Share

Chapter Five

Tungkol kaya saan ang gusto niyang pag-usapan namin? May importante ba siyang sasabihin? O baka naman tungkol parin to sa polo niyang nadumihan ko? Siguro naman hindi diba? Masyado namang mababaw na dahilan yon.

Lumabas na ako ng kwarto'ng ipinahiram ni Duke para sa mga kapatid ko. Medyo nakakahiya pa nga dahil binilhan niya pa ng damit ang dalawa. Kakatapos lang maligo ng kambal at ngayon ay nagpapaantok na, sanay kasing matulog sa dapit' hapon ang mga yon' at gabi na magigising.

Bumaba ako ng hagdan at hinanap ang kinaroroonan niya para makapag-usap na kami at kanina pa ako nai-intriga sa sasabihin niya. Pagkababa ko ng hagdan ay pumasok ako ng kusina baka sakali' kako' andon parin siya, pero dalawang kasambahay lang ang naabutan ko.

"Ay' Ma'am! May kailangan ho kayo?" masiglang tanong nung isa. Inikot ko ang paningin ko sa kusina, nahihiya kasi akong sabihin na hinahanap ko Amo nila.. parang ang harot. Napakamot ako sa pisngi ko... Paano ba?

"Hinahanap mo ba Sir, Ma'am?" tanong naman nung isang kasambahay, nahihiya akong tumango. Ugh' ang pabebe ko naman. Ang ganda ng ngiti nilang dalawa habang nagtuturuan kung sino magsasabi kung nasaan si Duke.

"Nagbilin ho' si Sir na sabihing nasa Opisina siya at doon daw po kayo papuntahin pag hinanap niyo po siya." parang buteteng' sabi nung naunang kumausap saakin kanina.

"Ako nga pala si Keight, Anong pangalan niyo?" tanong ko para maiwasan nila ang kakaiba nilang iniisip tungkol saamin ni Duke.

"Ako po si Mirai at eto naman po Kiki." napatango ako. So si Mirai yung madaldal at unang palasalita at yung mabilis maka-gets ay si Kiki.

"Nice to meet you Mirai and Kiki." ngumiti ako sakanila.

"Nice to meet you too Ma'am. Keight." ngiting-ngiti si Mirai na akala mo eh nagpapalakas saakin eh' hindi naman ako ang magpapasahod sakaniya.

"Nice to meet you Ma'am." magalang ang ngiti ni Kiki. Kumpara kay Mirai mas pino ang kilos ni Kiki. Saglit pa akong nakipag-kwentuhan sakanilang dalawa, bago muling umakyat ng hagdan at pumunta sa katabing kwarto ni Duke, Ayun daw ang Office niya.

Kumatok ako ng dalawang beses bago ko buksan ang pinto, hindi naman naka-lock yun kaya agad akong naka-pasok. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at seryosong nakatingin sa hawak niyang folder.

Umupo ako sa harap niya, at hinintay siyang matapos sa pagbabasa. Habang naghihintay ay malaya kong napag-masdan ang mukha niya. Infairness legit yung mukha niya' gwapo talaga. Daig pa labi ng babae sa sobrang pinkish. Matangs din ang ilong niya pero hindi naman sobra' pati ang makapal niyang kilay ay sobrang nakakaakit, lalo na kung makikita mo pa ang mata-

"You're drooling." nakangisi niyang sabi matapos mag-angat ng tingin saakin.

"Asa." kontra ko pero pasimpleng pinunasan ang gilid ng bibig ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya inirapan ko nalang siya'. Nakakahiya' shet.

Napatingin ako sa Folder na hawak niya. Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Medyo nagulat pa siya ng itunghay ko ang mukha ko sa folder para makitingin. Pero konti palang nababasa ko ay nabobo na ako' kaya isinandal ko nalang ang ulo ko sa sofa.

