Chapter 2

Chapter 4

Lucilla Angela Iarna Atlantica's Pov

"Ahaha!. Wala siyang tatay.... Hahahaha!"

'Yan ang sumalubong sakin sa unang araw ng eskwela. Hindi ko akalaing ganito kawalanghiya ang mga magiging kaklase ko. Biruin mo iyon, papasok pa lang ako sa room namin iyan agad 'yung sinabi? Hahaha tawa lang kayo, darating din ang araw at ako naman ang tatawa sa inyo.

Iniharap ako ni Mama sa kanya. "Wag mo silang pansinin, Lai. Kahit wala kang Papa nagagampanan ko naman diba? Basta tatandaan mo, mahal na mahal ka ni Mama, ha? Sige na, pumasok ka na at magsisimula na ang klase nyo. Susunduin ka ni Mama mamayang uwian. Wag kang aalis agad. Hintayin mo ko, ayos ba?"

"Opo, Mama. Tatandaan ko lahat ng bilin mo sakin, promise." Itinaas ko yung right hand ko para sa promise ko.

"Okay. Give Mama a kiss on her lips."

Binigyan ko siya ng isang matunog na halik sa kaliwang pisngi.

"Bye, baby girl."Mama wave her hand.

"Bye, Mama hihintayin kita mamaya..."

Oras ng klase pero natutulog yung katabi ko. Kahit ilang beses kong sikuhin ayaw magising eh.

"Pag isang siko ko pa at hindi ka nagising..."

Nagulat ako kasi bigla siyang nag angat ng ulo mula sa desk namin saka tumingin sakin. Este ngumiti pala.

"Anong gagawin mo kapag hindi ako nagising?" Naghihikab na tanong niya sakin.

"Ah....eh....hehe." Iyan lang nasabi ko. Pano kasi ang ganda nung mga mata nya. Blue eyes ang lokong batang natutulog.

"Tssss. Kala ko naman kung ano na." Tapos ay dumukdok siya ulit sa desk namin at nag panic na ko kasi padating si Maam sa gawi namin.

"Hoy, blue eyes gumising ka. Padating si Ma'am sa gawi natin." pasimple kong bulong sa katabi ko sabay tapak sa paa nya.

Napatayo tuloy syaa nang wala sa oras.

"Ano po yun Maam Sheryl?" sabi pa nya na ikinahagikgik ko.

Napatingin sya sakin ng masama kaya tumigil ako sa pagtawa.

"What's wrong with you Mr. Standing Ovation?" nakataas ang kilay na tanong ni Maam.

Nagtawanan yung mga kaklase naming bully tapos inaaway na sya.

"Hahaha! Hindi kasi nakikinig kay Maam kaya di alam na di naman sya tinatawag!" Sabi nung matabang baboy na pagkaliit liit naman. Pasimuno ng mga bullies 'to eh.

Di ako nakatiis kaya tumayo ako at nagsalita na. "Hoy, matabang baboy na pang litson naman, wag mo ngang binubully 'tong katabi ko. Alisto lang sya kasi nakita nya si Ma'am na sa kanya nakatingin kaya tumayo sya bigla. Ang engot mo talaga." Sabi ko sabay dilat.

"Aba't! Sinong matabang baboy na maliit, ha?"

"Ikaw, bakit may angal ka?" tapos tinapatan ko pa sya sa upuan nya. Mas matangkad ako eh, hehe.

Siga ba? Bluff lang 'yan. Baka kasi kumagat sya.

"So-sorry. Sabi ko nga."

"Haha! Duwag naman pala sya, hahahahahaha. Babae lang tiklop ka agad? Ahahahahahahaha. Siguro crush mo si miss beautiful no? Patay ka ngayon sa kanya!"sabi ni blue eyes. Na lalo kong ikinatawa.

Simula noon, naging kaibigan ko na si Mr. Blue Eyes. Lagi na kaming magkasama. At syempre, sinasabi ko rin kay Mama lahat ng nangyayari sa school. Biruin mo grade 1 pa lang magkasama na kami nitong si Jed Carlo Asistio.

"Natahimik ka na naman jan, anong iniisip mo?"-si Jed

"Hmp. Para naming hindi mo alam yung iniisip ko eh mind reader ka." Sagot ko na nakairap.

"Ahahaha oo nga pala nakalimutan ko, hehe sorry."

Pag ganyan na yung sagot nya sakin, alam ko nang may hihilingin 'tong pabor sakin. Nahihiya lang magsabi.

"May sasabihin ka sakin?"nakangiti kong tanong.

"Haha kilalang kilala mo na talaga ko, Lai. Aayain sana kitang sa bahay na lang tayo maghapunan. Sama na lang natin si Tita Josie. At yun ay kung gusto mo lang naman."-Jed

Napangiti ako, syempre gusto ko kaya di na ko nagpakipot. Kasama naman si Mama eh saka sa kanila naman kami lagi kumakain kapag napag tripan namin hehe.

"Sige ba. Tara na?"

"At ikaw pa ang nagyaya ha. Bakit bahay mo ba yung pupuntahan natin?"

"Satsat pa nang satsat eh. Tumayo ka na jan para maaga tayo makarating sa inyo." naka pout kong sabi.

Nasa school pa kasi kami. Uwian palang naman pero naka tambay na kami dito sa harap ng canteen. Favorite spot eh.

"Oo na, tatayo na nga oh, hehehe."

"Lai, Jed, aalis na kayo?" Habol nung tindera samin.

"Opo, Ate Joy. Mag de-date pa kami nitong labs ko eh." Sagot ni Jed sabay akbay sakin.

"Hoy, Mr. Blue Eyes, yung kamay mo nga kung san san lumalanding eh, nakakairita!"

"Hindi pa rin talaga kayo nagbabago. Ganyan na kayo simula nung grade 1 kayo ah. Magkasintahan ba kayo?"

"Si Ate Joy naman. Hindi po. Ito kasing loko na 'to." Hinampas ko si Jed sa balikat nung kamay ko.

"Parang kasi eh. Napaka close nyo kasi. Yung parang magdyowa, ganon."

Simimangot na ko kasi alam ko naman kung san na naman pupunta 'tong usapan na 'to eh. Magpapa-cute lang si Ate Joy kay Jed, hmp!

Napatingin sakin si Jed nung napansin sigurong nanahimik na naman ako.

"Hoy, natahimik ka na naman jan?"

"Wala! Bagal mo kasi eh. Nakikipag flirt pa sa iba." Nakapout kong sabi. Alam na ni Jed na may topak na ko pag ganyan na yung kilos ko kaya magpapaalam na sa kausap.

"Anong sabi mo?"nagtatakang tanong pa nya sakin.

"Wala!! Sabi ko nagugutom na ko saka nagaalala na si Mama sakin. Papadilim na kaya."

"Okay, sabi mo eh."

Tapos umalis na kami dun sa harap nong canteen. Kabastos ni Jed, di man lang nagpaalam dun sa kausap nya kanina. Pero ciempre natutuwa ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status