Share

Chapter Four

Nagising ako na sobrang ingay ng paligid. Halos mapamura ako nang maramdaman ko ang busal na panyo sa bibig ko. Seriously? Kailangan ba kapag may kidnap scene talagang required and busal and piring sa mata? Maiintinidihan ko pa yung piring sa Mata pero yung busal? Nakakadiri ! Nalalasahan ko yung tela, hindi ko pa sure kung malinis ba to o hindi.

"Hoy Vennon, Saan ba natin idi-dilever to?" Idi-diliver? Anong akala mo saakin package? Gusto kong sigawan kung sino yun pero bukod sa may busal ako ay hindi ko rin sila makita.

"Malamang kay Boss." sagot naman nung tinanong niya, Ayun ata yung tinawag niyang Vennon kanina.

"I'm hungry."

"Wala ng bago don."

Nakarinig ako ng ilang kalampag na sa tingin ko dahil sa bagay na binabato nila? Hindi ko sigurado. Nagulat ako ng may mapasigaw na isa sakanila. Kahit ako ay biglang napakapit' dahil bigla nalang gumewang ang sasakyan. Mga abno' na to balak pa ata akong patayin agad? Kapag kami nabangg!

"Kapag tayo nabangga!" sigaw nang isa sakanila na tingin ko ay ang nagmamaneho. Nakahinga ako ng maluwag ng umayos na ang biyahe at sa wakas ang tumahimik na sila.

"We're here." Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Maya-maya lang ay hawak nanaman nila ang magkabilang braso ko. Hindi naman masakit yung hawak nila saakin, they're gentle for a kidnappers pero Naiirita parin ako kaya sa oras na makawala ako rito, Syempre! Uuwi na ko. Ayoko namang magsayang ng oras para makipag-away sakanila, as if namang makalaban din ako?

"Sit." Aso? Namumuro na tong mga to ah' kanina para akong parcel kung makatanong sila kung saan ako idi-diliver, ngayon naman kung utusan ako para akong Aso?

Pero, nawala yung inis ko nung makaupo na ako. Infairness ang lambot ng upuan ah' ang inaasahan ko pa naman na upuan eh yung kahoy na katulad kay Sanchai sa Meteor Garden. Pero eto pang Royalty ang datingan. High Class naman pala itong mga kidnappers ko.

"Wala pa si Boss?"

"May nakikita ka?"

"Ulul ka Pre. Kanina ka pa."

"Kanina pa kalikot ng kalikot sa Cellphone, Feeling may Jowa."

"Meron naman talaga."

"Wala to' Lumalaking sinungaling tong atabs ni Boss!"

"Oh tingnan niyo pa, maglaway kayo sa inggit."

Naririndi na ako sa boses nila. Bakit ang iingay nila? Lalong kumikirot ulo ko sa mga boses nilang ang lalakas at pare-parehong ang lalalim.

Kailan kaya nila maiisipang tanggalin itong busal ko no? Naglalaway na ako eh' kadiri na kasi talaga. Kahit huwag na yung sa Mata dahil ayoko rin namang makita mga mukha nila.

Maya-maya tumahimik na sila, nataranta naman ako nang maalala ko sila Klyde. Paano ko pala sila masusundo kung nandito parin ako? Anong oras na ba? Napaungol ako ng maramdaman ko ang hilo. Nakarinig ako nang yapak papalapit saakin.

Naramdaman ko ang maingat na pagkalas ng piring at busal saakin. Nasilaw pa ako saglit sa biglaang liwanag, Inilibot ko ang medyo may kalabuan pang paningin ko sa buong lugar. Halos mapanganga ako nang luminaw ang paningin ko at makita ang itsura ng Paligid.

Mansion na pala ang hideout ng mga kidnappers ngayon? Grabe. Wala akong masabi sa lugar. Napalingon ako sa direksiyon nila nang maramdaman ko ang pare-parehong titig nila saakin. Nakita ko pang may hawak na hita ng manok yung isa habang may subo-subo pang isa. Siba'

Nailang naman ako don sa isa pa na nakatingin lang talaga saakin. Nag-iwas ako sakaniya ng tingin at bumaling sa gilid ko kung saan nakita ko naman ang isa sakanila na tutok na tutok sa cellphone niya.

Bukod sa lugar ay hindi ako makapaniwala na ganito na kapo-pogi ang mga kidnapper ngayon. Napabuga ako ng hangin at nag-isip ng paraan kung paano ba ako makakatakas. Kahit pogi sila, kailangan ko paring makaalis dito.

Napalingon ako sa lalaking nagsi-cellphone. Wait- parang pamilyar aakin ang mukha niya. Nilingon ko rin yung dalawa sa kabila at tinitigan sila' nanilabanan rin nila ng titig, para tuloy kaming timang na nagtiti-tigan.

