palagay niya ay nasa walong-taong gulang pa lamang sa isang apat na taong gulang na bata.

“Hi?” bati ni Leopold sa mga ito.

Agad na nagkubli sa likuran ng mas nakatatandang kapatid ang mas nakababata rito. Bagama’t mababanaag sa mukha ng nakatatandang kapatid ang takot ay pilit pa rin nitong nilakasan ang loob para sa kapatid.

“Huwag kayong matakot sa akin, hindi ako masamang tao.”

“A-ano po ang kailangan ninyo sa amin?”

“Kumain na ba kayo?”

Malungkot na umiling ang nakatatandang kapatid at napayuko. “H-hindi pa po sir.”

Hindi nga nagkamali si Leopold. Hindi pa nga naghahapunan ang mga ito.

“Kagabi pa po kami hindi kumakain.” Nahihiyang pag-amin ng bata.

Nanlaki naman ang mga mata ni Leopold sa narinig. Batid niya na hindi pa naghahapunan ang mga ito ngunit hindi niya inaasahan na dalawang hapunan na pala ang lumilipas mula nang huling makakain ang mga batang ito.

Dali-dali niyang kinuha sa dalang plastic ang dalawang sisig with rice meal at iniabot sa mga bata. Nagdadalawang isip man sa tunay na motibo ng estrangherong lalaki sa kanilang harapan ang mga bata ay agad na kinuha rin nila ang mga pagkaing iniaabot nito.

Napangiti naman si Leopold nang makita niya kung paanong alagaan ng nakatatanda ang nakababata niyang kapatid. Sunod-sunod kasi niyang sinusubuan ito.

“Bakit hindi ka kumakain? Hindi mo ba gusto ang pagkain?” Nagtatakang tanong ni Leopold.

“Naku sir, hindi po sa ganoon! Napakasarap po ng pagkain na ito at ngayon lamang kami nakatikim nito,” sagot ng bata.

“Oh, iyon naman pala eh. Bakit hindi mo sabayan sa pagkain ang kapatid mo? Dalawa naman ang meal na ibinigay ko sa inyo?” muling tanong pa ng binata.

“Ah…ano kasi sir…para bukas na lang po sana namin ‘yung isa. Baka po kasi hindi ako ulit makapanlimos bukas at wala akong maipambili ng pagkain namin.”

“Sandali lang ha? Babalik ako.”

Labis ang pagkahabag ni Leopold sa bata. Para sa kaniya ay hindi talaga patas ang mundo. At ang dapat sisihin dito ay ang lipunan na kanilang ginagalawan.

Marami kasi sa atin ang magaling lang sa salita pero kulang sa gawa. Halimbawa na lamang ay ang mga tao na kung tawagin ang mga sarili ay pro-life. 

Labis ang galit nila sa tuwing maririnig ang salitang abortion. Ipinangangalandakan nila na pinahahalagahan nila ang buhay ng mga hindi pa naisisilang na sanggol. 

Subalit wala silang pakialam sa mga batang nailuwal na sa mundo at dumadanas nang paghihirap. Sa halip na tulungan ang mga batang palaboy-laboy sa lansangan habang kumakalam ang mga sikmura ay mas binibigyan pa nila ng atensyon ang mga suliranin na hindi na dapat pang ituring na suliranin ng madla.

Kung ang lahat ba naman ng mga pro-lifer na ito ay magkakaisa upang tulungan ang mga batang lansangan ay siguradong wala ng mga batang magugutom pa katulad ng mga batang tinutulungan ngayon ni Leopold.

“Heto, kainin ninyo ito bukas ng kapatid mo.”

Nagpapasalamat na tinanggap naman ng bata ang dalawang supot pa na iniabot ng binata. Binigyan pa ni Leopold ito ng limang-daang piso upang mayroon silang maipambili nang makakain sa sandaling maubos na ang mga ibinigay niya.

Isang genuine smile lamang ang kayang ibigay sa kaniya ng magkapatid ngunit sapat na iyon upang maging kapalit ng mga pagkaing ibingay niya sa mga ito.

Nagpaalam na siya sa mga bata at tinungo ang kaniyang sasakyan. Bukas na bukas din ay ilalabas niya si Lia upang makalimutan nito ang mga hindi magagandang pangyayari sa eskwelehan nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status