"Ano pala pag-uusapan natin?" naghikab ako at nagkamot ng mata. Inantok ulit ako. Nung hindi siya sumagot ay tumayo na ako. Wala naman ata siyang balak magsalita eh, kanina pa ako naghihintay.

Nakatayo na ako at handa ng humakbang nang tumayo rin siya.Nakayuko na siya saakin pero kinailangan ko paring tumingala para makita ang mukha niya.

"Help me." napataas ang kilay ko. Help? For what?

"Are you asking for help?" nakakapagtaka lang dahil sa pagkakaalam ko ay malakas, mayaman at makapangyarihan na siya' so anong tulong ang kailangan niya sa hamak na tulad ko?

Ganda lang ang meron ako, paano yon makakatulong sakaniya?

"Paano kung hindi ako pumayag?" tanong ko at seryosong nakipag-palitan ng titig sakaniya.

"I have no choice, I'll use your Brothers to corner you." naikuyom ko ang kamao ko. Kung joke to' wala siyang talent.

"Are you kidding me right now?" nagpipigil na ng galit na tanong ko. How dare he to used my brothers to corner me?

"No. I'm serious. Help me and You and your Brothers will be safe." natawa ako at naglakad na papalapit sa pinto. Akala ko kahit papaano ay mabuti siya at mali ang pagkakakilala ko sakaniya.

"Uuwi n kami." paalam ko bago buksan ang pinto. Pero napatigil ako ulit nang magtanong siya.

"Do you have any idea what is Mafia?." malamig na ang mga boses niya, natawa ak at nanunuyang' humarap sakaniya.

"So? What about that? Gusto mo bang ipagmalaki na sa Posisyon mo ngayon isang pitik mo lang pwedeng mamatay ang mga kapatid ko?." ramdam ko na ang galit na unti-unting nabubuo sa loob ko.

"I am the Boss. So yeah, that's possible" humarap ako sakaniya at itinuro ang dibdib niya. Nagi-init narin ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha.

Gusto ko siyang sigawan at awayin. Gusto kong tunmakas dito at ilayo ang mga kapatid ko, Pero kailangan kong pumayag sa kagustuhan niya. Buhay ng mga kapatid ko ang nakasalalay sa offer niya.

"What.do.you.want.?" nanggagaliiting tanong ko. I really am dissapointed in him. Akala ko ay iba siya' he's so caring earlier that na halos makalimutan ko na ang tungkol sa Orginasasyon niya.

But, It's all a lie. Ginawa iya yon para kuhain ang loob at tiwala ko para madali niya akong mahingian n tulong. Blangko ang mga mata ko ng muli akong mag-angat ng tingin sakaniya.

"Tell me what you want, Duke. I'll obey you." nakita ko ang dumaang gulat sa mukha niya ng makita ang malamig kong emosyon.

"Be My Wife. Marry Me Keight." 

"Okay." tanging sagot ko at tumakbo na papalabas ng Opisina niya. 

Dumiretso ako sa kwarto kung nasaan ang kambal na napapabuntong hininga na yumakap sa kanilang dalawa na ngayon ay ang lalim na ng tulog. 

Hindi ko makuhang tuluyang magalit sakaniya. Dahil kahit hindi ko tinanong ang dahilan kung bakit kailangan niyang magpakasal ay basang-basa ko sa mga mata niya ang pagka-desperado. At may bahagi sa loob ko na gusto ko rin siyang tulungan. 

"Hays.. Keight. Anong gulo ba tong pinasok mo." binatukan ko ang sarili, umaasang kahit papaano ay matuhan ako. Nasilaw at ako sa kagwapuhan niya at napapasunod niya ako ng ganito. Tutulungan ko nalang siya, alang-alang narin sa mga kapatid ko. 

Tumayo ako nang mag-sink in na sa utak ko lahat ng nangyari ngayong araw. Nakita ko ang paper bag sa gilid at nakitang damit yon para saakin. Nag-shower ako at nag-desisyong bumaba para makapag-handa ng hapunan. Ang sabi niya kanina nung kumakain kami ay dito na kami magpalipas ng gabi; kaya nakakahiya naam kung hindi ako tutulong sa kusina at pang-bawi narin sa pagsundo niya sa mga kapatid ko' kahit hindi pa ako sure kung bukal sa puso niya yong ginawa. 

