Chapter 1

Chapter 1

Josephine's Pov

Nakarating ako sa isang bangketa na may mga batang lansangang natutulog sa sahig na walang sapin na kahit ano. Naaawa ako sa kanila. Hindi ko na kaya pang magbigay nang pagkain sa kanila o magbigay ng saya sa mga mukha nilang yayat na. Hindi katulad nang dati na nagagawa ko ang lahat...

Sa tantiya ko ay malapit nang mag alas kwatro ng madaling araw. Saan kaya ako pwedeng matulog kahit ilang oras lang?

Saan kaya ako kukuha nang makakain ko bukas? Namin pala ng anak ko. Hay, napakaraming problemang dapat kong gawan ng paraan. Masakit sa ulo.

Napagpasyahan kong tumabi na lang sa mga batang lansangan tutal ay ngayong umaga lang naman.

Napangiti ako ng mapait. Sana bukas pag gising ko ay may maisip na akong solusyon sa problema ko para bukas.

Napakalamig.

Nagising ako sa napakalamig na hampas ng hangin na tumatama sa balat ko. Noong una ay nagtataka ngunit nang maalala ko ang nangyari ay napaiyak na lang ako. Wala man lang akong kumot at unang dala.

"Ale, ale, eto pong damit. Pwede niyong gamitin para hindi kayo gaanong lamigin." Sabi ng batang katabi ko na himalang nakaupo na at nakasandal sa sarado pang tindahan.

Ngumiti ako saka walang arteng kinuha ang ibinigay niyang 'damit' daw. Damit na ito para sa kanila samantalang basahan lang 'to sa mansion.

Isa iyong gula-gulanit na mahabang damit. May kakapalan Ang tela at sapat na siguro para maibsan ang panginginig Ng aking mga kalamnan.

Dahil sa tindi ng lamig ay ibinalot ko 'to sa katawan ko.

Hindi ko alam kung anong oras na ngunit bago pa man sumilay ang araw ay maaga pa rin akong nagising.

Kailangan kong makahanap nang kakilalang pwede kong pansamantalang tuluyan. Kahit na sino sa mga kakilala ko na masasalubong ko ay hihingi ako ng tulong.

Dala nang matinding paghahangad na may matuluyan ako mamayang gabi ay lumakad ako papunta ng palengke. Hindi ko alam kung bakit doon ko napiling pumunta. Basta ang alam ko, kailangang mabuhay na magiging anak ko.

Sa aking paglalakad sa loob ng palengke ay hindi ko kinaya ang masangsang na amoy ng isda at mga manok kaya napaupo ako sa tabi ng isang may kalakihang grocery store--at doon ko nakilala Ang may-ari ng tindahan; si Lei--na siya ring nagmagandang loob na kupkopin kami dahil may anak rin siya sa pagkadalaga at asawa.

Makalipas ang walong buwan...

"Manganganak ka na Josephine? Sandali lang, kailangan ko nang tulong sa kapit-bahay." Natatarantang lumabas at nagtawag ng masasakyan ang babae.

"Salamat, Lei. Ang laking tulong na nang nagawa mo para sakin. Samin ng anak ko."

"Wag kang magalala, Josephine. Tutulungan pa kita sa abot nang makakaya ko."

Maya-maya pa ay dinala na nila ako sa isang pampublikong ospital. Maingay at napakaraming nanganganak na tulad ko. Mga sumusigaw na sa sakit dahil sa paghilab ng tiyan. Hindi ko nga alam kung mas masakit ba ang likod ko o parang gusto ko lang magbawas.

"Parang awa nyo na, unahin nyo na ako.... Manganganak na ako... Nakalabas na yung ulo nang anak ko..." Nilapitan ko yung katabi kong babae sa upuan. Oo, nakaupo pa ako at kalmante kahit na humihilab na nang pagkasakit-sakit ang tiyan ko.

"Ate, mahiga ka. Titingnan ko kung pwede na kitang mapaanak."

Napatulala yung babae sakin. Nagdududa siguro.

"Wag kang magalala, nurse ako ngunit hindi rito sa ospital. Nurse ang trabaho ko bago ako magbuntis." Nginitian ko Ang babae.