Pero, saan ko nga ba sila nakit-

"KAYO!" Tama. Sila yung kaibigan nung bakulaw sa cafeteria nung isang araw. Dinapuan agad akoi ng kaba at takot ng maalala ang sinabi ni Rea. He's a Mafia Lord, So may posibilidad na kaya ako nandito ay inutos niya?

Anong balak niya? Gagantihan niya ba ako? Para lang sa Polo? Hindi! Hindi ako dapat magpasindak sa mga unggoy na to. Humanda talaga saakin yung Bakulaw nilang Boss kapag nagkita kami! Napatingin ako sa malaking orasan na naka-kabit sa ding-ding, nanlaki ang mata ko nang makitang isang oras nalang ay labasan na n kambal.

"Hoy Mga Unggoy! Anong oras niyo ko balak ibalik sa Pinanggalingan ko?" napakapit pa ako sa upuan nang mahilo ako dahil sa biglaang pagtayo. Pinisl ko ang mata ko animo' kaya nong bawasan ang sakit.

"Relax, Ibabalik karin namin." sabi nung may hawak na phone.

"Yeah, So sit there and be quite. I'll get you chicken, you want?" tanong naman nung masiba' umiling ako, hindi ako gutom. At malay ko ba kung bigla nalang nila akong lasunin.

Kailangan ko na talagang makaalis dito. Baka mag-alala yung mga kapatid ko at nag-aalala rin ako na baka pilitin nilang umuwi na sila lang. The road is nt safe for kids.

"Hello? Yeah. Copy Boss."

Napatingin ako doon sa kanina pa tahimik na lalaki nang magsalita siya bigla. May kausap siya sa phone, nakikipag-usap habang ang mga mata ay nasa direksiyon ko. Is that their Boss?

Nataranta ako nang bigla silang lahat magtayuan at maglakad paalis.

"Oy. Saan kayo pupunta? Iiwan niyo ako dito?" sigaw ko habang nakatingin sakanila. Humarap saakin yung masiba'

"Just wait Mrs. Wight parating na asawa mo." binatukan siya nung laging tahimik. Mrs?

"What do you mean?" tanong ko pa pero hindi parin sila nag-abalang sagutin ang tanong ko.

Nakaalis na sila at nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo at ininda ang pag-lala ng pag-ikot ng paningin ko. Akala ko isa sa mga umalis ang bumalik nang bumukas ang pinto, napatayo ako nang makita si Bakulaw.

"Hoy- Ugh!" bago pa ako tuluyang matumba may malalaking braso na ang sumalo sa katawan ko.

" Shit. Are you okay? Did they hurt you?" puno ng takot at pag-aalala ang bises niya na isinantabi ko at pilit siyang itinutulak palayo.

"What do ypu wan from me ha?" paos na paos ang boses ko at pakiramdam ko anytime ay mahihimatay nanaman ako. Napapikit ako nang ilapat niya ang malaki niyang palad sa noo ko at damhin yon. Narinig ko ang pagmumura niya'

"You're so hot."

"I know...Ouch!" napahawak ako sa ilong ko na kakapitik niya palang. Hindi naman talaga masakit nagulat lang ako.

"I mean, literally hot. You're sick." tumango ako.

Napahawak ako sa braso niya para maging suporta ng nanghihina kong katawan. I need to go' kailangan ko pang sunduin ang mga kapatid ko.

"You need to rest" He said. Umiling ako.

"Kailangan kong sunduin ang mga kapatid ko sa school. So, Pwede bang s ibang araw mo nalang ako gantihan?." nanghihinang tanong ko, I heard him gasp at iritang bumuntong hininga.

Maayos na akong nagtanong sakaniya, wala narin akong lakas para makipag-bangayan pa sakaniya. Nagtaka ako nang abutan iya ako ng Phone.

"Gagawin ko diyan?"

"Tsk. Call them. Tell them na ako ang susunndo sakanila."

"Pero- Kyaa! What the hell... Let me down." walang kahirap-hirap niyang binuhat ang katawan ko paakyat ng hagdan, nakita ko ang hilera ng malalaking pinto na sa palagay' ko ay mga kwarto.

"This is My Room." Binuksan niya ang pinto. Bumungad saakin ang kulay abong kama at itim na disenyo ng pader. Masyadong simple para sa rich kid na gaya niya.

Inihiga niya ako sa kama at iniabot muli ang phone niya. Wala ako ng nagawa kundi tawagan ang Number ng teacher nila Kade at Klyde. Habang hinihintay kong sagutin ang kabilang linya, muli ko nanamang naramdaman ang kamay niya sa noo ko. Napailing siya at bigla nalang lumabas ng kwarto. Tatawagin ko pa sana siya para itanong kung saan siya pupumta nang may sumagot na sa linya'

"Yes? Hello?"

"Ma'am, This is Keight Humiltn. Guardian nina Klyde and Kade. Pwede ko po ba silang makausap? Kahit isa lang po sa kambal. Hindi ko po kasi sila masusundo ng personal kaya may papapuntahin po akong ibang susundo sakanila, I just want to inform them." hiningal pa ako pagkatapos ko magsalita. Ang haba non ah'

["Okay. Kade! Kade Humilton come here, gusto ka makausap ng Ate mo.-- Hello? Ate?"]