"Mirai, Ki' Ako na magluluo pahinga na kayo ng maaga." sabi ko sakanila. Natuwa naman silang dalawa kaya agad silang, umexit. 

Nung ako nalang mag-isa sa kusina ay muli ko nanamang naramdaman ang laki ng bahay at halos mabingi ako sa katahimikan. Umiling ako at iniwasang mag-isipng kung no-ano. Binuksan ko ang ref at namili ng pwedeng lutuin. Nahilo ako sa dami ng laman non' halos lahat ata ay nandito na. 

Inipon ko ang kakailanganin ko para sa pagluto ng Kare-kare. Hindi ko alam kung kumakain si Duke nito, pero eto ang gusto kong ulam, kaya ito ang lulutuin ko.

Klyde's Point of view,

Nag-unat ako ng katawan ng may maramdaman akong nasa paahan ko, sinipa ko yun kasi akala ko unan. 

"Aray!" nagulat ako at napaupo sa kama ng biglang dumaing si Kade. Hindi pala unan. 

"Ops. Sorry Bro-" napatingin ako sa buong kwarto. Nanlaki ang mata ko at mabilis kumapit kay Kade.

"Bro! Nasaan tayo? Hindi naman natin kwarto to!" 

"Nasa bahay tayo ni Kuya Duke." simpleng sagot niya wala manlang ka-energy energy. 

Nakalimutan kong nandito kami ngayon sa Bahay ni Kuya Duke. Si kuya Duke alam niyo' gwapo siya, hawig kami' kaya nga magaan loob ko sakaniya eh. Tsaka pala-libre din siya kaya laking tipid kapag naging tropa mo haha. Hindi nga alam ni Ate na bago pa yung Ice cream , kumain na kami ng halo-halo eh with ube and leche flan pa. Huh' galante talaga mga gwapo.

"Lets go, I'm starving."  sabi ng kakambal ko. Englisher yan kahit taga Pinas' kaya elib ako diyan lagi eh. Binuksan niya yung pinto, at dahil gutom na ako, sumunod narin ako. 

Nakasabay pa namin si Kuya Duke pababa ng hagdan kaya kumapit ako sa short niya, kasi nakakatakoy hagdan pre' ang tirik. Mukha pang madulas. Nginig tuhod ko diyan kanina nung paakyat kami eh. 

Nakaabot na kami sa baba nang maamoy naming tatlo ang mabangong ulam. Agad akong naglaway dahil ayun ang amoy ng Kare-kare ni Ate! Tumakb ako papasok ng kusina at agad umupo sa upuan. Tumabi naman saakin si Kade na excited narin deep inside his heart, panis' englishing. 

Pero medyo matagal na kaming nakaupo sa harap ng lamesa wala paring kanin, nalulungkot na yung kare-kare. Nilingon ko ang pwesto ni Ate na dapat may dalang kanin pero ayon na nga' naharang pala ni Kuya Duke. 

Nag-moment pa nga ang mga bida.

"Kuya Duke naman. Yung kanin po h'wag niyo namang harangin." gutom na gutom na pakiusap ko. Nagkatinginan pa sila na umabot rin ng five miutes  bago parehang natawa. Nyay' nilanggam na ang kanin. 

Inuna pa lovelife bago sikmura. Nakow' Wag niyong tutularan yung ganiyan at manginginig nalang kayo sa gutom, akala niyo pa dahil sa kilig. 

Munting Pangaral mula sa gwapong Klyde *wink*

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Salamina Marimpoong
thanks admin ....next chapter please
goodnovel comment avatar
Salamina Marimpoong
wow nice Love story ang ganda naman to
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
exciting basahin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status