Chapter 3

Chapter 3

Anita Allen Asisitio's Pov (Mama ni Jed 'yan)

Napangiti ako pagkakita sa padating na anak ko na kasama si Lai. Ang sarap nilang titigan. Di nakakasawa.

Buti na lang at kampante ako na dadalo rin si Josephine sa hapunan namin dahil nga natanawan ko na yung anak nya.

Lumapit si Lai sakin. Nakipagbeso-beso saka nagmano sakin.

"Magandang Gabi po, tita Ana." Saka ngumiti nang pilit. May problema yata sila ni Jed...

"Jed! Pumarito ka nga at may itatanong ako!!" sumisigaw kong sabi. Nasa hagdan pa lang siguro 'yon at papanhik sa itaas nang bahay.

"My, nasa shower na 'ko! Baba na lang ako pagkatapos ko."

Kaya naman pala masama ang timpla ni Lai eh. Iniwan nang walangyang batang 'yon. Di man lang siguro nagpaalam. Tsk. Tsk.

Nilapitan ko si Josephine na nakaupo sa sofa sa harap ng t.v. namin.

Nakatunog naman cia agad na gusto ko ciang makausap nang sarilinan.

"Lai, anak, pumunta ka muna sa itaas." Utos ni Josephine sa anak.

Pagkaakyat ni Lai sa hagdan ay saka ako nagsimulang magtanong. "Anong balak mo ngayong nakita mo si Lemuel sa palengke?"

"Wala akong balak gawin, Anita. Hindi nya malalamang may anak sya sakin at si Lai 'yon. Pagkatapos ko siyang tanungin kung paano kung magkaanak na kami? Biruin mo, tanong pa lang 'yon. Sinusubok ko pa lang sya sa kung ano ang magiging reaksyon nya at kung anong isasagot nya pero pagkatapos nya kong saktan, sampalin nang dahil sa tanong kong 'yon ay hindi na sya nagpakita!! Walang kwentang naging lalaki pa sya!" tiim-bagang na sabi ni Josie.

"Pero sa malaon ay malalaman din ni Lai ang lahat. Hindi ba mas mainam na habang maaga pa ay sabihin mo na sa kanya?"tanong ko.

"Bukas ang isip ni Lai dahil bata pa lang sya ay sinabi ko na ang ginawa nang tatay nya sa amin. Alam nya ang lahat lahat. Hindi ko rin inilihim na buhay pa ang tatay nya at nasa tabi-tabi lang."

"Pero Josie, dalaga na ang anak mo. Ilang taon na nga sya? 13?"

"Tama ang bilang mo, kumare. Dalaga na pero bata pa rin. Saka alam kong malaki ang tiwala sakin ng anak ko. Maiintindihan nya ako at sigurado 'yon."

"Hay, desisyon mo 'yan. Sana ay masabi mo kay Lemuel ang lahat bago tayo mawala rito sa mundo. Knowing na may cancer tayo pareho. Si Jed ay siguradong magwawala kapag nalaman nya na may sakit ako. Samantalang si Lai ay kalmante at matatanggap agad ang lahat." Napailing na lang ako. "Kahit gaano ka pala kayaman ay mababalewala rin dahil hindi mo ito madadala sa hukay mo."

"Wag kang magsalita nang ganyan, Anita. Makakagawa pa tayo nang paraan. Maisasalba pa tayo pareho nang kayamanang meron ka. Tandaan mo, may awa ang Diyos sa atin na nangangailang mabuhay pa nang matagal."

Naiiyak na niyakap ako ni Josephine.

Jed Carlo Asisitio's Pov

Nakatapi lang ako nang tuwalya na lumabas mula sa shower. Kampante na walang katao-tao sa sarili kong kwarto pero nagulat ako dahil nakatulog si Lai sa mismong kama ko.

"Woot. Buti na lang tulog sya kaya hindi nya ko nakita sa ganitong ayos ko. Paniguradong magwawala 'tong bespren ko..."

Dali-dali akong nagbihis ng tshirt na blue saka jersey na may nakalagay pang "JED" sa bandang kanang ibaba ng short.

Alam kaya ni Lai ang lahat nang pinagdaanan ni Tita Josie bago sya ipanganak? Na-meet na kaya nya yung Papa nya? O baka patay na ito at walang sinabi si Tita tungkol doon??

Haaayyy. Ang dami kong tanong na hindi maitanong kay Lai dahil ayokong masaktan sya. Mahirap patahanin 'yan eh. Iyakin pa naman.

Pano ko kaya masasabi sa kanya ang lahat lahat nang ikinukwento ni Tita Josie nang hindi sya mao-offend?

Naupo ako sa gilid nang sarili kong kama habang pinagmamasdan ang mala-anghel nyang mukha. Tama si Tita. Isa siyang anghel na hulog nang langit dahil nawawala ang mga agam-agam ko kapag tinititigan ko cia. Kapag ngumingiti si Lai ay parang tumitigil ang mundo ko.

Napaka weird ng pakiramdam na 'yon para sa isang 13 year old-teen ager na katulad ko. Nararamdaman din kaya ni Lai na parang may kung anong koneksyon sa pagitan namin?

Tama na nga ang pagiisip nang walang kwentang bagay, Jed!! Kaibigan mo si Lai at hindi ka dapat magisip nang kung anu-ano. Wag kang pakialam sa pagkukwento sa kanya dahil hindi mo karapatang sabihin ang mga napagdaanan ng Mama nya. Lalo na ang pagisipan sy na parang nagugustuhan mo na sya.

"Hindi ka naman kasi mahirap magustuhan Lai...." Napalakas kong sabi.

Sa kung anong kadahilanang hindi ko rin matanto ay napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Mommy na nakangiti sa nakitang eksena. Nakangiting pinuntahan ko si Mommy.

"My, kanina ka pa ba jan?"

"Okay lang 'yon Jed. At least panatag ako na makakaalis kapag ganyang hindi nyo maiwan ang isa't isa ni Lai. Wag kang magalala, anak. Boto ako kay Lai para sayo. Pero wag muna ngayon ha? Ang bata nyo pa." nakangiti pa ring bilin ni Mommy.

"Ikaw talaga, My. Kung anu-anong pinagsasasabi mo." Niyakap ko si Mommy nang mahigpit. "Sana lagi kayong nanjan na nagpapalakas ng loob ko."

"Kung pwede lang anak, bakit hindi? Alam mo naman na hindi habang-buhay ay nanjan ako para sayo, diba? Permanente pa rin ang pagbabago sa buhay ng tao kaya wag kang magpakasiguro. Sa bawat desisyon mo ay kailangang may goal ka. Mabuti ang layunin ng bawat gawa mo. At lagi mong iisipin na mahal na mahal na mahal ka ng Mommy."

"Yes, My. Hindi ko kakalimutan ang mga pangaral nyo sa akin." Saka ako kumalas sa yakap kay Mommy.

"Gisingin mo na si Lai at tena sa baba. Baka lumamig na ang espesyal kong nilutong Adobo. Yung parehas neong paborito ni Lai."pagkasabi niyon ay umalis na si Mommy.

"Lai, Lai, gising na. Kakain na daw tayo." Bahagyang niyugyog ko pa si Lai para tuluyan na syang magising.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status