"Hello Kade? Listen, Hindi ko kayo masusundo ni Klyde ngayon. May kaibigan akong napakiusapan kong sumundo sainyo."

["Ate Rea?" ]

"No. It's a Guy. He's my f-friend." alangin ko pang sabi, It's weird to called that bakulaw friend, hindi pa kami ayos. Napaubo ako bigla.

["Are you sick?"]

"No. I'm fine."

["Yeah right. Just Rest Ate, Don't worry about me and Klyde, See you later." ]

Pinatay ko na ang tawag matapos ulitin ang bilin ko sakaniya. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Duke na may hawak na ngayong Tray na may pagkain at gamot."

"Here. Eat all of this, after that take this med and then sleep. Okay?"

"Got it, Dad."

"Tss. Answer me."

"Opo na po."

"Good. See you later." hinampas ko ang kamay niya ng I-pat niya na parang bata ang ulo ko. Maangas lang siyang ngumisi bago lumabas ng kwarto.

Sinimulan kong kainin yung pagkain na dinala niya, kahit wala akong panlasa ay pinilit ko yung inubos. Baka mamaya ay magalit si Dad. Ininom ko ang gamot at maya-maya'y nakatulog narin nang mapalagay na ang loob ko dahil alam kong may susundo na sa dalawa.

Hindi ko alam pero walang kaba sa dibdib ko gayo'ng hindi ko pa naman lubos kilala si Duke para ipagkatiwala ang mga kapatid ko. Dahil ba wala lang akong choice? O dahil palagay ang loob ko sakaniya? I feel safe and secured with his company and that's already enoug for me to trust him.

"Ayos lang siya Kade?"

"Yeah, It's just a fever Klyde. So keep quite, she need a rest."

"Pero kanina pa siya tulog."

"Boys. Come here let's eat."

"OKAY!"

"Don't shout Klyde."

"Oopss."

Nagising ako at hinanap ang ingay na narinig ko pero pagmulat ko nang mata ay wala na sila, siguro ay lumabas na. Boses nila Kade at Klyde yon' tumayo ako at maingat na lumabas ng kwarto para hanapin sila.

Medyo nakakatakot yung hallway bago makaabot ng hagdan, sa sobrang laki at tahimik feeling ko may multo. Pagkababa ko ng hagdan ay nakarinig ako ng hagikhikan kaya sinundan ko yon, mula yon sa kusina.

Nagulat ako nang maabutang ang dungis ng mga kapatid ko dahil sa ice cream na hawak nilang tatlo. Inilagay ko ang pareho kong kamay sa bewang ko at pinagmasdan sila. Kumain na ba to ng lunch? Baka mamaya' manakit ang tiyan ng mga to.

Hindi parin nila ako napapansin dahil tutok sila masyado sa kinakain. Unang nakapansin saakin si Duke.

"You're awake."

"No. Nag-sleep walk lang ako." tumayo siya at iiling-iling na naglakad papalapit sa pwesto ko.

"Tss. You like throwing jokes huh' hindi naman benta." mahina ko siyang sinapak sa tiyan nang makalapit na siya saakin. Inalalayan niya akong makaupo sa upuan.

"I preapared lunch wait here." tumango ako. Agad siyang kumilos para paghapagan ako ng pagkain.

Nakita kong inosente nang nakatingin saakin yung dalawang bata na nakaupo sa harapan ko. Guilty mga mukha dahil alam nilang, hindi ako pumapayag na kumain sila ng ice cream na higit pa sa isang maliit na baso. Ngayon kasi ay halos kasing laki na ng mukha nila ang galon ng icee cream na pareho nilang nilalantakan.

"Kumain ba muna kayo bago niyo sinunggaban yan? Kayo ah." napatingin ako sa platong nilapag ni Duek. Umupo siya sa tabi ko at ipinagsalin ako ng tubig.

"Kumain muna kami ng kanina Ate. Syempre naman." sagot ni Klyde na taas baba pa ang kilay.

"Yeah." sagot lang ni Kade. Tumango nalang ako at nag-umpisang kumain, pagbibigyan ko sila ngayon. Napailing ako nang matapos kong tumango ay bumalik sila sa paglantak ng ice cream. Pasaway talaga.

"After this.. Can we talk?"

Nilingon ko si Duke na pinapanuod lang akong kumain. Bakit instant caring at bait tong bakulaw na to? Last time I check maangas to ah?

"Sige." sagot ko parin. Nagulat ako nang ngumiti siya.

Hanep sa gandang ngiti, pang commercial! Naramdaman ko tuloy ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Ha' I didn't know na marupok ako? Umiwas ako ng tingin sakaniya, aatakihin na ako sa puso eh.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay kinilig ako dun ah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status