Ngumiti na siya sa akin saka humiga sa kinauupuan naming malinis na kama kanina. Pumunta naman ako roon sa gawing dulo at sinilip yung bata sa may pwerta nya. Nakalabas na nga yung ulo nung bata kaya sabi ko "Umiri ka nang mariin. Masasakal ang anak mo kung pipigilan mo pa ang paglabas niya."

"Ahh!!!"

"Sige, pa lalabas na siya." Nakangiti kong sabi saka hinawakan yung isang kamay niya. Suporta at pagpapalakas ng loob dahil hindi niya kasama ang asawa. 

"Aahhh!"

"Uhhaa..."

"Sa wakas, lumabas na ang baby mo! It's a baby boy, congratulations." Napalawak ang pag ngiti ko saka sumigaw. "Nurse, nurse, kailangan i-incubator 'tong baby. Naninilaw pa siya!"

Biglang nagsidatingan ang mga nurse at isang doktor na napangiti sa akin.

"Paano mo napa-anak yung kasama mo eh buntis ka rin?"tanong sakin ni doktor na pogi.

"Nurse Po ako at iyon ang trabaho ko dati, ang mag-assist ng mga manganganak.

"Napaka kalmante mo pa. Goodluck sayo, misis."sabi niya saka umalis. Pumunta na sa emergency room.

Gusto kong tumili ng bonggang bonga pero hindi ko ginawa. Pogi kasi ni Doc eh, haha. Saka I'm only 20 at batang bata. Napangisi na lang ako sa aking naisip.

Naramdaman kong bumubuka na ang aking birth canal kaya sumigaw na ako."Manganganak na ko!"

Binalot na nang dilim ang lahat sa paligid ko pagkatapos niyon.

Nawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa paligid ko pagkatapos.

Nagising ako sa napakatapang na mabahong amoy. Ah, Ammonia. Naalala ko ang nangyari kanina. Yung anak ko?

"Buti naman misis at gising kana. Akala ko matatagalan pa bago ka magising. Mahihirapan kasing mailabas yung baby mo kapag tulog ka." Nakangiting nurse ang nabungaran ko pagmulat ng mga mata ko.

"Saka hanga ako sayo misis kasi nakapagpaanak ka pa bago ka manganganak. Napakagaling mo talaga."

"Salamat. Nurse kasi ako kaya alam ko kung ano ang dapat gawin." nahihiyang sagot ko naman.

"Nakaayos na ba lahat, Nurse Jen?"

"Yes, Doc."

"Hello misis. Ang tapang mo kanina ah. Anyway, kailangan mo nang manganak. Manhid na ba yung pakiramdam mo?"

"Yes, Doc pogi."

"Huminga ka nang malalim saka umiri."

"Ah!!!" ngunit kinapos ako nang hininga.

"Isa pa."

"Aaahh!"

"Malapit na, konti na lang."

"Aaahhh!!!"

"Isa pa ulit.Huminga ka nang malalim saka mo unti-unting irelease yung hangin."

At ginawa ko nga kahit na butil-butil na ang pawis ko sa noo.

"Aaaahh!!!"

"Got you're baby! Congratulations misis! It's a baby girl!"

Hindi ko inalis ang mata ko sa bagong silang kong anak. Nawala lahat nang pagod ko pagkakita ko sakanya. Ipinaibabaw ni Doc Pogi si baby sa dibdib ko saka pinutol ang pusod.

Lumapit yung isang Nurse na lalaki. Jared yung nakalagay sa name plate nya.

"Misis, Anong ipapangalan nyo kay Baby Girl?"

"Dahil anghel ang baby ko sa buhay ko, Bagay sayo ang pangalang Lucilla." Kausap ko sa baby. Ngumiti siya saka unti-unting sumiksik sa dibdib ko. Nagustuhan niya yung ipinangalan ko sa kanya!

"Lucilla Angela Iarna."

"Ano pong surname?"

Dahil sa tanong na iyon ay sumulak ang galit ko. Hinding-hindi niya makikita ang anak niya kahit kelan! Pagkatapos niya kong pabayaan sa kahihiyan at sa galit ng mga magulang ko? No way!

"Ano pong apelyido?" ulit nung nurse.

"Atlantica." Siguradong hindi nya na mahahanap pa ang anak ko dahil isinunod ko ang apelyido nya sa apelyido nila Papa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status